| Register
Jojo Gabinete: Cabinet Files

FHM sidelights

Filed under: Features — admin at 12:45 am on Monday, July 13, 2009


Tumagal ng tatlong oras at kalahati ang FHM Victory Party sa World Trade Center noong Huwebes ng gabi.

Gaya ng past events ng FHM,  napuno ng male audience ang malawak na lugar ng World Trade Center dahil sa kagustuhan nila na makita ang pagparada ng ilan sa 100 Sexiest Women in the Philippines ng sikat na men’s magazine.

Seven p.m. nang magbukas ang gate ng World Trade Center at 9:26 pm nang mag-umpisa ang show.

Nakarinig kami ng mga reklamo mula sa naiinip na audience pero hanggang reklamo lamang ang kanilang ginawa dahil hindi sila umalis. Hinintay nila ang pagsisimula ng show na natapos ng past 1:00 am.

*******

Sina Aubrey Miles, Carlene Aguilar, Iwa Moto, Pauleen Luna, Cristine Reyes, Gwen Garci, Andrea del Rosario, Jenny Miller, EB Babes, Sheena Halili at Sheree ang ilan sa mga sexy actress na natandaan namin na pumarada sa mahabang stage ramp.

Kasama ni Iwa Moto ang kanyang boyfriend na si Mickey Ablan. Suportado ng kanyang boyfriend ang pagpunta ni Iwa sa FHM party. Proud daw si Mickey dahil kasali siya sa listahan ng Sexiest Women ng FHM. Wala raw kaso kung titigan ng male audience ang kanyang kaseksihan dahil hindi seloso ang  kanyang boyfriend.

“Saan ako puwedeng umupo? Kay Carlene Aguilar ako, ” ang narinig namin na tanong ni Yo Ocampo sa usher na lumapit at nagpaalis sa kanya sa reserved seats na inupuan nila ng mga kasama niya.

Si Yo ang boyfriend ni Carlene. Siya ang ipinalit ni Carlene kay Dennis Trillo. Nalaman ang pagkakaroon ni Yo ng anak sa pagkabinata dahil sa isang PEPster na naglagay ng impormasyon sa comment section ng Cabinet Files.

Si Aubrey Miles ang cover girl ng July 2009 issue ng FHM. Habang nasa backstage si Aubrey at naghihintay ng cue para sa kanyang dance number, tutok na tutok ang atensiyon ni Troy Montero sa scantily-clad female models na rumarampa sa stage.

Si Sheree ang kausap ni Aubrey sa backstage kaya naalala namin ang nakaraan. Ang mga kuwento sa amin ni Sheree tungkol sa itinatagong anak ni Aubrey.

Nakilala ni Sheree ang anak ni Aubrey dahil kay JP Obligacion. Si JP ang ama ng bata at ex-boyfriend ni Sheree.

Marami ang nagkumbinsi noon kay Sheree na magsalita tungkol sa inililihim na anak ni Aubrey pero pinili niya na manahimik.

*******

Malapit kay Jenny Miller ang nagkuwento sa amin na malapit nang magpakasal ang sexy star.

Nang tanungin namin si Jenny tungkol sa balita na ipinarating sa amin, nag-deny siya. Hindi pa raw siya ikakasal.

May additional information ang nagkuwento sa amin, ikakasal na si Jenny pero hindi pa nito alam kung kailan.

*******
Malungkot si Gwen Garci nang magkita kami sa backstage. Sinabihan daw siya na school girl ang theme ng FHM party kaya naghagilap siya ng school uniform.

Nang dumating siya sa venue, nagulat si Gwen dahil hindi school uniform ang suot ng mga kapwa niya sexy star.

Naghihimutok si Gwen. Naging unfair daw sa kanya ang FHM staff dahil balot na balot siya.

Hinanap namin ang stylist ng FHM party at pinakiusapan na pahiramin si Gwen ng sexy clothes.

Nang tawagin sa stage si Gwen, hanggang tenga ang ngiti niya dahil seksing-seksi siya sa damit na ipinahiram sa kanya.

*******

Nakita sa backstage ang nanay ni Dennis Trillo. Si Cristine Reyes ang nagkuwento sa media na naroroon ang ina ni Dennis para suportahan siya. Si Cristine ang number one sa Sexiest Women in the Philippines ng FHM.

Napaisip ang mga reporter na kausap ni Cristine. Kung sinusuportahan siya ng nanay ni Dennis, malaki ang posibilidad na boto sa kanya ang ina ng ex-boyfriend niya.

*******

Si Jaymee Joaquin ang host ng FHM Victory Party. Big revelation si Jaymee. Kung may mga na-bore man sa kanyang kilometric spiels na lalong nagpahaba sa show, pinabilib ni Jaymee ang audience dahil sa pagpapakita niya ng kaseksihan.

Si Janice Dickinson ang aming naaalala habang pinapanood at pinakikinggan ang mga naughty lines ni Jaymee.

6 Comments »

Comment by madam01

July 13, 2009 @ 9:59 am

ka jojo…parang nakakabitin ang kwento mo…wala na bang kasunod ito???

Comment by jeweltones

July 13, 2009 @ 10:32 am

woohooo, we love cristine reyes! super hott. i think may reason naman talaga na suportahan siya ng parents ni dennis, it shows that she earned their respect.

Comment by sushifanaticjapanesegirl

July 13, 2009 @ 4:45 pm

Kuya Jo, bakit naman bitin ang kwento mo. Ang tagal kong hinintay Blog mo huh tapos bitin pa. More! More! More!

Comment by penshoppe

July 13, 2009 @ 11:31 pm

nagpakita ng butt si jaymie joaquin. pero oo nga, kakabore ang mga spiels. masyadong inenjoy ang limelight!

Comment by mycomment

July 14, 2009 @ 1:21 am

bkit halos wla ung nsa top 10?

ung mga dating nsa number 1, wla n dun…

sna, konting support nman s FHM. aminin man nila o hndi, mlaking 2long s knila ung pgka2sali s top 10…

nka2tamad n 2loy silang iboto, hmp!

Comment by anekatri

July 20, 2009 @ 1:58 am

Is this what you call a BLOG…?

Parang TABLOID NEWS ang dating nito.

ano vah? Can you be more creative? kaya pala masyadong walang comment dito ang mga readers because wala ka naman mababasa dito. Walang kwenta!

And you call yourself a writer?

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a comment

Username
Password
Forgot Password? | Register