Lights…camera…action!
Parang two weeks na akong kinukulit ng cousin ko na si Myra, who stays in Alabang, na pupunta daw sila sa Q.C. ng isa ko pang cousin to take lessons. It’s a chance daw for us to bond, bilang bibihira naman silang lumuwas from Alabang. Opo, probinsiya na ang pakiramdam ko sa Alabang dahil sangdamukal na pasensiya at pang-unawa ang babaunin mo sa sobrang traffic. Pero sila, parang sanay na sila sa ganun. Minsan naman maluwag todo. Smooth sailing ang biyahe.
Parang babaeng merong irregular menstrual period ang traffic situation from North going to South and vice versa. Alam mo na talaga kung kailan ang traffic kaya iiwasan mo, kaso minsan, napapaaga or madaling araw na saka pa lang magta-traffic.
Kaya dapat, there should really be a valid reason for one to travel. Lessons, why not?
Ayun, nalaman ko, make-up lessons! Teka, ano ulit? make-up lessons? Huh? May balak bang maging make-up artist itong mga pinsan ko? Saka hindi ko kailangan itong make-up lesson ngayon. Kung lessons iyan how to be thin, baka mag-full enroll ako.
Ang ending, wa na ako join sa lesson. Tambay na lang ako para chumika. Last hour of the four-hour session of the class ako dumating. I saw how involved my cousins were. Totoo ba talagang hindi sila marunong mag-make-up?
As I was silently observing the teachers, my cousins…I realized that they really don’t know how to put on make-up. Grabe! Na-weirduhan ako bakit hindi sila marunong. Kung sabagay, both of them are hardworking full-fledged housewives. Kung sabagay, kelangan bang naka-make up sila sa loob ng bahay? But I have to admit, they both are pretty good parents, wives, cooks, and etc. Pero bakit di sila marunong mag-make-up?

Kakatuwa din naman si Hazel, yung make-up teacher, whose make up and photography studio is located at the Venezza Plaza, in front of Burger King on Timog Avenue, Quezon City. I thought that putting on make-up was quite normal. It comes like second nature to a lady. Hindi pala! Pero ang huhusay ng mga cousins kong ito na magbalot ng notebooks ng anak nila. Lahat ay ginagawa nilang personalized. Truly, each person is created differently but we have to learn to blend and co-exist with each other.
PROUD OF CULTURE. I am so proud to be part of the press conference for PIAF 2010, Philippine International Arts Festival, this February. NCCA (National Commission for Culture and the Arts) Chairman Vilma Labrador was there and pointed out that February is the heart month. Totoo nga naman. They chose February because our own works, culture, heritage, artistry should be dealt with love. That’s the way to move forward, and in the long run, achieve economic growth. And aside from loving the arts, there should also be passion and responsibility.
I experienced riding the beautiful carriage, which toured us around the Intramuros area. The manong kutsero found a way to escape the traffic. I was in awe.
People in full Filipino costumes welcomed me. Ganda talaga! There were ati-atihans, higantes, mime artists, street performers, marching band, and a grand train situated in front of Barbara’s. As I went up the carved stairs, kundiman singers serenaded every visitor that arrived. Pag enter, give sila ng welcome drink, buko with its shell pa talaga.


Amoy na amoy ko ang kulturang Pinoy. Merong mga sumayaw at talaga namang napamangha nila ako. Bakit hindi natin isama ang mga ito sa mga pelikula o palabas natin?
Para makita naman ng marami ang ating kultura? Hindi lang para sa mga dayuhan kundi para sa mga kapwa nating Pilipino, na nakikihiram na lang ng kultura ng iba. Sayang! Ang kulay at ang lago ng kulturang Pinoy bilang meron tayong influence ng mga nag-colonize sa atin. Fusion nga ang ending, e. Ganda, di ba?!!
ASIANOVELA RULES! Speaking of movies, heto na naman kami ni Gagay (Gelli de Belen) at nag-volt in na naman kami nang bonggang-bongga! We really wanted to have some bonding time and updates on each other’s status. Yung totoong status, ha, hindi lang pang-Facebook or Twitter.


And we did. Pero sandali lang.
Hehehehe! Kasi nagsimula na naman kaming i-discuss ng latest Asian series na pinapanood namin, the sites (including online streaming websites) we visited to get updated about Korean artists, good actors, good series, and the difference of a Taiwanese series from a Korean to a Japanese and Filipino drama series. Ibang level na ang knowledge namin sa mga ito given our observation and non-stop watching.
Whenever we watch their series, ke period or modern ang setting, amoy namin ang touch ng culture nila. Pareho kaming agree na ang Japanese series, they usually tackle mid-life crisis and fast-phased life of the characters. Ang acting minsan, papuntang anime.
Taiwanese series has a fast way of telling their stories and usually, feel-good talaga sila. Pareho din yung ayaw naming mga artista, as if naman close kami sa kanila.
Malinis gumawa ang Korean, saka madetalye. Hindi pilit ang mga biglang twists and turns ng story. Sobra kaming high sa mga K-pop and all. Hindi na kami nakatiis at nanood kami ng gabing yun. Kanya-kanya kaming laptop watch kami and compare notes. Alam na rin namin kung pangit ang seriesjust by watching the first episode.
Hanggang sa make-up nila ay analyze kami. Dito kasi sa atin, kahit matutulog, buo ang kilay at markado ang blush. ‘Tapos pag matanda, kailangan lagyan ng white sa buhok na hindi sa roots nanggaling. Yung white, nilalagay na parang streaks of a squirrel ang itsura. Hindi nagmukhang matanda yung artist, mas mukhang rocker.
REFLECTIONS IN ARANETA. Ang Araneta Coliseum pala, hindi lang para sa mga shows. Nag-attend ako ng one-day recollection sa Araneta. Ang speaker ay si Fr. Cantalamera, papal household retreat master lang naman siya. Nandito siya talaga for the yearly retreat of all the priests nationwide. More than 5,000+ na priests daw ang nasa World Trade Center at dun lang sila.
Nagsalita din si Cardinal Rosales, at heto ang point nila. Bakit nagrereklamo kayo sa kalagayan ng bansa natin? E, tayong lahat naman ang humubog para maging ganito ngayon. Ang bawat pamilya na nagpapalaki ng isang bata, kamusta naman ang pinapakita ninyo sa mga batang ito? Anong inaarte natin? Kung ano ang gobyerno natin, tayo ang may choice niyan. Sa patuloy daw nating pagpapalaki ng mga anak natin, tandaan daw na ang bawat arte natin ay siyang humuhubog ng isip ng bagets. You’ll never know kung ang anak mo na pala ang next president. Tama ba ang values na na-impart mo?
Napaisip tuloy ako. Imposibleng maging presidente ng ‘Pinas si Quentin kasi delayed nga siya. Pero hindi imposible na maging president siya ng isang malaking company. Naku, kailangan ayusin ko ang mga galaw at arte ko nang bonngang-bongga. Hindi ko naman gusto marinig si Q na nagsasabing bongga as a sign of affirmation sa mga employees niya.

Whew! Bago ko isipin ang Philippine film industry, ayusin ko na muna ang Pangilinan household.
Kaya wag tayong umarte na parang wala tayong contribution sa problem ng bansang ito. Kung wala kang ginagawa at all. Kasalanan din yun. Ayaw ko na umarte na parang every thing will be okay. Election na naman, kanya-kanyang acting ang mga kandidato. Kanya-kanyang TV ads na parang hindi sila umaarte. Kaya wag TV ad ang maging basehan kung hindi, kung ano ang inarte nito, o ginawa sa panahon ng kanyang panunungkulan. Nag-iinit na naman ang ulo ko. Ayaw ko naman lumaki ang anak ko sa isang presidenteng puro acting at walang real thing.
Real thing naman talaga sina Zanjoe Marudo and Mariel Rodriguez kaya naman ang sarap nila panoorin sa Precious Hearts Love is Only in the Movies kung saan nag-a-acting acting ng iba’t ibang pagkatao si Marielle hanggang ma-meet niya si Zanjoe, na siyang nagpalaos ng acting abilities niya. Every day at 5:00 P.M., ABS-CBN, nag-pilot kahapon. Cute ng story at cute ang mga director nun—sina GB Sampedro at Richard Arellano.
Panoorin niyo, ha, ‘tapos sabihin niyo sa akin kung maganda ba o hindi, muntik nang gumanda o pa-ganda na, muntik nang pumangit? Don’t worry, hindi ako aarte sa mga comments niyo. I really want to know. Oo nga pala, meron na akong Twitter account. Hanapin niyo.
Bawat galaw, event, and arte ko ay napo-post ko dun. Go!









































