| Register
Jojo Gabinete: Cabinet Files

A real-life confrontation

Filed under: Features — CabsM0d at 5:21 pm on Tuesday, August 23, 2011

Ang “confrontation scene” nina Mario Bautista, isang respected veteran columnist, at Carla Abellana ang nagging highlight ng presscon kagabi, August 22, ng My Neighbor’s Wife ng Regal Entertainment Inc.

Ginanap ang presscon sa Imperial Palace Suites at si Mario ang pangalawa sa huli na nilapitan ng presscon moderator na si Jun Nardo para magtanong.

Imbes na magtanong, sinabi ni Mario kay Carla ang nararamdaman tungkol sa email na ipinadala ng huli, na hindi nagustuhan ang isinulat ng clumnista sa People’s Journal noong August 21.

Ipinaaala ni Mario kay Carla ang suporta niya sa aktres simula noong mag-umpisa ito sa showbiz at sa mga TV series niya sa GMA 7, and yet, hindi siya nakatikim ng pasasalamat mula sa anak ni Rey Abellana.

Pero dahil sa kanyang column item na isinulat noong August 21, nakatanggap siya ng email mula kay Carla.

May sagot si Carla sa lahat ng mga sinasabi ni Mario dahil hindi niya nagustuhan na naka-qoute siya sa article na lumabas, kahit hindi siya personal na nainterbyu ng entertainment columnist.

Kahit sinabi ni Mario na galing mula sa publicity guide ng Regal Entertainment Inc. ang kanyang isinulat, paulit-ulit na sinabi ni Carla na hindi siya nainterbyu ng una.

Nagtataka si Mario dahil hindi lamang ito ang naglabas ng publicity guide para sa My Neighbor’s Wife pero bukod-tangi na siya ang pinadalhan ni Carla ng email.

Halata ang pagkalito ni Carla dahil pabago-bago ang kanyang mga pahayag pero pinilit niya na magpakita ng strong front.

Kung ibang artista ang nasa lugar ni Carla, tiyak na napaiyak na. But not Carla.

Natahimik ang lahat habang nagpapalitan ng sagot sina Carla at Mario.

Katabi ni Carla sa presidential table sina Jake Cuenca, Lovi Poe, Dennis Trillo at ang My Neighbor’s Wife director na si Jun Lana.

Nang tingnan namin sila, halata sa mga mukha ng apat ang magkahalo na gulat at confusion sa nagaganap na eksena.

Para higit na maintindihan ang isyu, naghanap kami ng kopya ng short article na isinulat ni Mario tungkol kay Carla at ito ang aming nabasa (published as is):

“WE were there when Carla Abellana was first introduced to the press three years ago and she said then she’ll not go sexy. But now, she plays a very daring role as an unfaithful wife in My Neighbor’s Wife.

“‘It’s true, when I joined showbiz, I said I won’t do torrid kissing scenes at hindi ako magbibikini,’ she says.

“‘Pero heto, ngayon, ginawa ko. When the shooting started, wala naman sinabi sa’kin si Direk Jun Lana that I’ll be made to do such scenes. But in the course of the shooting, I was pushed to the limits.’

“The biggest challenge here for me is Lovi Poe. Kasi all out siya sa sexy scenes niya so I felt obligated na pantayan yung ginagawa niya kasi kung hindi, ano na lang ang mangyayari sa ‘kin sa movie? Mapag-iiwanan ako.’

“‘The first time I did a love scene with Dennis Trillo, grabe ang kaba ko. But I have to thank Dennis kasi magaling siya magdala ng eksena. He can make the scene appear really sensual. Ganun din si Jake Cuenca, mahusay in doing bed scenes.’”

“Will she make real life BF Geoff Eigenmann watch these daring scenes?

“‘Kinuwento ko sa kanya ang mga eksenang ginawa ko and he understands this is part of my job naman, but he’s the one who decided na hindi na lang niya panonoorin. He gave me naman the liberty to do such scenes, in the same way na I allow him din naman to also do such scenes dahil actor din siya.’”

*******

Naintindihan namin ang pinanggagalingan ni Mario nang makakuha kami ng kopya ng email na natanggap niya mula kay Carla, Nagmistulang teacher si Carla dahil sa “lecture” at unsolicited advise na ibinigay niya kay Mario.

Ito ang unedited copy ng controversial email ni Carla:

“HI Mario! This is Carla Abellana. I just read your Journal August 21 article entitled ‘Geoff Won’t Watch Carla’s Daring Movie’ and was shocked.

“First off, I don’t remember being interviewed by you recently.

“Second, not a single word you supposedly ‘quoted’ from me is true. Those words never came out of my mouth.

“Third, I was never challenged by Ms. Lovi Poe in our movie because it was never a goal for me to equal her in this movie. My character’s goal is different from hers and she’s a completely different actress with a completely different role from mine.
“It was never an intention for me to equal her in this movie because whatever I do, I never will!

“For you to use such words as ‘… biggest challenge here for me is Lovi Poe…’ and ‘… I feel obligated na pantayan yung ginagawa niya…’ are words that never even crossed my mind, all the more come out of my mouth.

“Fourth, the supposed quotation in the last line of your first paragraph says, ‘Ganu’n din si Jake Cuenca, mahusay in doing bed scenes.’

“How can I possibly say that when Jake and I haven’t even done a love scene?

“Lastly, I never said that Mr. Geoff Eigenmann decided not to watch the movie. I never said that because presently he is not even sure if he’s going to be in the country when the movie comes out.

“It makes me wonder where you got all your information. Obviously this article is based on second-hand information, therefore unreliable.

“This is an opportunity for you to receive straight feedback from me, as I hope that it is important since I am the subject of this article.

“Please double check on your information and ‘facts’ first before publishing anything. A basic rule that I’m sure a respected writer such as you already know and consider common sense.

“Thank you very much and I can only hope that you publish an erratum article following this.

“If not, I can always clarify this to other press members during our succeeding press cons for ‘My Neighbor’s Wife.’”

*******

Walang closure ang confrontation scene nina Carla at Mario, kahit napilitan na magpasalamat at mag-apologize ang aktres sa presscon ng My Neighbor’s Wife.

Nang matapos ang question and answer portion, umalis na si Mario habang nilapitan na si Carla ng mga TV reporter.

May bonus ang confrontation scene dahil nagsalita rin si Mrs. Lily Monteverde, ang producer ng Regal Entertainment Inc.

Sinabi ni Mother Lily na mahal niya si Carla dahil mabait ito pero kung may problema man, ito ay si Arnold Vegafria, ang manager ng aktres.
Ayon kay Mother Lily, mahirap kausap si Arnold at hindi ito cooperative sa kanila. May exclusive contract si Carla sa Regal Entertainment Inc. pero may ginawa raw na breach of contract ang kanyang manager.

No Comments »

No comments yet.

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a comment

Username
Password
Forgot Password? | Register