| Register
Candidly

Nakalimutan ko, e.

Filed under: Events — CandyM0d at 12:09 pm on Thursday, October 21, 2010

Alam niyo ba yung pakiramdam na meron kayong sasabihin pero dahil sa sobrang daming nagsalita o biglang meron ibang pinag-usapan o kailangan gawin, nakalimutan mo yung dapat mong sabihin?

Yikes! I wanted to update my  blog earlier but then, I totally forgot what I wanted to write about. Hahaha! True!

I was right in front of my laptop, staring at the screen in confusion. What was I supposed to blog about? I couldn’t remember. It happened like twice before I decided to write about it. Guess why? Because I forgot again what I wanted to blog about. Hahaha! Scary indeed!

Is this because of age? My mom who is 72 years old still knows by heart the phone numbers of her friends. However, she often forgets where she left her mobile. Ouch! That is another major blur for me. I usually forget where my mobile is, my car keys, my jewelry, my, oh my…Why do I forget? Is it because there are too many things in my head? Am I doing so many things at the same time? Am I doing something that I am not supposed to do?

Did you ever call up someone on the phone and the minute the other party answers, you forget what the purpose of your call was. Hahahaha!

Nakalimutan na ng tao ang “Quirino Grandstand  Hostage” nang bonggang-bonggang nagpakitang gilas si Charice Pempengco sa Glee. Ang lahat ng Pilipino ay nakatutok kay Charice at nakalimutan na ang report ng IIRC.

Pinanood ko si RAIN sa MOA. Opo, nagbakasakali ako na meron akong kaaliw-aliw na mapapanood. Malayo naman ang inayos ng show na ito mula sa huling Korean star show na napanood ko sa Araneta. Ang boy band na U-Kiss ang unang nag-perform. Nakatatlong beses nang pabalik-balik ang grupong ito sa Manila. Nakalimutan yata nila magbaon ng bagong gagawin.

After the long wait ay lumabas na si Rain. Kumanta at sumayaw ito ka-join ang kanyang back-up dancers na parang mga mini-me niya, dahil pare-pareho sila ng itsura. After three songs, napagod si Rain at huminto sa kakatalon at kakaindak. Huminga at pumirmi, habang walang tigil ang pagtili ng madlang audience na naghihintay sa sasabihin ng Asian Pop Star. Kumaway, nag-flying kiss, ngumiti, at nagtanggal ng shades na lalo namang nagpakilig sa audience. Ayan at nakabwelo na si Rain para chumika at bumati nang maayos sa mga Pilipino.

Rain: Aahhh…Philippines…

Audience: We love you, Rain!

Rain: (Nilakad ang stage nang pabalik-balik ng dalawang beses, at di na siya nakapagpigil, biglang nagsalita…ng Chinese!)

Audience: Ano daw?

Nakalimutan yata ni Rain na ang audience ay Pilipino at hindi mga Chinese. Nakalimutan yata ng mga producers magdala ng interpreter para maintindindihan si Rain. Nakalimutan yata nila na importante ang communication. Nakakatawa dahil excited na nagsalita si Rain, habang nakanganga ang lahat sa sinasabi niya. Buti na lang, mabait din ang mga Pinoy. Noong natapos siyang magsalita ay nagpalakpakan at naghiyawan kasehodang hindi nila naintindihan ang sinabi ni Rain. Okay na rin…

Two weeks ago, sumama ako sa Red Cross sa Bagong Silangan, Quezon City. Meron kasing feeding for more than 180 children, ages 0-6 years old. Ito naman po ay fight against malnutrition. Ang mga batang ito ay mula sa mga pamilyang nasalanta ng Ondoy. Huh, Ondoy?! Last year pa yun, ha?! Last year pa nga, sabi ng taga Red-Cross, pero wala namang mga projects na nilunsad para tulungan sila makabawi. Binigyan lang ang karamihan ng clothesat food ‘tapos yun na yun. Nakalimutan na natin ang mga libu-libong pamilya, na nawalan ng bahay, kamag-anak, at ari-arian, na lubos na kailangan ng tulong na hindi one-time lang. Ayon sa Red Cross, karamihan sa mga batang nasalanta ang pamilya ng Ondoy ay merong malnutrition problems.

Alam niyo ba na one month bago ko nabalikan ang entry na ito…Opo, nakalimutan ko.

Showing na nga pala ang Petrang Kabayo ni Vice Ganda. Kasali ako dun at directed by Wenn V. Deramas. Pinapalabas na rin ang sa ABS-CBN, kasali din ako dun. Kaya wag niyo naman kalimutan panoorin.


One week na akong may sakit. Meron akong pesteng ehem. Pag may sakit ka pala ay mas maraming bagay ang naiisip ko, nagmuni-muni ako.Masama din naman pala ang sobrang pag-iisip bilang nalullungkot ako sa ilang mga bagay. Pero na-realize ko rin naman that worrying will not help. Even if I cry and whine, money will not fall down from heaven. The best option is to be joyful and live in joy so that blessings may come.

O di ba, a positive attitude attracts a multitude. Pauso ko lang ‘yan kasi magka-rhyme.

At the height of my fever, ongoing din ang preparations ko para sa birthday ni Quentin. Dapat go kami ng Hong Kong kaso nakakatakot at baka mad sila sa Pilipino. Di naman kami mestisahin at katangusan ng ilong para isiping Americans or Europeans. Kaya birthday party na lang here sa ‘Pinas. Wala ng special venue kasi last minute preparations nga. Voila! Mache Torres, owner of St. James College and co-member ko sa Zonta, ay pumayag na gamitin ko ang kanilang school gym. Panalo! Mabuhay ka, Mache!

I really wanted to meet the parents, teachers, plus the administration, security and maintenance people of the school. Bakit? Ganun talaga! I deliberately did not get an emcee that would continuously talk throughout the party, nor a magician, etc. Quentin will not enjoy sitting down and watching the magician and clown. Quentin will not enjoy joining the games. I rented out three huge inflatables, and made sure there was overflowing food for all. That’s it!

The party started at 3:00 p.m. with a celebration of Holy Mass. The principal of the pre-school, Mrs. Montealegre, was present. She was the commentator for the mass. After the mass, the kids couldn’t help but be kids. Mrs. Montealegre sternly asked the kids to sit down and be quiet. Para kaming military camp. All the kids quietly and obediently did so. Wow! She sure knows what she’s doing.

After a few minutes of silence, I decided to break it and just be Candy. I held the mic and announced, “It’s Quentin’s birthday…Kids, let’s eat, slide, and party!” They became like soldiers in a battle doing an assault, and they all shouted and ran to the huge slides. The rest is history. The slide was a winner. The kids really enjoyed.

As I was looking at the kids, parang ang dami. Naku, di ba, 21 kids lang sila sa classroom? Ang daming bata na hindi ko kilala at hindi ko man alam kung sino ang kasama. Pati pala sa children’s party, uso ang gatecrashers. Kaya pala nagbibigay ng stub para sa carts ang ibang party kasi OA sa pagka-get ang mga uninvited guests. Nakakatawa kasi huling-huli sa video na yung bantay ng dirty ice cream, kumuha ng mga five fun sticks sa Nestle. Kitang-kita ko rin naman na ang pabalik-balik pala ay mga gatecrashers.

Well, blockbuster ang party ni Quentin. Marami sa mga friends ko ang di nakarating…Ah…eh…nakalimutan nila…Okay lang naman at naiintindihan ko sila.  The point is, masaya si Quentin and that’s what matters. Habang ngitngit na ngitngit ang mga assistants ko dahil nakita nila kung paano in-ambush ang mga carts, deadma naman si Quentin. Slide lang siya nang slide!

To top it all Quentin wasn’t able to eat. The caterer packed up around 6:30 p.m. Quentin was the last to use the slides. Okay na rin. Ubos na ang food sa cart. Wiped out na ang buffet. Sininghot yata ang food sa pasta station. Pero okay lang, steady si Quentin. Sa laki ng binayad ko, heto si Quentin, get ng Fita na biscuit sabay-sabing, “Delicious…Thanks mom.”

It was indeed a day of celebration and thanksgiving. It’s a miracle how Quentin has slowly developed in seven years. It’s amazing how we survived seven years. As I look at Quentin now, I thank God and all the teachers, therapists, and friends who have showered us with their love and care.

Raising Quentin, raising a special child, I think, is one chapter of my life that I will never forget because it made me who I am now. It is continuously molding me to no end. Thank you Lord for the seven years and the years to come.

Marami pa akong gustonng sabihin pero ang haba na ng entry kaya gagawa na ako ng follow-up bago ko pa makalimutan. Go!