| Register
Candidly

Christmas fever

Filed under: Uncategorized — admin at 11:43 pm on Thursday, December 27, 2007

Every December, there’s truly this disease caused by joy, confusion, stress, relaxation, when summed up all together, it’s called “fever.”

Every Christmas season, everyone seems to be in a rush for some reason. Every year, we all realize the need to plan ahead, but still we don’t. Why? I don’t know. Hindi yata masarap mag-shopping ng November? They say any given situation can be looked at in two different ways. Most people call it as the other side of the coin. Ah…eh…susubukan ko ring mag-pout while driving.

pout.JPG

Nakakalagnat ang traffic sa EDSA! The highway transformed into a parking lot of sort. Kaya kung anu-ano na tuloy ang binebenta doon. As a matter of fact, one can actually get some gifts there. There are CD cases, fisherman’s pole, stuff toys, car chargers, Ipod cases, Ipod charger, and fruits sold along the stretch of EDSA. Amazing! The traffic has given some people a means of livelihood. As a matter of fact, If I want a captured audience, bakit di ako sa EDSA mag-show? Taray!

Nakakalagnat ang dami ng Christmas party! Hindi ko naman kaya puntahan lahat. Pero nakakatawa ang PEP people because ang Christmas party nila ay afternoon delight. Thinking many can make it, I still wasn’t able to go because I was taping for Princess Sarah. Mas Nakakalagnat yung nagtatampo at hindi ka nakapunta. Hello?! Kung ginawa mo iyan ng March or October, I’m sure mas maraming makakapunta. On the other hand, it felt good that people had invited me to join their parties. It’s a sort of affirmation for me.
Iba pa yung mga Christmas parties na I go to for a show or to host. Wala akong masasabing negative about it because all of it are blessings. Nakakapagod, pero hindi naman ako nagrereklamo.

primegold.JPG

Christmas party of Primegold in Hong Kong. I was with Eugene Domingo and Eric Quizon.

ayala-cebu.JPG

Sa Ayala Cebu naman ito. O, di ba, merong out of the country at saka out-of-town!

Dami niyan! Nakakalagnat yung mga effort ng lahat ng pinuntahan kong Christmas affairs na merong mga department presentation. Aliw! I can see that they are truly having so much fun. Kahit parang buwis buhay na yung mga ginagawa nila, nakakatuwa pa rin silang panoorin.

Nakakalagnat yung ang daming humihingi ng donation, Christmas gifts, pa-raffle. Times are hard and I truly understand why people come and ask. Pero kung lahat naman sila sabay-sabay kung humingi, sandali lang po, dahan-dahan lang. Some naman talagang legit people na pwede naman talagang bigyan. Pero, for example, yung security guard na dinaanan ko sa isang hospital ay abutan ako ng envelope…once pa lang ako nakakapunta sa hospital na yun…bakit? Yung mamang binilhan ko ng dirty ice cream once sa labas ng simbahan, yung mga tanod na di ko naman nakikita, yung…oh my, the list can go on.
On the other hand, nakakatuwa naman kasi ang yaman naman ng tingin nila sa akin. Ako artista…what more the politicians? Kaya!

candy1.jpg

2006 PASKO IPADAMA. Todo-bigay talaga everyone!

Nakakalagnat yung ang dami ko pang ‘di nabibilhan ng regalo. Nakakalagnat din yung nandyan na yung items, hindi ko pa lang nababalot. Nakakalagnat na ang dami-dami nila. As in! Ipagsasama ko na yung mga bukal sa kalooban ko bigyan, kailangan ko bigyan at napipilitan ako bigyan. Kaya siguro ako nilalagnat because of the last two categories. Giving is suppose to be self-enhancing if the soul is willing.

On the other hand, ‘pag di naman ako nagpa-panic, because the gifts I am supposed to give… kulang. Kahit walis pa man ang ipamigay ko. Truly, there is joy in giving. Totoo naman pala yung, “It’s really the thought that counts.” In fairness!

Nakakalagnat na sabay-sabay ang mga tao gusto ako makasama ngayong Paskong ito. There’s something in the air that makes one person tend to be sad. According to statistics, a lot of suicidal cases happens during December. As I said in my previous entry, nakaka-look at the mirror ang season na ito. It’s family time. Spending time with family. At kung may problema ka sa pamilya mo, ayun, nalulungkot or nabwibw*sit! Realizing where all these people are coming from…I spend time with them rather than go to parties, kasi feeling ka na-fulfill ko yung task ko as being a happy, light, no-traffic-friend-to-be-with. Gosh!

aiko-birthday.JPGPero yung birthday ni Aiko, I would love to be there kaso nasa Hong Kong ako nun, eh…Kaya nag-decide na lang kaming apat na magkakaibigan to see each other separately to celebrate Akikays’ birthday.

Nakakalagnat na ang daming tinatapos, natatapos at sisimulan. Lahat naman ito ay nangyayari ngayong December. Nakakalagnat ang pagtatapos ng Princess Sarah. Nakakalagnat kasi ang finale namin ay sa ilalim ng init ng araw na todo-sayaw kaming lahat. Tinalo namin ang Regal sa beach production numbers. Kasi nga naman ang iinit ng costumes namin na feeling nasa England kami. In reality nasa Intramuros lang po.

Of course, hindi natin matatawaran ang galing ni Albert Martinez sa production numbers. Nakakalagnat, nakakagulat, nakakalungkot at kakakatuwa ang feeling ko sa biglaan na pagtatapos nito. Nalungkot ako kasi nakita ko ang mga batang nag-iyakan. Kaya naman nagmadali din akong umalis at baka mahawa ako. Iyakin pa naman ako. Nakakatuwa sa isang banda kasi these kids see reality that showbusiness is not permanent. They should focus on studying. Hindi naman ganoon kadaling mag-artista. At lalong hindi ganoong kadali tumagal sa industriya na ito. I really hope that the kids of Princess Sarah see the other side of the coin. Kaya heto na naman ako, nakanganga sa susunod na ibibigay na project. Well, I’m excited about the next things that will transpire in my life.

candy2.jpg

(Top picture, left) In broad daylight, ganyan ang gayak namin. At take note…sa Intramuros, hindi sa Inglatera.

(Top picture, right) Primo, Amelia, and Picolino.

(Bottom) Kids goofing around with Diether Ocampo and Albert Martinez.

I will surely miss the kids. Nakakabata pala kasama ang mga bata. Kaya naman pala yung iba, ang syota mas bata sa kanila. Hehehehe.

Nakakalagnat ang mga events every December, speaking on personal, social, and proffessional levels. Iyan naman ay sa aking opinion.

Pero heto ang ultimate na nakakalagnat: I stressed myself to impressed the human beings around me, forgetting the Entity and Reason of the season. CHRISTmas… I’m not shoveling the truth down your throats.

Personally, what’s my Christmas/Birthday gift to Jesus? Kasi the whole year kahit hindi ko birthday, nireregaluhan Niya ako. Parang binibertday parati ako. Maybe in giving, I like to believe I am sharing my joy and love. (Naks!) I’m sure ako na naman ang reregaluhan Niya kahit Siya ang may birthday. Hahahaha! Eh, kung Siya naman kaya ang lagnatin dahil ang dami kong opinyon?!

As the lyrics of a rap Christmas carol says: “It’s called Christmas with a capital C. It’s about the birth of Christ and you can’t take that away/ You can call it something else, but that’s not what it will be/ It’s called Christmas with a capital C.”

Merry Christmas earth and may you all feel the warmth of the season. Lagnatin kayo lahat sa pagmamahal at pagpapatawad ng bonggang-bongga! Iyan ang mataray na fever!

abscbnforlife: Yes, mabait si Charlene.

candysour: Kaibigan ko pa rin po ang TVJ. No reason naman po para mag-away. Kasama nga po ako sa Enteng Kabisote, MMFF entry showing on Dec .

candid-ah, xarina24, florence, gndnld: Salamat.

Lonely_girl: Ang bigat naman ng question mo. I did not give up on my marriage. My husband left me. Ikaw lang ang makakaalam kung ano ang tamang desisyon, giving up is not the right term. Staying in the marriage with sacrifice in it is always part of the package. Whatever gives you peace of mind. It’s a case to case basis. No relationship is the same. For now, treat it as “wala lang,” baka siya pa nga ang magtaka kasi ‘di ka affected.

electrons: Gandang idea din iyang mag-meet tayong lahat. Baka naman 2 lang tayong magkita. Hahahaha!

gossiphungry: Dito lang po ako sa manila Christmas and New Year. Usually the baklas and some friends come to the house to have Christmas dinner.

nov_8: Yes, close friends ko po talaga si Gelli and Mina.

kitty: Nakakatuwa naman at na-appreciate mo yung gifts na napili ko. Salamat po.

pep_you: First cousins po kami ni Sen. Kiko. Magkapatid ang mga tatay namin.

lear1977: Yes, mabait po si FPJ ng sobra.

hetchos: Sobra talaga akong na-iinspire magsulat dahil sa mga comments niyo. Kaya nga nakokonsensya ako ‘pag ‘di ako nakaka-submit.

At sa lahat po ng bumati, nag-congratulate, natuwa ng bonggang-bongga: isang bonggang-bonggang thank you din po sa inyong lahat. Salamat talaga. Nakakataba ng puso.

PS

Heto ang aking mga answers sa Hall of Just tiis post:

Pnayilonga: Hindi po siya bigay child support, kahit nga moral support deadma, kaya hayaan na po natin.

cel: Yes, cel, I read every comment.

chuchay: Kaibigan ko nga po Harlene Bautista, and married pa rin po sila ni Romnick Sarmienta.

mel: Madami naman pagbabago sa ‘Pinas. Daming malls at saka ang daming bagong street children. Okay naman ang lumang building. Ang sistema ang di okay.

Madayag2007: I will get a copy of the book. Thanks.

copymilyuck: ‘Di ko po naman talaga sinasadya yun. ‘Sensya na po.

Swaymyway: Hopefully, isama po ako ni Ms. Sharon sa vancouver next year.

Cramming and homecoming

Filed under: Uncategorized — admin at 12:47 pm on Saturday, December 22, 2007

The University Theater was jam-packed with people of all ages last Monday night for “Comico Ciento,” a night of fun and laughter in celebration of University of the Philippines’ 100 years. UP alumni, who were mostly from College of Mass Communication, Music, and Theater Arts (that’s three separate colleges), were invited to perform.

Confession. The previous week had been so hectic for me, one of the reasons why I wasn’t able to submit an entry for PEP.

I am now in a hurry to finish this entry because I have an early call time for the last taping day of Princess Sarah (ibang entry na ‘yang topic na iyan).

The real confession I was juggling my schedule from taping (which would last till wee hours of the morning because the kids had to leave early; and I usually am the last punggol), corporate shows (which would require me to write the scripts for my stand up acts), out of town shows, caroling with the music ministry of our community (join ako dito kasi service yun saka saya, saka trip ko, bakit ba?!), and to top it all, I am a mother to a son who has a lot of Christmas parties (sa dami ba naman ng therapy schools niya), and a friend to people who deserve to be given gifts of appreciation.

Let me just give you an account of the last three days before the “Ciento Comico” show.

Friday, December 13: Taping then show at Captains Bar, then back to taping again.

Saturday: I went to Bacolod and flew back in evening.

candy1.JPGSunday: I went to Hong Kong with Uge (Eugene Domingo) for a corporate show (Primegold) and went home next day.

Monday noon: Ooopps! Meron nga palang show sa UP. Wala pa akong script. Kinakabahan ako. Nakakaloka! Magsakit-sakit kaya ako?

Para akong student na nag-cramming ng bonggang-bongga! I wrote the script while I was on board the plane. I only finished everything at the last minute. It was like a déjà vu experience for me. Heto na naman ako sa UP. Nagka-cramming na naman ako. ‘Di na ako nag-aaral, may anak na ako at lahat, pagbalik ko sa UP, cramming pa rin ako. Parang ang tanda ko na yata para sa ganitong klaseng tensyon.

Inside the plane, Uge was asleep while I was nagkakandaduling-duling na sa antok. I was really fighting it. Na-weirduhan na siguro sa akin ang mga tao kasi nag-stretching ako near the lavatory, with almost every passenger in the plane getting the full view.

One Swiss guy in suit asked me if I was okay. In my head, “If I tell you the truth, hahaba pa ito, kaya I opted to say ‘yes, I’m perfectly okay.’” Sayang, cute pa naman. Pero ‘pag ang choices pala ay between sa isang lalaking cute na pwede akong magka-nose bleed or kahihiyan ko at magmukha akong tanga, dun ako sa kahihiyan.

Just like in college, I would pray to God to please help me…please! Yes, I admit tinatamad ako minsan. There were times when I could have written the script instead of sleeping beside my son.

Eh, nakokonsensya din naman ako sa anak ko. One of the realities of a single mother is having to always explain to your child while you can’t be beside him all the time. There were times when I could have written the script, but just when I was about to start, I’d feel thirsty. So, I would go out of the office to get water, then I would see my mom and have a chat with her. Then my sister would suddenly arrive, and I would realize I forgot all about my script. I even forgot that the reason why I stepped out of the office was because I was thirsty. So help me god!

Anyway, back to my story, lahat na yata ng santo at santa sa langit natawag ko na for help. I was really in panic. I stopped writing for a while because all the ideas were just rumbling inside my mind, kasabay ang loud thumping of my heart, na may kasama ringng fear and anger sa sarili ko for being negligent! Grrr! Nawawala na yata ang thought flow ko (parang ngayon, sana hindi naman).

I paused…took a deep breath…closed my eyes for a while…cleared my thoughts…drank a glass of water…stared at the Christmas tree inside my office, prayed, prayed, then composed and prepared myself to start writing again. I finished the final draft of my whole monologue at exactly 6:00 p.m. I decided to interject my patay series in my stewardess monologue.

candy2.JPGAh, college…Going back to where you came from has always given me this pinch in the soul. It makes me go back as well to “who-I-really-am-and-what-I-really-want-to-be” mode. Baduy ba? But it’s true. Didn’t you notice that every time you go back to your hometown, or see friends from way back, you switch into your old self? That goes for me as well.

That night I saw the glow on the faces of the people—the performers, staff, and audience. Kaya pala homecoming ang tawag. Kasi it’s really “coming home” in a different way. The smell, the atmosphere, the culture, the system, the trees, the kiosks, the fish ball stands, the tambays, the garbage, the lubak-lubak na kalye…Gosh! Konti na lang baka maiyak ako.

Coming to my senses, parang nabuhayan ako ng loob. I remembered yung ideals ko when I was in college. The passion for excellence and performance was on fire. I was young and vibrant. Yet I wasn’t confident with myself. Mas malaki pa sa akin yung kabang nararamdaman ko then. Parang naglalaban ang emotions and internal organs ko. I remembered the feeling of being a student again. This time my audience was my teacher. Whew! Ilan ba ang capacity ng University Theater? 3,000? 5,000? Daming teachers ang mag-grade sa akin. Ayan na, ayan na, kinakabahan talaga ako!

There was Roderick Paulate in one corner doing his own make-up. He told me, “na-miss ko ito.” There was Tessie Tomas whose presence ay nakadagdag ng kaba ko. Nandun din si Kidlat! Ang husay ng mamang yun. Iba rin naman talaga si Willie Nepomuceno sa entablado. Haligi na siya sa impersonation. Nandun din si Ate Glow! Nandun din si RS Francisco! Ang UP PEP Squad at UP Street Dance na napakahusay. Buwis-buhay naman talaga ang ginawa nila.

Sa backstage: walang maarte, walang sumisigaw, walang prima donna, walang complications. Simple. Ako lang ba ang kinakabahan dito? Anak ng tokwa! Parang steady lang sila.

Ang role ko nga pala ay taga-maintenance at SSB (special services brigade), in other words, tanod.

Ako na! Nag-uniform na ako ng maintenance. Sumalang na ako. Bumukas na ang ilaw. Heto na ako sa thesis presentation ko. Nag-cramming ako. Totoo yun. Pero nag-homecoming din ako sa sarili ko. Kaya heto na ako sa harapan ng mga taong ang bayad sa ikot dyip ay mula singko sentimos hanggang sa kasalukuyan na six pesos and 50 centavos.

I went back to school, and I also went back to the basic rule of performing: enjoy, simply enjoy, perform with sincerity. Taray ‘di ba.

Dami ko pang gustong sabihin, heto na naman at naglalaban ang antok at ang pagtatapos nito ng maganda at maayos (yawn).

Para sa mga sagot sa mga tanong at comments niyo, sa next entry ko na po sasagutin (yawn).

Back to school. Back to basics. Back to myself. Back to Back. (Yawn!) Back to Bed.

Wala lang

Filed under: Uncategorized — admin at 3:13 pm on Friday, December 14, 2007

Naiinis ako, kasi nagalit ako ngayon ng bonggang-bongga! As in, ngayon-ngayon lang….Bakit?

Nag-inuman ang mga angels namin dito sa bahay. Belated birthday celebration daw nung yaya ng anak ko. Uminom pero ‘di man lang nagpaalam sa akin, ‘di man lang ako in-inform, nalasing pa! Grrrr! ‘Di man lang ako niyaya (joke!).

Honestly, I feel bad that I got mad. I wasn’t able to contain my emotions. I just snapped. Mali! Sayang, eh! Yup…That’s what I really feel at the moment. Sayang! I shouldn’t have been affected so much because it won’t do anything to help the situation. To make things worst, when I got mad, the yaya was sound asleep, drunk! So therefore, no effect whatsoever ang acting ko. Dapat kasi, I should have taken it as…Wala lang.

It’s okay to get upset, but I shouldn’t have let it control me. Kasi feeling ko for that moment, naging Ms. Minchin ako. Dapat, wala lang! Napagod na ako, napaos pa ako, nagsisi pa ako ngayon. Grrrr! Tapos siya, sila…wala lang! Naisahan nila sko dun!
Wala lang…

Pasko na naman o kay tulin ng araw, aminin mo, Paskong nagdaan tila ba kung kailan lang. Ngayon ay pasko…na naman! Na naman!

Another year had passed. So many things happened to me. So many things had changed—the way I see things and see people. But then again, parang wala lang.
Each year has 525,600 minutes! Amazing! Anong nangyari? Dami naman! And if I will tell you what transpired each minute, gosh, that’s going to be a looooong entry. And looking too much at those details might again change me. Now, as I look back at all the carousel, tumblings, drama, and action I had this year…wala lang!

I had traveled to several countries this year. Pero parang wala lang.

The people I dislike the most last January are now my friends. That’s after realizing that they too have good traits. So then, wala lang!

I remember having this ultra crush during the first quarter of the year. As in. Para akong higad, ang Kati! Ngayon, ‘di ko na siya crush. Wala lang!

I did two television series, a movie, a couple of shows this year. Wala lang!

I had a criminal case. I made a visit to Hall of Justice several times. I filed bail last January 2. I even joked that I am trying to flee from the cops, doing udercover, given the different hairstyles I had then. Case closed. Now, wala lang!

My son got sick, got confined, and I got sick as well. (Siguro dala na rin ng kaartehan ko.) Ngayon, wala lang!

I got so thin during the first quarter of the year, now, I am gaining weight again. I’m back to running around UP academic oval again, and after all that hard work, yes, I am gaining weight again. Nevertheless, wala lang! Di ko naman pwede bw*sitin ang sarili ko everyday dahil tumaba ako, kasi nasarapan ako sa pagkain.

Oh yes! I remember, there was a time that I had no money this year, then I had money, then I had none again, then I worked really hard and had money again. After that financial roller coaster, here I am…wala lang!

Nagkaroon ng Gretchen-John controversy, but gretchen and tonyboy are still going strong. Wala lang!

Claudine got pregnant, had a baby, and is now back to her slim figure. Wala lang!

Piolo and Sam have an issue, Lolit enters the picture. I’m sure na sa ending, wala lang!

If I get affected sa lahat ng nangyayari sa paligid ko, by now, I’m quite sure na baliw na ako! And that goes for you as well!

Kasi nga yung traffic lang sa edsa ‘pag-nagpa-affect ka…you cannot reconcile the fact that when it rains here in manila the streets get too crowded. And with everything that Bayani has been doing, traffic pa rin. The best way to see traffic is…wala lang!

I’m quite sure when you look back at every thing that had happened to you this year, you will simply get amazed at how much effort, time, and emotion you had invested into something. And then you realize that the something is not as much important as the things you value now. Wala lang!

Simpler example, my problems last January ain’t my problems anymore. Wala lang!
Kasi nga naman kung problema ko pa yung problema ko last January, my golly, ang laki ng problema ko! Twelve months in the making and healing! Dapat by this time, wala lang na ang reaction ko.

I would love to have that attitude. Wala lang! It’s not that I am insensitive about people and situations. It’s just that I see things differently. It’s sort of not allowing anything or anybody to consume me. (Naks! Ang lalim nun…kung ano man ang sinabi ko.) But that’s true! Maganda yung ganun! Kasi hindi nakakapagod masyado.

I don’t know with you pero ako kasi, may sakit ako na pinoproblema masyado ang problema. To make things worst, minsan hindi ko naman problema, pinoproblema ko pa rin. Hahahahahaa! Tiring!

I hope magkaroon ako ng billboard sa EDSA. Tapos ang nakalagay, “Wala Lang.”
And when people ask me, “ano yung picture mo sa EDSA?” Ang sagot ko, “Di ba nga, wala lang!”

I declare that wala lang attitude can actually save one person from the agony, pain, persecution, time, effort, and energy, contrary to the pa-affect attitude. My motto that goes with this kind of attitude is, “Pikon talo!”

You? What had happened to you these past 12 months? Marami ‘di ba? Pero parang wala lang.

shasha: Thank you sa comment mo.

blonde_skinny_bitch: Wlang. I think you’re okay.

To all who have been asking kung ako si manager: Hindi po ako yun.

barbiegel: Tama ka, hindi lang ‘yon ang napanalunan ko.

lear1977: Yes, mabait po si FPJ sa totoong buhay. Know what?! First time I met him, naghatid lang ako ng medyas kay harlene sa set ng Dito sa Pitong Gatang at nagpakapal na ako ng mukha at umamin na gutom na ako. Kaya nakikain na ako. Nag-suggest pa ako na kunin niya ako. Dali naman pala kausap.

thebrotherskaramazov: Ikaw naman ay bayani ng bayan.
to everyone na natawa sa pictures na pinost ko: Salamat po. That was my point, and it was taken accordingly.

boy_alabama: Sayang naman! Cute ka ba? Pa-simple ba ako? joke!

retz, buzylady, iris418, jayr, kayconcerned_citizen725, ahywin, notie, idolforever, paris, diablita, and everyone who congratulated me for Best Female Stand-up Comedy Act: Thank you po. Di naman po lalaki ang ulo ko, kasi ang acting ko ngayon sa sarili ko…wala lang!

mam: Might have a project with uge and jose. Sila ang lead, support po ako. Directed by Wenn V. Deramas.

To all who felt nabasa na ang last entry ko na Hall of Justiis: Yup, I wrote something like that sa multiply blog ko early this year. It was the sequel, I revisited the same place again in a different situation.

antonio: Yes, kaibigan ko si aiko at hindi nila hawak ang Hall of Justice. It’s under DOJ.

Madayag2007: Thanks for the book you recommended, I’m going to get a copy. Thanks for the help.

alexis: Pumayat ba ako? Feeling ko nga tumataba na naman ako.

rahma_poy: Salamat.

To everyone who posted their comments on both entries Hall of Justiis and Wala Lang: Please don’t think that I don’t appreciate your comments, or get to read and assimilate them. I do. I just can’t answer them all. Be rest assured na pagdating sa mga feedback niyo, hindi wala lang ang attitude ko.

Pleasant Surprise!

Filed under: Uncategorized — admin at 8:57 pm on Friday, December 7, 2007

Nakaka- ALIW, NakakabALIW…candy1.jpg

Nung nagsisimula akong mag-artista, ang sipag ko naman talagang um-attend ng mga awards night. Abala kung abala ang drama ko. Pinoprobema ko ang outfit ko, buhok ko, kasama ko…lahat pinoproblema ko. Pati nga yata problema ng mga organizers pinoproblema ko.

First nomination ko was for Star Awards for TV for Best New Female TV Personality…natalo ako ni Mikee Cojuangco. Sunod was Star Awards for Movies as Most Promising New Female Actress…natalo na naman ako ni Mikee. Ang movie ni Mikee, Forever, siya ang bida; ako para sa Sarah Jane, namatay ako sa AIDS.candy3.jpg

Ilang beses na ako nanu-nominate, never pa ako nanalo. Madalas sa mga categories na Best Supporting Actress, Best Comedy Actress—both for Film and TV. Napagod na rin ako sa kakapunta dahil di naman ako nagiging presentor. Sayang naman damit at effort ko.

Minsan sa MMFF na-nominate ako. Puwede akong sumakay ng float, excited na excited ako, kaso ginawa akong stand-upper or host sa isang station na dadaanan ng parada kaya wala din. Kaya tinigilan ko na pumunta muna sa mga awards night. E, parati pa naman sumasama ang mommy ko, kaya naawa ako sa kanya dahil talunan ako parati.

Ang unang beses ko ma-experience na maging presentorcandy4.jpg ay para sa Best Float. Piniktyuran ako ng mommy ko. Nung ipinapakita ko sa mga kaibigan ko, hindi sila naniniwala na ako yun, kasi ang liit-liit ko. Layo ng camera at ang nakalagay lang sa video screen ay si Vic Sotto kaya siya lang ang napapansin. Okay lang. Nakamayan ko naman si Vic Sotto.

Kahit nga sa parlor games, hirap ako manalo. Sa mga game shows nga, di todo-todo ang pagkakapanalo ko. Parating sablay.

Tumigil na akong um-attend ng awards night, tumigil din akong umasa ng award… Biruin n’yo, tumigil din naman ang mga award-giving bodies na i-nominate ako! ‘Kakaloka!

Parang action-reaction. Kung ano ang nasa puso ko at isip ko, nakiki-ride on ang earth.

Kaya pinagbubuti ko na lang ang trabaho ko. Hindi ako gumagawa ng isang bagay thinking magkaka-award ako dito…wala lang. Basta! Gagawin ko ang best ko dito hanggang lumabas ang esophagus ko kung kinakailangan…Thank God no director has ever required me to vomit my esophagus for that matter.candy2.jpg

I enjoy my work! No matter how big or small my role is. I enjoy every minute given to me to perform, put a smile, crack a punch, twist the event… I simply enjoy things given to me immensely. Honestly, even at days that I don’t feel like enjoying work, I began to enjoy it. Why? When? How?

There were days when work was few. Bookings were less. Nothing to do. No work to complain about. No work to talk about. No work to enjoy.

Only then, I really appreciated all the opportunities given me.candy5.jpg

 

Sabagay, dati nga sa pelikula ni Sharon Cuneta, na-extra ako. Ang aga ng call time ko sa Landmark mall. 1 p.m. ng hapon, naghintay ako nang naghintay, naghintay at naghintay hanggang nakunan ako mga 11 p.m. Hinintay nila magsara ang mall bago mag-shooting. Hulaan n’yo kung ano ang role ko dun… Passersby. Kaya ngayon pa ba ako aarte?

Secret natin ito: Sa movie ni Melanie Marquez, nakasali ako when I was like 10 years old. How? My godmother wouldn’t allow them to use her house for the shoot unless I was given a role or a part. Voila! I became the spoiled brat daughter of Zeny Zabala wherein Melanie Marquez really slapped my hands for pestering her. (Read more… )

Hall of Justiis

Filed under: Uncategorized — admin at 12:50 am on Sunday, December 2, 2007

It’s been months since I went to Quezon City Hall of Justice.

I remember the very first time na pumunta ako sa doon. Kahit wala akong kasalanan, feeling ko judgmental ang mga tao. Let me refresh your memory.

I was charged by TMG (Traffic Management Group) of anti-fencing due to a car that my ex-husband and I bought more than five years ago. Four years ago, he sold the car and left. After three years, TMG went to me with this anti-fencing case.

(To those who do not know, fencing is defined as “the act of any person who, with intent to gain for himself or for another, shall buy, receive, possess, keep, acquire, conceal, sell or dispose of, or shall buy and sell, or in any other manner, deal in any article, item, object or anything of value which he knows, or should be known to him, to have been derived from the proceeds of the crime of robbery or theft.”)

All my subpoenas were forwarded to my old house. But the Notice for Guilty or Warrant was sent to my present address. That technicality made the case complicated that I was forced to pay bail.

I’m here again at the Quezon City Hall of Justice. My reason, however, are different this time. Before, there was a case charge against me. Nevertheless, “not guilty as charged” ako. Obviously, ‘di ko nga alam kung saan kinuha yung car. Now, it’s my turn to file a case. Naks! Iba na…

After going through that criminal case experience, I decided to file for my annulment. The details of the annulment cannot be disclosed because…because… ganun yata talaga. Basta!

Iba naman talaga ang feeling when you are confident and know what’s happenning. Dati kasi, wala talaga kasi akong alam.

Parang naging tambayan ko na ‘yang Hall of Justice. Alam ko na kung saan agad ako pupunta.

I stopped in the middle of the hall. Looked around. Walang pinagbago.

1. Mainit pa rin ang paligid.

Kaya sigurado ako bibihira ang nagbabati dito kasi mainit na nga ulo nila, mainit pa ang paligid nila.

2. Masikip pa rin ang mga hallways.

Bakit? Kasi po punong-puno ito ng mga files. Files are piled up at the hallways. Kung may kinasuhan ka ng attempted murder at dito kayo magkikita, hindi malayong mapatay ka dito dahil maliit lang at masikip ang tatakbuhan mo. Mahihirapan kang umiwas.

3. Amoy Luma.

Alam mong aabutin ng 50 years ang kaso mo sa amoy pa lang.

4. Bawal umihi dito.

Syempre, hindi nila binura ang nakasulat na bawal umihi dito sa second floor, sa may hagdanan, sa loob ng Hall of Justice. Bakit?! Bakit may umiihi sa hagdanan ng Hall of Justice? Bakit? Anong nangyari? Akala ko dati sa kalye lang umiihi ang Pinoy. Hindi pala.

5. Wala pa ring upuan.

Ang ngawit ayon sa aking personal experience causes stress and headaches that trigger my right membrane to react accordingly, sending the message to all my nerves regarding the ngawit that this human anatomy feels. This, in effect, causes one person to get mad easily, fuzzy, uneasy, impatient, thus, making him/ her not in the right frame of mind and position to decide on important matters, especially legal matters. Lagot na! Diyan nagsisimula ang unang kaguluhan at ‘di pagkakaunawaan.

6. Papunta sa Fiscal ay let’s gets physical.

Kung sa mga branch ay masikip. Ang opisina ng mga Fiscal ay designed sa paniniwala na mababait ang Pinoy at walang magkakakaso kahit kailan dahil sa liit ng entrada at pilahan ng mga opisina nito. Akala yata ng mga arkitekto ng QC Hall of Justice, never tataas ang crime rate ng Pilipinas. Magandang pananaw, Magandang adhikain, kaso ‘di naman nangyari kaya ngayon, may kaso kaso na let’s get physical talaga. “Sardinas” muna bago mo makaharap si Fiscal.

7. Nakakalito at nakakahilo.

Sa sobrang dami ng tao, nakakahilo at nakakalito kung saab ka pupunta. hahahaha! Bago ka makarating sa kaso mo, nalaman mo na ang kaso ng iba o nakalimutan mo ang kaso mo sa lito.

8. Iisa ang Elevator at ang bagal nito.

Mas mabilis pa kumuha ng lisensiya kesa ang andar ng elevator sa QC Hall of Justice.

Dahil hindi ko kinaya ang aking karanasan, meron akong mga mungkahi para mapaganda at maisaayos ang Hall of Justice. With my suggestions, sigurado akong marami ang magbabati. (Read more… )