| Register
Jojo Gabinete: Cabinet Files

Willie’s 150-million-peso house

Filed under: Uncategorized — admin at 6:28 pm on Thursday, March 11, 2010

Magkaroon ng buhay na komportable ang tanging pangarap ni Willie Revillame, pero sobra-sobrang suwerte ang dumating sa kanya kaya hindi siya nakakalimot na magpasalamat sa Diyos.

Isang Bible at rosaryo ang nasa tabi ng kama ni Willie sa bahay nito sa isang exclusive subdivision sa Quezon City. Ayon kay Willie, wala na siyang mahihiling pa dahil naging mabait sa kanya ang Diyos.

Ang National Artist na si Alejandro Locsin ang nag-design ng bahay ni Willie at meron itong apat na kuwarto.

Maikukumpara sa mga five-star hotel rooms ang mga kuwarto, na nagagamit lang kapag may mga bisita ang host ng Wowowee.

Kahit labimpito ang bilang ng kanyang mga kasambahay, masasabi na solo pa ring namumuhay si Willie sa malaking bahay.

“Oo” ang mabilis na sagot ni Willie nang itanong namin kung masaya siya sa kabila ng kanyang pag-iisa.

“Baka magtampo na sa akin ang Diyos kung sasabihin ko na malungkot ako dahil napakabait Niya sa akin, ” ani Willie.

*******

Nang ipakita sa amin ni Willie ang isa sa mga guest room, limang malalaking kahon na punumpuno ng mga damit ang bumungad sa amin.

Bukod sa limang kahon, daan-daang t-shirt at polo shirt ang maayos na nakatiklop sa ibabaw ng kama.

Ang mga branded polo at T-shirt ang ipinamimigay ni Willie sa mga residente ng Payatas. Kung makikita ninyo na nakasuot ng Calvin Klein at Ralph Lauren shirts ang mga kababayan natin sa Payatas, siguradong nanggaling kay Willie ang kanilang mga damit.

Hindi na bago kay Willie ang pamimigay ng mga gamit. Noong struggling comedian pa siya (mid-’90s), naging ugali na ni Willie na ipamigay sa mga kaibigan at mga reporter ang mga damit na hindi na isinusuot at hindi pa niya naisusuot. Noon pa man, mahilig na si Willie sa mga labeled shirts.

*******

Si Willie ang proud owner ng Will Tower, ang residential at mall na kasalukuyang itinatayo sa harap ng ABS-CBN.

Nabili na rin ni Willie ang malaking lote na katabi ng pinagtatayuan ng Will Tower. Isang condominium building din ang balak na ipatayo ni Willie sa nasabing lote.

Just recently, sakay ng kanyang sariling helicopter, nagpunta si Willie sa Boracay Island para tingnan ang lote na plano niyang patayuan ng isang resort hotel.

Para kay Willie, ang mga condo building at resort hotel ang magandang investment. Ayaw raw niya na mag-invest sa stock market sa abroad dahil may mga kaibigan siya na nalugi at nawalan ng malaking halaga nang magdeklara ng bankruptcy ang isang giant global investment company.

Simple lang ang katuwiran ni Willie, “Nandito tayo sa Pilipinas, bakit sa ibang bansa tayo mag-i-invest?”

*******

Isa-isang natupad ang mga pangarap ni Willie kaya hindi malabo na magkaroon ng katuparan ang kanyang vision na magkaroon ng sariling TV network.

Hinahangaan ni Willie ang American TV host na si Oprah Winfrey, na nagmamay-ari ng sariling television network. Sa mga magandang nangyayari ngayon sa buhay ni Willie, hindi malayo na matupad ang kanyang pangarap na maging Filipino counterpart ni Oprah.

*******

Mula nang sumikat at lumipat siya sa kanyang bagong bahay, bihira nang lumabas si Willie.

“ABS-CBN studio at bahay na lang ako para iwas-gulo,” ang sabi ni Willie dahil alam nito na malapit sa mga kontrobersiya ang mga popular celebrity na tulad niya.

Kahit sino ang nasa katayuan ngayon ni Willie, tiyak na tatamarin sila na iwanan ang isang bahay na may sariling gym, theater at music room.

Hindi na kailangan ni Willie na pumunta sa mga island resort dahil maikukumpara sa isang resort hotel ang kanyang malawak na property at bahay na nagkakahalaga ng 150 million pesos.

*******

P.S. Hindi newcomer si Willie sa village na tinitirhan niya sa kasalukuyan dahil dito rin nakatayo ang bahay nila noon ng kanyan g ex-wife na si Liz Almoro.

Tila naniniwala si Willie sa mga pamahiin o feng shui dahil nakatira sila noon ni Liz sa Luna St. na “ANUL ” daw kapag binasa nang pabaligtad. Nauwi sa annulment ang church wedding nina Liz at Willie dahil sa irreconcilable differences.

Nakatira ngayon si Willie sa Biak-Na-Bato St. kaya siguro, wala pa siyang kabiyak.

20 Comments »

Comment by PEP_Webmaster

March 11, 2010 @ 6:34 pm

test

Comment by hwdpinoy

March 12, 2010 @ 12:42 am

so what’s the point of this entry?? to boast Willie’s fortune?

what an effing nonsense entry. waste of time. u should be thankful i finished the entire piece. haha

Comment by zereena

March 12, 2010 @ 3:46 am

just wonderin’ san nya nakukuha ang ganito kalaking pera?aba parang sobrang bumubuhos naman yata ang pera sa kanya..hmmm!!!!

Comment by agness

March 12, 2010 @ 11:17 am

oo nga san nga ba galing pera nya…. di kaya kay villar?

Comment by prettyasalways

March 12, 2010 @ 11:50 am

this is a kind of writer na bayaran, parang kelan lang i read his column na laging binibira si Willie, whats d reason behind y u had a change of heart? dahil ba ipinasyal kayo sa bahay nya kasama si Lolit Solis? Or dahil endorser sya ni Money Villar? Or malaki lang talaga ang gibsung syo?

Comment by girlyme

March 12, 2010 @ 2:13 pm

ako naniniwala ako sa GOOD KARMA. Once na gumawa ka ng mabuti at hindi ka madamot sa kapwa nung hindi ka pa mayaman ay talagang bibiyayaan ka.

Pag mayaman ka na, at tuloy pa rin ang pagshare ng blessings ay lalo kang blessed. at yan na yong kasabihan na “when it rains, it pours”

Ang pera kasi umiikot yan, pag madamot ka, madamot din ang swerte. Pag nagshare ka doble or triple ang balik sayo. Number one rule pag yumaman: Stay HUMBLE and continue to SHARE your blessings para laging positive ang buhay.

Comment by shindig

March 12, 2010 @ 2:21 pm

ur correct hwdpinoy…another nonsense entry. san nga ba galing ang fortune ni willie? wowowee lang naman ang show nya? just wondering…

Comment by dakilangina

March 12, 2010 @ 3:04 pm

Yuh me too, just wandering kung saan nia kinukuha ang a\ganoong karaming pera>>>>>>>. magkano ba TF niya wa wowoweee eh wala naman siyang ibang income kundi ang noontime show niya? Paksiagot nga please????

Comment by hugo_lombardi

March 13, 2010 @ 5:50 pm

Ano ba naman yan, why do u question where his money came from..
He is paid 1million pesos per day.
Do the math.
1million x26 day a month thats 26 million a month
26 million x12 months thats 150mllion a year
That is just for wowowee… He has commercials not to mention he is campaigning to equally wealth controversial Manny Villar
That is billions of pesos.
Despite that Im sorry to say I am not a fan of Willie

Comment by EclecticFan

March 14, 2010 @ 12:46 am

Diba he’s campaigning for Villar?….

Comment by netopia1976

March 15, 2010 @ 12:45 am

Same question here! Saan galing ang kanyang sobrang yaman? He is only a host then he became a multi-millionaire! Saan nga kaya galing ang kanyang fortunes?

Pakisagot sa merong may alam

Comment by 909100

March 15, 2010 @ 6:43 am

Ang dami pala nitong pera eh bakit hindi nya ipamigay sa mahihirap at ang ibinibigay nya lang eh yung pera ng ABS at ng TFC, pero hindi sya makabigay ng sarili nyang pera. Sino kayang bibili ng condo sa Will Tower eh baka isang uga lang ng bagyo dyan eh bagsak. Katakot! Yun na nga lang namatay sa Wowowee eh hindi nabigyan ng hustisya eh di lalo na kung bumagsak ang tower na yan,hahah! Uso pa naman ngayon ang lindol, eh wala pa naman akong tiwala sa mga materyales na siguradong tinipid dyan sa pinas.

Comment by ConstructiveCritic

March 15, 2010 @ 7:35 pm

MAhirap magbintang pero just to think of it, ito ba ang kapalit ng mga prizes na dapat mapupunta sa contestants, but imbes na sila manalo, kay Willie na lang binibigay. dapat lang na ipamahagi ni Willie yung ibang nasa kanya dahil di naman nya talaga yata pinaghirapan un eh. Kahit sinong santo, magtataka, paano ka nagkaroon ng ganito kalaking assets if there is nothing ” scrupulous” happening ? By the way, di naman nya madadala yan when he passed away and he cannot answer God about his assets because its all his liabilities.

Comment by mycomment

March 16, 2010 @ 2:32 am

appreciate ko ung pgshare nya ng dmit s mga tga Payatas. kaya lang sna imbes n branded shirts that cost thousands each, ung mdyo mura n lang. ung 1 branded n shirt bka 10pcs n d branded ang katumbas. d nman after s brand mga tga Payatas…

anyway, thanks p rin 4 sharing ur blessings s mga kbabayan ntin…

all the best…

Comment by pingrowland

March 17, 2010 @ 10:03 am

hey..my comment was erased..how come??I was just asking if you got paid for writing article for this guy..there’s no reason to be pissed..duhh

Comment by bataanmatamit

March 17, 2010 @ 1:44 pm

Sarap siguro talaga ng buhay kung nandyan na lahat sa ‘yo. Di po naiinggit, parang inspirasyon lang sa akin ang bahay na maganda ni Willie. Sa bahay lang.

Comment by 1pashnea1

March 17, 2010 @ 11:01 pm

bakit parang very untouchable si willie kapag tinatanong ang source of wealth niya? ganun kalaki ang perang kinita niya mula nang nasa www na siya? parang mas mayaman pa siya sa may-ari ng abs sa mga properties na sinasabing kanya….

there are some business schools who studies how the celebraties are able to amass or let their money earn. maybe the case of willie will be an interesting one to study so that they can at least advise how people can become extra extra rich while being a TV host.

Comment by ilokanang_harot

March 20, 2010 @ 12:16 am

I agree with one of the comments here… what’s the point of this article?

Comment by gossiphungry

March 23, 2010 @ 7:38 pm

yes, what’s the point of bragging his 150M house??… magkano ba sweldo nya as a host Wowowee? 1 million a day?

may daya yan… napatunayan na yan!! sa youtube patok na patok!

Comment by pinoyhack

March 26, 2010 @ 10:57 pm

ANG TANONG….Bat sankatutak ang pera nyan lalake na yan? Baka naman ang laki ng kina-cut nyan sa price money. 150M for a tv host? Ano yan mayaman pa kina Vic Sotto eh foundation na ng noontime show yun. Mayamang rin sina TVJ pero ito si Willi eh baguhan lang, AT MAY TOWER pa nalalaman, AT MAY Chopper at Yacht pa… ABA! KADUDADUDA

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a comment

Username
Password
Forgot Password? | Register