| Register
Candidly

Rain, rain go away…

Filed under: Features — admin at 6:31 pm on Wednesday, September 30, 2009

When I was younger I always sing, “Rain, rain go away/ Come again, another day/ Little candy wants to play.” I don’t know if it was just coincidence but there were times when the rain would stop after my heartfelt chant. I never got the chance to play in the rain. We first lived in Banawe, Quezon City; transferred to Plaridel St., Dona Aurora, Quezon City; then Visayas Avenue, again, in Quezon City. Lahat yun main roads kaya takot yaya ko na habang laro ako sa ulan, maglaho ako at masagasaan ng cars.

Ganun lang ang ulan sa akin noon. I just wanted to play.

As I was getting older, rain would make me quite happy kasi kapag may bagyo, no classes according to DECS. It’s a perfect day to accept a suitors because the rain brings a romantic setting. It’s also a day to ponder. A rainy day is also a senti-sentihan day. Parang gumagawa ako ng MTV sa window pane ng room ko.

Today, rain means no windowpane but pain…and grief!

As I watch the YouTube videos of cars toppling over and the people embracing the trunk of a tree to save his life, I can’t help but be thankful that my family and I are safe.

Mga kwentong isang batang 10 years old, sinasagip ang ibang maliliit na bata, ang ending siya ang nalunod. Mga pamilya ng kaibigan ko nasa ibabaw ng bubong at di makaalis, naghihintay na may sumagip sa kanila. Mga katawan ng tao na inanod ng malakas na tubig at natagpuan sila sa kabilang creek sa loob ng isang subdivision. Mga taong nakuryente. Mga mukha ng taong umiiyak. Mga kamay na nag-aabutan para tulungan ang isat-isa. Mga batang umiiyak. Mga ina na buhat ang kanilang mga anak. Mga kotseng inaanod. Mga patay na hayop na patung-patong, mga kotseng patung-patong, mga bahay na tinabunan ng lupa.

May napanood akong video na sa una, ang mga bata ay masayang nagtatampisaw sa baha. Ang sumunod na clip, pati yung signage ng poste ay di ko na makita. Pati ang wall ng Corinthian Gardens ay bumagsak. Ang mga kasamahan kong artista ay di exempted sa unos na ito. There was no demarcation line pagdating sa sakuna. Walang mayaman, walang mahirap, walang pinipili ang baha.

Sigurado ako, ang dami niyo na pong nakitang pictures at video. Aaminin ko po na sa sobrang gulat ko ay di ko naisipan kumuha ng picture. Kasi po, parang iba ang dapat gawin ng kamay ko, and taking pictures was the least important at the moment.

The day after that dreadfully nonstop rain pour. I saw piles of junk, rocks, wood, and etc. on the street. Some were busy cleaning their houses of mud. There were people staring at their wet things. Some were simply staring and looked helpless.

I have never seen a Sunday mass filled with people. And yes, every one was trying their best to actively participate in singing and reciting the response.

Thank you, Angel Locsin, for mobilizing every one to help in Bagong Silangan, Payatas. Thank you for the opportunity and privilege to be able to be of help. It was Direk GB’s first time to join a relief operation, and I saw in him the joy what helping others can give. Thank you to ABSCBN foundation Sagip Kapamilya and all the volunteers who willingly helped.

Thank you to all who donated and responded to Angel’s call for help. I am thanking every one in this blog for the concern.

Kanina naman join ako sa aming community to visit the beside-the-creek victims of a nearby area.

So many transformation in less than a day. The elegant Fernwood Gardens, which is a famous haven for parties, became an evacuation site for the typhoon victims. Pero on the side, napansin ko, aligaga ang mga adults pero ang mga bagets, play lang ng play. Wa sila care kung sino ka o ano ka.

Kapamilya, Kapuso, Kakekikoku, it goes beyond network wars. Sa mga di ko nakasama sa pamimigay…Our friends from GMA kapuso does non-stop outreach programs as well.

Thank you sa lahat ng mga shout out sa Facebook asking for prayers and mobilizing groups to go out and help, and also to the blogs that posted and reposted hotline numbers, malaking bagay din yun.

In the end, I saw people helping people. I saw hearts full of compassion and hope. I saw the Filipinos loving fellow Filipinos. I saw downpour of love.

Kailangan ba umulan at masalanta ang marami para magising tayong lahat? Kaninong kasalanan ba ang pangyayaring ito? Sa local government? Sa MMDA? Sa DPWH? Sa mga illegal loggers? Sa Malacanang? Sa barangay captain? Sa di naglinis ng drainage? Sa mamang ginagawang ashtray ang creek? Sa batang nagtapon ng balat ng candy? Sino ba ang may kasalanan?

I think lahat tayo ay may kasalanan. O sige, kung ayaw mo, ako meron. I cannot point fingers because I am also guilty of improper trash disposal or of indifference.

Every thing has become worthless. We spend so much time in accumulating material possession. In just one snap, all gone. Parang nag-general cleaning ang buong Metro Manila. Maybe kailangan rin natin mag-general cleaning sa ating mga sarili. Change starts with one’s self. Cleanliness is next to Godliness. Totoo pala yun. We have unnecessary stuff (for us) that need to be disposed and may be necessary stuff for others, but we keep them.

On the third day, He rose again. Parang ganun yung nangyayari sa atin. On the third day, people join together and rose from the occasion, from the tumultuous experience.
Lahat ng nakausap ko, isa ang kwento. “Akala ko mamatay na ako.” Wala akong maggawa kung di magdasal. Totoo din pala yun. Noong umuulan at nanonood ako ng TV, wala akong maggawa kung di magdasal. Hindi ko naman kaya iharang ang katawan ko sa tubig.

Everything has a reason. We may even have different reasons and opinions of why it happened.

“All things work for the good for those who love the Lord,” ang sabi sa Romans 8:28.
I do hope every thing works out for the good for all of us. I can see an opening towards that path. Let it be. Just let it be.

Ngayon iba na ang kanta ko, “Rain, rain go away/ Keep us safe this I pray/ Give us all a brighter day.”

Real-life Roles

Filed under: Features — admin at 6:07 pm on Thursday, September 24, 2009

There’s a time for everything. I didn’t understand this when I was younger. I simply thought that it was about time management.

There’s a time to laugh, a time to cry, a time to labor under the sun, and a time to rest. And because of this, I was also scared to laugh hard. Yun bang sobrang saya kasi nakakatakot na baka any moment, iiyak ako after. Di ba nga, marami ang naniwala sa ganun.

Today, the cliché has a different meaning for me. It still is about time management, but it goes beyond time. It’s about the roles that one person plays each day of his/her life.

Now I am a guilty blogger who hasn’t submitted a new entry because I was so busy playing my other real-life roles.

The minute I am at work, I am an artist, actress, comedienne, and when people ask me to pose for a picture with them, I am a public figure. Parang simple lang, di ba…Pero it becomes complicated the minute I let go of being a mere artist even at my work place.

I am also a friend. I am not just a colleague but a friend as well. I’d like to believe that some of the people I’ve worked with have transcended our relationship to something which has deeper accountability, and it’s called friendship. I will forever be a fan to some people I work with.

The General Santos shoot made me realize so many things. Si Kulot parati kong binibiro. ‘Tapos nawala siya, parang ako ang nabiro. Sa shooting kasi, hindi mo masasabing trabaho lang. Maghapon at magdamag kayo magkasama hanggang makilala mo na ang mga trip at sumpong ng mga tao sa paligid. I became one of them. More than being a kasamahan sa trabaho, nagiging magkaibigan.

candy9.jpg

Pag lumabas ako ng trabaho, mas madami pala akong real-life roles na ginagampanan kesa sa trabaho.

I am a sister to my siblings. Opo, tatlo pa ang kapatid ko, at meron silang iba’t-ibang pangangailangan.

I am also a daughter to my mother. E, iba ang nanay ko. Hindi lang po siya basta nanay ko, pero nanay siya ng buong community namin.

candy2.jpg

I am also a community member of the church, kung saan meron din kaming mga outreach programs. Hindi lang yun, mahirap hindi nagpaparamdam sa simbahan kasi naliligaw ako. Aminan lang naman. Hindi ganun kadali magpakabait.

candy1.jpg

I am also an elder sister to a lot of youths, who look up to me and run to me for advice. Iyan naman ay napag-alaman, at na-realize ko recently nang hindi ako makatanggi sa mga bata.

I am also a friend to a lot of people. I am a high school classmate and had shared a lot of things with my former schoolmates. I am also a theater person. I have theater friends from college at the University of the Philippines. I am also an alumna, at kapag may kailangan yung school ay available ako hanggang sa kaya ng powers ko.

candy3.jpg

I am also a girlfriend, of sorts. Kaya naman, join ako kay direk na nagpa-lasik sa American Eye sa Shangri-la. Ang taray, dahil American Eye pala ang first ever lasik procedure sa buong mundo noong 1995… nasa Pilipinas ito. Ang taray. Pati mga equipment, ang taray! The eyes are the windows to one’s soul. Ang lalim pala talaga ng meaning nito. A day after the operation, pagbukas ng mata ni GB, ang sabi niya “purple pala talaga itong orchids na ito, ang ganda.” What sharpness and color can do to elate one’s emotions.

candy4.jpg

I am also a citizen of this country, and I also have a responsibility being one. Kaya naman pag merong shows out of the country para sa Filipino community, heto walang OA, meron akong ibang nararamdaman na saya sa puso ko pag nagpe-perform ako sa harap nila.

Sa totoo lang, madalas nga nakokonsensya ako na mag-update ng entry dahil naalala ko ang mga kababayan natin na kahit sa simpleng entry ay napapa-smile sila.

Kakatapos lang ng show namin sa Great America Park, San Jose para sa 15th anniversary ng TFC. Ang saya ng show at punung-puno ng tao ang Amphitheatre. It was a whole day Kapamilya event, kung saan ang daming activities na bonggang-bonggang mga pasabog from TFC.

Two hours ang show po namin pero siksik, liglig at umaapaw ang entertainment na dala naming ni Chokoleit bilang host. E, ka-join pa namin sina Bugoy at Laarni na kung kumanta ay parang merong built-in ampli sa katawan. ‘Tapos nasilaw ang lahat sa ganda ni Bea Alonzo kung saan nagpa-Betty La Fea look alike contest kami. Ka-join din naming ang “Kanto Boys” ng ASAP na sila Vhong Navarro, Billy Crawford, Luis Manzano at John Lloyd Cruz. Meron silang mga solo spots pero mas nakakaloka noong sila ay nagsama-sama. Halos lumabas ang esophagus kakatili ng 12,000 plus na katao. Akala ko nga may bagyo.

Hindi pa iyan ang ending kasi, kasama pa namin ang singing sensation na si Charice Pempengco at ang walang kupas na si Rachel Alejandro. Back up pa sa bonggang celebration na ito ay sina ang show director, John-d-Lazatin, events coordinator Dave, TFC head Mickey Munoz, ABS-CBN boss Cory Vidanes, at pati ang big boss na si Sir Gabby Lopez.

Nakakapagod pero nakakatuwa. Nakakahilo pero nakaka-touch panoorin ang 12,000 nating kababayan na sumisigaw, tumatalon, at totoong nagagalak. At para mas bongga ang event na ito, namigay ang TFC ng house and lot and two round trip tickets to the Philippines.

I’m on my way back home because, I am a mother. A mother to Quentin na kahit hilo, pagod, bugbog, puyat ay gagawan ko ng paraan na um-attend ng fun run nila bago ako umalis. Kasi…kasi…Nanay nga ako. Kaya nga ako nagtatrabaho para sa kanya.

candy6.jpg

candy7.jpg

candy8.jpg

imgp0061.jpg

And not to forget, I am blessed to have all these real-life roles. I am blessed with 24 hours a day, 30 days a month, 12 months a year with life, vigor, and courage to embrace all these because I am a child of God.

With all the roles that I portray, being a child of God is most important para magawa ko yung ibang roles…Kasi, hindi naman ako superwoman. Hindi sapat ang powers ko pag wala siya.

Ikaw, ano naman ang roles mo? Ang dami, di ba?

candy5.jpg

Pero don’t forget to give time for yourself because you cannot give what you don’t have.

Different strokes for different folks

Filed under: Features — admin at 5:10 pm on Wednesday, September 2, 2009

This is a long blog. Please bear with me till the end. Di kita bibiguin.

“Okay then, let’s see each other promptly at 4:00 p.m., Chili’s Greenhills,” I tell my good friend Gelli.

Phone rings…

“I can’t bring you to Chili’s because we have to tape two important segments,” my ICF said.

“No problem,” is my calm reply, but the truth: I am in panic. My mom borrowed my car and the other car was in the shop for repair.

POWER FOUR. It is a very important day because I’ll be meeting my friends. It’s a rare chance that Aiko, Gelli, Carmina and I would have the time to gather together under one roof. I call our group the power four. “Power” because when we join forces, no one can “make singit” in our conversation.

Today is the schedule of that major event! Oh my, I can’t be late. I can’t be absent.

Delikado noh! Yung absent, siya ang pinag-uusapan usually. Whew!

To solve the minor glitch, I give Aiko a phone call to ask if she can pick me up. Thank goodness, she’s a willing victim. On our way to Greenhills, Aiko and I are very excited as we chat about quick updates, and share makeup secrets.

As usual, Gelli arrives on time. Upon entering the resto, a public servant, mayor of Pampanga, says hi to Aiko. O nga pala, politician na si Aiko. At automatic naman ang support namin ni Gagay sa chika portion ni Aiko.

After mga 30 minutes, dumating naman si Carmina na merong migrane. Parang normal na naman talaga na merong migrane si Carmina. Pero bago ang lahat, “puwede picture?” say ni Carmina. Todo agree naman kaming lahat bilang atat kami lahat sa picture.

Halos araw-araw magkasama sina Gelli at Carmina dahil sa SiS. Si Aiko naman ay missing in action dahil busy sa action sa public service. Si Gelli naman, madalas akong tawagan pag traffic and bored siya, or pag nagtatanong ng bagong Asian novela.

Sina Carmina naman at Aiko ay parehong may pagka-serious. Pareho silang ayaw pinagagalitan, at hindi nagsasabi ng problema pag malapit na matapos ang problema. Kami ni Gagay, pareho kaming merong “wala lang” and “bahala kayo” attitude. Basta less complications para mas simple ang buhay.

layout2.jpg

Dahil magkatabi sina Aiko and Mina sa seating arrangements, pa-simple kami ni Gagay na nag-chikahan about our Asian novelas. Opo, pasimple kasi nabwibwisit sa amin yung dalawang mestiza pag engrossed na engrossed na kami sa topic.

Bakit ngayon lang ako nagpalit ng entry? Kasi na-convince ako ni Gagay panoorin ang We Got Married reality series, starting with episode 9.

Yung tandem ni HyunJoongYun and Hwangbo ay talaga namang bonggang bongga. Kilig! Watch niyo hanggang episode 38.

Kami ni Gagay ang unang naging magkaibigan nung ginawa naming yung Secrets of Sarah Jane. Si Aiko naman ay naging kaibigan ko through another friend, ‘tapos gumawa rin kami ng movie. Si Carmina naman, nagkakakilala kami sa Hindi Magbabago pero naging close kami sa Tropang Trumpo. Iba’t-ibang paraan, lugar at pagkakataon ko sila naging mga kaibigan. Malay ko ba na magkakaibigan na rin pala sila.

As expected, sabay-sabay na naman nagsasalita ang lahat at biglang tatahimik pag merong major issue na hindi pa nata-tackle. Quick updates about each one kasi susunod si Patrick Meneses, na boyfriend ni Aiko for two years now, si GB na “It’s complicated Friend,” sina papa Ariel and papa Zoren.

Kung dati inuumaga kami sa kuwentuhan, ngayon, inaantok na kami by 11:00 p.m. Hahahaha! ‘Tapos in between chikahan, merong breaks pag kailangan i-check ang mga bagets. Nagkatinginan na lang kami nung na-realize namin how things have changed and how time has passed. (Read more… )