| Register
Candidly

Bata, bata, bakit mo ginawa?

Filed under: Features — CandyM0d at 10:31 pm on Thursday, June 10, 2010

Two weeks ago, we were very busy playing hide and seek with the robbers who attempted to get more from our house by sneaking in thrice in three consecutive days. On the fourth day, they just threw stones, checking if there were people around.

May 22: Kumuha ang mommy ko ng guard para sa bahay ng mga madre na nasa Visayas Avenue kasi po, pinasok sila ng mga magnanakaw thrice. Between 4:30 am to 5:00 am pumasok ang magnanakaw. Nakakatawa itong mga foreigner na madre na ito. Days before the burglars entered their convent, one of the sisters saw a young boy jumped over to their side of the fence. She calmly asked the boy, “What are you doing?” Ad-lib naman ng bata, “I was just checking on the mango tree,” sabay akyat ulit ng bakod ang bagets, na tinulungan pa ng madre na makaakyat muli.

The first time the burglars entered, they took away the computer at the community office. The sisters didn’t know that a burglar broke into the convent. They all thought that mother superior simply brought the computer to her room.

The next day, around 4:30 am, one of the sisters heard footsteps, and thought it was another sister who also woke up early to prepare breakfast. She opened the door to her room. She had an eye to eye contact with the burglar. In fear, she quickly shut her door.

‘Tapos binantayan ng driver nila, and for the third time, the burglars came. The driver saw five young boys, age 14-17.

Where do these kids pass? The neighboring house, which is unoccupied. It used to have a guard until a new owner acquired the property. Basta, one day, we just saw that house totally wrecked. Imagine, pati yung tiles ng pool tinuklap. Ang pinakanakakatawa, yung bakal na gate, ninakaw din. Ang laki kaya nun. ‘Tapos binebenta dun lang sa kanto, na walking distance sa bahay na kinatay. Kaloka!

May 23: Meron nangbabato sa bubong namin around 1:00 am.

May 25: Around 2:00 pm, kaka-swimming lang namin ni Quentin sa kanyang inflatable pool. Eating time na. On our way to the house, I heard some noise from the roof.

I asked the driver to check. “May pusa daw.” Diretcho kami ni Quentin pumasok sa house. Bigla ko narinig ang isa sa mga kasambahay na sumigaw ng, “May Tao sa bubong…” Nagkagulo ang lahat. Takbuhan lahat sa may bar area.

Nakita ni Fe, isa sa mga angels, nakita na tatlong lalake ang nagnanakaw  ng yero. Hindi nila nahabol dahil ang bibilis ng bata. Pagbaba ng mga driver sa bubong, asus, bumalik pa ang isa sa kanila at kinuha yung naiwan na yero. Kay tapang!


May 26: Lahat ng tao sa house, on our toes. We just went inside the main house when my son’s yaya shouted “Jackson, sa bubong…”

Hindi namin narinig kasi nakatapak daw yung bata. Pero ang lapit na niya sa pagbaba sa may bar area.

Feeling action stars ang mga drivers namin. My driver Jackson ran towards the area hurriedly with the ladder. He was followed by my mom’s driver, who was helping in the kitchen. Parang di matatakot magnanakaw sa itsura niya bilang naka-apron ito at may dalang sandok.

Nagmistulang foreman tuloy ako for the past week bilang nagpa-construct ako ng mas mataas na fence. Wired fence na pagkataas-taas. Nagpalagay na rin ako ng kuryente. Kasi naman kakaba-kaba kami. Kahit anong oras, pag may kumalabog ay napapatak ako. Mali-mali na nga ako, nagiging nerbyosa pa. Anak ng tokwa! Ilang gabi kaming puyat at kakaba-kaba  hanggang matapos ang electric fences.

Just last night, takbuhan na naman kami at merong mga kalabog sa roof… Mga ibon/kalapati na sumasayaw sa lumulutong na yero dahil sa sudden change of weather.

Nakakaawa din naman ang mga batang ito. Naisip namin, baka naman pang- enroll. Naisip din namin na hintayin mga magnanakaw at malumanay na kausapin. Pero baka naman lalong mabwisit sa daldal ko at saksakin ako sa dila. Tinanggal ko na ang mga sobrang yero sa bubong. Tinago sa baba. Lagyan ko kaya ng sign na “THIS WAY,” sabay katabi ko ang yero, may kape, saka ko kausapin kung bakit nila  ginagawa ito.

Binato na naman kami recently, nakita ni Direk gb na mga bata.

Mga bata ang ginagamit ng mga sindikato ngayon dahil may bagong law na bawal ikulong ang mga menor de edad na mga bata.

Natakot, nagalit, nabuwisit hanggang naawa ako sa mga batang Ito. Ang daming emotions ang nailabas nila sa akin. Pero wala naman magagawa ang pag-worry ko, kaya pinahinga ko na ang akin kabadong isip. I put my heart to rest and prayed that God will always keep my home, my family, and my belongings safe. I also pray for those kids to be safe and be enlightened.

With this situation, I realized that my son is still so blessed because he is not forced to climb houses and steal. Grabe, kakaiba ang earth!

Yung barangay nga pala pag tinatawagan namin, nauuna pa yung tsismis na inakyat kami kesa sa pagdating nila sa crime scene.

Nagsimba ako nung Sunday. Nagtanong ako kung bakit may signage ng “Tocino sold here” na malaki sa gitna ng street. Ay, ninakaw daw yung manhole. Delikado kaya hinarangan at baka may malaglag.

Siya nga pala, yung kanto na junk shop sa Visayas Ave. corner Fisheries St. Bagong paint ang house ‘tapos merong magandang second floor with terrace. Yun na!