| Register
Jojo Gabinete: Cabinet Files

Michael Jackson’s Filipino Connection

Filed under: Features — admin at 11:04 am on Monday, June 29, 2009

Ikinalungkot ng mga mamamayan sa buong mundo ang biglaang pagpanaw ni Michael Jackson dahil sa cardiac arrest noong Huwebes, June 25, 2009.

Sa Pilipinas, nagkaroon ng clamor sa mga record album ng kinikilalang King of Pop. Sa mga record bar na pinuntahan namin, ikinuwento ng mga sales clerks na naging in-demand ang mga record album ni Michael mula nang pumanaw siya.

Sa iTunes, nagtala ng phenomenal record si Michael dahil mahigit sa 50 ng mga kanta niya ang nasa Top 100 downloads.

Sa tuwing makikinig kami ng radyo, mga kanta ni Michael ang pinapatugtog sa FM at AM stations.

Kapag nanonood kami ng TV, tungkol kay Michael ang mga balita. Noong Biyernes, June 26, naging Michael Jackson TV station ang CNN at BBC dahil maghapon at magdamag na puro tungkol kay Michael ang kanilang mga feature story.

*******

December 1996 nang makita namin ng personal si Michael sa kanyang HIStory concert sa Asia World open grounds sa Parañaque City.

Si Michael ang nagpauso sa Pilipinas ng pagkakaroon ng concert sa open grounds para ma-accommodate ang daan-daang libong Pilipino na gustong mapanood ang kanyang performance. Wala pa nang mga panahon na ‘yon ang Mall of Asia Grounds at ang The Fort Open Field na madalas na venue ngayon ng mga concert ng mga sikat na foreign artist.

Year 1993 nang masangkot si Michael sa child molestation case. Nang magkaroon ng concert si Michael sa Paranaque City, nabuhay ang tsismis tungkol sa pagiging mahilig niya sa bata dahil mga batang Pilipino ang kasama sa kanyang “Heal The World” production number. Kasali si IC Mendoza at ang mga anak nina Joey Marquez at Alma Moreno sa nasabing production number. Si Joey pa ang mayor noon ng Paranaque City.

*******

Dahil kay Michael Jackson, nakilala sa buong mundo ang 1,500 dancing inmates ng Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center (CPDRC ).

Naging YouTube hit ang “Thriller” dance number ng mga preso ng CPDRC. Lalong tumaas ang bilang ng page views mula nang mamatay si Michael dahil malaking tulong ang madalas na pagpapakita sa CNN at BBC sa “Thriller” video ng CPDRC.

Unforgettable ang sobrang pagkaaliw ni Anderson Cooper habang pinanonood ang video ng Cebu Prison inmates.

Hindi nakuntento ang CNN sa YouTube video na kanilang ipinapakita dahil pinapunta pa nila sa Cebu City ang kanilang reporter na si Anna Coren para mainterbyu ang mga preso at si Byron F. Garcia, ang CPDRC supervisor na nag-upload sa YouTube ng “Thriller” video.

Nag-perform kahapon (Sabado) para sa CNN ang mga Cebu inmates bilang tribute nila sa King of Pop.

*******

Hindi lamang ang mga preso ng Cebu City Jail ang Filipino connection ni Michael dahil ang mag-asawang Mark at Faye Quindoy ang mga kababayan natin na nagkaroon ng pinakamalapit na koneksyon sa kanya.

Ang Quindoy couple ang nag-manage ng Neverland Estate ni Michael bago ito nasangkot sa child molestation case.

Sa 12-page article ni Maureen Orth sa Vanity Fair noong January 1994, ikinuwento niya ang pagkakasangkot ng Quindoy couple sa kaso na naging dahilan ng paglamlam ng music career ni Michael:

“In Manila, Mark and Faye Quindoy, a Filipino couple who had managed the Neverland estate, popped up. They were questioned by California police and promised to testify against Michael Jackson.

“The Quindoys, who say they are suing Jackson for back pay [the amount varies in their statements] and Pellicano for slander [he called them 'cockroaches and failed extortionists'], called two press conferences.

“They also alleged sexual abuse of children on Jackson’s part; they said they had quit on moral grounds, but they, too, it turned out, wanted money for their story.

“Mark Quindoy, a lawyer, held a diary up before the cameras. He said he had made detailed notations of what he saw every day at Neverland. Stars on the pages, he said, meant instances of abuse.

“I managed to obtain the Quindoys’ Manila phone number without going through their U.S. representative, a woman who works as a private investigator, a tabloid reporter, and their agent on the side.

“Mark Quindoy and his wife supported many of the things the Lemarques alleged: that Jackson chose one boy at a time, that kids were assaulted with sounds and lights, and that lewd things went on right under the parents’ noses.

“They did not go to the police, they said, because ‘we were just witnesses—we were not victims.’ They knew the boy whose father had called me in despair. They remembered that his mother would leave the boy with Jackson for three or four weeks at a time, and claimed she would cry, ‘My son has been kidnapped.’

“Geraldo Rivera confirmed through a member of his staff that the Quindoys had disclosed to him these same allegations about Jackson at the time they appeared on his show Now It Can Be Told a year and a half ago. But on-camera they gave no hint of any of this. The reason was that they wanted to be paid $25,000.”

Noong kainitan ng eskandalo, nainterbyu ni Jessica Sojo ang mga Quindoy. Hindi namin alam kung naririto pa rin sa Pilipinas sina Mark at Faye pero ngayong patay na si Michael, asahan natin na may mga maghahanap sa kinaroroonan ng Quindoy couple para makuha ang pahayag nila tungkol sa pagpanaw ng kanilang dating pinaglilingkuran.

6 Comments »

Comment by deanslister

June 29, 2009 @ 3:04 pm

Maalala ko lang. Si Pops nag perform din sa football field ng Ultra or Rizal nun, open un di bah? May kinasel pa nga sila dahil maulan, delikado daw baka may makuryente. So before michael, may ganung klase na ng concert dito.

Comment by melito

June 29, 2009 @ 3:42 pm

ikaw na rin ang nag sabi na buong magdamag , maghapon na binalita na ng CNN at ng iba pa ang tungkol ke MJ, then eto ka yun din na alam na alam na namin kung anong nangyari,. sana nagdagdag ka na lang kung papano na ang buhay ng mga anak niya lalo na 400 million US dollar ang utang ng tatay nila at kung ano ano pa na totoo ba yung mga pinag sasabi ng mga katulong ni MJ na mga pilipino o uhaw lang din sa salapi kaya naghabol nung araw. kug sabagay dapat lang siguro nilang unahin ang mga bituka nila kesa isipin na isang kawalan sa mundo si MJ,. kaya kung ako sa kanila sa ngayon manahimik na lang kagaya ni MJ kasi wala naman matutuwa sa kanila…..

Comment by amazingmaxx

July 1, 2009 @ 10:38 am

MICHAEL JACKSON is an icon, the KING of pop music or maybe the KING of the music world, and there will be no one like him, be it now or the future, very few artist can make such a big impact and change the music world and have a great effect to people from different walks of life, nations and languages; MJs music is a legacy, it reaches everyone!

So, please, lets honor him for the music he made! Stop trashing his name. He is not perfect, but who is? …

I am not asking you to forget the mistakes he made, the evil things he may or may not do, all Im asking is to please, accord him the respect he deserves from the music he brought to us all. … Admit that MJ is musics biggest lost on this generation and next.

Thank you.

Comment by anekatri

July 9, 2009 @ 12:10 am

Let us remember MJ for his music and the wonderful legacy he left behind and not trash the man for his character and media hyped scandals. Honestly, I believe Michael Jackson was a gentle person. I do think he had a somewhat unhealthy obsession with children because of his upbringing, but I don’t think his interaction with them was ever sexual. I think he did something inappropriate & had people blowing it out of proportion just to make a buck.

If anything, MJ was really misunderstood by so many people and the media who has been always looking for sensational news because news like this SELLS. He was eccentric yes, but how many geniuses aren’t? It saddens me that a man who was never convicted, will always have pedophilia tied to his legacy.

I have always believed that he was not a Pedophile despite the whole peter pan neverland thing but you know what they do to most super famous singers or actors, they scam them for money.

I can’t remember the names of the people involved but it was about a little boy accusing Jackson of harrassing him and jackson paid around $22 million dollars and they dropped the case…Like yeah, if it was not a money scamming plan then why drop the case? Even if money was involved most parents would want the pedo to be jailed for touching up their son!

R.I.P. MJ

Comment by josephineg

July 12, 2009 @ 2:15 pm

sir jojo . di naman ako naniniwala sa pedophile issue nayan kay michael. tama na. ikaw ako di nakakaalam nyan. pero sa pagkatao ni michael at sa lyrics ng mga kanta nya makikilala mo sya.. kaya please lang hanggang ngayun malungkot ako sa pagkamatay nya..stop na ..think first before u write okay..seach but please open your heart katulad ng kanta ni michael na childhood.. intindihin mo ang lyrics nyan

Comment by krayne

July 23, 2009 @ 9:25 am

I love Michael jackson!
I believe that he is a good person.
sino tayo para manghusga ng tao?
kahit mga anghel ay di karapatdapat na manghusga!
Only God!
I admire MJ for being so patient with those people na pilit siyang dinadown!
What a wonderful songs MJ created for everyone!
I miss you MJ!
Really..
I am still crying every night because you dont deserve all the things that happened to you.
I will pray for your family.

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a comment

Username
Password
Forgot Password? | Register