| Register
Jojo Gabinete: Cabinet Files

My talent is not a fish!

Filed under: Features — admin at 3:14 pm on Tuesday, October 28, 2008

Si Purita Alvior ay isang manghuhula. Paborito ko siya kasi kapani-paniwala ang kanyang mga sinasabi, lalo na kung positive ang mga ito. Sa katunayan, maraming beses nang nagkatotoo ang mga hula niya sa akin.

Noong February 11, 2002, isang araw bago ganapin ang selebrasyon para sa Chinese New Year, pinuntahan ko si Ate Purita sa kanyang puwesto sa ground floor ng Pan Pacific Hotel.

Tinandaan pero hindi ko pinaniwalaan ang hula ni Ate Purita. Ang sabi niya, “Magkakaroon ka ng alaga at magiging kilalang artista siya.”

Hindi ako naniwala dahil wala sa naman plano ko ang maging talent manager. Kuntento na ako sa pagiging entertainment columnist.

*******
June 2002 nang makatanggap ako ng tawag mula sa kaibiganng si Eric Ramos, ang dating editor in chief ng FHM magazine. Tinanong ako ni Eric kung puwede kong tulungan ang isang baguhan na sexy star, si Diana Zubiri.

Kakalas na raw si  Diana sa kanyang manager na si Jimmy Mercado dahil gusto nito na pagsayawin siya sa isang beerhouse.

Pumayag naman akong makipagkita kina Eric at Diana sa Mangan Restaurant sa second floor ng Robinsons Galleria.

Ang bungad na tanong sa dalaga, “Paano ka naging artista?”

Ang akala ni Diana, tinatanong ang tungkol history kung paano siya na-discover.

Ang hindi niya alam, naitanong ito dahil hindi siya mukhang artista, at least sa aking paningin, sa kanyang suot na T-shirt, denim jeans at denim jacket.

Ikinuwento ni Diana ang pag-uumpisa ng kanyang showbiz career. Si Ate Purita ang nasa isip ko habang kausap si Diana.

Ang sabi ko noon kay Diana ay tutulungan ko siya, perso huwag siyang mag-expect dahil reporter ako, hindi talent manager.

*******
September 15, 2002. Nagpunta kami sa Tagbilaran, Bohol, para sa pictorial ng 2003 FHM Calendar nina Diana, Maui Taylor at Aubrey Miles.

aubrey.jpgMay pictorial si Aubrey na hitch-hiker siya pero bikini ang suot. Nagustuhan namin ang pictorial pero ni-reject ito ni Dondon Monteverde, ang manager ni  Aubrey. Masyadong sexy ang pictorial dahil thong ang suot ng kanyang alaga.

At that time, pinaplano na ni Eric ang December 2002 issue ng FHM. Si Diana ang kanyang iniisip na ilagay sa nabanggit na issue.

******

October 23, 2002. Nag-meeting kami ni Eric sa Aprodisia Restaurant sa Annapolis, Greenhills, kung saan pinag-usapan ang magiging concept ng cover pictorial ni Diana para sa FHM.

Naalaala ko ang hitch-hiker pictorial ni Aubrey na ni-reject ni Dondon. Binanggit ko kay na gusto namin ang hitch-hiker concept para kay Diana. Ang sabi ng dating editor, kulang na sa oras ang FHM staff. Hindi na puwede ang out-of-town shoot dahil sa October 29 na ang araw ng pictorial.

Pinairal namin ang pagiging makulit. “Eh, di gawin natin dito sa Metro Manila?”

“Saan?” ang tanong  ni Eric.

“Hmmm, sa SM Megamall! Sa Julia Vargas St.,” ang aming ayaw na paawat na sagot.

“Kailangan ng mayor’s permit,” ani Eric.

“Hindi problema. Nasa Mandaluyong City ang SM Megamall. Sakop ‘yon ni Mayor Abalos. Kaibigan ko ang press secretary niya, si Odette Galino. Puwede akong humingi ng tulong sa kanya.”

Right there and then, tinawagan namin si Odette sa cellphone nito. Pinayuhan kami ni Odette na personal na pumunta sa opisina ni Mayor Abalos para sa permit na hinihingi namin.

Katabi namin si Diana habang nag-uusap kami ni Eric. Nang tanungin namin si Diana kung payag siya sa concept na aming pinaplano, isa lang ang sagot niya, “Tito, basta ibili mo ako ng Nokia 7650 cellphone!”

*******

October 28, 2002. Sa tulong ni Odette, nakausap namin si Mayor Abalos. At that time, iba na ang plano. Imbes na Dona Julia Vargas St., ang fly-over sa harap ng Shangri-la Mall ang bagong location ng pictorial.

Tinapat kami ni Mayor Abalos. Hindi niya kami mabibigyan ng permit dahil area of jurisdiction ng MMDA ang Mandaluyong fly-over. Sa MMDA daw kami dapat humingi ng permit.

May tinawagan kami na may kakilala sa opisina ni MMDA Chairman Bayani Fernando. Pumayag naman ang opisina ni Chairman Fernando at magbigay ng permit to shoot. Mula sa opisina ni Mayor Abalos, dumiretso kami sa MMDA office para kunin ang permit.

It was a long day for us. Mula sa MMDA office, bumalik kami sa opisina ni Mayor Abalos para sabihin na meron nang permit. May bilin si Mayor, bawal ang sexy outfit at huwag mag-pictorial sa malapit sa Archbishop Palace dahil baka maiskandalo ang namayapa nang si Jamie Cardinal Sin.

*******

October 29, 2002. Tutal wala namang malisya sa pictorial, nag-imbita pa kami ng mga TV crew para i-cover ang fly-over pictorial ni Diana.

diana-blog.jpgRed shorts at red bikini top ang suot ni Diana. Nagdesisyon si Eric na ipahubad kay Diana ang red shorts at dito namin naalala ang mahigpit na bilin ni Mayor Abalos. Nagkaroon kami ng kutob na magkakaroon ng problema.

Si Diana? Hala, pose dito, pose doon ang ginawa niya. Iba talaga ang motivation ng Nokia 7650…

Walang trapik sa right lane (papuntang Manila) nang kunan ng litrato si Diana. May traffic sa left lane (Pasig bound), pero iba ang lumabas sa mga news programs. Nagkaroon daw ng matinding trapik dahil sa sexy pictorial ni Diana.

That same night, nakatanggap kami ng tawag sa cellphone mula kay Odette. Galit si Mayor. Ipinatatawag kami sa kanyang opisina.

*******

Kinabukasan, maaga kami sa opisina ni Mayor Abalos. Malumanay ang kanyang pagsasalita.

Bakit daw namin sinuway ang kanyang mga bilin? Nakatanggap daw siya ng maraming reklamo mula sa concerned citizens ng Mandaluyong. Kailangang may  managot sa nangyari.

Ang sabi ni Mayor Abalos, ayaw niyang masira ang tiwala sa kanya ng mga residente ng Mandaluyong. Mabigat man sa kanyang kalooban, kakasuhan niya si Diana.

Hindi na kami nangatwiran kay Mayor, kahit gustung-gusto naming ipaalaala ang kanya ang sinabi na under sa jurisdiction ng MMDA ang Mandaluyong fly-over.

Sinabi namin kay Diana ang desisyon ni Mayor Abalos na idemanda siya.

Ang sagot niya? “Ok po!” As in parang wala lang…

May twist ang kuwento. Hindi lamang si Diana ang kinasuhan ni Mayor Abalos. Kaming dalawa ni Eric, idinemanda rin.

Na-dismiss ang kaso dahil makalipas ang ilang buwan, pinatawad kami ni Mayor Abalos. Up to this day, hindi pa nagkikita nang personal sina Diana at Mayor Abalos. Hindi pa rin sila magkakilala pero nagpapasalamat si Diana kay Mayor dahil sa kontribusyon nito para magkaroon niya ng pangalan sa showbiz.

*******

Marami kaming amusing experiences sa pagiging manager ni Diana. Sa isang  pictorial ni Diana para sa isang produkto, required siya na magsuot ng two-piece swimsuit. Pumayag kami dahil hindi malaswa ang concept.

Ang pagkakamali namin, umalis kami sa studio dahil may binili kami sa labas. Sandaling-sandali lang ang aming pagkawala. Pagbalik namin sa studio,  hindi na two-piece ang suot ni Diana. Lambat na lang!

Pinairal namin ang diplomasya kahit gusto naming isigaw sa photographer ang, “My talent is not a fish! My talent is not a fish! Tao siya! Taooooooo!”

Pero pinigil namin ang sarili. Wala kaming balak na higitan ang performance ni Nora Aunor sa Minsa’y Isang Gamu-Gamo.

“Kuya, hindi po siya puwedeng magsuot ng lambat. Wala ‘yan sa usapan natin. Baka makasuhan tayo,” ang very diplomatic na sabi namin sa photographer.

Mula noon, tiniyak namin na nakabantay kami sa lahat ng mga pictorial ni Diana. Sinabi rin namin sa kanya ang mga karapatan niya, na puwede siyang tumangging gawin ang isang bagay na alam niyang labag sa pinag-usapan. Tao siya. Hindi isda na basta na lang inilalagay sa lambat!

*******

Malapit na uli ang October 29. Six years na ang nakalilipas mula nang maganap ang controversial pictorial ni Diana. Sa tuwing dumaraan kami sa exact spot ng pictorial ni Diana sa fly-over, ang image niya na nakiki-hitch hike sa mga dumaraan na sasakyan ang aming nakikita.

Sold-out ang December 2002 issue ng FHM magazine dahil sa fly-over pictorial controversy. At hanggang ngayon, ito ang best-selling issue ng FHM.

60 Comments »

Comment by coffee

October 28, 2008 @ 3:49 pm

ang galing mong magkwento sir! kakaaliw, walang kiyeme, walang halong showbiz. keep it up! by the way, welcome po dito sa pep. follower po ako ng lahat ng blogs dito and this is my first time to post a comment.
More power & God bless.. =)

Comment by shobizaddict

October 28, 2008 @ 3:52 pm

i like you jojo, kasi di ka masyadong bias sa mga articles mo.

i also like Diana kasi ang ganda ganda nya kahit di ko pa nakikita sa personal (babae po ako di ako tomboy). ikaw din ba ang manager ni juliana palermo? whatever happened to her? like ko din sya.

Comment by gossipmonger

October 28, 2008 @ 4:12 pm

parang go lang ng go si diana ano? hahaha. in fairness, hindi naman siya nawawalan ng trabaho at from a magazine cover girl, isa na siyang aktres ngayon. kita mo nga naman…

Comment by madam01

October 28, 2008 @ 4:15 pm

mang jojo…mabait po bang i-manage si diana? parang ang bait-bait nya at sunod lang ng sunod sa ipapagawa…at hindi pati kumakabit kung kani-kanino dyans a tabi-tabi…

Comment by zdref_1969

October 28, 2008 @ 4:21 pm

Maski paano marami na rin tayong magagaling na artista who chose to enter the showbiz via the sexy route. Tatagal pa tong si Diana, di lang siya sexy, galing din siya umarte…. Btw, totoo ba yan?

Comment by fhiyizie_03

October 28, 2008 @ 4:32 pm

parang tralala din itong i diana.. sabagay baguhan pa xa nun.. nagun cguro alam nya na.. malayo na ang narating nya.. isa na xang ganap na artista…

Comment by coach

October 28, 2008 @ 4:36 pm

ang vivid ng pagkaka detalye mo… mahusay ka. deretso at walang paligoy ligoy… natuwa ako sa iyo lalo na sa ” my talent is not a fish” hehehe…
keep it up…

Comment by regalbaby

October 28, 2008 @ 4:43 pm

natatawa naman ako sa my talent is not a fish. Hahaha…Sabagay oo nga dun nagstart na nakilala si Diana Zubiri. At ngayn ang galing na nya sa Gaano Kadalas ang Minsan.

Comment by wInDYLiCiOuS

October 28, 2008 @ 4:54 pm

sexy nman ni aubrey miles..ano ba yan.kaya nman nabuo c super cute na hunter cody.hehe..

ano ba yan..parang lumabas na engot c diana sa article na ito..hehe

Comment by fhiyizie_03

October 28, 2008 @ 5:09 pm

aba deleted ung comment q.. wala namn masama dun ah.. hmnnn.. ai naku ha.. sabi q lang namn noon un.. tska tlga namn na mayo na ang narating ni diana.. isa na xang ganap na atista hindi nalng xa covergirl ngaun.. artista na rin..

Comment by ambishosa

October 28, 2008 @ 5:10 pm

haha…aliw! iba pala talaga ang motivation ng nokia..dapat model na rin sya ng nokia! :p

pero mahusay na aktres na ngayon si Diana and di na sya bastusin..hihiii..kayo pa rin ba may hawak sa kanya?

Comment by rafgab

October 28, 2008 @ 5:10 pm

Pasintabi na rin po sa ibang managers, pero bilib ako kay Mr. Gabinete at least you see your talent as human and hindi kayo nasisilaw sa TF at publicity. Nakakaawa lang iyong mga baguhan na tulad ng pinagdaanan ni Diana kung lahat ng sasabihin sa kaniya gagawin niya basta kumita lang ang habol. Sana nga po ma-educate din ng mga managers ang talent nila at huwag pagsamantalahan sa kanilng ignorance.

Comment by minakoaino

October 28, 2008 @ 5:29 pm

Natawa ako sa my talent is not a fish..hahaha inimagine ko na si Lola Guy yung nagsasalita..Good job, Mr. Gabinete and Diana Zubiri..In fairness, may name naman na si Diana ngayon, ang gaganda ng mga projects na nakukuha nya..

Comment by kikay1385

October 28, 2008 @ 5:51 pm

tama ka jan go lang sya lagi hehehe, pero paid off lahat naman.
naging house hold name n sya, sa encantadia days.
Worth it naman lahat ng ginawa nya.

Comment by bbobb

October 28, 2008 @ 5:53 pm

ganun pala ang history ni diana sa showbiz…nakakaawa naman pala sya that time sunod lang ng sunod sa gusto ng mga photographer im sure kung may muwang na c diana that time d naman sya papayag na ganun ang gawin sa kanya na pagsuotin ng lambat…ang naalala ko after ng ngyari sa flyover photoshoot na un nag guest sya sa S-Files at mejo natawa ako sa sagot nya ki Goma….infairness, gustong gusto ko c diana from sexy to comedy to dramatic actress…Ngaun ang galing galing nya sa Gaano Kadalas ang Minsan..Gud luck Diana and Jojo!

Comment by bbobb

October 28, 2008 @ 6:00 pm

gusto ko pala i congrats c Jojo Gabinete for having a blog here sa PEP…Congratulations po! maski sa abante suki mo na akong reader. what i really like about u is sometimes may trivia ka pa sa mga readers mo in order to understand ur topic….saka natawa nga pala ako dun sa blog mo tungkol ki Gabby Concepcion hahahahaha…dapat po kc sabihan mo na c manay lolit na ipakilala ka nya ki Gabby para d ka na nya nakakalimutan or mas maganda po cguro ikaw na maging PR ni Gabby since wala na sila ni RF(roasted & fried) ….

Comment by RussWayneRobb

October 28, 2008 @ 6:07 pm

laki ng pinagbago niya..
from a sexy star to a serious actress…

Comment by screwed

October 28, 2008 @ 6:29 pm

magaling syang umarte… minsan nga lang medyo di marunong sumagot sa mga tanong… and parang walang confidence up to now???

hehehehe! are u up to pepsters’ love and fury??? good luck!!!

Comment by kakasuya_showbiz

October 28, 2008 @ 6:32 pm

si diana nmn, mejo classy ang dating nya, unlike the other sexy star.

gusto ko ung 2 at itong entry na ito..

Comment by preciousjoy

October 28, 2008 @ 6:41 pm

nice din ang blog mo… keep it up!

Comment by shanangshane3

October 28, 2008 @ 7:43 pm

na eenjoy talaga me magbasa ng blog
nakakaaliw basahin
at un pala ang tunay na kwento
ngaun ko lang kc nalaman un
thanx sa blog mo

Comment by lawrenzo

October 28, 2008 @ 8:07 pm

Ayos kang magkwento Jojo. Matagal na kitang gusto. Sna mabasa mo ito, I would rather have na medyo hindi ka masyadong GAMIT NA GAMIT nga GMA.. kumbaga nasa gitna ka lagi kahit na sa GMA nagwo work si Diana.

Nawala na si Ka Billy na tingin ko ang last ng WELL LOVED MOVIE COLUMNIST. Nakikita kong pwede kang maging tulad niya. Nong hindi ka pa Talent Manager, ayos ka naman talaga. Lately lang, halatang nasa GMA ang loyalty mo which is but natural.

Hawak ka pa ng ibang talents. Free lancer ka. Wag kang patali sa isang network.

Comment by bernjey

October 28, 2008 @ 8:27 pm

sir ang galing nyo tlga! nung nabsa ko dn yung kay gabby ibng klase naka2enjoy mgbasa ng blog nyo… d2 tungkol kay diana nmn alam ko n jan sya sumikat s fly over hehehe… pero infairness po magaling c diana umarte ska magnda sya simple pero d bastusin d po b… wait ko po yung susunod n mga blog nyo… thank u po…

Comment by mandersnork

October 28, 2008 @ 9:02 pm

natawa ako sa celfone na 7650 hahahahahaha… pero ang galing ni diana na aktres kahit sexy ang image nya at least d cia lumipat nung nga sandaling ng mellow ung career nya..gustong gusto ko sa cia sa bubble gang kakaaliw

Comment by bananashake

October 28, 2008 @ 9:17 pm

hmm hope you continue making this KIND of blogs.. your second blog is not so nice..

Comment by carmi

October 28, 2008 @ 9:49 pm

Another.. blog na aabangan naming mga pepster…

dagdag information sa mga nakaraan ng mga artista.. kung sino yong mga madaling makalimot o may amnesia nsa mga nakakausap nya at yong mga artista rin na mababaw lang ang kaligayahan lang Diana..

salamat sa blog…. GOD BLESS

Comment by anewor

October 28, 2008 @ 11:41 pm

nagagandahan ako sa face ni diana. simple lang, nde nya kailangan ng makapal na make-up para gumanda. gusto ko rin syang umarte. lalong gusto ko sya sa bubble gang hehe

Comment by ashley

October 28, 2008 @ 11:43 pm

hi jojo, andito ka na rin sa PEP. aliw ako sa pagsusulat mo especially sa Gabby-nite.

good luck and more power. fan mo ako & avid reader ng mga article mo. isa ka sa mga reliable writers ng showbiz.

Comment by amazingmaxx

October 28, 2008 @ 11:51 pm

ka2wa naman 2ng c diana, alang kiyeme… very driven basta makuha lang ang gus2, buti ikaw na mgr nya ngaun, guide mo mabuti ha, pretty naman tlg sya eh… welcome sa pep jojo!

Comment by gjoel

October 28, 2008 @ 11:52 pm

I like Diana Zubiri. She has transformed from a mere sex symbol to a serious VERSATILE actress. At kahit madalas na hindi starring role ang ibinibigay sa kanya sa mga projects nya, I can see that she performs her roles well, mapa-comedy (bubble gang) or drama (encantadia, gaano kadalas). I also don’t hear complaints coming from her na pinapabayaan sha, not like other actors/actresses na gustong sila na lang ng sila ang focus ng mother studios nila. I think she deserves a big break, not just on TV, but also in the movie scene. Way to go, Diana!

Comment by joyie

October 29, 2008 @ 1:05 am

mr. jojo gabinete you’re really good..i like your style in writing.i’m an avid fan of pep and i’ve read all you blogs. keep it coming! it was so nice of you to help diana in a more better way.

Comment by Bayani Makabayan

October 29, 2008 @ 4:32 am

“my talent is not a fish” ang OA naman nito.

Comment by scann

October 29, 2008 @ 6:07 am

welcome sa pep mr. jojo, kakaaliw naman hahahha i enjoy reading your blog. ang ganda ni diana at ang sexy ni aubrey.

Comment by pinayz

October 29, 2008 @ 7:06 am

Jo, nakakatuwa kang magkuwento pramiz!..Isa ka sa inaabangan ko dito sa pep..natatawa ako pramiz!..LOL

bigla kong naalala si melanie marquez sa sinabi nyang..”Dont Judge my brother his not a book!”…Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!…oh di ba bongga?!..Gudjob jojo!..lab it!!..LOL

Comment by Poison Ivy

October 29, 2008 @ 9:16 am

Hi Jojo,

BrAVO….
at last nakagawa ka rin ng magandang blog..so far dito lang ako nag comment sa lahat ng mga naging blogs mo kasi ito ang pinaka gusto ko so far…..i hope you will continue to write blogs na may sense basahin..yung nakakatuwa, nakakatanggal ng stress and antok while nag tatrabaho kami kaharap ang computer the whole day….keep it up Jojo…..more blogs to come…..thanks and congrats again…

Comment by jameson2006

October 29, 2008 @ 9:39 am

congrats jojo, ikaw na bago ko paboritong blogger dito. i really like your style. sana tuluy tuloy na pagsusulat mo dito sa PEP. keep it up. :-)

Comment by jameson2006

October 29, 2008 @ 9:41 am

Correction pinayz, he’s not a book po, hindi his not a book. peace.

Comment by bibeth

October 29, 2008 @ 12:01 pm

good blogging.

Comment by aron0628

October 29, 2008 @ 2:05 pm

like ko rin ci diana…sana mas lalo pa syang mag concentrate sa acting kc may potential sya balang araw na hirangin best actress..o dba…congrats jojo g. welcome sa pep..lagi akong nagbabasa ng article mo kc nde ka gimikero…god bless..

Comment by ethanol

October 29, 2008 @ 2:20 pm

maganda ang pagkaka sulat. concise pero intersting pa rin. at hnd bias

in fairness kay diana sexy namn talaga xa at magaling na artista. isa xa sa mga inaabangan ko dati sa Enca. at magaling din xa sa comedy… sana wag xang aalis sa Bubble Gang dahil maganda ang exposure nya dun (wag xa gumaya kay Ara)…

nice blog ^_^

Comment by cbry143

October 29, 2008 @ 3:07 pm

magling ngang manghula yang si aling Purita…pag nakatambay yan sa Cappuccino sa Pan Pacific nagpapahula din kami..hehehehehe…

Comment by deanslister

October 29, 2008 @ 5:54 pm

Diana has indeed gone a long way. I like her fez, sweet and innocent. Ang nagagawa nga nman ng N7650. Kahit paghubarin. Buti na lang mabait si mr. jojo, kung sa iba yan na-exploit na si Diana kse, I think 17 y/o lang sya nung sa fhm, so menor de edad pa talaga. From a “hitchiker” to a serious actress. And from 7650 to I-phone na sya, am sure. o dabah, bonggang-bonggang bong-bong!

Comment by mystery_poklat

October 29, 2008 @ 6:32 pm

congrats po mr. jojo gabinete…at may contribution n din kayo dito sa PEP thru your blog…

iba pala pag sinimulan mong mangarap ng nokia… malayo ang mararating… hehehe…

ngapala…nakita ko yang pictorial shoot nyo na yan sa fly over.. malapit lang din kasi ako dun nagwo-work noon.. grabe.. namangha talaga ako sa kaseksihan ni diana..

good luck & more power..

Comment by gimikera

October 30, 2008 @ 12:14 am

Sobrang kaaliw ka magsulat Jojo! Na-imagine ko tuloy yung eksena kung tinuloy mo yung pagsabi ng “My talent is not a fish!” hehehe

Comment by jojolito1000

October 30, 2008 @ 1:44 am

alam ko sikat din si diana sa indonesia dahil sa fhm.

Comment by mildred

October 30, 2008 @ 8:44 am

i like diana! nag mature sya and become more beautiful… so sexy pero di sya malaswa! love her even more when she joined bubble gang!

Comment by iloveyouallsolovemetoo_pleasssse

October 30, 2008 @ 3:55 pm

Ok sa kwento kumpleto. So si Diana pala before e phone lang e pwede na hahaha. Sayang sana nalaman kaagad namin para natuwa ang kapatid ko hahaha madaming madaming cellphone for her.

Comment by Mars

October 30, 2008 @ 4:55 pm

I like Diana too.
Sobrang simple ang mukha, mukhang di artistahin ang dating pero talagang meron syang X Factor na di mo ma explain. Ang galing pa nyang umarte, nakakabilib. I think 15 lang sya nung nag pose sya sa FHM? Correct me if Im wrong. :D
Goodluck kay Diana at more projects to come sana.

Comment by thefilipinocheater

October 30, 2008 @ 5:07 pm

Like ko si Diana Napakasimple ng Beauty pero napakagnada di mo pagsasawaan kahit Bading me prang ang Sarap2x ni Diana Z. Go Diana! Ang galing mo sa Asian T. & Gaano kadalas! Idol kita!

Comment by floozy

October 30, 2008 @ 6:26 pm

jojo, welcome to pep blogs. i didn’t realize si eric ramos pa pala nagpakilala sa inyo ni diana. sobrang concerned nya ha. parang naisip ko tuloy na totoo yung tsismis dati na kaya maximum coverage si diana sa FHM (imagine, cover & calendar agad sya even if sobrang di pa sya kilala non) ay dahil girlfriend sya ni eric ramos. totoo ba yun? kasi parang if not for you and eric (and si eric pa nagpakilala kay diana sa iyo), walang mararating itong si diana. true or false?

Comment by PAULEY

October 31, 2008 @ 12:31 pm

yes gusto ko ang way ng iyong report…malinaw at madali itong maunawaan. plus buong detalye talaga. congrats and more power too.

Comment by kay

October 31, 2008 @ 6:17 pm

nice one, jojo! i also liked your article on Gabby. you’re a very good writer.

Comment by alexcracker

October 31, 2008 @ 10:30 pm

wow!!!! nice one!!!!! pero magaling ang pag dala mo.. kase nag evolve tlaga si diana from being sexy to a good actress… Kahit ganon ginawa ni Diana di parin sya mukhang bastusin.. ung prang sasabihin mo na bold star yan.. etc.. Tsaka may talent tlaga si diana.. di sya fish na lumalangoy at dumaan lang… She’s just sooo lovely and sweet.. mabait sya kaya siguro tumagal sya.. wow!

Comment by calvincel

November 1, 2008 @ 7:17 pm

nawala antok ko ah!…nice blog! pampagising talaga..keep it up po.

Comment by princess_jasmine

November 3, 2008 @ 10:21 am

nakakaaliw naman ang article mo, salamat po! napatawa ko sa “my talent is not a fish!” hahaha… si diana ang ganda ng career nya ngayon, ang galing ng manghuhula! hehehe

Comment by meanboy

November 3, 2008 @ 10:34 pm

haha. natatandaan ko nga yung issue na yun! ^^

Comment by nonez

November 4, 2008 @ 10:30 am

ang sexy at galing na actress si diana zubiri ang bait pa…best selling pala ang cover niya at sold out pa ang galing charisma ni diana at till now hot pa rin xa.good luck sa career diana abangan ko yung movie mo w/katrina and jen

Trackback by Buy ultram.

April 19, 2009 @ 2:02 pm

Tramadol brand s ultram definition of drug.

Ultram dosage. Ultram extended release. Ultram online.

Comment by wow power leveling

June 9, 2009 @ 5:16 pm

A wonderful article…. In my life, I have never seen a man be so selfless in helping others around him to get along and get working. I feel good that there are people like you too. Thanks for this great weblog of yours. Its surely going to get me to go to higher places!

Comment by neenasatine

November 8, 2009 @ 8:33 pm

kaaliw naman tong blog na to about diana… ^^ nice one Mr. Gabinete

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a comment

Username
Password
Forgot Password? | Register