| Register
Jojo Gabinete: Cabinet Files

Dindi Gallardo finally ties the knot

Filed under: Features — CabsM0d at 5:07 pm on Monday, September 12, 2011

Ikinasal kay Eric Scot Mills sa isang civil rites sa New York City Hall noong September 7 ang former beauty queen-turned-actress na si Dindi Gallardo.

Vintage ang wedding theme dahil ayon kay Dindi, “old soul” siya.

Ipinagmalaki niya na hindi pa umabot sa US$1,000 ang wedding expenses nila ni Eric at nagkakahalaga lamang ng US$45 ang kanyang wedding dress na binili niya sa isang online shopping site.

Alam ng mga magulang nina Eric at Dindi ang plano nila na magpakasal.

Eighty-two years old na ang ina ng groom kaya hindi ito nakalipad sa New York para saksihan ang kasal ng anak.

At para maging parehas, hindi na rin pumunta sa New York ang mga magulang ni Dindi. After all, nasa legal age na sina Eric at Dindi.

Bukod sa kanilang pagpapakasal, memorable kay Dindi ang mga tao na hindi nila kilala at nakasalubong sa daan pero nag-request ng photo op dahil natuwa sa kanila habang naglalakad sila papunta sa City Hall.

Hindi rin makalimutan ni Dindi ang staff member ng isang American magazine na lumapit at nagtanong kung puwedeng ma-feature ang kanilang pagpapakasal.

Si Dindi ang winner ng 1993 Bb.Pilipinas-Universe title at naging kontrobersyal ang kanyang pagpasok sa showbiz dahil sa relasyon niya noon kay Gabby Concepcion.

Lalong naging maingay ang showbiz career ni Dindi nang i-manage siya ni Lolit Solis na dating manager din ni Gabby.

Tinapos ni Dindi ang kanyang showbiz career nang bumalik siya sa New York para dito manirahan nang permanente.

Aminado si Dindi na nami-miss ang local showbiz at kung sakaling babalik siya, gusto niya na magtrabaho sa likod ng kamera.

Right now, executive assistant si Dindi ng isang Hollywood movie director kaya may koneksyon pa rin sa entertainment field ang kanyang current job.

Naririto ang ilan sa mga litrato ng wedding day nina Mr. And Mrs. Eric Mills. CLICK HERE to view the gallery.