| Register
Jojo Gabinete: Cabinet Files

Afterthoughts

Filed under: Features — CabsM0d at 7:36 pm on Tuesday, June 7, 2011

Bukod sa parehong talent sila ni Lolit Solis, may iba pang common denominator sina Paolo Contis at Quezon City Councilor Alfred Vargas.

Kung half-Italian si Paolo, half-Italian naman si Yasmine Espiritu, ang babae na pinakasalan ni Alfred Vargas noong August 2010.

Babae ang panganay ni Paolo sa kanyang live-in partner na si Lian Paz, babae rin ang eldest daughter nina Alfred at Yasmine.

Nasundan kaagad ang panganay nina Paolo at Lian, bago pa man mag-celebrate ng first birthday ang bata. Isisilang ni Yasmine ang second baby nila ni Alfred bago pa man magdiwang ng unang kaarawan ang kanilang panganay na anak.

*******

Half-German naman si Julia Montes, ang young actress na nakilala dahil sa kanyang contravida role sa television remake ng Mara Clara, ang primetime show ng ABS-CBN na nagwakas noong nakaraang Biyernes.

Parehong deaf mute ang German father at Filipina mother ni Julia. Ang akala namin, biruan lang ang balita na hindi nagtagal ang relasyon ng mga magulang ni Julia dahil hindi sila magkaintindihan.

Subalit noong nabasa namin ang life story ng young actress, nagkahiwalay nga ang tatay at nanay niya dahil hindi “magkaintindihan” ang dalawa.

*******

Gemma ang pangalan ng deaf mute na ina ni Julia. Personal na nakilala ng isang TV host ang nanay ng batang aktres.

Ang TV host ang nagkuwento na seksi ang nanay ni Julia kaya hindi nakapagtataka na marami ang nagkakagusto sa kanya, sa kabila ng kanyang kapansanan.

Si Julia lang ang anak ni Gemma sa dating karelasyon na German national pero may dalawa pa siyang anak sa ibang lalake.

Deaf mute din ang bagong karelasyon ng ina ni Julia. Si Julia ang bread winner ng pamilya at minsan nang nasaksihan ng TV host ang pilit na paghingi ni Gemma ng pera sa kanyang anak na kontrabida sa TV pero isa palang mabuti at mabait na anak sa tunay na buhay.

*******

Mga bata na Inglesero ang kasama ni Mikael Daez nang makasabay namin siya sa isang Internet cafe.

Napansin namin ang presence ni Mikael dahil umingay ang Internet cafe nang dumating sila ng kanyang mga kasama na nag-unahan sa pag-upo para masimulan ang computer games.

Una naming na-meet si Mikael nang makasabay namin siya sa lounge ng NAIA. Papunta sila ng kanyang manager na si Jonas Gaffud sa Amsterdam, habang Paris bound naman kami.

Nang ipakilala sa amin ni Jonas si Mikael, sinabi namin na bakit hindi niya subukan na ipa-audition ang alaga bilang bagong leading man ni Marian Rivera sa Amaya.

Napangiti at sumagot si Jonas ng, “Abangan mo na lang.”

Nakapasa sa audition at napili na pala si Mikael bilang kapareha ni Marian sa Amaya nang ipakilala siya ni Jonas sa amin.

Sa presscon ng “Bampirella” ng Spooky Nights Presents ang second meeting namin ni Mikael at sa presscon ng Amaya ang aming third meeting.

Hindi na nakausap ng entertainment writers si Mikael sa press launch ng Amaya.

Ang duda nila, sinadya ni Mikael na umalis agad para hindi na siya tanungin tungkol sa kanyang alleged video scandal.

Sa fourth meeting namin ni Mikael sa Internet cafe, hindi na kami nag-abala na kausapin si Mikael dahil tutok na tutok siya sa computer. Inisip na lang namin na baka busy siya sa paghahanap sa kanyang alleged video scandal.