| Register
Jojo Gabinete: Cabinet Files

Inconsistencies

Filed under: Opinion — CabsM0d at 2:34 pm on Tuesday, September 28, 2010

Parang nadaya ang aming pakiramdam dahil naniwala kami sa mga press release na makikita sa bagong issue ng StarStudio magazine ang wedding photos sa India nina Mariel Rodriguez at Robin Padilla.

Pero ang inilabas ay mga travel photos lamang at wala itong kuwento tungkol sa claim nina Robin at Mariel na nagpakasal sila noong August 19 sa Taj Mahal, Agra, India.

Nagmistulang nagpakasal ang dalawa nang pumasok sila sa loob ng Taj Mahal dahil sa yellow sari outfit (ang traditional dress ng mga babae sa India ) ni Mariel.

Nang aminin ni Robin sa The World Tonight na ikinasal sila ni Mariel sa Taj Mahal, sinabi niya na ipapadala sa Pilipinas ng Imam ang kasulatan ng kanilang Muslim wedding. Ang Imam ang lawful temporal leader ng Islamic community.

Sa litrato na inilabas ng StarStudio, si Sareem Raza at hindi ang Imam ang kasama nina Robin at Mariel. Si Sareem ang spiritual adviser ni Robin.
Para masagot ang aming mga katanungan, tumawag kami ngayon (September 27, 3:20 p.m.) sa Embassy of India (Telephone number: 843-01-01).

Isang male Indian national ang sumagot sa aming tawag pero tumanggi siya na ipabanggit ang kanyang pangalan.

Malinaw ang sagot ng aming kausap. Hindi pinapayagan ang mga foreigner, lalo na ang mga turista na magpakasal sa Taj Mahal. Wala raw wedding ceremony, Catholic man o Muslim na idinaros sa loob ng Taj Mahal.

Nang sabihin namin ang claim ni Robin na ikinasal sila ni Mariel sa Taj Mahal, diretso ang pahayag ng aming kausap: “Anybody can claim that they own the Malacañang Palace. Are weddings permitted in Rizal Park? Tell me…”

Sapat na ang sinabi ng nasa kabilang linya para pasalamatan namin siya at tapusin ang aming pag-uusap.

*******

Introducing si Jillian Ward sa Agimat ni Enteng, ang 2010 Metro Manila Film Festival entry nina Vic Sotto at Senator Bong Revilla.

Nag-celebrate si Bong ng kanyang 44th birthday sa Grand Ballroom ng Manila Diamond Hotel noong Sabado ng gabi at kabilang si Jillian sa kanyang mga invited guest.

Sa interview kay Bong, tinanong siya tungkol sa participation ni Jillian sa pelikula nila ni Vic. “Hinarness si Jillian…Kaya niya…kaya niya..Magugulat kayo, kakaiba ang pelikula,” ang sagot ni Bong.

Dahil sa mga papuri ni Bong sa child star na gumaganap bilang Trudis Liit, ito naman ang tinanong namin tungkol sa kanyang harness experience.
Jillian, totoo ba na ibinitin ka sa harness?

” Opo…” ang tila nahihiya na sagot ni Jillian.

Sabi ni Senator Bong, nakaya mo raw na i-harness ka?

“Natakot po ako..Umiyak ako kaya ginamitan na lang ako ng double.”

*******

Natuwa kami nang malaman namin na residente ng Laguna si Barbie Forteza.

Ibig sabihin nito, magkababayan kami.

Kulang sa tulog si Barbie nang dumating ito noon sa presscon ng GMA Artist Center para sa kanila ni Joshua Dionisio, dahil late na nang natapos ang taping ng kanilang primetime show.

Nakatira pa noon si Barbie sa Biñan, Laguna, kaya kami ang nag-alala sa layo ng biyahe niya. Kung umaga na nung na-pack up ang taping niya at maaga siyang dumating sa presscon, nangangahulugang wala pa siyang tulog.

May sagot si Barbie sa aming concern: “Sa hotel po kami natutulog. Hindi na po kami umuuwi sa Laguna.”

Saang hotel kayo natutulog?

Nag-isip si Barbie nang malalim bago ito sumagot ng, “Hindi ko po alam kasi tulog na ako…”

A week later, nakausap namin ang production staff member ng show ni Barbie at siya ang sumagot sa aming tanong na hindi sinagot ng batang aktres.

“Ay, madalas silang matulog ng kanyang mga magulang sa Sogo Hotel. Lahat yata ng branch ng Sogo, natulugan na nila…Kami rin ang bumibili ng mga damit niya sa Baclaran para makatipid siya sa kanyang mga ginagamit sa taping.”

To Robin and Mariel: Look before you leap…

Filed under: Opinion — CabsM0d at 1:31 am on Thursday, September 23, 2010

Inamin kagabi ni Robin Padilla sa live interview sa kanya ni Tina Monzon-Palma sa The World Tonight na nagpakasal sila ni Mariel Rodriguez sa India noong August 19, 2010.

Ikinuwento ni Robin na ikinasal sila sa isang Muslim rites at ipapadala ng Imam ( lawful temporal leader of the Islamic community ) ang papel na magpapatunay sa kanilang pagpapakasal.

Ang pag-amin nina Mariel at Robin sa kanilang August 19 wedding sa India ang malinaw na attempt para matuldukan na ang mga batikos tungkol sa pagpapakasal nila sa Baguio City sa pamamagitan ng traditional Ibaloi wedding ceremony at para mabawasan ang pagtatampo ng mga miyembro ng Islam.

Pero sa kabila ng pag-amin nina Mariel at Robin, lalong nadagdagan ang mga isyu na dapat sagutin.

*******

Nagpahayag ng pagkadismaya si Jimmy Ong sa mga statement ni Robin tungkol sa ritwal na idinaos sa Baguio City noong September 13, 2010.

Si Jimmy ang mamburong o Ibaloi priest na umamin na legal ang pagkakasal niya kina Robin at Mariel.

Umani ng batikos si Robin mula sa mga Muslim dahil Islam ang kanyang relihiyon at ipinagbabawal dito ang pagpapahid ng dugo ng baboy sa kanilang mukha.

Ipinagtanggol ng aktor ang sarili.Wala raw siyang nilabag sa Islam dahil hindi nakasulat sa Qur’an na bawal na magpahid ng dugo ng baboy sa mukha.

Dismayado si Jimmy dahil sa kuwento nito, tinanong niya si Robin kung tunay na kasal o shooting para sa isang pelikula ang seremonya na kanyang gagawin. “Kasal,” ang sagot ni Robin.

******

To the rescue ang mga kamag-anak ni Robin noong lumaki ang isyu. Sinabi nila na isa lamang engagement ceremony ang naganap sa Baguio City noong September 13.

May conflict sa pagtatanggol kay Robin ng kanyang mga kamag-anak dahil kung talagang ikinasal na sila ni Mariel sa India noong nakaraang buwan, hindi na kailangan ng engagement ceremony?

Iba rin ang pahayag ni Mariel sa The World Tonight kagabi. Ayon kay Mariel, ipinakilala lamang sa kanya ni Robin ang mga kamag-anak nito sa Baguio City at ang kultura ng Ibaloi.

“To begin with, we did not come out with the information…with those photos so we never lied. We never denied…ahhh…walang paikot-ikot. Hindi sa amin galing yung…What happened in Baguio was actually…Robin just wanted to introduce me to his relatives, the Cariño side.

“They want to show me a little of their culture. Yung talaga ‘yon. May war dance na naganap…Meron po bang kasal na may war dance? May nag-iitakan? Hindi naman po siguro…”

Ang pagsayaw nila ni Robin ng Tayaw ang war dance na tinutukoy ni Mariel.

But for her information, isang courtship dance at hindi war dance ang Tayaw.

Very transparent ang karakter ni Mariel. Mababaw ang kanyang luha at hindi niya naitatago sa harap ng mga TV camera ang tunay na nararamdaman.

Kung matalas ang paningin at pakiramdam ng mga nakapanood sa live interview kay Mariel, mapapansin na hindi siya kumportable habang ipinapaliwanag niya ang posisyon tungkol sa kontrobersiya ng pagpapakasal nila ni Robin.

*******

Naiipit ngayon sina Mariel at Robin sa pagitan ng mga Muslim at ng tribu ng Ibaloi. Nagtatampo ang mga kapatid na Muslim kay Robin dahil sa balita na nagpakasal sila ni Mariel sa pamamagitan ng traditional wedding ceremony ng Ibaloi.

Masama ang loob ng Ibaloi tribe dahil legal ang pagkakasal ni Jimmy kina Mariel at Robin pero hindi ito maamin ng dalawa.

Ang paraan ng pagpapakasal nina Robin at Mariel sa Ibaloi at hindi ang pagpapakasal nila ang nagpalaki sa kontrobersiya.

Para makumbinsi ang mga Muslim na nagpakasal sina Robin at Mariel sa India at para mawala ang sama ng kanilang loob, kailangang maglabas ng mga litrato ang dalawa bilang patunay na nananatiling tapat si Robin sa Islam.

*******

Nagsimula ang Ramadan, ang greatest religious observance sa Islam, noong August 11, at natapos noong September 10, 2010.

Sakop at panahon ng Ramadan ang petsa ng pagpapakasal (August 19) nina Robin at Mariel.

Kaya, may mga nagtatanong kung pinapayagan ba ang mga Muslim na magpakasal sa panahon ng Ramadan?

Ayon sa Islamonline.net, wala namang nakasaad sa Islam na hindi puwedeng magpakasal sa panahon ng Ramadan pero pinapayuhan ang mga miyembro na ipagpaliban ang kanilang plano hanggang hindi natatapos ang isang buwan na religious observance ng mga Muslim:

“There is nothing in Islam to suggest that it is not allowed to get married during the month of Ramadan because it is Ramadan, or in any other month.Rather marriage is permitted on any day of the year.

“However, the one who is fasting in Ramadan must refrain from eating, drinking, and having intercourse from dawn until sunset. So if he can control himself and there is no fear of him doing something that will break his fast, there is nothing wrong with him getting married in Ramadan.

“It seems that those who want to start their married lives in Ramadan usually can’t be patient and keep away from their new wives or husbands during the days, and there is the fear that they may do something that is forbidden by breaking their fast and violating the sanctity of the blessed month.

“It is for this that we say that it is advisable that if there is the fear that someone may not be able to control himself during the daytime of Ramadan, he should delay his marriage until just after Ramadan, and he should keep himself busy during Ramadan with worship: reciting the Qur’an, observing the night vigil, and performing other acts of worship.”

*******
Marami ang mga naniniwala na totoo ang pagpapakasal nina Robin at Mariel sa Ibaloi traditional wedding ceremony dahil sa kagustuhan ng sikat na aktor na mapatunayan ang pagmamahal niya sa kanyang girlfriend.

At dahil sa sobrang pagmamahal sa isa’t-isa, nalimutan nila na hindi simpleng seremonyas ang naganap dahil may mga obligasyon sila sa kanilang mga relihiyon.

One wise advise for Mariel and Robin: Look before you leap.

Ang siste…

Filed under: Features — CabsM0d at 6:59 pm on Wednesday, September 8, 2010

“Wala akong alam,” ang sagot ni BIR Commissioner Kim Henares nang itanong sa kanya ni Anthony Taberna ng Umagang Kay Ganda ang isyu ng pagdedemanda sa isang aktor ng government agency na pinamumunuan niya.

Nang sabihin ni Anthony ang pangalan ni Mark Herras, “hindi ko alam” ang pangalawang sagot ni Commissioner pero sinundan niya ng salita na talagang sinusulatan ng BIR ang mga artista na hindi nakakabayad ng buwis.

Sinampahan si Mark ng BIR Legal Division dahil sa paglabag niya sa Section 266 ng Tax Reform Act ng 1997.

Nakasaad sa reklamo na si Mark ang treasurer ng Clubserv Bar (Araneta Coliseum Circle ). Idinemanda si Mark dahil binalewala raw nito ang subpoena na ipinadala ng BIR na humihiling na ipakita niya ang account books ng Clubserv Bar noong 2008 para malaman kung may unpaid taxes ang kanilang negosyo.

Matagal nang sarado ang Clubserv Bar, at kasosyo ni Mark sa nabanggit na business sina Cristine Reyes, Joshua Zamora at Jopay Paguia.

*******

Sumuko na si Amy Perez sa paghahanap sa kanyang estranged husband na si Brix Ferraris. Estranged husband at hindi ex-husband ang aming ginamit na salita dahil hindi inaprubahan ng korte ang annulment nina Amy at Brix. Ang huling balita ni Amy, nasa Las Vegas si Brix.

“Parang I’m trying to be nice and civil with him, ayaw pa rin niya.”

May galit ba si Brix sa kanya?

“Hindi naman ganoon si Brix. He’s a typical Scorpio. Kapag ayaw, ayaw niya. Ako, ang feeling ko lang, ina-analyze ko, baka kasi na-hurt siya na hindi natuloy yung career niya dito. Baka ganoon…Baka sinisisi niya ako na hindi nag-move ang kanyang career because of me.

“E, choice niya ‘yon. Actually, noong time na ‘yon, natatawa nga ako. They we’re saying na, ‘O, si Brix ang next Gary Valenciano.’”

“Ha? Teka muna, let us put our feet on the ground. Actually, sinasabi ng mga kapatid (ni Brix) na i-manage ko. E, kung yung pagsasama namin, hindi ko ma-manage?”

Nagsalita si Amy na may dapat ipagpasalamat si Brix dahil hindi niya inire-report sa authorities na TNT o tago nang tago sa Amerika ang kanyang dating asawa.

Walang halong malisya ang salitang binitiwan ni Amy pero dahil sa kanyang sinabi, alam na ng mga Pilipino na nakatira sa iba’t-ibang panig ng mundo at nagbabasa ng PEP na over-staying na si Brix sa US.

*******

Introducing sa Grazilda si Gwen Zamora, ang newcomer na contract star ng GMA Artist Center.

Ginagampanan ni Gwen sa Gracilda ang role ni Cinderella. Natutuwa si Gwen dahil nabigyan agad siya ng regular TV show ng Kapuso network. Maagap ang sagot ni Gwen nang itanong namin ang kanyang mga bibilhin sa unang suweldo niya mula sa Grazilda. Half-Australian si Gwen at hindi pa siya sanay sa pagsasalita ng wikang Tagalog kaya posibleng hindi niya naintindihan ang aming tanong.

“Bibili po ako ng kotse dahil minsan, ang service car ng GMA ang ginagamit ko at minsan nagko-commute ako. Ibibili ko rin ng house and lot ang mga magulang ko…”

*******

Galing sa shower si Kim Atienza nang magkaroon ito ng mild stroke sa kanyang bahay sa Malate, Manila.

Pumasok na sa opisina ang asawa ni Kim at nasa school na ang kanilang mga anak nang mangyari ang insidente.

Hindi maigalaw ni Kim ang kaliwang kamay at parang nablangko ang  isip niya, pero nagkaroon siya ng presence of mind na lumabas ng kuwarto at sabihin sa kanyang kasambahay ang salitang “ospital.”

“Senorito!” ang  tanging nasabi ng maid nang makita nito na totally-naked na lumabas ng kuwarto si Kim.

Kahit na-stroke na siya, nagawa ni Kim na bumalik ng kuwarto at magsuot ng short pants. Nang dalhin si Kim ng kanyang driver sa Philippine General Hospital, wala siyang pang-itaas at suot na sapatos. Matapos mabigyan ng first aid, inilipat si Kim sa Makati Medical Center.

Ang kanyang tatay na si former Manila City Mayor Lito Atienza ang nagkuwento sa amin ng nangyari kay Kim. Fully-recovered na si Kim at inaasahan na babalik na siya sa kanyang mga TV show sa loob ng sampung araw.

Isang bagay lang ang itinanong namin kay Mayor Atienza nang makausap namin siya kanina. May trabaho pa ba ang maid ni Kim? “Oo…hehehehe,” ang natatawang sagot ni Mayor Atienza.