| Register
Jojo Gabinete: Cabinet Files

Uncertainties

Filed under: Features — CabsM0d at 9:37 pm on Monday, October 18, 2010

Umiyak uli si Gerald Anderson sa promo guesting niya kahapon sa The Buzz para sa Till My Heartaches End.

Base sa pag-iyak at mga salita na binitiwan ni Gerald, punumpuno siya ng heartaches dahil sa estado ng relasyon nila ni Kim Chiu.

At 21 years old, bata pa si Gerald kaya emosyonal siya. Madali sa kanya ang magsabi na handa siyang i-give up ang kanyang showbiz career. Ibig sabihin nito, puwede siyang bumalik na lang sa General Santos City o ipagpatuloy ang pag-aaral niya sa Amerika. Sounds familiar?

Hindi si Gerald ang unang artista na nagdeklara sa mga interview na kaya nilang talikuran ang showbiz pero nagsisi sa bandang huli. Moral of the story: Be careful with what you say or wish for.

*******

Bata pa si Gerald kaya may mga nasasabi ito na hindi pinag-iisipan at hindi siya sigurado.

May of last year nang dumalaw sa bansa ang 2007 American Idol runner-up na si David Archuleta para sa concert nila ni David Cook sa Mall of Asia Concert Grounds.

Hit na hit sa mga Pinoy si David Archuleta at may kanya-kanyang kuwento ang mga kababayan natin tungkol sa encounter nila sa young American singer.

Hindi nagpahuli si Gerald. Without batting an eyelash, nagkuwento siya noon sa SNN na schoolmates sila ni David sa Jarred High School sa Missouri, USA.
Siguradong-sigurado si Gerald sa kanyang kuwento dahil madalas daw silang nagkikita sa school cafeteria.

Nakarating kay David ang claim ni Gerald at nilinaw niya agad ang isyu sa kanyang Twitter account: “People wondering if I went to Jarred High in 2007 Missouri with Ge­rald. Never heard of him, the school, or lived there. I went to Murray High!”

Nang i-post ni David ang kanyang tweet, wala nang follow-up interview kay Gerald dahil pinili nito na manahimik.

*******

Ang i-give up ang showbiz at ang kanyang acting career ang hinding-hindi sasabihin ni Mura, ang 35-year old actor na napilay dahil sa tricycle accident na nangyari sa Guinobatan, Albay, noong February 2010.

Nang makausap namin si Mura sa presscon ng My Driver Sweet Lover, ikinuwento niya na wala siyang trabaho sa loob ng pitong buwan dahil sementado ang kanyang kanan na binti.

Palagi raw siyang umiiyak dahil sa kawalan ng hanapbuhay at pagkaubos ng kanyang pera na kinita niya sa Darna.

Para makakain, binubuhat si Mura ng kanyang mga kapatid para makapunta siya sa mesa at makakain. Hindi mapili si Mura sa pagkain dahil sanay raw siya na kumain ng gulay, dala ng kahirapan ng kanilang pamumuhay.

Hirap pa rin si Mura sa paglalakad dahil hindi na pantay ang kanyang mga binti. Nagpapasalamat siya kay Edlyn Tallada-Abuel, ang production manager ng TV5 dahil ito ang nagsali sa kanya sa cast ng My Driver Sweet Lover.

Punumpuno ng pag-asa ang mga mata ni Mura habang nakikipagkuwentuhan siya sa amin. Wala siyang natatanggap na death threats pero mas matindi ang kanyang mga pinagdaraanan.

Kahit papilay-pilay ang paglalakad ni Mura, hindi ito nahihirapan sa taping dahil nakaupo lamang siya sa kanyang mga eksena. Lumpo ang role ni Mura sa My Driver Sweet Lover. Ang kanyang pangalan? Boy Baldado.

*******
Ang pag-asa na makalaya mula sa labinlimang taon na pagkakakulong ang nakita namin sa mukha ni Hubert Webb nang panoorin namin kagabi ang Cheche Lazaro Presents: Dalawang Mukha ng Hustisya.

Muling binalikan ni Cheche ang mga pangyayari at mga pangunahing karakter sa celebrated Vizconde Massacre Case na naganap noong June 30, 1991.

Maganda at balanse ang pagkakalahad ni Cheche sa kaso na nananatiling misteryo sa iba dahil naninindigan si Hubert at ang kanyang pamilya na inosente siya sa krimen na ibinibintang,

Forty-two years old na ngayon si Hubert, nagkaedad na ang kanyang itsura pero wala sa isip niya ang mag-give up dahil sa paniniwala na makakalaya siya.

6 Comments »

Comment by jameson2006

October 19, 2010 @ 10:04 am

ako man, ng mapanood ko si gerald sa the buzz, ang tanong ko, ano ba talaga problema nya? kasi puro pag-eemote ang ginagawa nya, pati daw si god hindi perfect,kung anu ano lang sinasabi nya, pano ngayon hindi sasabihin na hindi gimik para sa movie nila ung paiyak-iyak nya? galing mo talga magsulat at mag-analyze jojo, natumbok mo na naman, keep it up.

Comment by SuPeRdAnY

October 19, 2010 @ 3:59 pm

magulo nga ang interview..hindi direct to the point ang mga tanong ni KC…magulo din ang mga sinasabi ni Gerald…di maintindihan kung bakit kailangan niyang maging ganong ka emosyonal base sa mga sinasabi lang niya….

Comment by lizze_f

October 19, 2010 @ 11:17 pm

sobrang dependent kasi si gerald sa fans nila ni kim. kung hndi todo support fans nila, hndi sila ganun kasikat. kaya natakot. he should be man enough to admit na ayaw nya na kay kim or he had enough. he should be man enough to admit he is courting bea. kung talented sya, khit hndi pa sila partner ni kim, sisikat sya.

Comment by sylvester

October 20, 2010 @ 11:11 am


HAHAHAHA!! pahiya si Gerald!!!

Comment by alexangel

October 20, 2010 @ 11:44 am

hahaha! kaloka si gerald. chronic liar!

Comment by Sa_Totoo_Lang_Ha

October 20, 2010 @ 3:09 pm

Nakakawindang si Gerald… Gumigimik pa… Classmate pa nga… pwe!

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a comment

Username
Password
Forgot Password? | Register