| Register
Jojo Gabinete: Cabinet Files

Bad Times in showbiz

Filed under: Uncategorized — CabsM0d at 8:00 pm on Friday, May 6, 2011

“Kidnap” ang isa sa mga anggulo na pinag-aaralan ng mga pulis sa kaso ng tangka na pagpatay kay Pilar Pilapil noong April 14, 2011.

At press time, pinaghahanap pa rin ng mga pulis si Rosel Jacosalem Penas, ang kasama ni Pilar nang maganap ang insidente.

Itinuturing na suspect si Penas dahil sa mga ebidensya na nakalap ng mga imbestigador na magdidiin sa kanya sa kaso.

Ayon sa isang source na malapit kay Pilar, may report na ang original plan ay kikidnapin ang aktres at ipatutubos ito ni Penas sa halagang sampung milyong piso, pero iba ang nangyari.

*******

Natabunan ng untimely demise ng young actor na si AJ Perez ang balita tungkol sa near-death experience ni Pilar Pilapil. Matagal na pinaglamayan ang labi ni AJ dahil nataon sa Holy Week ang pagpanaw niya noong April 17, 2011.

Naging matatag ang naulilang pamilya sa pagtanggap sa malungkot na katotohanan.

As a matter of fact, mas matindi ang reaksyon ng isang fan ni AJ na ayaw maniwala na namatay ang kanyang idolo hangga’t hindi raw niya nakikita na nakahimlay sa loob ng ataul ang batang aktor.

Nakangiti ang fan habang nagsasalita ito sa harap ng TV camera kaya madaling unawain na marahil, isa lamang siya sa maraming tao na nakikiusyoso.

*******

May mga nadurog ang puso nang sabihin ng tatay ni AJ ang mga salitang, “I will see you soon.”

Naka-relate sila sa sinabi ni Gerry Perez, ang ama ni AJ, dahil mahal na mahal niya ang panganay na anak at kasama siya nang maganap ang tragic accident.

Pero kung si Gabriel Valenciano ang magsasabi ng “I will see you soon,” iba ang interpretation ng mga tao. Instead of “Till we meet again,” ” I will see you soon” ang naging pahayag ng anak ni Gary Valenciano sa interview sa kanya tungkol sa pagkamatay ni AJ.

Hindi natapos kay Gabriel ang mga boo-boo dahil sa radio program nila ni Ambet Nabus sa dzMM noong April 24, walang kakurap-kurap ang mga mata ni Gretchen Fullido nang ibalita nito na, “Sa Martes po ang INTERMENT at LIBING ni AJ…”

Sa episode naman ng The Buzz noong May 1, AJ Perez 1993-2001 ang malinaw na malinaw na nakalagay sa huling report nila tungkol kay AJ. Year 2011 nang pumanaw si AJ, hindi 2001.

*******

Ang pagdedemanda ng libel ni Bulacan Mayor Patrick Meneses laban sa kanyang ex-girfriend na si Aiko Melendez ang showbiz news na tumabon sa mga balita tungkol sa pagkamatay ni AJ.

Short-lived lamang ang Meneses-Melendez controversy dahil pagkatapos magsalita ni Aiko, natabunan ito ng news tungkol sa mga problema na pinagdaraanan ng relasyon nina DJ Mo Twister at Rhian Ramos.

Hindi na kailangan ng mga reporter na interbyuhin si Mo dahil sa mga rebelasyon nito sa kanyang Twitter account.

Hindi nagsalita sina Mo at Rhian noong maayos pa ang kanilang pagsasama pero ngayong hiwalay na sila, detalyado ang kuwento ni Mo sa good times nila ni Rhian.

At press time, nahinto na ang mga Twitter post ni Rhian, pero hindi si Mo. At ipinag-aalala ito ng mga nagmamalasakit sa aktres dahil baka makaapekto sa kanyang career ang mga susunod na rebelasyon ni Mo sa Twitter.

Kung may good times, tiyak na may bad times sa isang taon na itinagal ng kanilang relasyon.

3 Comments »

Comment by romanrapido

May 7, 2011 @ 7:53 am

good morning kuya jojo, napansin mo din pala yung kay AJ na 1993-2001./ di ko na lang pinansin pero tingin ko kahit na maliit na bagay lang dapat inaayos nila,. halatang tinatamad na ang 2, o nawawalan ng common sense.kawawa naman yung staff na responsible dun kung sisibakin,. so patawarin na lang. madalas kong antayin ang blog mo,. madalas kinaiinipan ko na,. saan pa ba puwedeng makabasa ng anumang column mo sa internet? gustong gusto ko kasi makabasa ng mga report mo. salamat at have a nice day.

Comment by manguuma

May 7, 2011 @ 11:15 am

sa mga nababasa ko mo twister is implying na parang nag live in cla ni rhian ramos..tsk tsk total damage sa career ni rhian ramos

Comment by sexyshine225

May 9, 2011 @ 10:24 am

thank for the nice blog jojo…keep it up

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a comment

Username
Password
Forgot Password? | Register