| Register
Candidly

Summer memories

Filed under: Features — CandyM0d at 9:16 pm on Wednesday, March 31, 2010

Last Sunday, March 28, everybody at home was very busy preparing for a day trip to Bataan, where an outreach program would be held. Excited lahat pati si Quentin at mga yaya. The parish priest of Dinalupihan, Bataan, invited my community to do a show for their formation house.

We left at 8:30 a.m., then arrived at Bataan a little before 11:00 a.m. Off we went to the venue, where a special mass was celebrated for us. We had a real quick lunch before going back to St. Marguerite School, where we were staying (the Franciscan sisters are good friends of the family). We rehearsed, then had the show at 8:00 p.m. We finished at 10:00 p.m., then traveled back to Manila. Tired.

At 1:00 a.m., say ni mama, ”Grabe, ang daming nangyari ngayong araw na ito. Ang daming puwedeng mangyari in 24 hours.” Tiningnan ko siya gamit ang aking pagod na mga eyes. Kasi parang gusto pang magsimula ng chikahan. “Hindi ba? Kanina lang pumunta kayo sa Bataan ‘tapos nag-show. Ngayon, nandito na tayo ulit.”

Wala na lang akong lakas para sagutin si mama that moment. Pero the thought got stuck in my mind, because sometimes, I have the tendency to spend my day doing useless things like surfing the net endlessly. Ang init kasi lumabas kaya pag di naman masyado important yung lakad, e, dito na lang ako sa loob ng house.

Oo nga, summer! Sayang nga naman ang chance to spend more time with Q. Saka sayang ang chance to do so many things bilang less traffic pag summer. I have to admit that the scent of summer and the atmospehere come Holy Week make me remember so many things.

I remember noon, every holy week, my family would go to Villa Escudero in Tiaong, Laguna. I grew up swimming in the man-made lake and eating by the falls while my feet were soaked in water. Nag-dive pa nga ako noon mula dun sa terrace ng cottage by the lake to make yabang sa mga friends. Malay ko bang mababaw lang pala yung dun sa tabi ng cottage. Na-chichay ako nang tumusok ang fez ko sa lumot, habang naka-angat ang legs ko up in the air.

Pag ganitong mga panahon, time for Pabasa. Every year, since birth, meron na kaming pabasa. It’s been a family tradition. Kakaiba din naman ang effect ng pabasa. Noong bata ako, tawang-tawa ako nang todo sa pabasa. Pero ngayon, natatawa pa rin ako. Yun nga lang pag binasa mo talaga ang nakasulat dito, nakakaloka! Kahit paano nakita ko na yung essence nito with matching words like soldados, palamara, lilo and tibobos.

Bilib ako sa sumulat ng libro ng pabasa. Kasi hindi naman madali yung ginawa niya. Sinulat niya mula creation story of Adam and Eve hanggang sa present times. In fairness, when I mean present times, this day and age after the death and resurrection of Jesus. Universal ang writing. Abala sa rhyming para pag kinanta at nilapatan ng tone, pasok sa nota. Ibang joy din naman ang hatid ng pabasa sa mga tao. Parang chance na ng mga senior citizens to shine. Kunwari nahihiya pa hawakan yung microphone. Pero once nahawakan yung microphone, ayaw na pong bitawan ito. Di ba, nakakatawa, nakakaaliw! Para sa pabasa fever ang ending emotions ko diyan ay “If you can’t beat them, join them.”


Pag nag-pabasa na kami, signal na yun, simula na ang summer. Pag naamoy ang mainit na hangin ng summer, it’s a call for a Tagaytay escapade.

Impossible hindi dumaan sa Tagaytay para magpalamig. Binigo ako ng Tagaytay last week nung pumunta kami ni Direk GB.

Tirik ang araw at lapot ang beauty ko. Balikan lang naman kami kasi meron akong meeting ng 5:00 p.m. We left Manila at 10:00 a.m., and we were at Sonya’s garden a little pass 12:00 noon. Just in time for lunch.

Meron na namang bagong hall ang Sonya’s. For those who haven’t visited Sonya’s in Tagaytay, naku, bakit?!? Go ka na and mag-nature trip ka. Sa Sonya’s, lahat ng hinahain sa iyo ay mga pananim nila sa kanilang garden. The meal per head is about 600 pesos.

It’s an abundance of bread with different pate and butters, salad with choices of dressings, three kinds of Pasta sauce, at meron pang turon, kamote que and chocolate cake for dessert, and to cap it all, there’s Tarragon tea. It has been the same menu for years. I just hope they add something new for the taste buds. Baka naman masyado na sila nag-focus sa aesthetics at kinulang na sila sa dining experience. Totoo naman na busog na busog ang mata mo sa ganda ng paligid. Busog din naman ang tummy mo dahil hanggang sumuko ka, refill lang ng refill ang mga lolong waiter.

Pero napansin ko lang na mas masarap yung turon dati kasi ngayo na merong langka. Yung turon na kinain ko last time, parang matigas. Other than that, I suggest that one has to experience Sonya’s garden. Lahat ng balikbayan na dinala ko sa Sonya’s ay natuwa naman talaga.

Summer indeed is here. Even the smell of the summer air and the brightness of the sun’s rays remind me of a lot of things. Gets niyo ba yun?

May mga bagay na bigla kang naaalala sa mga ganitong panahon. Minsan nga, yung feeling ang mas bumabalik. The memory, either good or bad, is still a summer experience. Hindi siya puwedeng i-transpose sa Christmas time, kasi hindi ganun ang set-up nung background. Naku, sabi nga ng mama ko, ang daming puwedeng mangyari sa 24 hours. Sa dami ng summer time na dumaan sa buhay ko, ang dami na ring happenings ang naganap. Merong mga tao sa life ko na pang-summer lang.

I remember, nagkaroon ako ng mga kaibigan nung bata ako, na hindi ko na sila kaibigan after summer. Kasi naman ang dami kong nalaman about them during our summer escapades.

Meron naman akong mga kaibigan na lalo kami naging close after summer kasi mas nakilala namin ang isa’t-isa. Merong time na umakyat kami ng Baguio nina Direk Andoy Ranay, Harlene Bautista, Sweet Lapus (yata), ako and another friend. Wala na kaming pera at wala kaming tutulugan.

Nakita namin si Amay Bisaya sa isang bar/restaurant, pinautang kami ng 500 pesos at binayaran yung food namin. Tumatakbo yata siyang senator noong time na yun. Sinama niya kami sa bahay kung saan siya nakatira. Natakot kami kasi kasuluk-sulukan yung area. Kapal din naman ng fez namin, kami na ang nakikitira, kami pa ang may kayabangan para matakot.

Di kami natulog dun. Next day, umuwi kami. Traffic pauwi. Tawa kami nang tawa kasi nakita namin kung paano dahan-dahan mabuwisit ang mga tao sa traffic. (Read more… )

Give na give

Filed under: Features — admin at 8:36 pm on Monday, March 15, 2010

Give na give ako this month bilang women’s month. Nakakatuwa because kung saan-saan ako nai-invite to talk and perform. I therefore conclude that people have already accepted na totoong babae ako, minsan nga lang, bumabakla! It’s always an opportunity and a privilege for me to stand in front of a crowd, be heard—be it as a performer or speaker. Iba!

I give credit where credit is due. I would like to sincerely thank all those that took the time to log in and post their comment. (CLICK HERE). I also respect the comment of miabishag, who said, “Did it ever cross your mind if your blog was worth commenting?”

Honestly, it’s a recurring thought. That was precisely the reason why I asked for comments. Tama ka, I really felt baka nga I was just taking space, and my entries weren’t of interest to any readers.

Even as I candidly write this entry now, the idea keeps on crossing my mind. ‘Tapos titigil ako, mag-deep breath at maaalala ko sila niknok, glendac, wahrennegl95, ellisgil, sisteract100, gingersnap, Brownsugar, scumbag_dublin, sa22long, torontogirl, mark67, sweet_baby_ria, lovejlc, meterrado, burying, rhykz, echuzerra, starbelle, ria_air, rotoscaper, gimikera, mariesays, and etc… at itutuloy ko yung ginagawa ko.

I also realized that kailangan give din naman ako ng effort to update my entry para alam niyo na buhay pa ako. Tama ka rin naman mindfreak79, there are certain situations that dedma is fine.

Tama rin kayo na less talk-less mistake is better in certain situations naman po. But if you are in the office kung saan bawal ang Internet, oo nga, less browsing, less chance of getting caught. Dapat naman talaga, everything is in moderation kasi nga, pangit din naman kung pa-involve tayo nang pa-involve.

Napuno ang Ynares gym ng Antipolo nang bonggang-bongga in celebration of the women’s month. Pag appreciative ang audience, give na give din ang performance ko. Mas nag-enjoy pa yata ako kesa sa mga taga-Antipolo kasi pawis na pawis ako after my spot.  Tumbling, dance, kulang na lang yata ilabas ko yung bituka ko para maaliw, mamangha at matuwa lang sila. (Yikes! Parang kadiri yung idea.)

I was also invited as a speaker for VAW (Violence Against Women), another Zonta project. Bonggang-bonggang napagtawanan namin ang masasakit na realities and facts that women are facing. Opo, tumawa kami pero alam ko naman na may nabaon sila sa gitna ng tawanan namin.

I was invited at NAMRIA, National Mapping and Resource Information Agency. Alam niyo ba yun?

Ako, last Monday ko lang nalaman ang sangay ng government na ito. Basic Mapping Agency of the Philippines. I never realized how important mapping is until I got to meet the employees. When they told me the kind of work they do, walang OA…ayos ha!

At talagang nagagamit siya ng lahat ng other government agencies and private companies. They provide the basic mapping or topographical keberlu, something to that effect, ‘tapos dito naman pinapatong ng Philvocs, DAR, DENR, PAGASA, DSWD, DEPed and DPWH ang kanilang mga data.

In other words, sila ang naglalagay kung saan yung mga slopes, land movements, water, islands, etc. ‘Tapos patong na lang ng patong ng info ang ibang agencies. Pati sa DEPed, maa-identify nila kung saan yung places na merong school at kung saan wala. They can also identify places where there are inhabitants and those with none. Parang ganun.

Meron silang mga equipment na hi-tech. Pero sabi nga nila compared to other countries, low-tech pa rin tayo. Give na give naman ako sa pakikinig dahil todo interesting sa akin ito. Meron din tayong sea-mapping para makita ang seafloor and all the curves and boards. Dito usually nalalaman kung meron tidal wave or disasters na darating.

This department could have helped people faster during the Ondoy disaster, kaso they couldn’t locate the victims dahil marami daw sa atin ang hindi registered ang bahay. Walang number ang mga bahay natin. Lalo na sa provinces…Sad, di ba?!

Life would be easier if every house is registered and numbered. That is one reason why hindi raw makapag- GPS (Global Positioning System) ang bansa natin. Puwede na sa Manila pero sa provinces, hindi pa kakayanin.

Magagamit din ito for election kaso, di ko alam kung bakit hindi nila gamitin. O, baka alam niyo? O, baka naman alam ko? Basta to learn more about this interesting government agency, please visit www.namria.gov.ph. The agency also accepts high school field trips. Tumpak! Give na give ako sa pag-give ng info.

Give na give din naman ang mga kasamahan kong Zontians sa Quezon City with the Z angels as we did another outreach for PCMC (Philippine Children’s medical Center) once again.

Napakalapit na talaga sa puso ko ang mga batang may karamdaman dahil siguro I understand the predicament of the parent and the suffering of the child. I pity the parents, who have to bear with the pain of seeing what what their child cannot do and experience. The sick child doesn’t know what he/she is missing. But the parents do. And thinking that your child is deprived is heartbreaking indeed. It’s even frustrating that parents cannot do anything about the given situation.

Dito naman talagang nadama ko ang pagiging babae ko sa bawat yakap na binibigay ko sa kapwa nanay na nagpapa-picture o nagpapasalamat. Hindi ko man nasabi sa salita, sana naramdaman nila sa yakap ko ang mensahe kong, “Ang husay mong magulang. Kaya mo yan.” Hindi nga ba kahusayan yung maging magulang ka ng batang may sakit na di naman basta ubo o lagnat, cancer lang kaya? Hindi ba?!

Lighter topic tayo…Nag-graduate si Quentin kahapon sa Kindergarten class ng Creative Explorers. They had a graduation presentation with the theme “We can make a change.” All the numbers were inspired by Michael Jackson, and the songs rendered were “Earth Song,” “Man in the Mirror,” etc. The message to impart was please take care of our planet Earth.

Give na give naman ang lahat ng gadgets na pang-video and picture ng lahat ng parents. Pati driver at PA ko ay kumukuha ng picture at video. Heto na yata ang pinakamabait niyang performance, kung saan ay hindi siya masyado nanggulo onstage. Praise God talaga for his development.

Minsan pag-uwi ko, after giving my all in a performance. I get all sorts of feeling. Sometimes, I feel exhausted. Sometimes, I feel energized. And sometimes, I feel weary, confused, or even disappointed.  But this month, with the tidbits of stories I’ve shared to all of you, I was given the reason to smile and go on. Yun na!

No comment?

Filed under: Features — admin at 2:21 am on Sunday, March 7, 2010

Ayan na naman kayo, dear PEPsters!

Wala na naman kayong comment at all sa mga entries ko. Nag-isip ako nang medyo matagal kung sasama ba ang loob ko at papansinin ko na hindi na naman kayo nagko-comment at all?!

Inaamin ko, masama pala ang dine-dedma lang. Sa lahat ng mga okasyon sa buhay ko, ang pinakamasakit ay yung dedma. Okay na yata yung makatanggap ka ng pangit na reaksiyon kesa dedma lang. Kasi sa dedma, hindi ko malaman kung ano ang nasa puso ng mga tao sa paligid ko.

Siguro iyan din ang dahilan kung bakit magkakaibigan kami nina Gelli (de Belen), Carmina (Villarroel), and Aiko (Melendez). Kasi madalas, meron kaming mga sariling mga trabaho at mundo pero pag nag-call for a general meeting ang isa sa amin, ibig sabihin nun, kailangan namin ang opinion ng bawat isa. Wala pa yata kaming pagkikitang apat na tahimik ang table o umuwi kaming talagang nagkaisa kami sa opinion at pag-iisip. Madalas meron opposition or other side of the coin. Pero kahit kailan, walang dedma na reaction. Though meron kaming mga comments na, “Wag mo pansinin at dedmahin mo lang. I think that is the best solution.”

Ang kaso, yung best solution pala na dedma is painful.

Ilang lingo niyo na akong dini-dedma ang entries ko. Siguro kasalanan ko rin kasi, dedma rin naman ako sa mga comments minsan. Ngayon, kahit gustuhin ko man na sagutin ang comments, wala naman akong sasagutin.

Naalala ko dati sa apat na magkakaibigan, meron pong nagkasamaan ng loob at nag-dedmahan na lang. Kapag magkakasama kaming apat. Try i-deadma ang situation pero mas mahirap at mas masakit kasi, hindi alam ng iba kung ano dapat ang gawin para maayos kasi nga, dedma. Eventually, merong nagsalita “aayusin niyo ba ito o hindi?” Ayun, naayos agad kasi tinigil ang dedma.

Sana ngayong eleksiyon, wag naman tayong umarteng dedma. Hindi ko na babanggitin kung sino ang iboboto ko dahil hanggang ngayon nag-iisip ako. Pero wag po tayo dedma. Bansa na ang pinag-uusapan hindi pwedeng dedma sa issue ito.

Mas matagal ang biyahe ng Quezon City to Paranaque and vice versa compared to going to Cebu or Davao. Kung may kaaway ka at plano mo lang i-dedma the whole trip, impossible! Magkakabati kayo sa dami ng makikita sa biyahe.

Dahil nga sa sobrang traffic, we decided to pass by Mariott Hotel near NAIA 3. I’m no expert in the kitchen but I can distinguish good food, good service, and a good place. Mariott Hotel indeed has never failed me with its design and structure. We went to Café Mariott, where my attention was drawn to the frames that they used on the walls. The walls were finished with sealed-tight frames containing our very own crops, in different colors, that added the perfect touch and aura to the place.

They used yellow corn, army green mongo, white beans, coffee beans, red beans, rice, etc. The variety of crops gave me this sense nationalism. Parang gusto kong sumigaw ng, “Mabuhay! Welcome to the Philippines.” Sad nga lang kasi puro foreigners ang visitors, bibihira ang Pinoy. Pero we have a great Filipino staff members and chefs there.

I was able to taste their miso soup that captured the real taste of Japanese soup, with the right combination and freshness of the onion leeks.

I tasted their Maki and it was neither bad nor outstanding. I tasted the Sausage Calzone, and the less starch and flour brought out the juice of the sausage. The bell pepper, tomatoes, cheese, and whatever broth they bused complimented the sausage, and stimulated my sense of smell that made me appreciate the Calzone more.

In all buffets, I always check the cheese and appetizers. This department is often neglected because Filipinos always like to dive on the main course. I love appetizers because the cold cuts and cheese are usually the most expensive item on the buffet. They have a wide variety of Salad choices that would fit any nationality and taste. They only have three kinds of cheese, but they’re the best and just right for the palate.

Dessert…gosh! I was on a diet but I sinned. The marble cheesecake was good, and the three-layered choco mousse with dark choco was a perfect ending for the meal.

The bad news was, even if one had a signed parking ticket, he would still pay. Huh? Sad?!! Who am I to complain? Pasarado na ang buffet at lahat ng kinain ko ay libreng dinala sa table ko for me to taste. Kaya naman, hindi puwedeng dedma lang. Oo nga pala, ganda ng banyo. Iyan naman talaga always ang tinitignan ko. Ewan ko naman kung bakit…

Siyanga pala, I read that Jon Santos finally signed with TV5. Good! Congratulations!

Marami ang nagtatanong kung ano ang effective diet na ginagawa ko? Hindi ko po sinasagot dahil dedma ako. Hindi ko sinasagot kasi po hindi pa naman siya effective.

Nag-attend ako ng wedding nina Leo and Michelle. Hindi ko kayang dedmahin ang wedding na ito bilang ang buong misa ay sa Tagalog ginawa. Mas may tama pala ang wedding vows kung sa sariling wika sinasambit. Say ng lalaki sa simbahan, “Ika’y aking mamahalin, kahit kailan hindi pagtataksilan.” Swak na swak sa panlasa.

Pagdating sa reception nagsalita ang ama ng bride at kanyang binanggit na ngayon siya naniniwala na walang dasal na nasasayang, dahil akala niya, hindi siya pinakikingggan ng Diyos. Parati niyang dasal ay makatagpo si Michelle na mamahalin siya. Maraming salamat Panginoon at hindi mo ako binigo…

Kurak! Hindi siya dinedma ni Lord! Sabay tumulo ang luha ko…noong una, gusto kong umarte na parang wala lang, dedma lang…Hindi ko kaya, napa-iyak ako. Lahat ng bagay, kailangan ipinagdarasal. Walang bagay ang hindi puwedeng basta na lang. Kailangan ipinagdadasal. Wag dedmahin. Sayang!

Yung sinulat ko about medical malpractice na kuwento, puwede ko namang dedmahin. Pero napag-alaman ko na yung tsismis na malpractice na naman ang ikinamatay ay pawang tsismis lang.

Meron akong nakitang blue na bus na may nakalagay na MMDA. Kakaloka kung maka-cut at swerve na parang walang ibang cars sa street. Gusto ko sana dedmahin bilang di ko naman nakita yung plates, pero kailangan kong banggitin na i-check naman nung mga taga-MMDA yung mga drivers nila.

Ang sarap ng halo-halo sa Chowking! Ang hirap dedmahin yung fact na yun…

Hindi ko ma-dedma yung idea na todo ang suporta ng anak ko sa aking pagpapapayat. Kahit hindi naman niya lubos na naiintindihan kung ano ang fat sa thin… Lalo tuloy ako namo-motivate na magpapayat. Kasi alam ng anak ko na kailangan kong pumayat, and I have to set an example of perseverance, discipline, and determination.

Recently, I ran in UP Academic Oval alone. Noon ko napansin na kung dati ay very much at ease ako dahil dedma lang naman ang mga tao sa UP, ang daming nagbago. Years ago, noong tumatakbo ako, kakaunti lang ang nakikita kong tumatakbo. Ngayon, ang dami, pero ang weird ng feeling na parang mas wala akong kasabay tumakbo. Dati, at least meron akong isang makakangitian habang tumatakbo. Ngayon, lahat ng tao merong mga nakasaksak na earphones for iPod sa mga tenga nila. Feeling ko kung sakali sa gabi, at sumigaw ako na natalisod ako na lumabas ang utak ko, dededmahin ako ng mga tao kasi hindi nila ako maririnig dahi sa mga iPod sa tenga nila.

Mas dedma ang mga tao ngayon.

Lalong nakaka-dedma ang mga gadgets na ito. Parang hangin lang ang treatment namin sa isa’t-isa. Well. Ganun talaga. It works well. Nakaka-sad lang na pa-dedma nang pa-dedma ang mga tao sa nangyayari sa paligid natin because we are so busy with our personal concerns.

Kahit sa text messaging, hate na hate ko yung sagot na smiley. Di ko kasi naiintindihan ang ibig sabihin ng smiley. Maraming ibig sabihin ang smiley. Malapit na nga yun sa sagot na pa-dedma kasi walang masagot. Hay naku!

Ang alam ko, ang pagiging over-deadma can actually mean being insensitive to the needs of others.

Ngayon, di pa rin ba kayo magko-comment?