| Register
Candidly

Okay naman sana

Filed under: Features — CandyM0d at 6:30 pm on Wednesday, September 8, 2010

Hello, PEPsters!

Patawad, paumanhin, pasintabi ng inyong bwiset sa dahilan na ako ay naging pabaya at hindi ako gumawa ng blog entry. Okay naman sana ako with my busy schedule, ngunit sa isang party na dinaluhan ko, meron akong nakilalang lalake na kay husay sa flower arrangement. Ang kanyang bungad sa akin, “Alam mo, noong hindi pa ako sobrang busy, binabasa ko ang mga blogs mo sa PEP, as in looking forward ako sa mga blogs mo.” Agad naman akong sumagot n, “So ngayon, hindi mo na binabasa?” Inosenteng nagtanong ito, “Sumusulat ka pa ba? When ka last nag-update?” Oo nga naman, paano nga naman siya magbabasa kung di ako sumusulat.

Sa birthday ng sister-sisteran kong parlorista na si Celeste Tuviera ito naganap. Ang layo ng celebration ni Celes. At lalo pang lumayo ito dahil mas malabo pa sa hostage investigation ang directions papunta sa rest house nila sa Cavite. Saan ka naman nakarinig ng directions na sa poste na may ilaw, na maraming tricycle na nakaparada at may tindahang busy, doon ka liliko. Only in the Philippines, di ba? But believe it or not, I found the place. Okay naman sana at nakarating ako sa party nang mas maaga, kung hindi ako nalito dahil nagsarado nang maaga ang tindahan na busy.

When I arrived at the party, totoo nga ang text: “Please be in white.”

The place looked like heaven, with everything neatly-arranged, furniture appropriately-harmonized, and the sumptuous food being served to the guests. To top it all, heaven was filled with angels, my friends.


Okay naman sana yung work, bahay, takbo, Quentin, work, family, GB, community, work…until that party, when I realized how much I missed my friends. Okay naman sana if I didn’t enjoy laughing with them, listening to their stories, and totally being curious on how life has been treating them. Thank God for friends. They didn’t ask what happened but they were simply happy I was there.

Okay naman sana ang negotiations nung hostage-taking sa Quirino Grandstand until nagwala ang kapatid ng hostage-taker kaya pilit itong dinadala sa camp.

Okay naman sana yung mga batikos na natatanggap natin mula sa Hong Kong after the hostage crisis. Pero yung magkamali tayo ng pinadalang bangkay sa kanila ay sobrang nakakahiya na talaga!

Okay naman sana ang last shooting day ng Petrang Kabayo kahit 5:00 a.m. ang call time on the set kasi, natapos naman kami before 10:00 a.m. Okay na talaga kasi kakaibang experience yung literal na hinahabol at hinihintay namin ang araw. Masaya and achieved naman ni Direk Wenn Deramas ang gusto niyang ma-achieve.

Okay naman sana kung kung type ikuwento at i-chika sa akin ng isang bagong komedyante ang tungkol sa isang mas senior na komedyante na meron daw itong bisyong casino. Sa shooting namin sa Hyprodome ito nangyari at lubos na nag-aalala ang acting niya. Cut to noong hapon, hinahanap namin siya, hindi namin makita. Asus! Nasa casino pala at naglaro. In fairness, nanalo naman siya. Binanggit ko kay bakla at binigyan ako ng ang daming ad-lib na sandali lang naman daw siya, slot machine lang naman daw, sinubukan lang naman daw ang blackjack. Okay naman sana kung hindi siya nagmalinis pero ginagawa naman pala. Tsk! Tsk!

Okay naman sana ang patuloy kong goal na pagpapayat, kaso, always na lang umuulan kaya parati akong hindi nakakatakbo. Hanggang sa dumating na ang oras na pag tatakbo ako ay hinihintay ko na ang ulan. Magandang excuse ang weather para sa katamaran.

Okay naman sana na mataba ako kung meron akong mga damit na kakasya sa akin, kung comfortable ako sa weight ko, kung di ako nabibigatan sa sarili ko…Sa dami ng reklamo ko, malamang hindi naman talaga okay ang damit.

Papunta ako ng party at handa na akong magbihis. Pagbukas ko ng cabinet ko, ang dami kong choices ng damit na susuotin. Amazing! I am free from black. Hindi na ako mukhang araw-araw ay nagluluksa. Hindi ko na kailangan magtiis sa long sleeves kahit mainit ang panahon. Ang payat ko na! Agad akong kumuha ng backless at jeans. Swak na swak sa panlasa ko. Walang tabang sumisilip at nagsisigawan na pumiglas sa sikip ng damit ko. Nakakahinga naman ako ng maayos. Nasarado ko ang butones. Humarap ako ng salamin at parang natuwa naman ako sa nakita ko. Nag-heels ako at hindi masakit ang paa ko. Hindi ako nabigatan sa sarili ko. Ayos ito! Ang bilis ko nagbihis. Hindi napuno ang dressing room ng papalit-palit na damit. Kasya ang damit. “Ma’am, 7:00 a.m. na po.” Boses ng assistant ko. Okay naman sana kung hindi pala ako nananaginip. Whew! Nagising ako sa truth! Mataba pa rin pala ako.

Okay naman sana ang indie film na ginagawa ko with Jake Cuenca entitled ? kung matapos namin ito bago magkaroon ng gamot sa HIV. Last shooting day na lang kami at hindi pa magkatugma ang mga schedule namin. Okay sana ang mga skeds namin. Okay naman sana.

Okay naman sana na lumipat ang artista sa kahit anong istasyon na gusto niya basta walang away at siraan. Wala akong pinariringggan, sad lang na ang daming magka-away ngayon.

Meron kaming show “UST ARTISTS FOR UST” on September 18, 2010, at 6:00 p.m. sa UST Medicine Auditorium. It is a show for all visual, literary, and performing artists of this university. I hope a lot of people come and watch the show. Okay naman…sana…

Nakakatuwa yung Juicy na show. Maliban sa mga juicy na blind items, masarap sila panoorin kasi magaan at masaya. Sobrang nag-e-enjoy ako panoorin na nag-e-enjoy ang mga hosts sa naturang show. Dahil enjoy sila, nag-e-enjoy din ako. Sana, walang mapikon sa mga artistang bina-blind item. Okay naman sana, di ba?

Kayo kamusta naman kayo? Okay naman…sana.

Okay naman sana itong entry na ito, kung naaalala ko kung saan papunta ang sinusulat ko. Pero dahil hindi ko maalala, tama na ito. Yun na!