| Register
Candidly

Love month. Love life.

Filed under: Features — admin at 3:20 pm on Saturday, February 27, 2010

Hello there, PEPsters!

Patapos na ang Love month. I remember there was a year na gumawa ako ng stand-up gig regarding the pressures and stress of Valentine’s Day for the singles.

I can still vividly recall yung last lines ko for my major monologue. “Bakit pag Valentine, lahat parang nagvo-volt in to remind us, ‘SINGLE KA!’ Sa mall, nakasabit puro puso, puso, puso…bakit hindi na lang pusod, para maalala natin ang pagmamahal ng nanay sa anak? O di kaya puson, dahil iyan naman ang inaatupag ng karamihan sa panahong ito. Puson, o paa, o batok…kahit anong parte ng katawan ‘wag lang puso, kasi pag puso apektado na ang buong pagkatao. Bwisit!”

I now have someone to share this occasion with. Na-realize ko nung single ako, sarili ko lang pala ang ini-stress ko. As a matter of fact, iba rin naman ang stress ng Love month para sa mga may partners. Saan kayo pupunta? Anong gagawin? May gimik ba of some sorts? Ay, oo nga pala kailangan mag regalo, which is nakalimutan ko nang bonggang-bongga at di naman ako sanay na may ka-Valentine. (Uuuuy! Tuksuhin ang sarili!)

Ang ending, I decided not to conform and compete with the standards of this Valentine’s wave. Wala lang! Go with the flow!

Pero kahit go ako with the flow, sumakit pa rin ang membrane ko nang bigyan ako ng gift at wala akong gift to give in return. Bayaan mo na. It’s not the gift that counts, it’s the thought. Utot! E, kahit nga thought, di ako nakaisip.

Nakaka-stress din pala yung merong ibang tao na kailangan asikasuhin. Di naman po ako nagrereklamo. Mas naiintindihan ko na lang ngayon yung may mga partners.

1. Kung dati nalulumbay ako na walang kasama, ngayon naman naguguluhan ako kung saan pupunta at paano magkakasama due to schedule.

2. Kung dati pag may nakikita ako naka-holding hands sumasakit ang ulo ko, ganun din naman ngayon…napapaisip pa rin ako.

3. Kung dati lahat ng love songs feeling ko kinompose para sa akin to wallow in my solitude. Ganun din ngayon, feeling ko lahat ng love songs kinompose din para sa akin for different times nga lang, depende kung away, bati, muntik na mag-away ang mode namin.

4. Kung dati na-stress ako sa pagpili ng kung anong scent ng oil, type of massage, kind of service, choice of aroma ang pipiliin ko, para ma-relax ako. Ngayon doble pa ang iniisip ko dahil nag-a-adjust din ako sa gusto ng partner ko.

The point is single man or may partner ka sa Valentine’s Day, it doesn’t really matter. What really matters is how one sees things and situations. Ganun pala yun.

Nag-date ba kami? Opo. Sumunod siya sa amin ng mommy ko and sister ko sa Manila Pen dahil meron po siyang show. Nag-Valentine muna kami mag-ina kung saan hinakot namin ang lahat ng bulaklak ng Pen nung 12:00 midnight nung magpapalit na sila ng arrangement sa lobby. O, di ba, daig pa namin ang nag-Dangwa.

Heto na nakakatawa kasi nag-review ako ng tapes. I saw ne meron akong sinulat na sketch regarding having a relationship with a younger guy. Ayun! Sapul! Four years younger sa akin itong lalaki! E, di ba, mataba pa nga ako ngayon, meron ba naman nagtanong kung younger brother ko? Anak ng tokwa! Buti na lang hindi tinanong kung maaga ako nag-baby at anak ko. Alam ko uso ang cougar-cougar! Tse! Kaya pala patok ang lahat ng klaseng pampabata kasi may mga situations na ganito. Pero ito pa ba ang proproblemahin ko bilang this month, mas maraming events ang nangyari sa paligid ko na ikinaloka ko. Ang daming namamatayan. Nakakaloka! Hindi mo na nga alam kung bakit mataas ang presyo ng bulaklak kung dahil sa Valentine or death rate. Ang dami kong hindi napuntahan kasi nga, naloloka na ako sa dami. Parang naubos ko ang black outfits ko. Though, masikip kasi yung iba at hindi kasya.

Sa mga hindi ko napuntahan, sensya. Pero ipinagdasal ko naman kayo at ang pumanaw. Promise.

Attend ako ng event for DepEd, entitled STEP (Students, Technologies, and Entrepreneurship of the Philippines). Bongga, di ba? Meron palang ganun.

Dito ko rin nalaman na ang baba pala ng tingin ng mga bata ngayon sa kanilang mga sarili. Mahina ang kumpiyansa ng kabataan sa mga sarili nila kaya kung anu-ano ang ginagawa sa Earth. Sad, di ba?! Kaya naman kung makapag-boost ako ng morale ng anak ko, papunta na sa pagsasabing, “Ikaw ang susunod na presidente ng Pilipinas.”

I was also shocked to find out na marami palang medical malpractice hindi lang dito sa Pinas, kundi around the globe. Syempre, na-involve muna ako nang bonggang bongga regarding sa mga issues dito sa ating bansa.

Meron akong kilalang pari. Naputol isang leg niya. Dapat pala paa lang. Ayun nagkamali years ago at hanggang tuhod pinutol. Tapos a year after that tragedy, namatay yung doctor na nagkamali. Divine Justice nga naman.

Years after naman, kailangan putulin the other leg kasi the blood wasn’t flowing anymore due to something. Valid naman ito. Bongga! Binisita ko siya earlier this month because I couldn’t attend his 50th sacerdotal celebration. I brought him food. He and my mom exchanged jokes and chika. While Gb and I posed as cheering squads for them. Lahat ng jokes nila, binili namin. Pag-uwi namin, tahimik lahat sa kotse kasi nga heto ang isang taong punung-puno ng buhay, buhay na buhay ang utak, kami pa ang pinatatawa, pero putol ang dalawang legs niya. Meron siyang poster sa room ang nakalagay, “It doesn’t mean that because I’m disabled, I am unable.”  Three days ago, he joined our Creator. Rumors: Medical malpractice na naman.

Kaya pala sa papelmelroti, nung pumunta ako, puro prayers for doctors and nurses ang binebenta nila. Kasi talagang kailangan nila ito. Hindi madali ang trabaho nila. Alam ko mahirap naman tanggapin ang “sorry” from them. Pero tao din sila. Ang bigat ba? Sa sobrang bigat ng issue, kailangan ko i-share sa inyo para mas madami tayong mag-pray for our medical professionals.

Hindi nga ako naka-attend ng YES! anniversary because napatakbo kami sa wake ng paring ito. Sight ko ang happening sa YES! party, bongga! Congrats! Kakaiba din namang propesyon iyang tinatahak niyo. Parang doctor na kapag may masanggi, lagot! Mabuti naman at bati-bati na lahat! Tuloy ang pagbibigay ng magagandang balita! Nakakatuwang balita at nakakagulantang na balita. In fairness sa inyo, maraming mga OFWs natin ang napapaligaya ng YES! magazine! Congrats again.

Iba talaga pag masaya lang. Naalala ng mommy ko ang sabi nung pari. Wag daw mag-alala pag namatay siya, wala siyang dadalawin kasi putol ang paa niya.

Wala tayong karapatan ma-stress whatsoever! Love month. Love life. Yun na!

Let’s start from the very beginning

Filed under: Features — admin at 7:24 pm on Thursday, February 18, 2010

It’s your show, it’s your time, it’s show time!

I was fortunate enough to have been included as a guest-judge in this show. It didn’t really matter thatI was voted out, and everyone was wondering how it happened. The major point here: I learned a lot from such experience.

1st lesson: The Filipinos are so talented. The poverty has pushed the individuals of this country to express themselves through different forms of art. Totoo nga naman na bawat kanto ay merong magaling na singer sa bansang Pilipinas. Every street has it’s own star dancer. The Filipinos are so passionate with the things they do. And with focus and enthusiasm, we can never go wrong. It would be great if the government can help nurture the Filipino talents and not their individual pockets.

2nd lesson: Everyone deserves another chance, not only a second chance, but always, another chance. During my brief stint, the winners hailed for the first three days were all repeaters. In life, we should never close our doors for ourselves to do things again and again, and again. Always another chance to life, another chance to make things better…I read that guilt usually put us down and cut us out from moving forward. Sin causes guilt. Guilt causes damnation. Mali! Mali! Diyan naman talaga tayo bonggang talo pag never natin napo-forgive ang sarili natin. Get up and go on!

3rd lesson: Everything should start from the beginning to succeed. We have to go through a process, and pass each level. If we don’t, then there’s the tendency to have a misstep.

4th lesson: There’s so much strength and power in unity. I have seen how the performers pray at the backstage. I have seen how they affirm each other. I have seen how the staff of this show put so much effort to come up with a good show.

5th lesson: From the fullness of the heart, the mouth speaketh.  Yun na yun!

6th lesson: Not everything we see with our naked eyes is real. But what we see through our hearts is more real and reveals so much. Yung mga instinct at kutob, sundin dahil malamang, tama ka.

7th lesson: People can be deceiving. But if you know the truth, they will fear your presence. Even if one does not lift a finger, the truth will haunt the heart of the concerned and will be bothered. Yun na! Totoo naman… At napatunayan ko na naman po iyan last week nang bonggang-bongga

8th lesson: Nakakapagod makipag-discuss. Kaya pala maraming mga tao ang nasa Muntinlupa na wala namang kasalanan. Napagod silang makipag-discuss. Kasi alam mo naman kung may patutunguhan ang discussion o wala. Basic rule is less talk, less mistake.

9th lesson: Rejection is painful. I felt that after I was evicted. I felt na para akong isang contestant na baguhan na nagsisimula ulit. Napag-isip, napag-muni-muni, nag-alala. I have been in this business for so many years, and until this day, I get this heavy feeling whenever I get rejected. I truly wonder how these contestants feel when they don’t win. Mas pa…

10th lesson: People cry if they are extremely happy and extremely disappointed.

11th lesson: Truly, we aim to show the talent of the Filipinos, pero paano na po sila after? Meron bang kumakausap sa kanila to check if they are ok? Contestants have feelings. Television is a powerful tool to uplift people, to evangelize, to spread some good news.

12th lesson: We all have are tasks to fulfill. I received a twit from a guy the first day I was in Showtime. “Buti na lang napatawa mo ako habang nagbabantay ako sa sister kong nagle-labor dito sa hospital.” In our own simple ways, we can make a difference in other people’s lives.

13th lesson: Ano man ang mangyari, the show must go on, and will go on. Na-evict man ako sa ST. Tuloy ang buhay. Tuloy ang pagpapatawa. Alam ko ang nangyari. Nag-enjoy ako. The ST experience gave my family and I the chance to be bonded and have open communication lines again. Bastah!

Sa mundong complicated, let’s start from the very beginning, and things will be easier, clearer, fairer and fresher. Parang simpleng shampoo commercial lang naman.

Usapang may arte

Filed under: Features — admin at 9:32 pm on Wednesday, February 3, 2010

Lights…camera…action!

Parang two weeks na akong kinukulit ng cousin ko na si Myra, who stays in Alabang, na pupunta daw sila sa Q.C. ng isa ko pang cousin to take lessons. It’s a chance daw for us to bond, bilang bibihira naman silang lumuwas from Alabang. Opo, probinsiya na ang pakiramdam ko sa Alabang dahil sangdamukal na pasensiya at pang-unawa ang babaunin mo sa sobrang traffic. Pero sila, parang sanay na sila sa ganun. Minsan naman maluwag todo. Smooth sailing ang biyahe.

Parang babaeng merong irregular menstrual period ang traffic situation from North going to South and vice versa. Alam mo na talaga kung kailan ang traffic kaya iiwasan mo, kaso minsan, napapaaga or madaling araw na saka pa lang magta-traffic.

Kaya dapat, there should really be a valid reason for one to travel. Lessons, why not?
Ayun, nalaman ko, make-up lessons! Teka, ano ulit? make-up lessons? Huh? May balak bang maging make-up artist itong mga pinsan ko? Saka hindi ko kailangan itong make-up lesson ngayon. Kung lessons iyan how to be thin, baka mag-full enroll ako.

Ang ending, wa na ako join sa lesson. Tambay na lang ako para chumika. Last hour of the four-hour session of the class ako dumating. I saw how involved my cousins were. Totoo ba talagang hindi sila marunong mag-make-up?

As I was silently observing the teachers, my cousins…I realized that they really don’t know how to put on make-up. Grabe! Na-weirduhan ako bakit hindi sila marunong. Kung sabagay, both of them are hardworking full-fledged housewives. Kung sabagay, kelangan bang naka-make up sila sa loob ng bahay? But I have to admit, they both are pretty good parents, wives, cooks, and etc. Pero bakit di sila marunong mag-make-up?

candy2.jpg

Kakatuwa din naman si Hazel, yung make-up teacher, whose make up and photography studio is located at the Venezza Plaza, in front of Burger King on Timog Avenue, Quezon City. I thought that putting on make-up was quite normal. It comes like second nature to a lady. Hindi pala! Pero ang huhusay ng mga cousins kong ito na magbalot ng notebooks ng anak nila. Lahat ay ginagawa nilang personalized. Truly, each person is created differently but we have to learn to blend and co-exist with each other.

PROUD OF CULTURE. I am so proud to be part of the press conference for PIAF 2010, Philippine International Arts Festival, this February. NCCA (National Commission for Culture and the Arts) Chairman Vilma Labrador was there and pointed out that February is the heart month. Totoo nga naman. They chose February because our own works, culture, heritage, artistry should be dealt with love. That’s the way to move forward, and in the long run, achieve economic growth. And aside from loving the arts, there should also be passion and responsibility.

I experienced riding the beautiful carriage, which toured us around the Intramuros area. The manong kutsero found a way to escape the traffic. I was in awe.

People in full Filipino costumes welcomed me. Ganda talaga! There were ati-atihans, higantes, mime artists, street performers, marching band, and a grand train situated in front of Barbara’s. As I went up the carved stairs, kundiman singers serenaded every visitor that arrived. Pag enter, give sila ng welcome drink, buko with its shell pa talaga.

candy1.jpg

candy3.jpg

Amoy na amoy ko ang kulturang Pinoy. Merong mga sumayaw at talaga namang napamangha nila ako. Bakit hindi natin isama ang mga ito sa mga pelikula o palabas natin?

Para makita naman ng marami ang ating kultura? Hindi lang para sa mga dayuhan kundi para sa mga kapwa nating Pilipino, na nakikihiram na lang ng kultura ng iba. Sayang! Ang kulay at ang lago ng kulturang Pinoy bilang meron tayong influence ng mga nag-colonize sa atin. Fusion nga ang ending, e. Ganda, di ba?!!

ASIANOVELA RULES! Speaking of movies, heto na naman kami ni Gagay (Gelli de Belen) at nag-volt in na naman kami nang bonggang-bongga! We really wanted to have some bonding time and updates on each other’s status. Yung totoong status, ha, hindi lang pang-Facebook or Twitter.

candy4.jpg

candy5.jpg

And we did. Pero sandali lang.

Hehehehe! Kasi nagsimula na naman kaming i-discuss ng latest Asian series na pinapanood namin, the sites (including online streaming websites) we visited to get updated about Korean artists, good actors, good series, and the difference of a Taiwanese series from a Korean to a Japanese and Filipino drama series. Ibang level na ang knowledge namin sa mga ito given our observation and non-stop watching.

Whenever we watch their series, ke period or modern ang setting, amoy namin ang touch ng culture nila. Pareho kaming agree na ang Japanese series, they usually tackle mid-life crisis and fast-phased life of the characters. Ang acting minsan, papuntang anime.

Taiwanese series has a fast way of telling their stories and usually, feel-good talaga sila. Pareho din yung ayaw naming mga artista, as if naman close kami sa kanila.

Malinis gumawa ang Korean, saka madetalye. Hindi pilit ang mga biglang twists and turns ng story. Sobra kaming high sa mga K-pop and all. Hindi na kami nakatiis at nanood kami ng gabing yun. Kanya-kanya kaming laptop watch kami and compare notes. Alam na rin namin kung pangit ang seriesjust by watching the first episode.

Hanggang sa make-up nila ay analyze kami. Dito kasi sa atin, kahit matutulog, buo ang kilay at markado ang blush. ‘Tapos pag matanda, kailangan lagyan ng white sa buhok na hindi sa roots nanggaling. Yung white, nilalagay na parang streaks of a squirrel ang itsura. Hindi nagmukhang matanda yung artist, mas mukhang rocker.

REFLECTIONS IN ARANETA. Ang Araneta Coliseum pala, hindi lang para sa mga shows. Nag-attend ako ng one-day recollection sa Araneta. Ang speaker ay si Fr. Cantalamera, papal household retreat master lang naman siya. Nandito siya talaga for the yearly retreat of all the priests nationwide.  More than 5,000+ na priests daw ang nasa World Trade Center at dun lang sila.

Nagsalita din si Cardinal Rosales, at heto ang point nila. Bakit nagrereklamo kayo sa kalagayan ng bansa natin? E, tayong lahat naman ang humubog para maging ganito ngayon. Ang bawat pamilya na nagpapalaki ng isang bata, kamusta naman ang pinapakita ninyo sa mga batang ito? Anong inaarte natin? Kung ano ang gobyerno natin, tayo ang may choice niyan. Sa patuloy daw nating pagpapalaki ng mga anak natin, tandaan daw na ang bawat arte natin ay siyang humuhubog ng isip ng bagets. You’ll never know kung ang anak mo na pala ang next president. Tama ba ang values na na-impart mo?

Napaisip tuloy ako. Imposibleng maging presidente ng ‘Pinas si Quentin kasi delayed nga siya. Pero hindi imposible na maging president siya ng isang malaking company. Naku, kailangan ayusin ko ang mga galaw at arte ko nang bonngang-bongga. Hindi ko naman gusto marinig si Q na nagsasabing bongga as a sign of affirmation sa mga employees niya.

candy6.jpg

Whew! Bago ko isipin ang Philippine film industry, ayusin ko na muna ang Pangilinan household.

Kaya wag tayong umarte na parang wala tayong contribution sa problem ng bansang ito. Kung wala kang ginagawa at all. Kasalanan din yun. Ayaw ko na umarte na parang every thing will be okay. Election na naman, kanya-kanyang acting ang mga kandidato. Kanya-kanyang TV ads na parang hindi sila umaarte. Kaya wag TV ad ang maging basehan kung hindi, kung ano ang inarte nito, o ginawa sa panahon ng kanyang panunungkulan. Nag-iinit na naman ang ulo ko. Ayaw ko naman lumaki ang anak ko sa isang presidenteng puro acting at walang real thing.

Real thing naman talaga sina Zanjoe Marudo and Mariel Rodriguez kaya naman ang sarap nila panoorin sa Precious Hearts Love is Only in the Movies kung saan nag-a-acting acting ng iba’t ibang pagkatao si Marielle hanggang ma-meet niya si Zanjoe, na siyang nagpalaos ng acting abilities niya. Every day at 5:00 P.M., ABS-CBN, nag-pilot kahapon. Cute ng story at cute ang mga director nun—sina GB Sampedro at Richard Arellano.

Panoorin niyo, ha, ‘tapos sabihin niyo sa akin kung maganda ba o hindi, muntik nang gumanda o pa-ganda na, muntik nang pumangit? Don’t worry, hindi ako aarte sa mga comments niyo. I really want to know. Oo nga pala, meron na akong Twitter account. Hanapin niyo.

Bawat galaw, event, and arte ko ay napo-post ko dun. Go!