Jojo Gabinete: Cabinet Files

Two “queens”…and a mayor?

Filed under: Features — CabsM0d at 7:20 pm on Saturday, May 28, 2011

May boo-boo ang voice-over announcer sa grand presscon ng Amaya, ang epic serye ni Marian Rivera na magsisimula sa Lunes, May 30, 2011.

Nang ipakita ang teaser ng Amaya, buong ningning na idineklara ng voice-over announcer na si Marian ang Reyna ng Primetime.

Pagkatapos ipakita ang teaser ng Amaya, isa-isang ipinakilala nito ang mga artista ng Amaya. At nang tawagin niya si Marian, walang ka-buckle-buckle na sinabi nitong, “At ang PRINSESA ng Primetime, si Ms. Marian Rivera!”

Sa one-on-one interview kay Marian ng Cabinet Files, sinabi niya na bale-wala sa kanya ang mga title na Reyna. Pero kini-claim ng Amaya star na siya ang reyna sa puso ni Dingdong Dantes.

*******

Kinikilala si Susan Roces bilang reyna ng pelikulang Pilipino noong dekada’60 at hanggang ngayon, taglay pa rin niya ang qualities ng isang tunay na reyna.

Helena See ang pangalan ni Susan sa Babaeng Hampaslupa, ang top-rating program ng TV5. Matapang at palaban ang karakter ni Helena.

Sweet ang image ni Susan sa showbiz pero ayon sa kanya, Helena See ang ugali niya sa tunay na buhay.

Six years ago, bago pa man nagkaroon ng karakter na Helena See sa TV, naipakita ni Susan ang kanyang pagiging Helena See sa isang presscon na ginanap sa Club Filipino noong June 30, 2005.

Isang matapang at palaban na Susan Roces ang napanood ng bayan nang hindi niya tanggapin ang apology ni former President Gloria Macapagal-Arroyo. Sino ang makakalimot sa classic lines ng dating movie queen para kay Mrs. Arroyo?

“Arogante siya.. arogante. Hindi niya isinaalang-alang ang damdamin ng nakararami. Manhid.!

“Mrs. Arroyo, habang pinagmamasdan kita sa ‘yong paghingi ng paumanhin sa amin, sa taumbayan, kitang-kita ko sa ‘yong mga mata, hindi nanggaggaling sa ‘yong puso ang iyong paghingi ng sorry.

“Hindi ko matatanggap ang iyong sorry. The greatest thing that you have done is you have stolen the presidency not once, but twice!”

Para sa fans ni Susan, ang pagkondena niya noon kay Mrs. Arroyo ang greatest performance ng iginagalang na aktres.

Nagkaroon kami ng pagkakataon na makausap si Susan noong Martes at isang tanong ang ipinasagot namin.

Papayag ba siya na gampanan ang papel ng isang corrupt president ng isang bansa. “Hindi” ang kanyang sagot.

*******

Is he or isn’t he?

Ito ang tanong ng mga supporter ni former President Joseph Estrada na umaasa na may katotohanan ang balita na may balak siya na kumandidato bilang mayor ng Maynila sa 2013.

Tanging si Erap ang makasasagot tungkol sa kanyang mga future political plan pero may unconfirmed report na desidido ang dating action star at Philippine President na tumakbo bilang Manila City Mayor sa local elections na idaraos sa May 13, 2013.

Diumano, may bahay na si Erap sa Manila City area bilang pagsunod sa required one-year residency ng Philippine Constitution  para sa mga nagbabalak na kumandidato sa lugar na kanilang napili na paglingkuran.

Kung sakaling totoo ang balita na kakandidato si Erap sa Maynila, paano na ang pangarap ng kapwa aktor na si Isko Moreno na maging mayor ng nabanggit na city?

Just like Erap, malapit sa masa si Isko.

Pero malakas pa rin ang hatak ni Erap sa masa dahil kung hindi kumandidatong pangulo ng Pilipinas si President Noynoy Aquino noong nakaraang taon, malaki ang posibilidad na siya pa rin ang nahalal na lider ng ating bansa.

Bad Times in showbiz

Filed under: Uncategorized — CabsM0d at 8:00 pm on Friday, May 6, 2011

“Kidnap” ang isa sa mga anggulo na pinag-aaralan ng mga pulis sa kaso ng tangka na pagpatay kay Pilar Pilapil noong April 14, 2011.

At press time, pinaghahanap pa rin ng mga pulis si Rosel Jacosalem Penas, ang kasama ni Pilar nang maganap ang insidente.

Itinuturing na suspect si Penas dahil sa mga ebidensya na nakalap ng mga imbestigador na magdidiin sa kanya sa kaso.

Ayon sa isang source na malapit kay Pilar, may report na ang original plan ay kikidnapin ang aktres at ipatutubos ito ni Penas sa halagang sampung milyong piso, pero iba ang nangyari.

*******

Natabunan ng untimely demise ng young actor na si AJ Perez ang balita tungkol sa near-death experience ni Pilar Pilapil. Matagal na pinaglamayan ang labi ni AJ dahil nataon sa Holy Week ang pagpanaw niya noong April 17, 2011.

Naging matatag ang naulilang pamilya sa pagtanggap sa malungkot na katotohanan.

As a matter of fact, mas matindi ang reaksyon ng isang fan ni AJ na ayaw maniwala na namatay ang kanyang idolo hangga’t hindi raw niya nakikita na nakahimlay sa loob ng ataul ang batang aktor.

Nakangiti ang fan habang nagsasalita ito sa harap ng TV camera kaya madaling unawain na marahil, isa lamang siya sa maraming tao na nakikiusyoso.

*******

May mga nadurog ang puso nang sabihin ng tatay ni AJ ang mga salitang, “I will see you soon.”

Naka-relate sila sa sinabi ni Gerry Perez, ang ama ni AJ, dahil mahal na mahal niya ang panganay na anak at kasama siya nang maganap ang tragic accident.

Pero kung si Gabriel Valenciano ang magsasabi ng “I will see you soon,” iba ang interpretation ng mga tao. Instead of “Till we meet again,” ” I will see you soon” ang naging pahayag ng anak ni Gary Valenciano sa interview sa kanya tungkol sa pagkamatay ni AJ.

Hindi natapos kay Gabriel ang mga boo-boo dahil sa radio program nila ni Ambet Nabus sa dzMM noong April 24, walang kakurap-kurap ang mga mata ni Gretchen Fullido nang ibalita nito na, “Sa Martes po ang INTERMENT at LIBING ni AJ…”

Sa episode naman ng The Buzz noong May 1, AJ Perez 1993-2001 ang malinaw na malinaw na nakalagay sa huling report nila tungkol kay AJ. Year 2011 nang pumanaw si AJ, hindi 2001.

*******

Ang pagdedemanda ng libel ni Bulacan Mayor Patrick Meneses laban sa kanyang ex-girfriend na si Aiko Melendez ang showbiz news na tumabon sa mga balita tungkol sa pagkamatay ni AJ.

Short-lived lamang ang Meneses-Melendez controversy dahil pagkatapos magsalita ni Aiko, natabunan ito ng news tungkol sa mga problema na pinagdaraanan ng relasyon nina DJ Mo Twister at Rhian Ramos.

Hindi na kailangan ng mga reporter na interbyuhin si Mo dahil sa mga rebelasyon nito sa kanyang Twitter account.

Hindi nagsalita sina Mo at Rhian noong maayos pa ang kanilang pagsasama pero ngayong hiwalay na sila, detalyado ang kuwento ni Mo sa good times nila ni Rhian.

At press time, nahinto na ang mga Twitter post ni Rhian, pero hindi si Mo. At ipinag-aalala ito ng mga nagmamalasakit sa aktres dahil baka makaapekto sa kanyang career ang mga susunod na rebelasyon ni Mo sa Twitter.

Kung may good times, tiyak na may bad times sa isang taon na itinagal ng kanilang relasyon.