| Register
Jojo Gabinete: Cabinet Files

Showbiz shockers that aren’t really shocking

Filed under: Opinion — admin at 5:02 pm on Wednesday, October 21, 2009

Hindi nakakatuwa ang mga pahayag ni Lyka Ugarte tungkol sa kanyang ikaapat na attempted suicide.

Imbes na kaawaan, kinairitahan si Lyka dahil sa kanyang latest statement na sa susunod, magbabaril siya sa sarili para matuloy na ang kamatayan niya. Bakit ipinapasa ni Lyka sa ibang tao ang responsibilidad niya sa sarili?

Kung nakaya ni Lyka na paglaruan ang kanyang buhay, hindi ba’t puwede rin niyang paglaruan ang ibang tao para makakuha siya ng simpatiya?

May bagong apela si Lyka sa mga pinadadalhan niya ng mga text message. Ipagpatuloy raw sana ng GMA-7 ang panawagan na tulungan siya dahil may bagong pagsubok sa kanyang buhay. Naka-confine sa ospital ang anak niya na pinagsususpetsahanng may sakit na dengue.

Base sa text message ni Lyka, humihingi siya ng tulong.

Pero kung tutuusin, kailangan munang tulungan niya ang sarili bago siya humingi ng tulong sa ibang tao.

May nakapagsabi sa amin na RAV4 ang sasakyan ni Lyka pero lumubog sa ito sa baha. At least, may sasakyan pa rin siya at may cellphone na nagagamit para i-text ang mga hinihingan niya ng tulong.

Ikinuwento sa amin ni Jun Nardo na tinulungan niya si Lyka noong nag-uumpisa pa lamang ito sa showbiz.

Ang next scene? Hindi na siya kilala ni Lyka nang maging empleyado ito ng SM Cinema. Hindi binati ni Lyka si Jun nang magkita sila.

Ngayong naghihirap si Lyka, hindi kami magugulat kung kilala na niya uli ang mga reporter na hindi pinapansin noong maganda pa ang kanyang posisyon sa SM Cinema.

Ang bold star na si Cherry Madrigal ang pumasok sa aming isip habang pinanonood namin ang interbyu kay Lyka tungkol sa kanyang suicide attempt.

Dumanas din si Cherry ng matinding kahirapan pero hindi ito nagpatalo. Nakikita namin noon si Cherry na nakatayo sa gate ng mga TV network dahil hinihintay niya ang mga artista na pagbebentahan ng mga mangga na kanyang itinitinda.

Kahit pinipilit ni Cherry ang mga artista na bilhin ang kanyang mga paninda, hindi ka makakaramdam ng inis dahil pursigido siya na magkaroon ng marangal na hanap-buhay.

Hindi namin pinapayuhan si Lyka na magtinda ng mangga pero huwag niyang gamitin na dahilan ang kahirapan para magtangka siya na tapusin ang kanyang buhay.

*******

Dahil sa naging trato ni Lyka kay Jun, tinanong namin ang ibang mga kasamahan sa pagsusulat kung sino sa mga artista ang marunong magpasalamat.

Sigurado sila sa kanilang mga sagot. Mas marami ang bilang ng mga artista na hindi nagpapasalamat sa mga magagandang artikulo tungkol sa kanila na isinusulat ng mga entertainment writer pero kapag negatibo ang article, bayolente ang reaksyon nila.

Likas din sa mga artista ang pagkakaroon ng amnesia. May mga artista na kahit maraming beses na nainterbyu ng mga reporter, hindi na nila kilala ang mga kausap sa kanilang mga sumunod na pagkikita.

*******

Nagtataka raw si Dorothy Laforteza dahil marami kaming alam na kuwento tungkol sa pagkawala ni Sunshine Dizon sa Tinik Sa Dibdib. May mga tao siya na tinatanong kung sila ang nagkuwento sa amin.

Walang dapat ipagtaka ang nanay ni Sunshine. Ang sarili ang kanyang dapat tanungin dahil kung anuman ang mga balita na nakararating sa amin, ang lahat ng ito ay galing sa kanya dahil siya rin ang nagkukuwento sa maraming tao.

Nahihirapan ang ina ni Sunshine na tanggapin ang katotohanan na tinanggal sa cast ng Tinik Sa Dibdib ang kanyang anak dahil naging unprofessional ito.

Iba na ang panahon ngayon. Hindi na uso ang mga prima donna. Hindi na puwedeng magmalaki sa trabaho ang mga artista, kahit magagaling sila na umarte. Nobody is indispensable. Love your work and your work will love you.

Pinapanood pa rin ang Tinik Sa Dibdib, kahit wala na si Sunshine, isang pruweba na basta maganda ang project, panonoorin ito ng mga tao.

Good example? Ang May Bukas Pa ng ABS-CBN.

Isang unknown child star ang bida ng May Bukas Pa. Pero dahil maganda ang project, na-extend ang programa na nagpasikat kay Zaijan Jaranilla.

*******
Dalawa na ang acting award ni German Moreno, ang best supporting actor trophies mula sa PMPC Star Awards for Movies at FAMAS Awards.

Nanalo si Kuya Germs para sa Paupahan, ang indie movie na nagpanalo kay Allen Dizon sa Best Actor category ng FAMAS.

Itinuwid ni Kuya Germs ang maling akala na muntik na niyang tanggihan ang kanyang role sa Paupahan.

Ibang project daw ang kanyang tinutukoy. Hindi sinabi ni Kuya Germs ang pamagat ng pelikula pero tinanggihan niya ang project dahil masyadong bulgar ang gay role na inialok sa kanya.

7 Comments »

Comment by mcbeal

October 21, 2009 @ 5:51 pm

Love the juicy stuffs here Mr. Jojo. And also your POV on some of the latest issues now in showbizness!

Comment by mslavender

October 21, 2009 @ 9:37 pm

Mr. Jojo, karamihan kasi sa mga entertainment writers, they expect something in return pag may isinulat silang maganda sa artista. Pera. Yun lang yun, pag hindi naabutan, sisira-siraan na ang mga artista esp yung mga tabloid writers. Kawawa nga ang mga artista lalo na yung mga baguhan na walang kalaban-laban..

Comment by neenasatine

October 21, 2009 @ 10:16 pm

hi mr. jojo..nakapainteresting naman ng scoop about sunshine… so unprofessionalism pala talga ang naging problema at hindi health reasons..

Comment by DimplesAndPanda

October 21, 2009 @ 11:23 pm

naging unprofessional ba si sunshine dahil nawala na sa sarili (nervous breakdown)? if so, then pwede rin nga masabi na “health reasons”… kasi HINDI siya MENTALLY FIT to work…

Comment by firebird

October 23, 2009 @ 1:14 am

karamihan kc s mga artista, super fabulous at prng wl ng bukas, ayaw mag-ipon. ky pagtanda, ayan parang pulubi n wlng salapi!

ky ikaw sunshine, wag kang mag-inarte at matanda kn! maraming mas bata at magaling s yo!

luk at lola germs, super s ipon ky kahit matanda n, hindi mukhang kww kc masalapi!

Comment by lakers

October 24, 2009 @ 12:00 am

HUWAG na tayong maging ipokrito jojo. 98 percent ng mga self-proclaimed shwbz reporters BAYARAN. bawat daluhang press con, may bayad na kapalit. kapag di naabutan, nagtatampo.

oo nga’t sila ang lumilikha ng publisidad sa mga artista, pero sana naman practice LEGITIMATE ENTERTAINMENT JOURNALISM. kaya wag na kayong magtaka kung walang kredibilidad ang star awards na iginagawad ng mga showbz reporters. LAHAT SILA BAYARAN!

Comment by diocyl

October 24, 2009 @ 10:50 am

Hello LYKA…………… remember when we were still in Sta. Isabel College back in late 70s? I have known you as matatag,matapang and loving. When you entered the BIZlandia, everything changed. I know you have forgotten much during your SIC years but I can still remember when you and I were playing volleyball. You were into sports before. I should not be tellign you my name because it is not important anymore. To me, you are important still because in my life’s journey, I met you when you were still a student there. You were loved by SIC family.

The reason why am sharing this little side of ours back then is because I appreciated what JOJO is telling us about you here.Inever thought you will end up like this as in ——– gustong magsuicide eh noon, you did not beleive in this. Have you lost faith in God, the way you were brought up? I am a little sad of the events you are encountering in life.But same goes when I say,get up, pick up the broken YOU and -move on. May you learn all the valuable lessons that these events got into you.

Thanks JOJO for letting us know bits of news about this friend of ours way,way back. She did not know us anymore also when she got into showbiz. Malayo na ang narating niya from the life of an ordinary student of Sta. Isabel College.

Anyway, she has to face all the consequences of her actions in life naman.

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a comment

Username
Password
Forgot Password? | Register