| Register
Jojo Gabinete: Cabinet Files

Haydison

Filed under: Opinion — admin at 3:23 pm on Monday, June 8, 2009

Ikinukumpara ang nangyayari ngayon kay Dr. Hayden Kho, Jr. sa naging karanasan noong 2008 ng Hong Kong actor/singer na si Edison pero, may malaking pagkakaiba sa kanilang mga ginawa at personalidad.

Pagkalipas ng isang taon at apat na buwan, muling bumalik sa Hong Kong si Edison para i-resume ang showbiz career na pansamantalang iniwan dahil sa matinding kahihiyan at pagsisisi nang kumalat sa cyberspace ang kanyang  sexually explicit photos, kasama ang mga sikat na Chinese actress na nakarelasyon niya noon.

Pumayag si Edison na magpainterbyu kay Anjali Rao ng CNN Talk Asia dahil tapos na ang trial sa kaso na isinampa niya laban kay Sze Ho-chun. Si Sze ang computer technician na nagkumpuni sa defective laptop ni Edison at siya ang kumopya sa 1,300 sexually explicit photos na nakalagay sa hard drive memory ng computer ng aktor.

edisonchen1.jpg

Ang interbyu sa CNN Talk Asia ang unang pagkakataon na nagsalita si Edison para mabigyan  ng linaw ang mga walang katotohanang balita at sari-saring opinyon dahil pinili niya na manahimik noong kainitan ng eskandalo.

Ipinagtapat ni Edison na binura nito ang malalaswang litrato sa kanyang laptop pero hindi niya alam na kahit na-delete sa trash bin ang mga larawan, nananatili itong nakalagay sa hard drive ng computer. Ito ang mga larawan na nakita, kinopya at  inalagay sa ciyberspace ng computer technician na hinatulan ng walong buwan na pagkakakulong ng HK court.

Nilinaw ni Edison na consensual o may permiso ng kanyang mga sex partner ang pagkuha ng litrato dahil nakatingin pa sa kamera ang mga babae. Sinabi ng HK actor na kuha ang mga litrato noong 2004 at nagawa niya ang pagkakamali dahil na rin sa kanyang kabataan at pagiging celebrity.

Nang bumalik si Edison sa HK, may nagpadala sa isang TV network ng bala para sa kanya, kalakip ang babala na huwag na siyang bumalik sa limelight. Hindi ito ang unang pagkakataon na nakatanggap si Edison ng death threat dahil may nagbanta na rin sa kanyang buhay nang kumalat sa Internet ang mga malalaswang larawan.

“The first one [death threat], I was afraid…afraid to go anywhere. I was travelling around, when I was still in HK, in trunks of taxis, like literally, just to get to places because I was going to get booed. I was going to meet my lawyers, my management company…

“It wasn’ t fun like I’d be in the turnk for 15 minutes. I didn’t even know if I have enough oxygen. Even when I  had left Asia and I had went to Canada and America, it took me three months to really get out of this shell that I had put myself in.

“I was in darkness for five days. I had my drapes closed and I didn’t wanna go anywhere else. I was really afraid of just people and some car movement. I was afraid of motorbikers when I was driving. I was afraid of everything.

“It was like a nightmare that never ended. It never ended. I would go to bed, and I would pray, please God, please today be the last day. I pray, I will do anything. I’m not the person to ever commit suicide. That was never an option. Never.”

*******

Halos pareho ng karanasan sina Edison at Hayden pero may mga pagkakaiba. Consensual man ang pakikipagtalik ni Hayden sa mga babae sa kanyang sex video, walang kamalay-malay ang mga biktima na may kamera na lihim na nakatutok sa kanila.

Hindi naisip ni Edison na magpatiwakal kahit dumanas siya ng kahihiyan. Nauna ang pagtatangkang pagpapakamatay ni Hayden noong December 2008 nang hiwalayan siya ni Dra. Vicki Belo dahil natuklasan nito ang mga sex video ng kanyang boyfriend.

Kumpara sa breakup nila noon ni Dra. Belo, mas matindi ang problema, malaking kahihiyan at maraming kaso ang kinakaharap ngayon ni Hayden pero hindi na niya inulit ang tangka na wakasan ang sariling buhay.

Unlike Edison, hindi natakot sa tao si Hayden. Mas naging visible pa nga siya. Pumayag si Hayden na magpainterbyu sa TV at radyo para pag-usapan ang kanyang mga sex video at nasundan ng mga TV camera ang pagpunta niya sa Senate, Philippine Medical Association, Philippine Drug Enforcement Agency at Optical Media Bureau offices.

haydenkhopic.jpg

Inako ni Edison ang kanyang kasalanan. Inamin niya na mali ang kanyang ginawa. Bago nagpakita ng pagsisisi si Hayden, sinisi muna nito ang mga babae na nakipagrelasyon sa kanya dahil siya raw ang inakit at tinuruan na gumamit ng ipinagbabawal na gamot.

Kitang-kita sa mukha ni Edison na naapektuhan ito ng eskandalo na kinasangkutan niya. Pumayat siya at nagkaedad ang kanyang itsura.

Wala (pa) sa mukha ni Hayden na apektado ito ng kontrobersya dahil relaxed na relaxed ang itsura niya.

May death threats si Edison at may death threats din si Hayden. Hindi makapaniwala ang HK Police na walang involved na pera sa pagkalat ng sexually explicit photos ni Edison sa Internet at lalong hindi siya biktima ng blackmail.

Four million pesos ang hinihingi kay Hayden ng isang caller na nagpakilala sa pangalan na Chris para hindi kumalat ang kanyang mga sex video.

Hanggang sa mga oras na ito, hindi pa tinutukoy ni Hayden ang identity ng caller pero kung totoo man ang kanyang kuwento, dapat na niyang sabihin sa mga awtoridad ang kinaroroonan at tunay na pagkatao ni Chris dahil ito ang susi para malaman ang mastermind sa Internet uploading ng mga sex video

*******

Uploaded na sa YouTube ang three part exclusive interview kay Edison ng CNN TalkAsia. Hinihintay at hihintayin namin ang future exclusive TV interview kay Hayden. Pagkukumparahin namin ang mga sasabihin niya sa mga sinabi ni Edison sa Talk Asia.

Mahusay na aktor si Hayden. Magaling siya sa drama at comedy, base sa mga past TV guestings niya. Para siyang sponge na mabilis maka-absorb sa lahat ng mga nakikita at itinuturo sa kanya. Hindi malayo o malabo na makakuha si Hayden ng ideas at pointers mula sa interbyu kay Edison ng CNN Talk Asia.

Isinilang si Edison noong October 7, 1980 at ipinanganak si Hayden noong May 20, 1980. Kapwa sila 29 years old.

*******

PS

Sa paghahanap namin ng litrato ni Hayden sa Internet, isang larawan niya ang aming nakita, ang pictorial niya habang binubuhusan siya ng tubig. Sanay pala si Hayden na binubuhusan ng tubig. No wonder, hindi nakitaan ng pagkagulat si Hayden nang buhusan siya ng tubig ni Abner Afuang sa senate inquiry tungkol sa kanyang mga sex video.

haydenwet3.jpg

haydenwetlook.jpg

35 Comments »

Comment by kikay228

June 8, 2009 @ 3:33 pm

natawa naman ako sa pic…
sanay daw…
hahaha…

Comment by tinapay

June 8, 2009 @ 4:46 pm

the edison guy looks familiar.hmmm..masearch nga. :)

i think one thing that differentiates Hayden and this Edison is that, Edison was really bothered by what happened to him.and obviously, he was so scared with the death threats. on the other hand, hayden sseem to be enjoying the limelight.everytime i see him on TV, i see no sign of remorse onm his face.he’s not even ashamed to realize that his hard cock was seen by millions of people.he seems to be enjoying all the attention.maybe lolit is telling the truth that Hayden is really enjoying the attention brought about by his sex videos.or talaga lang makapal ang face nya.

Comment by len

June 8, 2009 @ 4:48 pm

yummy si hayden!kaya di maiwan ni doktora belo,tama mag kaiba nga sila,me kopya ko ng mga photos ni edison gaganda din ng mga actress…

Comment by madam01

June 8, 2009 @ 5:19 pm

simply put – hayden is sick!

Comment by palengkera

June 8, 2009 @ 5:21 pm

Dahil for me pareho silang unknown when it comes to stardom, it doesnt make sense why Hayden graced the limelight as if he is the last celebrity who would tape his sexcapades , though I must admit Hayden is more good looking than other male actors, hotter having that hairy skin, with small pubic parts. hahaha.

The public must drop it like it’s hot since, it doesnt uplift anything but Hayden’s popularity that may cause him millions in payment for rights to documentary and movie adaptations if his luck extends to media mileage more than having Porsche and luxurious apartment despite the anger and respite of Belo children. wala na syang kahihhiyang dapat mararamdaman so he must gain from this controversy if you were his demon. all boils down to lack of money, if you dont have it, then you must create it as if you are an inventor. haha.

Comment by ielchi

June 8, 2009 @ 5:51 pm

they’re both sick. i was in singapore when the edison chien scandal broke and truth is, isang singaporean writer writer lang ang nakiride-on and then after a few days wala na. pero sa atin, tipong madami pa ang makikisakay at makikisawsaw sa eksena.

to hayden, stop talking, yun na lang yun. less talk, less mistakes.

Comment by jeweltones

June 8, 2009 @ 6:46 pm

if only hayden would show remorse. real remorse.

Comment by chikalang

June 8, 2009 @ 7:13 pm

Naku ha, ung suicide ni Hayden di naman dahil ke Belo. Basahin mo kaya ulit ung affidavit ni Chua. It was clearly due to the discovery na ung mga katarantaduhan nya e ninakaw!

YUng ke Lolit Solis na, vain daw si Hayden kasi pagkamulat eh nag-ask na is he in the papers. Of course magtatanong sya. sa bilis ba naman ng media, definitely walang sa-santo sa mga video nya kahit pa ke belo.

Feeling ko alam ni hayden na ang master copy nake Belo. kasi bat pa-deny deny pa sya nung december kung walang security, db? kung ibang tao ang me hawak non syempre uunahan na ni hayden un by admitting. Tus to support Chua pa, by hayden’s words si Belo nga ang nag-authorize to enter hayden’s condo and retrieve the PCs. Kung magnanakaw si Chua, si Belo ang mastermind nya.

And some people are saying na di marunong si Belo mag-computer so how can she upload the videos on the internet. Now ask urself again, di sha marunong mag-computer but it didnt stop her to retrieve, open and find waht she was looking for in the said PCs. The woman has money, she can hire anybody to do whatever she wants done. Simple.

Then, observe the people surrounding them. HAyden, Lolit & KAtrina me napapala ke belo. None of the 3 implicated Belo. For them, victim si Belo. Chua walang napapala ke belo. In his affidavit its apparent hindi nya sinasanto si Belo. He clearly implicated her.

Comment by ana_sia

June 8, 2009 @ 7:14 pm

ay nao jojo gabinete,

borng.

Comment by gretch_1980

June 8, 2009 @ 9:59 pm

alam na ni Hayden that these things will happen kaya nga nagtangka sya magpakamatay dati… nakabawi na lang ngayon..actually hanga ako dati sayo Mr. Jojo kasi feeling ko magaling ka mag analyze..but as I analyze your blogs these past few weeks..parang may personal ka rin na galit…close ba kayo nina Lolit..bayaran ka rin kaya same as others…sana try to look at the situationn clearly..ako wala ako kinakampihan kaso nakakadismaya yung mga katulad nyo na one sided…sana try to look at both sides..nakakaduda kasi kayo..yung mga taong panig tuloy kay Katrina like us..medyo nag aalangan na and now we are thinking that Hayden is the victim here..

Comment by hidden23

June 8, 2009 @ 11:40 pm

gretch, wag naman, hayden’s never the victim here. kaya siya nag-inarte na nagpakamatay, kasi alam niya, buking na siya ni vicky. paano ang datung o allowance monthly? madalas yan sa rockwell. hahara-hara yan doon. unlike, edison, na sa kahihiyan ay nagtago talaga (to think na consensual din ang pagkuha niya ng pictures, alam ng mga babae. di gaya ke hayden) walang kahihiyan si hayden (sabagay, boytoy siya). btw, he still drive’s belo’s car na gift sa kanya. the guy has no delicadeza talaga.

Comment by melito

June 9, 2009 @ 12:12 am

tinulungan mo pa si hayden na gayahin si edison sa mga sasabihin nito sa media or kumuha ng pointers. okey ka lang?? ang tanda na nyan noh, at wala ba syang utak eh nag doctor pa yan. pabayaan mong maging natural ang isasagot niya,. para malaman ng taong bayan kung may breeding ba si mayak,. o talagang tuta ka lang ni lola belo kaya asa ka pa. wala ka palang kuwentang reporter,. one sided , mabuti pa at maaga aga palag nalalaman na namin na maraming reporter ang katulad mo na nakukuhang bayaran para gumanda ang papel nung kahit na sino maski manyak man ito. kadiri kayo,. ganyan ba talaga ang pinoy? kaya walang asenso. sana matunaw lahat ng klase ninyo na parang kandila.

Comment by mandersnork

June 9, 2009 @ 12:30 am

hay naku kahit saan pa ibaling ang attention hayden is sick papayag kaya ung mga nakatalik nya na kuhanan ng video if he asked??? thats the mean thing about all of this ung video sana c hayden magpakita nman ng kahit konting remorse lng..ang dami ng dinamay nya cia naman ang gumawa ng kalokohan.. sana d mag back out c katrina. sabi ni lolit may utang ang nanay ni hayden na 4M baka cla cla lng din ang namblackmail kunwari ay ewan

Comment by Bayani Makabayan

June 9, 2009 @ 1:40 am

haaay nako…..

What are you implying na naman?

Comment by holly_heroes

June 9, 2009 @ 3:00 am

Read Butch Francisco’s article on his take/advise to Hayden Kho. Simple, rational and very intellectual. Makes sense to me.

Comment by e

June 9, 2009 @ 4:00 am

Edison Chen’s scandal was all over the news just like Hayden’s. Dun sa nagsabing wala masyado nagsulat, okay ka lang? HK star si Edison and Singapore ka. Parang ang layo naman yata. May problema ka ba sa geography dai?

Anyway, I feel no sympathy for Katrina. She had this coming and that well-edited speech at the Senate about her falling inlove? Kaloka. It doesn’t make it right na pinatulan mo ang may gf. GF niya pa nagbibigay ng libreng services para magmukha kang artista. Ndi ka naman ganun ka ganda dai. Sumikat ka lang dahil halos maghubad ka na sa mga suot mo. You;re not even much of an actress. But with this said, lalong ayaw ko kay Hayden. GAGO siya and dapat lang managot siya sa mga ginawa niya. Mahirap naman ikumpara si Edison and Hayden. My god, consider naman na dun sa pictures na nakita, yung mga babae willing magpakuha nung litrato. Kay Hayden, kinunan niyang walang alam yung mga babae. Diba scumbag?

Comment by e

June 9, 2009 @ 4:03 am

And you guys, kung ayaw niyo ng mga posts ni Mr. Gabinete, eh di huwag. Masyado kayong OA. I swear! It’s funny how his posts would ruffle your feathers like that. Wala na ba kayong ibang outlet ng anger ninyo at didto ninyo nilalabas yan?

Comment by chikalang

June 9, 2009 @ 4:52 am

ang pansin ko lang

si Jojo, he’s enjoying the attention as much as hayden. Aba tingan mo naman, simula mag-hayden series sha e sadja namang tumabo na sa takilaya ang kayang mga blogs, dati halos langawin tus dami pang critics. this time the critics keeps coming back.

i think perverted din tong si Jojo, hes happy when he gets good comments but hes thrilled and excited when somebody says something ugly, about him specially. kasi ilang beses nang sinabihan sha to stop writing about this scandal. but he keeps coming back with more.

db? observe ko lang. sensha mang jojo, pero in fairness never kong siney na mag-stop ka to write.

Comment by tinkerbell22

June 9, 2009 @ 9:17 am

pang tabloid na naman.nako.

Comment by angel

June 9, 2009 @ 9:31 am

so anong gusto mong palabasin sa mala hayden topic ng blog post mo??

sus pasikat ka naman masyado., ikumpara mo pa yang siraulong DOCTOR na yan sa ASIAN ACTOR?

malaki difference nila.,

kasi for sure walang sayad yang actor na yan., dahil lahat ng pictures na kinuha nya with girls churva may consent., gaganda pa nga ng posing.,

eh yung sa UNGAS na HAYDEN MO AT HAYDEN ni BELO., sa simula palang sayad syad na., muka talaga syang maniac.,

sayang ka mr gabinete., want mo tago ka na sa cabinet., parang tabloid na tong blog mo., walang kwenta!

Comment by alimango

June 9, 2009 @ 10:36 am

at bkit nman kelangan mahiya sa inyo ni Hayden??? kau ba nagpapakain at bumuhay sa kanya? sino ba kau o ang publiko pra pagtaguan ni Hayden??? eh mga tsismoso’t tsimosa lang din nman kau na ng enjoy at ngpyesta sa kahangalan nia!!! ano bang pinagkaiba nio kay Hayden… for sure… hindi man lahat, 3/4 ng lipunan na etoh ay may kaimoralan sa katawan… kya walang dhilan pra manlait kau o maramdaman na kahiya-hiya sa harapan nio o sa mga mata nio ang isang Hayden Kho o khit isang Katrina Halili pa… nakakatawa… lalo na kaung mga press na patuloy na nagbebenifit sa iskandalong ito… bkit, sa mukha o facial xpression lng ba ng tao makikita ang tunay na saloobin nila??? anong alam nio sa mga 2nay na feelings ng mga taong involved dito? tigilan nio na etoh lalo na ang paulit-ulit na pagdiin sa mga taong ito… khit gano pa kalaki kasalanan ng mga bida d2,,, nag enjoy din kau,,, mga tsismosa’t tsismoso! pasalamt pa kau, lalo na kaung mga press… dhil nakatulong cla sa hanap buhay nio!

Comment by swissa

June 9, 2009 @ 11:04 am

REDUNDANTLY-REDUNDANT…
RETARD!

Comment by moviefandin

June 10, 2009 @ 2:00 am

Sana talaga mabigyan ng justice yung mga babaeng naging biktima at dun sa mga dinamay sa scandal na ito. Huwag sana paandarin ang pera at koneksyon para mawalang parang walang bula ang kaso. Si Hayden, sana marunong syang magsisi. Sana lang din makita ng mga taong nagmamahal kay Hayden kung anong klase syang tao. Ngayon talagang wala nang aagaw kay Hayden, at siguro naman wala na rin syang mabobolang babae to have an affair with. Paano yan, Hayden cant even stand in his own feet. Parang among sa mga friends na ngayon e kaaway na nya, sya yung wala naman narating. Sad.

Comment by johyunjaefan

June 10, 2009 @ 11:02 am

one difference between hayden kho and edison chen you failed to mention is the fact that hayden kho is a DOCTOR while edison chen is just an entertainer. hindi naman sa nangdidiscriminate ako, pero people all over the world expect more from a doctor than from an entertainer when it comes to integrity, decency and trustworthiness. so, for a DOCTOR to do something sneaky, sordid, perverted and sick is just so nakakasuka. i think the fact that hayden is a DOCTOR is the main factor in the outraged reaction of the general public. there have been plenty of sex videos in the past involving various celebrities, but they did not generate such an outcry. but the hayden sex vids did, and it’s all because he is a DOCTOR! a doctor who was educated in a roman catholic university at that!!!! doctors are supposed to heal, and not bring harm to the people they come in contact with!!! i’m sure people will say that he took those videos as part of his private life and not while practicing his profession. but doctors are still doctors even outside their places of work, just like priest are still priests even outside the church, as teachers are still teachers even outside the classroom!!!

Comment by juice_meh

June 10, 2009 @ 8:35 pm

alimango

having sex is not immorality. but to make women as your sex object and make some videos of them without them knowing is such an act of super immorality. may mga bagay na ginagawa tayo para sa ating sarili oo pero sa palagy ko may mga bagay na ginagawa tayo na hindi tayo nakaksakit sa ating kapwa. ang akto na ginawa ni hayden kasama ang mga babae ay payag ang mga babae. pero ang walang humapay na pag kuha nya ng video habang nangayayari ito at walang pahintulot ng babae ay higit na napaka immoral. sana isipin mo yan. ganito alam mong ang mga magulan mo ay nagtatalik hindi ba. eh paano kung makita mo ang video nila habang nasa akto. ito ba ay gugustuhin mo.
hindi nanlalait ang mga tao kundi totoo naman na kung ano ano na lang ang pinagsasabi ni hayden at pwede naman na mag sorry na lang sya at aminin na may deperensya sya. katulad ng writer ng column na ito na compare sa ginawa ni edison cheng.

Comment by lakers

June 10, 2009 @ 11:15 pm

Comment by holly_heroes
June 9, 2009 @ 3:00 am
Read Butch Francisco’s article on his take/advise to Hayden Kho. Simple, rational and very intellectual. Makes sense to me.
____

YEAH, his writing makes more sense than him.
hate siya ng lahat. i mean, BUTCH F and his muscles.
alam na ng lahat ng tao na bakla sha. sha na lang ang di nakakaalam.

Comment by sexy_inlove

June 11, 2009 @ 3:10 pm

BAKIT ANO BANG GUSTO NYONG REAKSYON NANG BUHUSAN SI HAYDEN NG TUBIG..ALANGAN NMAN NA MAGWALA SYA DUN AT SAPUKIN SI AFUANG..DIBA ANG GINAWA NA LANG NYA AY PUMIKIT AT YUMUKO..NATURAL LANG YUN BAKIT KAPA MAG REREACT..TAMA NA SIGURO NA MINSAN SYANG NAGKAMALI KAYA HINDI NYA NA KAILANGAN NA MAGTATALAK NUNG BINUHUSAN SYA..MAY BREEDING PARIN SYA NOH..AT HELLO SYEMPRE NASA SENATE SYA,AWRE NAMAN SYA SA MGA POLICIES DUN..AT NAGSISI NMAN SYA SA MGA KASALANAN NYA HA..MAGKAIBA PARIN SI EDISON AT HAYDEN NOH!HINDI NMAN PURKE NAGKAMALI KA SA BUHAY MO AY MASAMA KA NANG TAO..
ANYBODY CAN COMMIT A MISTAKE..KAYA WAG NA KAYO MAGPAKA IPOKRITO NA KUNYARI MALILINIS!

Comment by alimango

June 11, 2009 @ 3:27 pm

juice_meh

hindi nga imoral ang makipag sex… but doing it outside marriage is immoral n r society db? d truth…marami na ang gumagawa nian ngaun… FYI: hindi ko sinabing ok lng ang pagbi-video ni Hayden ng knyang mga sxcapades… ang sinasabi ko lng… too much na ang paulit-ulit na pagpapamukha ng kanyang kasalanan ng mga taong ang totoong motibo ay hindi nman pra mapabuti ang sitwasyon kundi nakikisawsaw lng bcoz of their own vested interest…

at basahin mo part na etoh:
“Kumpara sa breakup nila noon ni Dra. Belo, mas matindi ang problema, malaking kahihiyan at maraming kaso ang kinakaharap ngayon ni Hayden pero hindi na niya inulit ang tangka na wakasan ang sariling buhay.”

kung sa tingin mo the writer simply compared hayden with edison… sna nakita mo rin un mga pailalim na patama at pangungutya… ano gusto nia i-imply… dpat mas my dhilan c Hayden na magpakamatay ngaun? un ba ang gus2 nia kabayaran sa kasalanan nun tao?

at sana maisip mo rin na hindi hiniling ni hayden sa publiko na panoorin ang knyang sex video… kau,,, tau ang naghanap nun… tau ang nagpursigeng makita un… tau ang eager… tau ang curious… tapos, tau ngaun ang magagalit? ha!ha!ha! eh hindi ba’t parte din tau nun? kya wala rin tayong ipinagkaiba kay Hayden… at wala rin tayong karapatan na paulit ulit syang tapakan… dhil ano man ang sari-sarili nting rason bkit nten pinanood un, hindi pa rin maiaalis ang truth na bahagi pa rin tau ng pagkakamaling iyon dhil tinangkilik nten, pinanood nten… at tulad ng lahat ng may kasalanan, my rason ka, my justification ka…ganun din c Hayden,,, may sarili rin syang dhilan Hayden bkit nia ngawa ang pagkakamaling iyon… so sino tau pra paulit-ulit silang ipagdiinan.

kung babasahin mo ang mga mas nakararaming comment d2, puro condemnation… hindi lng ky Hayden but even kay Katrina or even ky Belo… hayz! sna lang, these people truly have never gone into mistakes in their lives, have never stepped down to anybody… consciously or unconsiously… at kung ganun man, sna wag dumating ang araw na sila nman ang magkamali… at makaranas ng kawalang kapatawaran ng mga taong wala nman alam sa totoong saloobin ng taong kanilang hinuhusgahan! wish!

Comment by creamer

June 11, 2009 @ 8:57 pm

ewan ko lang kung biktima talaga ang mga babae ha. si maricr, may narelease na na third video na obvious na aware sya na kinukunan sya. kung alam nya yun, it’s possible na aware din sya dun sa ibang videos di ba? same with katrina. sa totoo lang hindi malinaw sa video niya na hindi sya aware. ang dali namang kasing sabihin na hindi ka aware para mabawasan ang natanggap na kahihiyan, makita ba naman ng buong madla ang katawan mong hubad, eh di sabhin na hindi ka aware kuno.

Comment by mulan

June 12, 2009 @ 2:56 am

asuss belo kaya utak ng lahat na yan…obvious naman sya naglabas ng mga scandalous video para maka resbak sa mga girlalou na d mapigilan sarili…kasi naman minsan ilalagay mo sarili mo sa edad mo ipagpilitan ba sarili sa bata ay yay yay!!!wake up girl

Comment by sweetfraulein

June 12, 2009 @ 11:14 am

ba’t kaya no matter how you criticize your amo’s boylet.. parang pilit.. talgang you cannot disguise your true feelings about the issue.. this blog is similar to the ones and the style you use when writing on tabloids.. piece of advise.. leave this issue to others.. leave it to more sensible individuals… to unbiased ones..

Comment by rexbobmonzon

June 12, 2009 @ 1:57 pm

…grabe as in grabe yung video ni maricar..frontal kung frontal talaga!!..did maricar knew this things that she was being recorded by hayden on moments of her ecstacy??….kitang kita pa nang inextend ni hayden kamay nya to put on the lights para maliwanag recording on cam habang napapsigaw si maricar sa ligaya…mybe meron din remorse si hayden kc di nya akalain this things will go too far kaya ng alng hindi halatra s amukha nya…i cant think that maricar can do this ..naalala ko pa cya nun dun sa teleserye ng dos..whewww..talgang ibukaka kung ibukaka talaga sa harap ng cam..bka nga hayden is a sick person wallowing and hiding in a diffrent person when in front of other people

Comment by tsitarutzzz

June 14, 2009 @ 11:30 pm

kaloka mga taong ngssbeng wlang remorse c hayden!anu b gusto nyo pmayat cia sing pyat n palito?/!tpos smwangit katulad n lolit?at mag drama ng sbra katulad n katrina n daig p n rape?/!d nkkta s pisikal n anyo ang remorse its from within!hainako hayden magpatiwakal k nlang kya pra mlman ng tao ang pagsisisi m..k aarte ng mga taong galit n galit k hayden,e d wag kau manood ng video

Comment by ahhh

June 17, 2009 @ 9:42 am

ngek..bat nyo post link to maricar-hayden video, maawa naman kayo kay maricar! at saka totoo ba yang link na yan? baka virus ang madownload dyan hahaha.

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a comment

Username
Password
Forgot Password? | Register