| Register
Candidly

A Blast from the Past (in photos)

Filed under: Features — CandyM0d at 9:41 pm on Thursday, February 14, 2013

I received a letter from the management of Music Museum last week requesting for  photos of my previous shows.

Panic! Panic! Why?

The pictures had to be submitted tomorrow. Agad-agad?!

I went through my files and got stuck… Hanggang sa araw na ito, di pa ako umaabot dun sa pictures na kailangan ko mahanap.

                             

 

Pero totoo talagang pictures can move and capture the moment. It can retell a lot of things happening when you took the shot. There’s the event itself, the unspoken thought in my mind, and also the people’s reaction. Ang dami ko pang naaalala na mga behind-the-scene pics, conversations, all happening at the same time.

Yung mga plano ko noong mga panahon na yun, natupad ko ba? Maliban sa sarili ko at mga tao sa paligid ko, meron ding tumatakbo sa utak ng kumuha ng picture. Bakit siya ang kumuha ng picture? Bakit di siya kasali?

To top it all, maliban sa nangyayari sa akin, merong nangyayaring mga kaganapan sa bansa at sa ibang bansa. Di pa yata uso noon ang viber o ang WhatsApp. Paano nga ba kami chumichika at saan kami pumunta after kinunan yung picture? Ano ba ang pinanggalingan ng picture na ito? Hahahaha! Baliw ba ako? Slight.

Pero aminin niyo na totoo ang mga sinabi ko na naganap at nangyari nung kinunanang picture. Daming kuwento. Daming nangyari. Pero aaminin ko na napako ako sa three large plastic envelopes…

Ang wedding pictures ko, hanggang ngayon ay hindi ko na-submit sa photographer namin yung napili na pictures kasi nga, naghiwalay na. Hahahaha! Nakatipid yung photographer namin sa album. I had about 1,000 pictures. Walang OA. Ang dami talaga. Merong numbers sa likod at nakita ko yung 1001… Hahahaha!

Siyempre, wag niyo na po hanapin yung groom. Kung ako nga, di ko na makita ngayon, kayo pa… Ganda at saya lang naman ng pictures kaya I want to share. Dedmahin niyo na yung okasyon na wedding at tingnan na lang yung moments captured. This is actually the first time I am posting my wedding pics. Okay na naman ako kaya puwede na. I’m sure okay na rin naman s i ex. Sayang naman yung event. Magamit ko man lang sa blog. Hahahaha!

Ang dami ko pang interesting pictures. Sobrang interesting, di na puwedengi-post. Next time pag may oras mag-scan, post ako ulit. Yun na. Go!

No Comments »

No comments yet.

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a comment

Username
Password
Forgot Password? | Register