| Register
Jojo Gabinete: Cabinet Files

Erratum 101

Filed under: Features — admin at 1:38 pm on Friday, August 7, 2009


From Wikipedia: An erratum or corrigendum (plurals: errata, corrigenda) is a correction of a book. Errata are most commonly issued shortly after the original text was published.

 

Patches to security issues in a computer program are also sometimes called errata. As a general rule, publishers issue an erratum for a production error (i.e. an error introduced during the publishing process) and a corrigendum for an author’s error.

 

****

 

manilabulletincaption1.jpg

Inaasahan na maglalagay ng erratum at hihingi ng paumanhin ang management ng Manila Bulletin dahil sa photo caption na lumabas kahapon sa front page.

 

Lumikha ng malaking kontrobersya ang photo caption dahil hindi sinasadya na

” pinatay ” nito si President Gloria Macapagal-Arroyo. Ito ang controversial photo caption:

 

“With Utmost Care. Military honor guard carefully moves the coffin of President Arroyo out of the Manila Cathedral.”

 

Kahapon ( August 6 ), hindi na ma-access ang website ng Manila Bulletin at posibleng may kinalaman ang pagkakamali sa photo caption.Ang sumusunod ang lumabas na resulta sa Google nang subukan namin na i-download ang Manila Bulletin website.

 

This is Google’s cache of http://www.mb.com.ph/. It is a snapshot of the page as it appeared on 6 Aug 2009 14:14:31 GMT. The current page could have changed in the meantime.

 

Kahapon ang board meeting ng pamunuan ng Manila Bulletin at diumano, hindi muna ipinaalam sa Chairman ang malaking pagkakamali na lumabas kahapon sa front page.

 

****

 

Hindi lamang ang Manila Bulletin staff ang nag-commit ng pagkakamali. Ang pangalan din ni President Arroyo ang nabanggit ng dalawang reporter ng ABS-CBN habang nag-uulat sila tungkol sa pagkamatay ni Mrs. Aquino.

 

May paliwanag tungkol sa unintentional blunder. Parehong nagsisimula sa letrang A at nagtatapos sa letter O ang mga family name nina President Arroyo at Mrs. Aquino. Halos magka-rhyme din ang kanilang mga apelyido at pareho silang mga babae na nanungkulan bilang mga pangulo ng ating bansa.

 

****

 

Erratum din ang hinihingi mula kay Korina Sanchez ng mga nag-react sa kanyang sinabi sa special coverage ng libing ni former President Corazon Aquino noong Miyerkoles, na high school student siya nang patayin si former Senator Benigno Aquino, Jr. noong August 21, 1983.

 

Year 1964 nang isilang si Korina sa Hong Kong at 19 years old siya noong 1983. Ilang minuto pagkatapos sabihin ni Korina sa TV na high school student siya nang patayin si Ninoy, sunod-sunod ang matinding reaksyon sa Facebook mula sa mga tao na nagpoprotesta.

 

Hindi tayo perpekto. Lahat ng tao ay nagkakamali. Sa kaso ni Korina, malaki ang posibilidad na nalito siya dahil 26 years na ang nakalilipas.

 

Pinagbintangan siya na nagpapabata pero wala itong katotohanan dahil kung nagbabawas si Korina ng edad, hindi nito sasabihin sa national TV na nagtatrabaho na siya bilang weather girl sa Channel 4 noong panahon na inililibing si Ninoy.

 

Sa kanyang pagbabalik-alaala, sinabi ni Korina na naririnig niya noon ang utos ng management ng government station na huwag i-focus ng mga TV camera ang libo-libong tao na nakipaglibing kay Ninoy.

 

Alam namin na nalito lamang si Korina dahil sinabi nito na favorite song niya ang “Magkaisa” noong 1983. Ang totoo, year 1986 nang sumikat ang kanta ni Virna Lisa na composition ni Tito Sotto.

 

****

 

Isang salita ang madalas na bigkasin ng mga TV reporter at news anchor habang inihahatid ang mga labi ni Mrs. Aquino mula Manila Cathedral papunta sa Manila Memorial Park noong Miyerkoles, ang French word na cortege.

 

Ayon sa The Free Dictionary, a funeral procession ang kahulugan ng salitang cortege,

Magkaiba ang pronunciation ng mga reporter /news anchor ng ABS-CBN at GMA-7 sa cortege.

 

Kor-taj ang bigkas ng mga reporter at news anchor ng GMA-7  at

Kor-tezh naman.ang pronunciation ng ABS-CBN news team.

 

Nalito ang mga kababayan natin, lalo na ang mga hindi pamilyar sa French word dahil magkaiba ang pagbigkas nito sa mga special coverage na kanilang pinanood.

 

Sino ang bumigkas nang wasto sa unfamiliar word sa mga Pilipino?

 

Ang ABS-CBN reporters at anchors.

14 Comments »

Comment by alimango

August 7, 2009 @ 2:36 pm

nice blog!

Comment by glen

August 8, 2009 @ 9:36 am

tama. lahat naman nagkakamali. bakit si Susan Enriquez few months ago di ba sabi nya rin dati sa report nya “ang kabaong ni Michael V” instead of “ang kabaong ni Francis M” so, okay lang yan. wag nang gawing issue. sows!

Comment by mslavender

August 8, 2009 @ 12:46 pm

halatang hindi nagresearch si Korina..di bale nang mali ang pronunciation, wag lang magkamali ng pangalan ng namatay..hala..lagot kayo!

Comment by commentdinako

August 8, 2009 @ 1:54 pm

bakit binura yun comment ko? dahil nakita ko rin yun mali nyo? madaya kayo, gusto nyo lang eh papuri sa inyo! pero binago nyo yun name ni korina, dapat nga magpasalamat kayo kasi nasabi ko yun mali nyo!

Comment by commentdinako

August 8, 2009 @ 1:56 pm

walang masama sa sinabi ko, correction yun so magpasalamat ka mr gabinete!
sa blog ni candy at john pag may negative comments di nila binubura….

Comment by commentdinako

August 8, 2009 @ 2:01 pm

erratum pa naman topic mo, may mali sa entry mo, instead na burahin mo yun comment ko eh sana nagpasalamat ka nalang!
frustrated ako sa ginawa mo, hindi patas!

Comment by gossipmonger

August 9, 2009 @ 11:28 am

Mr. Jojo, sana naging fair ka at nilagay mo rin ang mali ng Philstar. That’s worse than MB’s error kasi “Mrs. Arroyo looked at Mrs. Arroyo’s coffin” pa

Comment by mickeypiper

August 9, 2009 @ 12:45 pm

Sympre ABS- CBN reporters are more educated than other network……

Comment by sa220lng

August 9, 2009 @ 7:06 pm

sa last comment ko dun sa past blogni mr. gabinete eh nbnggit ko na pti anchors ng gma 7 me ngkkmali din na ngiging president arroyo instead of aquino.kc the current president is arroyo at mlimit sya sa news so kumbaga eh dahil malimit mbanggit ang pangulong arroyo or president arroyo kya lgi nilang nppgkmalan now na bgla ngkroon ng malaking news about president cory tpos gnagamit din nila yung president o pangulo before the surname.kya ngkakaroon ng mix.

Comment by anewor

August 10, 2009 @ 7:48 am

[kawr-tezh, -teyzh] po ang pronounciation.. i live in quebec, canada and i speak french po that’s why i know. saka dapat may accent yun “cortège”

anyway, gaya nga ng sabi ng iba.. di na dapat binigyang pansin kung paano ang pronounciation. tayo lang mga pinoy ang pumapansin sa accent/diction ng pananalita.. kaya maraming pinoy ang nahihiyang mag-english dahil palaging pinupuna ang mali

Comment by tinkerbell22

August 10, 2009 @ 8:37 am

hahaha! akala mo kung sinong perfect tong si gabinete. Sa msimong topic niyang about erratum eh nagkamali siya..hahaha.. at ang mas masahol binura pa niya yugn comment nitong fellow pepster natin..

Comment by jojolito1000

August 13, 2009 @ 2:51 pm

ano ba yan pati pronunciation pinupuna pa. eh di naman talaga tayo familiar sa foreign language. sa english nga na kinalakhan natin hirap na tayo sa french pa.

Comment by diocyl

August 14, 2009 @ 9:18 am

That’s true,anewor!

Only in the Philippines na masyadong very particular tayo sa English pronunciation and diction even in spelling. In Australia, where I am settling now, I really noticed that people here don’t really make a big deal on how you say words in English. Our kababayans here are sooooo proud using the English language kahit na bumabaliktad na ang grammar and pronunciation. Why, no one minds them. Life goes on here and who cares? As long as you understand each other.

Just hoping that some Filipinos will get to hear and realize how other nationalities speak the Englsih language. Mas grabe pa sa atin! Believe me.

Comment by sexyshine225

August 17, 2009 @ 8:07 pm

iwan ko sa inyo basta ako lagi ako sinasabihan na i peak english good daw or my english is good kasi at first i can really speak them well pero ang hindi nila alam if makipagusap ako ng matagal na sa kanila yun na bumabaliktad na o di kaya nauubusan na ako.hehehehehe…….

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a comment

Username
Password
Forgot Password? | Register