| Register
Jojo Gabinete: Cabinet Files

Rapunsarah, Hindi na Munting Prinsesa

Filed under: Opinion — CabsM0d at 7:16 pm on Wednesday, March 2, 2011

Pinag-uusapan ang 39-page article sa March 2011 edition ng YES! Magazine tungkol sa unang heartbreak ni Sarah Geronimo.

Iba’t-iba ang reaksyon ng mga nakabasa sa well-written at well-researched story na pinagpuyatan, pinagpaguran at nagbigay ng matinding stress sa staff ng YES!

Kung may mga pumupuri sa pag-aalaga kay Sarah ng kanyang mga magulang, may mga nagsasabi rin na hindi na tama ang sobrang proteksyon na ibinibigay nila sa kanilang anak.

May mga nagkukumpara sa mag-inang Divine at Sarah kina Rapunzel at Mother Gothel ng Tangled, ang endearing movie ng Walt Disney Productions.

Si Mother Gothel ang main antagonist sa Tangled. Ninakaw niya si Rapunzel mula sa mga magulang nito, pinalaki at ikinulong sa isang tore, at pinaniwala si Rapunzel na siya ang tunay na ina. May sariling kanta si Mother Gothel sa Tangled, ang Mother Knows Best.

Si Sarah ang kinikilala sa ating bansa bilang Pop Princess kaya may mga tumatawag sa kanya na Princess Sarah.

Tulad ni Rapunzel, marami nang gustong madiskubre si Sarah tungkol sa mundo. Kung pagbabasehan ang accounts ng YES!, handa nang magmahal si Sarah pero hindi pa handa ang kanyang mga magulang na makipagrelasyon siya, lalo na si Divine.

Tunay na ina ni Sarah si Divine kaya malaki ang karapatan nito na gabayan ang kanyang anak. Tulad ni Mother Gothel, buo ang paniniwala ni Divine na “mother knows best.”

*******

Si Mark Herras ang pumasok sa aming isip nang mabasa namin ang kuwento ni Rayver Cruz na si Sarah ang unang gumawa ng paraan na maging magkaibigan sila.

“Ako naman talaga ‘yong unang nakatanggap ng email na galing sa kanya,” the young actor said. ” So, nagulat ako, kasi hindi ko alam kung siya talaga. Tsinek ko kung si Sarah ba talaga ‘to, ganyan, ganyan. Tapos oo.

“Siya naman talaga ‘yong nauna na nakipagkaibigan. So, natuwa ako.”

Sa page 86, nabanggit pa na, “Sarah’s email message was cute and seemingly going nowhere: ‘Hi.’ The greeting was followed, Rayver recalls, by a smiley, the ’smiling face’ icon used in electronic communication.”

Naalaala namin si Mark dahil nakatanggap din siya ng online message mula kay Sarah sa kanyang Facebook account. “Hi” din ang message na ipinagtaka at ikinagulat ni Mark dahil hindi nito inaasahan na makakatanggap siya ng message mula kay Sarah.

At that time, nagsasalita na si Sarah sa press tungkol sa secret crush niya at isang clue ang ibinigay ng Pop Princess, mahusay sumayaw ang kanyang lihim na crush.

For a while, naghinala ang mga tao sa paligid ni Mark na siya ang tinutukoy na secret crush ni Sarah.

*******

May mga mga miyembro ng entertainment press na na-disappoint nang mabasa nila na walang reporter na pinapayagan ang mga magulang na maging malapit sa kanilang anak. Na dini-discourage nila ang personal relationship sa pagitan ni Sarah at ng entertainment writers…

May mga na-offend na entertaintment writers dahil kaibigan ang turing nila sa Geronimo family. Sila ang entertainment reporters na nagtatanggol kay Sarah kapag nasasangkot ito sa mga kontrobersiya. Sila ang mga reporter na walang hinihintay na kapalit o pasasalamat mula kay Sarah at sa mga magulang nito.

Sila ang mga reporter na hindi natatandaan ni Sarah at ng mga mga magulang nito ang mga pangalan at mukha kahit maraming beses na silang nagkikita sa mga presscon at showbiz event.

*******

Para kay Divine, mother knows best pero kung maririnig niya ang mga komento ng mga tao, posible na masaktan siya.

Marami ang naaawa kay Sarah dahil sa kanilang opinyon, wala sa lugar ang paghihigpit ng kanyang mga magulang. May mga nagsasabi na matatakot na ang mga lalake na manligaw kay Sarah at may nag-aalala na baka dumating ang araw na magrebelde si Sarah, tulad nang ginawa ni Rapunzel kay Mother Gothel.

16 Comments »

Comment by akosimadam

March 2, 2011 @ 8:44 pm

sarah is 22, way beyond her legal age para pumirma ng kahit anong legal documents. she’s not a 14-yr-old na kailangang bantayan ang bawat galaw. i read the article at ang sabi ng nanay nya, hindi pa handa si sarah sa maraming bagay. how could she when all her life e bantay sarado at hitsurang nakaklulong. sara hasn’t experienced things most girls/ladies her age have went through, that will make her strong and ready to face any challenge ahead of them. if sarah’s parents believe they taught sarah the right values, bakit sobra silang takot? the best wisdom na pwede nating ibigay sa anak natin is the wisdom to rightfully decide for themselves. teach them how to swim para hindi malunod. expose them in the real world so they would know how to protect themselves. kung bigla silang mawala, naisip ba nila what would happen not only to sarah, but sa lahat ng mga anak nila???

Comment by princessconsort

March 2, 2011 @ 8:55 pm

But after reading the YES article, it seems na tama ang parents because Rayver turned out to be a two-timer. Parents know best. Kahit na 22, kung immature naman and gullible, di nga pwedeng pabayaan. I think 25 is the right age kaya she wanted Rayver to wait 5 years di ba?

Comment by motherindubai

March 3, 2011 @ 2:32 am

every parents has the rights whatever they wanna do with their kids when it comes to discipline. it so happened that sarah is famous and she is a public figure .the way sarah’s parents disciplining her, let it be as long as it protects her. liberty and freedom does not solely means you are independent and knowledgeable of the entire world-the fact that sarah is still a very good role model to people especially teen-agers, there is no problem. whatever happens to her life-it’s her who will suffer and not the parents. if she do good-she will reap, if she gone wrong-that’s the time she will realize that her parents are right. what is so called liberty and freedom? the kids who gone bad, involve to drugs, early pregnancy, pre-marital sex, bad influence peers? freedom is overused and overrated that;s why our world gone so bad.

Comment by yarrie

March 3, 2011 @ 6:20 am

Hi Sir, I like this article of yours. The way how I read Divine’s article, she simply and unknowingly admits that they are scared to lose a milking cow. Yet, several times she’s mention the word LORD,GOD. totally abused but she’s full of greediness. Why can’t tg.She’s not a protective mother for me and if I were Shat mother of hers allow her to face the real world so that she would learn those things and besides our experiences are the best teachers. It’s too suffocatinarah G. She should stop sending emails to male friends whom she likes. and wait for those male ones to come to her. Be more obedient to her ill greedy mother.

Comment by yarrie

March 3, 2011 @ 6:21 am

bakit naging ganun ang comment ko? maulit nga!

Comment by yarrie

March 3, 2011 @ 6:24 am

Hi Sir, I like this article of yours. The way how I read Divine’s article, she simply and unknowingly admits that they are scared to lose a milking cow. Yet, several times she’s mention the word LORD,GOD. totally and verbally abused word but she’s full of greediness. Why can’t she allow her daughter to grow up as a normal person .She’s not a protective mother for me.Divine should allow her to face the real world so that she would learn those things and besides our experiences are the best teachers. It’s too suffocating. and to Sarah G. She should stop sending emails to male friends whom she likes. and wait for those male ones to come to her. Be more obedient to her ill greedy mother so that next time hindi siya magmumukhang kawawa dahil iniwanan xa and sa lahat ng artisita wag kayo magtitiwala sa taong nagngangalang ANNA DASIG. Be warned!

Comment by lissy_me

March 3, 2011 @ 7:39 am

close minded kasi mama nya. she talks about having faith in god but actually she doesn’t trust god. coz if you trust HIM you wud let ur daughter have a little freedom, trusting GOD that HE would guide her.

Comment by volleyballbaby

March 3, 2011 @ 9:39 am

too much of something will kill!

Comment by gossiphungry

March 3, 2011 @ 12:52 pm

yes, just like exactly the movie Tangled.. the mother kept Rapunzel protected for her own reasons and welfare! thats how I described too the protection of Divine giving to Sarah… you will somewhat ask, is the mother really loved her child or herself lang pala.. because if Sarah/Rapunzel will learn other things not just what her mom says (she said best aint best at all pala).. the mother is really, really scared to lose not the child, but what the child is giving her… thats why she protect her sooo bad.. for her own (mother’s) good… in case of Sarah, that includes the dad.

Comment by mayumi1331

March 3, 2011 @ 4:24 pm

Sarah is the family’s breadwinner, their milking cow. If something happens to her, or if she falls in love, baka takot ang parents nya that she will lose focus on her career. Papano na lang silang lahat? Dapat magpapasalamat etong Geronimo family sa mga writers na nagtatanggol at nagbibuild-up sa anak nila. I’m sure Sarah isn’t all that nice, may mga shortcoming din sya. Kaso, walang lumalabas dahil protektado siya ng mga writers, di sila nagsusulta ng ‘ nega’ against her. Mommy Divine, matuto naman kayong makisama. Hindi forever sikat ang anak nyo, balang araw kakailanganin nyo rin ang mga tao sa paligid ninyo. Wag magpakalunod sa yaman at kasikatan.

Poor Sarah, sikat nga sya, but IS SHE HAPPY WITH HER LIFE NOW?

Comment by alexangel

March 3, 2011 @ 5:38 pm

if sarah’s parents continue to control her life, sarah will not learn to decide for herself when the time comes.

Comment by bebe_onie

March 5, 2011 @ 3:04 am

sa buhay kaylangan mong madapa para matuto,ang magulang ay gabay utang man natin sa kanila ang lahat,pero di pa rin nila hawak ang ating buhay. Stand up for yourself Sarah… Mommy Divine give her freedom ng sa ganoon mas lalo siya matuto sa buhay, ang turo ng Diyos ay dapat mong isabuhay, maging halimbawa ka ng iyong paniniwala.

Comment by kerigirl

March 8, 2011 @ 2:00 pm

si Sarah ba ang hindi pa handa sa maraming bagay o ang mga mabulang nya? ano ba exactly ang ikinatatakot nila? hindi habangpanahon ay buhay sla upang magbigay proteksyon kay Sarah. hindi ba nila naisip kung anu-ano ang mga bagay na namimiss ni Sarah bilang isang kabataan dahil sa kahihigpit nila? hindi lahat ng pagmamahal ay tama. maaring wala tayong alam dahil hindi naman tayo kabilang sa pamilya Geronimo, pero bilang isang miron maaari naman sigguro tayong magbigay ng unsolicited advice. bigyan nyo ng pagkakataong mabuhay si Sarah bilang sya at hindi bilang isang taong gusto ng mga magulang nya.

Comment by timmoffy

March 8, 2011 @ 11:34 pm

me sayad ata nanay ni sarah . di ko natagalan basahin mga pinagsasasabi sa yes, hindi normal na pananalita.
baka magsisi ka sa pag ka OA mo divine at malaman mo nagpakamatay na yang anak mo sa depression. wag mo protektahan ang pera, protektahan mo din ang damdamin ng anak mo. umayos ka.

Comment by lhes2004

March 14, 2011 @ 11:36 am

wala na sa lugar ang pghihigpit ng mga magulang ni sarah sa kanya!!! sana binigyan nla ng chance c sarah 2 live on her own hindi ung pati sariling kaligayahan ng anak nla pakikialaman nla! sino nga ba nmn ang lalakeng mgtitiis na maging gf c sarah kung hindi nmn nakakasama/nakakausap sa personal kundi laging sa hype lang? sinong lalake ang mgtitiis na itago siya ng gf nya? idedeny ng harap-harapan?..sobrang wala na sa lugar ang mga magulang ni sarah na kung akala mo mga perpekto rin sa mundong ginagalawan nla!..ang sabihin nla takot silang magkarun ng bf ang anak nla dahil gus2 nla lging mgttrabaho ang anak nla para sa kanila! selfish ang mga magulang ni sarah! hindi sila dapat tularan ng ibang mga magulang na nagpalaki ng anak na wala sa lugar! sana hindi pa huli ang lahat para baguhin nla ang pgpapalaki nla sa mga anak nla!..maisip sana nla na may sarili isip ang mga anak nla lalo na c sarah na alam ng marami na hindi siya pakawalang babae! desenting bata ang anak nla kaya dapat marunong silang irespeto ang nararamdaman ng anak nla! hindi yng sila ang mamili para sa anak nla!

Comment by bam30

March 15, 2011 @ 5:05 pm

bread and butter kasi nila si sarah kaya hindi nila kayang pabayaan. takot siguro silang mamulat si sarah at marealise na matanda na siya para makapagdesisyon para sa sarili niya.

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a comment

Username
Password
Forgot Password? | Register