| Register
Jojo Gabinete: Cabinet Files

Grave mistakes

Filed under: Features — CabsM0d at 1:43 pm on Thursday, August 26, 2010

Hindi pa makakabalik ng bansa si Representative Ronald Singson dahil hindi pa tapos ang hearing ng kanyang drug trafficking case sa Hong Kong.

May kinikimkim na galit ang mga Hong Kong national laban sa mga Pilipino dahil walo sa kanilang mga kababayan ang namatay noong Lunes, August 23, sa hostage-taking incident sa Quirino Grandstand.

Literal na “nag-grandstand” sa harap ng Quirino Grandstand si Captain Rolando Mendoza dahil nakuha nito ang atensiyon ng buong mundo nang i-hostage niya ang mga Chinese tourist sa loob ng Hong Thai bus.

Sa presscon ng Lovebug Presents: Say I Do, tinanong namin si Lovi Poe tungkol sa insidente na nagpapangit sa imahe ng Pilipinas sa buong mundo. Galit ang mga residente ng Hong Kong, paano pa siya pupunta doon para dalawin si Ronald?

“Sasabihin ko na Mexicana ako…..joke lang! ” ang natatawa at mabilis na sagot ng girlfriend ni Congressman Singson.

Si Jimena Navarette ng Mexico ang nagwagi ng Miss Universe crown. Apparently, may hang-over pa si Lovi sa panonood ng Miss Universe beauty pageant kaya ang magpanggap na Mexicana ang naisip niya na sagot sa aming tanong.

*******

“Grave mistake” ang ginawa ni Winnie Cordero sa Umagang Kay Ganda noong Miyerkoles dahil sa kanyang binitiwang salita nang ipasa sa kanya nina Donita Rose at Ginger Conejero ang pagsasalita matapos ang interview ng dalawa kay 2009 Bb. Pilipinas-Universe Bianca Manalo.

Nagpasalamat si Winnie sa kanilang guest pero ito ang kanyang sinabi: Miss Melody ba ‘yon? Thank you sa ating guest…”

Grave mistake ang sinabi ni Winnie dahil si Bianca nga ang bisita, hindi ang namayapang beauty queen, ang 2009 Bb. Pilipinas-International na si Melody Gersbach na ihahatid bukas sa kanyang “grave” sa Angeles City, Pampanga.

*******

Ang kapalaran ni Maria Venus Raj sa 2010 Miss Universe Contest at ang malagim na hostage incident sa Maynila ang dalawa sa mga paboritong topic sa entertainment circuit.

Nakakapangilabot ang kuwento ni Paolo Bediones tungkol sa mga turista at mga Pilipino na nagpapakuha ng litrato sa harap ng Hong Thai Bus.

Nakita sa buong mundo ang mga litrato kaya lalong naging insensitive ang ating lahi sa paningin ng mga foreigner.

Mas nakakapangilabot ang additional story ni Paolo. Nakakalat sa lupa sa harap ng Quirino Grandstand ang bahagi ng utak ng hostage-taker pero tinatapak-tapakan lamang ito ng mga nag-uusyoso at ng souvenir photo hunters.

*******

Iniimbestigahan ng mga pulis ang tao na kausap ni Captain Mendoza bago ito nagwala at namaril ng mga hostage.

Kung nakikinig noon sa radyo ang mga pulis, malalaman nila na ang anchor ng dzXL radio ang kausap ng hostage-taker. Nakikinig kami sa radyo ng oras na ‘yon kaya alam namin na nanonood si Mendoza ng 24 Oras sa loob ng bus kaya alam niya ang mga nagaganap sa paligid.

Ang dzXL ang nakakuha ng exclusive interview kay Mendoza sa mga huling sandali ng buhay nito.

*******

Updated kami sa mga balita sa Hong Kong dahil malaking tulong ang pagiging subscriber namin sa online edition ng South China Morning Post.

Ang SCMP ang leading broadsheet sa Hong Kong at tungkol pa rin sa tragic incident ang kanilang headline ngayon: Poignant homecoming for Manila victims.

Malaking bagay para sa mga OFW ang pahayag ni HK Chief Secretary Henry Tang Ying-yen na walang racial backlash na dapat ikatakot ang mga Pilipino sa Hong Kong dahil bahagi sila ng malaking pamilya ng bansa:

“People should care about each other and stay together in harmony.”

Pero nakakabahala ang sinabi ni Li Yick-biu, ang 72-year old Chinese hostage na pinakawalan ni Mendoza: “He was a kind man, but the police never gave him a single ray of hope.”

Send-off note for Venus Raj

Filed under: Opinion — CabsM0d at 9:15 pm on Wednesday, August 4, 2010

Ngayong gabi ang lipad ni Venus Raj sa Las Vegas para sa Miss Universe Contest. Si Venus ang representative ng Pilipinas sa prestigious beauty pageant na gaganapin sa August 23 sa Mandalay Bay Events Center, Las Vegas, Nevada.

Pamilyar na pamilyar kami sa malawak na lugar ng Mandalay Bay Events Center dahil dito madalas idaos ang mga after-fight concert at party ni Manny Pacquiao.

Sa huling bisita namin kanina sa Miss Universe website, nangunguna pa rin si Venus sa online poll para sa mga kandidata na pinapaboran na manalo.
Pinakinabangan ni Venus ang pagiging photogenic dahil magandang-maganda siya sa litrato niya na naka-post sa website ng Miss Universe.

*******

Sumilip kami sa send-off party para kay Venus sa Sapphire Room ng Mandarin Suites sa Gateway Mall noong Lunes.

Malaki na ang improvement ni Venus mula nang ibalik ng Bb. Pilipinas Charities Inc. ang kanyang Bb. Pilipinas-Universe title. Malayong-malayo na ang itsura niya sa Venus na nakita namin noong kandidata pa lamang siya sa Bb. Pilipinas contest.

Malaki ang tsansa ni Venus na mapansin sa Miss Universe pageant dahil sa kanyang kulay, confidence at controversy na kinasangkutan.

Sa tuwing tinatanong si Gloria Diaz sa payo nito sa mga delegate ng Pilipinas sa Miss Universe, ” Enjoy it at be yourself ” ang madalas na isagot ng kauna-unahang Pilipina na nag-uwi ng Miss Universe crown at title noong 1969.

Ang pagiging natural ang dapat isaisip ni Venus dahil sa send-off presscon para sa kanya, marami ang nakapansin na hindi siya komportable. “Parang put-on ” ang observation ng isang respected TV host at columnist sa mga kilos at pananalita ni Venus.

Uncomfortable din kami sa paulit-ulit na “blowing of kisses” ni Venus sa harap ng mga tao at TV camera.

Dapat turuan ng leksiyon kung sinuman ang nag-advise kay Venus ng madalas na “blowing of kisses” dahil nakakairita na tingnan ang paulit-uli na paglalagay niya ng palad sa tapat ng kanyang bibig sabay ihip ng hangin. It was so trying hard!

Dumaan si Venus sa public speaking training pero hindi yata ipinaalaala ng kanyang tutor na hindi maganda sa pandinig ang paulit-ulit na pagsasabi niya ng “actually.”

Redundant at paligoy-ligoy din ang mga sagot ni Venus sa mga tanong sa kanya, isang bagay na ikinatalo ni Miriam Quiambao sa 1999 Miss Universe pageant

Sagana sa “country ” ang sagot ni Venus nang tanungin ito kung paano niya ipo-promote ang Pilipinas sa contest na kanyang sasalihan.

Ito ang sample: “I think it’s the beauty of the Philippines, not only the beauty of the country but the beauty of the people. Parang the country is hindi siya unfair, the country gave me the opportunity to represent our country, our people…”

Hindi dapat makalimutan ni Venus na abot-kamay na ni Miriam ang Miss Universe crown noong 1999 pero dahil sa kanyang circuitous answer sa question and answer portion, naging first runner-up lamang siya ni Mpule Kwelagobe ng Botswana.

*******

Isa pang Pilipino ang inimbitahan sa show ni Ellen de Generes. Siya ay ang Fil-Am singer na si Joseph Vincent Encarnacion, na naging Youtube sensation dahil sa kanyang mga uploaded video.

Nakatira si Joseph Vincent sa San Fernando Valley, California, at siya ang featured Youtube sensation sa “Wonderful Web of Wonderment” segment ng popular show ni Ellen noong April 2010.

Hindi namin napanood ang guesting ni Joseph Vincent sa Ellen pero nalaman namin ang kanyang existence dahil sa Twitter account ni Ricky Martin.

Naka-post sa Twitter account ng Latin pop superstar ang video ni Joseph Vincent bilang “Young Talent of the Week.”

Mapapanood sa Youtube at sa MySpace account ( http://www.myspace.com/josephvincentmusic ) ni Joseph Vincent ang kanyang mga music video.