Jojo Gabinete: Cabinet Files

Uncertainties

Filed under: Features — CabsM0d at 9:37 pm on Monday, October 18, 2010

Umiyak uli si Gerald Anderson sa promo guesting niya kahapon sa The Buzz para sa Till My Heartaches End.

Base sa pag-iyak at mga salita na binitiwan ni Gerald, punumpuno siya ng heartaches dahil sa estado ng relasyon nila ni Kim Chiu.

At 21 years old, bata pa si Gerald kaya emosyonal siya. Madali sa kanya ang magsabi na handa siyang i-give up ang kanyang showbiz career. Ibig sabihin nito, puwede siyang bumalik na lang sa General Santos City o ipagpatuloy ang pag-aaral niya sa Amerika. Sounds familiar?

Hindi si Gerald ang unang artista na nagdeklara sa mga interview na kaya nilang talikuran ang showbiz pero nagsisi sa bandang huli. Moral of the story: Be careful with what you say or wish for.

*******

Bata pa si Gerald kaya may mga nasasabi ito na hindi pinag-iisipan at hindi siya sigurado.

May of last year nang dumalaw sa bansa ang 2007 American Idol runner-up na si David Archuleta para sa concert nila ni David Cook sa Mall of Asia Concert Grounds.

Hit na hit sa mga Pinoy si David Archuleta at may kanya-kanyang kuwento ang mga kababayan natin tungkol sa encounter nila sa young American singer.

Hindi nagpahuli si Gerald. Without batting an eyelash, nagkuwento siya noon sa SNN na schoolmates sila ni David sa Jarred High School sa Missouri, USA.
Siguradong-sigurado si Gerald sa kanyang kuwento dahil madalas daw silang nagkikita sa school cafeteria.

Nakarating kay David ang claim ni Gerald at nilinaw niya agad ang isyu sa kanyang Twitter account: “People wondering if I went to Jarred High in 2007 Missouri with Ge­rald. Never heard of him, the school, or lived there. I went to Murray High!”

Nang i-post ni David ang kanyang tweet, wala nang follow-up interview kay Gerald dahil pinili nito na manahimik.

*******

Ang i-give up ang showbiz at ang kanyang acting career ang hinding-hindi sasabihin ni Mura, ang 35-year old actor na napilay dahil sa tricycle accident na nangyari sa Guinobatan, Albay, noong February 2010.

Nang makausap namin si Mura sa presscon ng My Driver Sweet Lover, ikinuwento niya na wala siyang trabaho sa loob ng pitong buwan dahil sementado ang kanyang kanan na binti.

Palagi raw siyang umiiyak dahil sa kawalan ng hanapbuhay at pagkaubos ng kanyang pera na kinita niya sa Darna.

Para makakain, binubuhat si Mura ng kanyang mga kapatid para makapunta siya sa mesa at makakain. Hindi mapili si Mura sa pagkain dahil sanay raw siya na kumain ng gulay, dala ng kahirapan ng kanilang pamumuhay.

Hirap pa rin si Mura sa paglalakad dahil hindi na pantay ang kanyang mga binti. Nagpapasalamat siya kay Edlyn Tallada-Abuel, ang production manager ng TV5 dahil ito ang nagsali sa kanya sa cast ng My Driver Sweet Lover.

Punumpuno ng pag-asa ang mga mata ni Mura habang nakikipagkuwentuhan siya sa amin. Wala siyang natatanggap na death threats pero mas matindi ang kanyang mga pinagdaraanan.

Kahit papilay-pilay ang paglalakad ni Mura, hindi ito nahihirapan sa taping dahil nakaupo lamang siya sa kanyang mga eksena. Lumpo ang role ni Mura sa My Driver Sweet Lover. Ang kanyang pangalan? Boy Baldado.

*******
Ang pag-asa na makalaya mula sa labinlimang taon na pagkakakulong ang nakita namin sa mukha ni Hubert Webb nang panoorin namin kagabi ang Cheche Lazaro Presents: Dalawang Mukha ng Hustisya.

Muling binalikan ni Cheche ang mga pangyayari at mga pangunahing karakter sa celebrated Vizconde Massacre Case na naganap noong June 30, 1991.

Maganda at balanse ang pagkakalahad ni Cheche sa kaso na nananatiling misteryo sa iba dahil naninindigan si Hubert at ang kanyang pamilya na inosente siya sa krimen na ibinibintang,

Forty-two years old na ngayon si Hubert, nagkaedad na ang kanyang itsura pero wala sa isip niya ang mag-give up dahil sa paniniwala na makakalaya siya.

News abroad

Filed under: Features — CabsM0d at 10:54 pm on Tuesday, October 12, 2010

November 21, 2008 nang magpakasal si Raymond Bagatsing sa US-based entertainment writer na si Cora Pastrana sa Gateway Sheraton Hotel sa Los Angeles, California.

Lumikha ng ingay ang pagpapakasal ni Raymond kay Cora dahil malaki ang agwat ng kanilang mga edad.

Bumalik sa Pilipinas si Raymond at sa kanyang mga TV guesting sa mga showbiz talk show noong nakaraang buwan, ipinagtapat niya na hiwalay na sila ni Cora. Pero tikom ang kanyang bibig sa isyu na nagpakasal lamang siya para magkaroon ng Greencard at matupad ang pangarap na maka-penetrate sa Hollywood scene.

Mula nang ikasal sila ni Raymond, hindi nagpaunlak sa mga interbyu si Cora para kumpirmahin ang sinabi ng aktor na hiwalay na sila. Kaya, sinubukan namin na kunin ang panig ng veteran entertainment columnist sa pamamagitan ng isang US-based friend.

Direct to the point ang sagot na natanggap namin: “Cora said she’s willing to do a phone patch interview for $1,200, and if they can email the questions ahead of time so she can prepare. She needs an advanced payment and I will email info to you where to wire.”

Sa current currency rate, 43.350 pesos ang katumbas ng US$1. Sa Philippine currency, P52, 020 ang US$1,200 na hinihingi ni Cora para pumayag siya na magsalita tungkol sa relasyon nila ni Raymond.

Hindi nag-materialize ang interview dahil walang magbabayad ng ganoong kalaking halaga para sa isang phone patch interview. Lalong lumakas ang hinala na marriage of convenience ang naganap sa pagitan nina Raymond at Cora.

“A marriage of convenience is a marriage between two people for practical or financial reasons and not for love or intimacy” ang definition ng marriage of convenience sa marriage.about.com.

*******

Contrary to earlier reports, naririto pa sa Pilipinas ang “mag-asawang” Robin Padilla at Mariel Rodriguez. Hindi pa sila nakakaalisng bansa dahil na-move sa October 25 ang biyahe nila sa India para sa shooting ng kanilang pelikula.

Ang website din ng about.com ang nakasagot sa mga tanong tungkol sa pagpapakasal ng mga foreigner sa India at makakatulong ito sa mga patuloy na nagdududa tungkol sa validity ng claim nina Robin at Mariel na ikinasal sila sa Taj Mahal noong August 19, 2010.

Getting Married in India:

“Legally getting married in India as a foreigner is a lengthy and time-consuming process. You should be prepared to spend around 60 days in India. Here are the basic legal requirements for getting married in India.

“In India, civil weddings are governed by the provisions of The Special Marriage Act (1954). There’s a 30 day residency requirement, which means that either the bride or the groom has to be living in India for at least 30 days prior to applying to the local registry office to get married. For foreigners, this is evidenced by a certificate from the local police station.

“You’ll need to submit your intention to get married to the registry office, along with the residence certificate, certified copies of passports and birth certificates, and two passport sized photographs each.

“In addition, evidence of eligibility to be married is usually required. Anyone who hasn’t been married should obtain a single status affidavit (in the US), a Certificate of No Impediment (in the UK), or Certificate of No Record (in Australia). If you’re divorced, you’ll need to produce the Decree Absolute, or if you’re widowed, a copy of the death certificate.

“If no objections to the marriage are received within 30 days of the application, a civil ceremony at the registry office can then take place. Three witnesses are required, who have to provide passport sized photographs, as well as identification and proof of address. The marriage certificate is usually issued a couple of weeks.”

*******

Ilang buwan nang nanahimik sa New York si BB Gandanghari pero mahigpit ang bilin nito sa kanyang mga kaibigan na huwag sabihin na naroroon siya.

Malabong mangyari ang kagustuhan ni BB dahil maraming Pilipino sa New York. Kahit pinalitan niya ang kanyang katauhan, marami pa rin ang nakakakilala kina Rustom Padilla at BB Gandanghari.

*******

Mag-uusap ngayon ang direktor na si Rico Gutierrez at ang isang kapatid ni Ryan Fariñas, ang model-aspiring actor na inaakusahan na nanutok kay Michelle Bea Paloma, ang model-girlfriend ni Rico.

Nasa Bangkok, Thailand, pa rin sina Ryan at Michelle. Sa kuwento ni Rico, gusto na ni Ryan na humingi ng paumanhin kay Michelle.

Anak si Ryan ni Ilocos Norte 1st District House Representative Rodolfo Farinas at ng yumaong aktres na si Ma. Theresa Carlson.

Magkaibigan sina Michelle at Ryan kaya masakit para sa dalaga na siya ang nasaktan nang awatin niya si Ryan sa pakikipag-away nito sa isang male model na kaibigan din nila. Nangyari ang insidente noong madaling-araw ng Sabado, October 9, sa Bangkok, Thailand sa “girls night-out” ng grupo ni Michelle.