Candidly

Hiram…

Filed under: Features — CandyM0d at 4:19 pm on Friday, March 23, 2012

Hello, PEPsters!

I’ve been busy taping for the afternoon series Hiram na Puso with GMA-7.

It’s really fun working with director Andoy Ranay, who’s been my friend since college days (so recent lang yun, hehehe!). It is fun and, at the same time, puts more pressure on me because I don’t want to disappoint and let him down for including me in this project.

It’s also nice to reunite and work with old colleagues like Ms. Ayen Munji and Mr. Gardo Versoza, na parehong baliw off-cam (baliw in a positive way).

I have also met new friends in the cast and staff. It’s my first time to meet and work with Mark Herras, Bela Padilla, Polo Ravales, and Kris Bernal, who always reminds me of how fat I am, kasi nga, ang payat niya.

I have to admit na kakaibang species din naman ang mga staff namin headed by our kakaibang species na executive producer, Mr. J.

Pero ang talaga nga namang kakaiba ay yung story about heart transplant and how the original heart owner will affect and transpose the life, thoughts, and emotions of the new heart owner.

At meron po itong scientific research and testimonies na may mga kaso na yung bagong heart owner ay naging asawa ng nabiyudo na heart donor. Yung mga memories, likes and dislikes noong heart donor ay napapasa sa new heart owner. Puwede pala. Totoo nga kaya?

One Sunday afternoon I had the chance to chat with a good friend, Fr. Vic Sadaya, CMF, Rector of Claret Theology house. He’s also a psychologist. True enough ay talaga namang sinuportahan niya ang heart transplant story na ito. Ang sabi niya, ang puso daw po ay puro dugo kaya puwede talaga.

Marami din naman palang stories about blood transfusion na nag-iiba ang ugali ng taong sinalinan ng dugo pag bagong salin ito. Minsan ay biglang sumusungit kaya nga merong term na “dugong tigre.” Kaya nga daw minsan nasasabi ng mga tao sa isang bata, “Ang lakas ng dugo ng nanay at kaugali talaga ang bagets.” O di naman kaya, “May lahi ba tayong kastila at meztisa ang bata?”

Furthermore, we were saved by the Blood of Christ, and that makes all of us children of God. Oo nga naman. Taray!

We all have in us God’s character, and it is by choice if we wish to use it. Kaya pala merong innate goodness ang lahat ng tao because of the Blood of Christ that saved us. Taray! Parang lalong lumalim ang pagkakaintindi ko sa kuwento dahil sa mga explanation na ito sa akin.

Parang sakto nga naman ang mga words na ito sa panahon ng Lent. “Lent,” as in pinahiram sa Tagalog. God gave us, not lent, but gave us His son for us to live eternally in glory. He lent us our earthly lives in preparation for our big bang eternal life. Our heaven can start here depending how we live our life. Indeed, may ganun nga!

Lent came from the word Lencten, which means the “spring season.” Spring and springtime, according to Wikipedia refers to rebirth, renewal and regrowth. The period of transition from winter to summer. Mula sa taglamig na buhay, overhaul nang bongga ang self para sa mainit na bagong renovated na you! Ang saya naman ng pagkakadugtong-dugtong ng mga bagay bagay.

This Lent pa-self tune-up tayo at ire-assess how we are living our lives, making use of our talents and resources to give warmth to all.

Speaking of talent, di ko puwedeng hindi sabihin na “napakagaling na artista nung Ms. Gina Alajar. At ng dahil sa kanya, napapa-reasses ako ng sariling kakayahan ko. Maraming salamat.

Pag-usapan naman natin yung Gina Alajar sa susunod na entry. Pa-tune-up and overhaul muna ako para bongga ang rebirth at renewal to a better me. Yun na! Go!
P.S. Panoorin araw-araw pagkatapos ng Eat Bulaga.