| Register
Candidly

I learned that…

Filed under: Features — admin at 11:23 am on Tuesday, June 24, 2008

I’m back! Akala niyo hindi na ako susulat noh.

I got different reactions from my last entry. Some were dissatisfied with the way I wrote it. Some felt that it was all about laziness—me being too lazy to write an entry. Honestly, I got mixed feelings after reading all the comments. I felt that maybe I wasn’t able to explain properly what I really wanted to point out: Procrastination.

Sorry if I it seems like I am trying to defend myself again. I fully know that what has been done and written cannot be easily be revoked.

Do I get paid for my entries? Well, I haven’t received anything. But dear friends, whether I get paid or not, that isn’t really the issue here. Xmas2004 commented that if all posts were all about praises, then there’s no way I could challenge myself to improve. Meron namang point.

Thanks to all who enjoyed the entry and gave it a chance and to those who admitted that procrastination indeed is real for every individual. Sorry ulit, if I sound so defensive.

I have learned so much from the experience, from my past entry—even with some discriminating comments, it made me realize something very important. The fact is: To whom much is given, much is required or expected. Truly this is true. Given my position that I have a space where I can write and share my thoughts, it’s but understandable that people expect more from me, something better maybe than talking about procrastination.

I have to admit that I have been very busy lately. Busy trying to deliver more than what is expected of me. Wala nang mga petiks na trabaho. Malaki man o maliit ang bayad. Once I step onstage I have to deliver what is expected of me. Not everyone is given the opportunity to say things out loud onstage, or write, or be heard, or be paid while being carefully listened to. Whew! Parang bumigat ng bonggang-bongga ang responsibilidad ko bilang artista, komedyante at tao.

Sabagay, kanya-kanya lang naman ang responsibilidad ng mga tao. Kanya-kanya tayong mga tasks na kailangang gawin at maayos na gawin. Ngayon, mas naiintindihan ko na kung bakit nag-iinit ang ulo ng mga tao sa mga basurero pag di nila kinukuha ang basura. Kasi nga naman, yun ay trabaho nila. Mas lalo na sa mga pulitika. Sila pa ang nagkusang tumakbo para maka-upo sa posisyon na yun, pag di nga naman nila inaayos ang trabaho, nakakainis. Nakaka-dissapoint naman talaga.

Naalala ko nung nagsisimula ako, konting galaw at punch line lang ang bitawan ko, natatawa na sila. Ngayon, doble ang kailangan kong tumbling na gawin para ma-appreciate ng mga tao ang sinasabi ko. Salamat naman sa Diyos at natuto na akong mag-research at nakakatulong naman talaga pag meron akong alam sa background ng audience ko.

To whom much is given, much is expected.

Pero kung ito ang parating ilalagay ko sa utak ko, naku, feeling pasan ko ang daigdig. Kaya I just have to do the best in everything I do. Do them joyfully without any feeling of being burdened. I guess, doing my best will have the same result as what is expected of me.

Ah…okay na ba ang entry na ito? Meron na bang patutunguhan? Parang mas natatawa ako sa entry na ito kasi buong pag-aamin ang ginawa ko. Hahahaha! Sarap din naman umamin sa kahinaan at ang mapaalala din sa lahat na tao po din po ako.

Di magawa-gawa, di matapos-tapos

Filed under: Features — admin at 11:01 am on Wednesday, June 4, 2008

Hello my dear PEPsters! I’m so sorry for this long overdue entry. I have been wanting to post an entry, but lately, my brain couldn’t compose thoughts properly.

AMINAN: I already started an entry regarding Sweet, ah…eh…hindi ko natapos. When I finally finished it, I realized it was already Saturday. It was too late for Sweets’ show promo.

‘Tapos nagsulat naman ako tungkol sa mga jeepney drivers ng Pilipinas. Ganda sana ng observation ko sa kanila. Hindi ko na naman natapos.

Sumulat naman ako tungkol sa mga hi-tech gadgets at ang computer era, where we are all in now. Bumili kasi ako ng bagong PC at muntik nang maubos ang pisi ko sa dami ng choices, specs, ram, program, etc. Habang sinusulat ko ang entry about the hi-tech gadgets, napansin ko na meron nga pala akong mga memory card na nabili na hindi ko pa nagagamit. Syempre, tumayo na naman ako sa harap ng PC to get the memory card. Hanggang tuluyan nang nawala sa memory ko ang pagsusulat. Ayun, hindi ko na naman natapos.

Sinimulan ko namang sumulat tungkol sa mga librong nabasa ko at paano ito nakaapekto sa pagkatao ko. Nakaka-limang linya pa lang ako, naisip kong i-check ang mga libro ko para talagang sincere and factual ang entry ko.Hanggang naghalungkat ako ng mga gamit ko. Nakita ko ang mga libro ko nung bata ako. Na-touch ako. May mga nakaipit pa na mga notes para sa mommy ko. Aba, magagamit ito ng anak ko! Kasi meron pang mga storybooks. Pero puno ng alikabok kaya kailangan ko pang linisin. Kaya lumabas ako ng bodega para kumuha ng basahan. Napadaan ako sa kusina at nakaramdam ako ng uhaw. Uminom ako ng tubig. Sakto naman, nakakita ako ng potato chips. Kinuha ko ang potato chips, nagbukas ako ng ref para kumuha naman ng dip. Ang sarap, di ba?! Eh, ano ba ang ka-terno ng pagkain ng chips. Ang masarap na ka-terno nun ay ang pag-relax sa sofa with matching watch ako ng DVD.

Excited akong umupo sa sofa and I loaded the DVD na papanoorin ko. I got the remote control and switched on the TV. It so happened The New Christine was on TV. Nakakatawa naman talaga ito at nakaka-relate ako, kaya pinanood ko. Ang dami lang naman talagang commercial kaya naisip kong mag-browse sa ibang channel habang commercial break pa. Napadaan ako sa CNN news. Grabe naman talaga ang events around the world and hindi ko napigilan ang sarili ko panoorin ang happening around the globe.

Finally, nung medyo nabo-bore na ako, I switched back to the show I initially intended to watch. Then I changed channel during commercial, I saw this cooking show. Switching channels became my routine. I realized that I was not able to finish a whole show because I kept on changing channel. I even forgot the DVD that I was supposed to watch.

Gabi na at inaantok na ako. Natulog na ako.

Oo nga pala, meron akong entry na dapat isusulat. Naalala ko yun the next day when I opened my PC. Kaso, merong binyagan na kailangan puntahan. Ninang ako kaya kailangan ko magmadali at baka ma-late ako. Ayun hindi ko na naman natapos ang entry.

I have so many inaanaks. Sabi kasi nila, masama daw tumanggi. Yung iba ko yatang inaanak, hindi ko na napapadalhan ng regalo o nababati man lang. That afternoon the priest explained the importance, role, and accountability of a godparent. It’s no joke to be one. If one will seriously look at the responsibility and accountability, the role goes beyond giving gifts. It has something to do with molding the child, helping the child know God, and being responsible for the child’s welfare.

Indeed, the term “godparents” are meant to be parents blessed by God to be the second parents. Hindi naman pala natatapos sa salitang “mare” and “pare.” Ay naku! After learning that, I realized that it would be more difficult not to say “no” if I cannot fulfill a godparent’s role. If I am not close to the parents, I think it would be more difficult.

I couldn’t help but think about blogging, being a godparent, and procrastinating so many things. Talking about fulfilling the godparent’s responsibility dutifully, naku, minsan nga, binyagan lang, tapos na ang usapan. Kadalasan, tuwing pasko ko lang naaalala o nakikikita ang inaanak ko. Nakakaloka!

Sa blogging naman, hindi ko na natutuloy ang dapat kong gawin. At least sa area na ito, may chance pa. Hindi pa natatapos.

Nakakatakot itong sakit na hindi pagtapos sa dapat gawin. Mag-i-enrol sa gym ‘tapos hindi naman tatapusin ang session with the trainer. Mag-i-enrol sa boxing ‘tapos hindi a-atend after a few sessions. Babalikan na lang pag naalala.

Procrastination, Mañana habit, katamaran—iyan ang mga matinding kaaway ng tao, kasi hindi natin alam na nangyayari sa atin o ginagawa pala natin.

Ending na. Kasi pag nag-isip na naman ako kung ano ang patutunguhan ng blog na ito, hindi ko na naman ito matatapos.