| Register
Jojo Gabinete: Cabinet Files

The actress, the fiancee, the instant chefs, and the alter-ego

Filed under: Features — CabsM0d at 5:24 pm on Thursday, July 7, 2011

Muling nabuhay ang isyu na gumagamit ng illegal drugs si Maricel Soriano dahil sa mga pahayag nina May Cachuela at Camille Acojedo, ang kanyang mga kasambahay na nagreklamo sa Barangay Poblacion, Makati City, na sinaktan sila ng aktres kaya napilitan sila na lumayas.

May imbitasyon kay Maricel ang kapitan ng Barangay Poblacion para masagot niya ang mabigat na akusasyon ng kanyang mga dating kasambahay.

Bago pa lumantad sina May at Camille, laman ng mga blind item at gossip column ang multi-awarded actress. Diumano, naka-confine siya sa basement ng isang ospital dahil sa drug problems.

Nang mag-guest si Maricel sa Party Pilipinas noong June 12, inabangan ng press people ang kanyang paglabas mula sa dressing room. Handang-handa ang mga reporter na tanungin si Maricel tungkol sa confinement nito umano sa basement pero bago pa sila nakapagtanong, dali-daling bumaba si Maricel sa basement parking ng GMA 7.

Natulala ang mga naghintay na reporter dahil sa bilis ng mga pangyayari.

*******

Ang ibalik ng Professional Regulation Commission ang medical license ni Hayden Kho, Jr. ang isa sa mga wedding wish ni Dra. Vicki Belo, kahit hindi pa nila napag-uusapan ang petsa ng kanilang kasal.

Umaasa si Dra. Belo na mabibigyan ng pangalawang pagkakataon si Hayden na ma-practice nito ang medical profession.

Binawi ng PRC ang medical license ni Hayden dahil sa pagkakasangkot nito sa sex video scandal at sa rekomendasyon ni Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr.

Pinawalang-sala ng korte si Hayden sa kaso na isinampa ni Katrina Halili laban sa kanya. At para kay Dra. Belo, dapat nang ibalik ang medical license ng kanyang fiance.

*******

Cream of mushroom, fish normande with rice pilaf at chocolate trio dessert ( chocolate mousse, chocolate cake at truffles ) ang inihanda kahapon, July 4, nina Edgar Allan Guzman, Rainier Castillo, Lucky Mercado, Luis Alandy, Marco Alcaraz at Lara Quigaman sa kanilang graduation sa culinary class ng Cuisinier Studio.

Base sa mga pagkain na natikman namin, pasado bilang mga instant chef ang mga nabanggit na talent ni Noel Ferrer. Instant chef dahil anim na araw lang ang itinagal ng pagtuturo sa kanila ni Chef MaFe Seva, na graduate ng Le Cordon Bleu, isang sikat na culinary arts school sa United Kingdom.

Nangarap na maging chef sina Lara at Marco dahil may plano sila na magtayo ng sariling restaurant. Dahil tapos na ang kanilang culinary course, ang Disaster Preparedness and Management Course ang susunod na pagkakaabalahan nina Edgar Allan, Rainier, Lucky, Luis at Marco.

*******

Palaisipan sa amin ang paglilihim ni BB Gandanghari na malaman ng mga tao sa Pilipinas na based siya sa Pilipinas.

Mahigpit ang pakiusap ng Filipino friends ni BB sa New York na huwag sabihin na nararoon ang alter ego ni Rustom Padilla.

Mahihirapan si BB na isikreto ang kanyang kinaroroonan dahil maraming Pilipino sa New York. Hindi niya makokontrol ang balita, pati na ang paglabas ng kanyang fashion pictorial na kuha ng fashion photographer na si Farrah Vlasov.

Supermodel ang projection ni BB sa mga litrato na nakita namin sa website ni Farrah. Ang paglitaw sa Internet ng mga litrato ni BB ang malinaw na ebidensya na walang katotohanan ang tsismis na sumailalim na siya sa sex-change operation.

Itim man ang kulay ng kanyang body-hugging outfit, hindi maitatanggi na prominent pa rin ang umbok sa harap ni BB.

No Comments »

No comments yet.

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a comment

Username
Password
Forgot Password? | Register