| Register
Jojo Gabinete: Cabinet Files

Statements, ad-libs, and tweets

Filed under: Features — CabsM0d at 11:33 pm on Monday, July 26, 2010

Ang pagdakip at pagkakakulong sa Hong Kong ni House Representative Ronald Singson ang masasabing biggest news sa showbiz sa linggong ito dahil sa involvement niya kay Lovi Poe.

Huli naming nakita na magkasama sina Lovi at Ronald sa presscon para kay Usher sa isang function room ng Edsa Shangri-La Hotel noong July 8, 2010. Sweet na sweet ang dalawa at walang-wala sa kanilang mga itsura na magkakahiwalay sila.

Kung hindi pa nagpa-interbyu si Ilocos Sur Governor Luis “Chavit” Singson, hindi natin malalaman na hiwalay na sina Lovi at Ronald.

Tumatanggi si Lovi na magsalita tungkol sa drug-trafficking case ng kanyang “ex-boyfriend.”

Bago inamin ni Gov. Singson na totoo ang mga balita na nakakulong sa Hong Kong ang kanyang anak, nagpadala si Lovi ng statement sa Philippine Daily Inquirer noong Biyernes tungkol kay Ronald at ito ang pahayag niya: “The Ronald Singson issue is not true. I am surprised. He is on his way home to Manila. Please wait for his statement.”

Pero makahulugan ang Twitter post ni Lovi noong July 15. Hindi man siya nagbanggit ng pangalan, pinagdududahan na para kay Ronald ang tweet ni Lovi: “I am me. And you are you. The worst thing you’ve ever done, the darkest thought you’ve ever had, I will stand by you through anything. because i love you.”

Nadamay ang pangalan ni Lovi sa malaking problema ni Ronald dahil sa ipinagtapat ni Governor Singson na hiniwalayan ni Lovi ang kanyang anak kaya broken-hearted ito nang magpunta sa Hong Kong at mahulihan ng 26.1 grams ng cocaine sa Chek Lap Kok International Airport.

*******

Hindi lamang ang State of the Nation Address ni President Noynoy Aquino ang aming aabangan at panonoorin.

Babantayan din namin ang report ng mga news anchor tungkol sa hinihintay na SONA ni P-Noy. More often than not, nakakaaliw na panoorin ang mga ad-lib ng mga news anchor sa kanilang mga coverage.

Unforgettable ang “ad-lib ” ni Henry Omaga-Diaz ng ABS-CBN nang iproklama si P-Noy bilang 15th President ng Republika ng Pilipinas noong June 9, 2010.
Walang kakurap-kurap si Henry nang sabihin nito sa national TV na si

Vice-President elect Jojo Binay ang unang dumamay kay Kris Aquino nang ireklamo nito noon ng pananakit ang kanyang “dating asawang ” si Joey Marquez.

Walang nagpaalaala kay Henry na hindi naging asawa ni Kris si Joey. Boyfriend-girlfriend lamang ang relasyon noon nina Kris at Joey.

*******

Nahulaan namin ang mga pangalan ng mga castaway ng Celebrity Edition ng Survivor: Philippines dahil sa mga Twitter account nila.

Mula nang umalis ng Pilipinas ang mga castaway, hindi na rin updated ang mga kanilang mga Twitter account.

Hindi sinasadya na nalaman naminng pinabalik na ng Pilipinas ang isang pasaway na female castaway dahil naman sa kanyang Facebook account.

Hindi nga nagsasalita o umaamin ang pasaway na aktres na kasali ito sa Survivor Philippines, pero nag-post naman siya ng message sa Facebook account ng isang staff member ng reality show ng GMA 7 kaya, nakumpirma na totoo ang hinalang isa siya sa mga castaway.

“Ingat kayo diyan..Miss you all..goodluck” ang message na ipinadala ng pasaway na castaway sa staff member ng Survivor Philippines.

Hindi nag-isip na mabuti ang aktres dahil kung ginamit nito ang kukote, ipapadala niya bilang private at hindi public ang kanyang Facebook message.
Pinakiusapan ang mga editor at entertainment columnist na huwag munang i-publish ang mga celebrity na kasali sa Survivor Philippines para hindi ito ma-pre-empt.

Willing maki-cooperate ang press people pero paano kung mismong ang mga contestant ang naglalantad sa kanilang sarili sa kabila ng confidentiality agreement na pinirmahan nila?

Pinalalawak ang ating mundo ng mga social networking site pero ito rin ang dahilan kaya nawawalan ng privacy ang mga tao.

Dapat idagdag sa confidentiality agreement na pinirmahan ng mga castaway na maging maingat sila sa posting ng thoughts at activities nila sa kanilang mga Facebook at Twitter account para hindi ma-pre-empt ang Celebrity Edition ng Survivor Philippines.

Court Hearing

Filed under: Features — CabsM0d at 12:30 pm on Tuesday, July 6, 2010

Ipinagbabawal ni Presiding Judge Rodolfo Bonifacio ng Pasig City Regional Trial Court ang mga TV crew sa loob ng korte pero bago inumpisahan ang hearing, pumayag siya na makunan ng footage ang mga pangunahing tauhan sa celebrated sex video scandal nina Hayden Kho, Jr. at Katrina Halili.

Present kahapon sa hearing sina Hayden, Mrs. Irene Kho, Dra. Vicki Belo, Katrina at Lolit Solis. First time ni Lolit na dumalo sa hearing ng kaso nina Hayden at Katrina dahil siya ang pinaimbitahan ni Atty. Raymund Palad sa korte. Si Atty. Palad ang legal counsel ni Katrina.

Magkasabay na dumating sa Pasig City RTC sina Hayden at Dra. Belo. Ilang buwan nang dinidinig ang kaso (Republic Act 9262 Violence Against Children and Women) kaya pamilyar na sina Hayden at Katrina sa staff members ni Judge Bonifacio.

Nasanay na sina Hayden, Dra. Belo at Katrina na nagkikita sila sa court room tuwing araw ng Lunes kaya invisible na ang tingin nila sa isa’t-isa. Practice makes perfect 101.

Tagusan ang tingin ni Mrs. Irene Kho kay Lolit. Hindi niya pinansin si Lolit habang nasa loob sila ng isang kuwarto. Kahit nagtatawanan na ang lahat ng mga tao sa loob ng korte sa mga nakakatawang sagot ni Lolit sa direct examination ni Atty. Palad, walang reaksiyon si Mrs. Kho. Practice makes perfect 102.

*******

“I don’t remember” ang mga sagot ni Lolit sa mga tanong sa kanya ni Atty. Palad. Sixty-three years old na siya ang kanyang brilliant excuse kaya hindi na niya matandaan ang mga kumpletong nangyari at pinag-usapan nila nina Hayden, Dra. Belo, Atty. Kapunan at Mrs. Kho nang magkita sila noong May 21, 2009, sa isang bahay sa Makati City.

Sa isang punto ng hearing, hindi napigilan ni Lolit na maibulalas kay Atty. Palad ang kanyang saloobin dahil sa paulit-ulit na tanong ng legal counsel ni Katrina.

Nagsalita si Atty. Palad na puwede niyang kasuhan si Lolit ng false testimony dahil parang may mga ayaw ipagtapat sa korte ang controversial talent manager. Tinawag din niya si Lolit na hostile witness.

Kahit under oath, sumagot si Lolit ng “E, di ba Atty., sinabi ko naman sa ‘yo nang mag-usap tayo na hindi ko na matandaan ang mga nangyari? Kahit siguro ako ang tsinugi ni Hayden, hindi ko na matatandaan…”

Samantala, “no further question” ang sabi ni Atty. Kapunan sa cross-examination niya kay Lolit. Biglang tumigil si Atty. Kapunan dahil sa isinagot ni Lolit sa kanyang tanong na, “Ano ang naalalala niya sa pagkikita nila noong May 21, 2009?”

Ang sagot ni Lolit, “Excited po ako na makita kayo dahil fan na fan ninyo ako!”

*******

Magandang panoorin ang hearing sa kaso nina Hayden at Katrina dahil mahuhusay ang kanilang mga abogado.

Sagana sa mga salitang “Objection Your Honor, the question is leading ” ang hearing dahil maraming tanong para kina Lolit at Katrina ang tinututulan nina Atty. Palad at Atty. Kapunan.

Tatlong taon na ang nakalilipas mula nang nagkarelasyon sina Hayden at Katrina kaya hindi rin nito matandaan ang ilang detalye tungkol sa sex video scandal.

Tulad ni Lolit, “hindi ko na po matandaan” ang sagot ni Katrina sa mga tanong ni Atty. Kapunan pero hindi ito kumbinsido dahil mas bata ang edad ng sexy actress kumpara kay Lolit.

*******

“Takot ako sa’yo” ang narinig namin na sabi ni Hayden kay Lolit. Sumagot si Lolit na nagalit siya kay Hayden dahil sa ginawa nito kay Dra. Belo.

Pero tawa nang tawa si Hayden sa mga sinasabi sa kanya ni Lolit na, “Kung ako siguro ang dyinugdyug mo, hindi ko na matatandaan ang size ng nota mo dahil ang tagal-tagal nang nangyari ‘yon ‘noh!”

Nang mapansin ni Lolit na wala pa si Katrina sa court room, nagtanong siya kay Hayden ng “Kapag nagde-date ba kayo noon ni Katrina, nale-late din siya?” kahit katabi ni Hayden si Dra. Belo.

*******

Kung totoo ang matandang kasabihan na nasasamid o nabibilaukan ang isang tao kapag pinag-uusapan siya, siguradong nabulunan si Maricar Reyes dahil maraming beses na binanggit sa direct at cross examination sa korte ang kanyang pangalan.

Kabilang si Maricar sa mga babae na tampok sa sex video scandal pero pinili niya na manahimik kaya normal na uli ang takbo ng kanyang buhay.