| Register
Jojo Gabinete: Cabinet Files

Dangerous Dolls

Filed under: Features — CabsM0d at 2:31 pm on Sunday, April 11, 2010

Gumastos kami ng US$19.95 sa aming credit card para magkaroon ng access sa website ng The Dangerous Dolls ( www.thedangerousdolls.com ).

Ang makita ang mga sexy at nude photos ni Candy ang aming pakay kaya nag-subscribe kami sa nabanggit na website.

Candy who? Si Candy ang dating aktres na si Raven Villanueva. Candy ang ginamit niyang screen name sa website ng The Dangerous Dolls.

Maliban sa kanyang edad na pinabata, walang ipinagbago ang mukha ni Raven kaya hindi puwedeng i-deny na siya at si Candy ay iisang tao.

October 8, 1989 ang nakalagay na birthday ni Candy sa website ng The Dangerous Dolls.

Obviously, binawasan ni Raven ang edad dahil kung totoo na 1989 ang birth year niya, nine years old lamang siya nang isilang ang anak nila ng kanyang ex-husband na si Diego Castro.

Nakalagay sa profile ni Raven na nakatira siya sa Florida, USA, at sa interbyu ng Showbiz Central sa kanyang ama na si Enzo Villanueva, sinabi nito na nag-migrate ang anak niya sa US noong February 2010. American national ang ina ni Raven.

*******

Hindi namin alam ang tunay na edad ni Raven pero papasa siya na 21 years old dahil batang-bata ang kanyang mukha, base sa nude photos niya na naka-post sa The Dangerous Dolls.

Puno ng tattoo ang katawan ni Raven at isa ito sa mga katangian at requirement sa mga webcam model ng nasabing website.

Nakalagay sa profile ng The Dangerous Dolls na ito ang number one adult alternative community sa web at hindi porn site ng mga daddy.

Ipinagmamalaki ng web administrator na tons  of exclusive photos at videos  ang makikita sa site at maaaring makilala at makausap ng mga member/subscriber ang kanilang mga model.

Kahit sinong babae ay puwede na maging model ng The Dangerous Dolls pero kailangan nila na i-submit ang mga sumusunod na requirement:

* A government-issued photo ID like your driver’s license or passport.
* Your birth certificate
* Your social security card (U.S. citizens only)
* Any other state or government-issued ID.

Naka-post din sa website ang sagot sa mga frequently asked question ng mga babae na nagbabalak na maging dangerous doll:

1. Is Nudity required to be a Dangerous Doll?
YES! The Set can start out with clothes on but must end up nude with full frontal nudity with natural pink showing.

2. How much will I be paid?
We pay you $60 for any “Do it yourself” shoot or any previous shoots you have done that you have the rights to resell. Any proffesional shoots involving a photographer will be negotiated before the shoot.

3. How can I get my IDs to [sic] you?
Take a clear and legible photo of your ID being held up next to your face. Save it as .jpg format and upload it into the applicant area above. If they are not clear enough, we may ask you to send a clearer picture.

4.Is there a contract?
Never! You simply sign a standard model release giving us the right to use your photographs in exchange for payment.

5. When do I become a Dangerous Doll?
As soon as your application is accepted, you are a Dangerous Doll! All Dolls are on a 30-day Trial Basis.

6. How else can I make money as a Dangerous Doll?
We have a video chatroom where you can earn credits by going 1 on 1 with members. You can return in credits for cash! You keep 70% of what you earn. You can also offer services, sell goods in classifieds, or advertise things on your profile (without spamming).

7. I no longer wish to be a Dangerous Doll, can you delete my account and photos?
Once you become a Dangerous Doll your profile and photos cannot be removed. Be sure this is the venue for you before signing up.

*******

Tanging si Raven/Candy ang nakakaalam sa tunay na dahilan ng kanyang desisyon na maging model ng The Dangerous Dolls.

Posibleng proud siya na ipakita sa buong mundo ang  hubad na katawan, ang kanyang well-done tattoo o maaaring kailangan niya ng pagkukunan ng kabuhayan.

May mga comment sa website ni Raven. Mga comment mula sa iba’t-ibang lalake na humahanga sa kanyang katawan.

Tanggap ng ama ni Raven ang bagong propesyon ng kanyang anak dahil pareho raw silang mga artist. Kung natanggap ng kanyang ama ang trabaho ni Raven, walang dahilan ang ibang tao na husgahan siya o magbigay ng bayolenteng reaksiyon.

Isa lamang si Raven sa maraming kababaihan na sangkot sa porn industry. Nagkataon na dati siyang artista kaya malaking isyu sa Pilipinas ang kanyang pagiging dangerous doll.

Were you shocked?

Filed under: Uncategorized — CabsM0d at 3:00 pm on Tuesday, April 6, 2010

Memorable sa amin ang panonood ng concert ni Ricky Martin sa Hong Kong Coliseum noong October 9, 2000, dahil habang nasa Hong Kong kami, ang akusasyon ni Ilocos Sur Governor Chavit Singson na tumatanggap ng jueteng money si President Joseph Estrada ang pinakamaingay at pinakamainit na balita sa Pilipinas.

May Internet na noon kaya tuwing umaga, bumababa kami sa Internet cafe sa hotel na aming tinutuluyan para basahin ang mga latest development sa “falling-out “ nina Erap at Chavit.

Araw ng Lunes ang concert ni Ricky sa huge coliseum ng Hong Kong pero kahit weekday, dumagsa ang manonood para panoorin ang kanyang Livin La Vida Loca tour.

Hindi lamang ang mga Chinese ang nanood ng concert ng dating member ng Menudo. Dumayo rin sa Hong Kong ang mga turista mula sa ibang Asian countries dahil sa kagustuhan nila na makita nang personal ang sikat na sikat noon na Latin pop superstar.

Puno ng tao ang Hong Kong Coliseum. Complimentary ticket ang aming ginamit na bigay ng isang kaibigan. Kami pa ang nagulat nang malaman namin na mismong sa harap ng stage ang aming upuan. Bukod sa kanyang mga kanta, ang magagandang damit na ginamit ni Ricky ang aming napansin. Later on, nalaman namin na ang popular designer na si Giorgio Armani ang designer ng wardrobe ni Ricky.

Magaling si Ricky sa paggiling ng katawan habang sumasayaw. Umalingawngaw sa loob ng Hong Kong Coliseum ang malakas na sigaw at tilian ng mga babae sa tuwing kumekembot si Ricky. Nakaalerto ang mga security guard sa fans na biglang tumatakbo papalapit sa stage para makalapit sa Latin singer na kanilang kinababaliwan.

Last week, inamin ni Ricky sa kanyang Internet website ang tunay na sexual orientation niya.

“I am a fortunate homosexual,” ang statement ni Ricky na parang wala lang dahil hindi nasorpresa ang mga tao sa kanyang rebelasyon.

*******

Clueless si Toffee Calma sa “ho-hum revelation” ni Ricky. Initially, walang reaksiyon ang former model/sexy actor sa pag-amin ni Ricky na gay ito.
Bago pa man umamin si Ricky, nauna nang umamin si Toffee. August 2009 nang aminin ng ex-boyfriend ni Regine Tolentino sa Showbiz Central ang kanyang pagiging bisexual.

Pareho ng kalagayan sina Toffee at Ricky. Hindi big deal sa mga Pilipino ang pag-amin ni Toffee dahil matagal na nilang pinagdudahan ang kasarian ng model/actor.

“Nabigla lang ako,” ang sabi ni Toffee nang tanungin namin ito tungkol sa kanyang pag-amin pero mukhang hindi siya affected. May tono ng pagmamalaki ang text message ni Toffee nang ibalita nito na dumami ang request sa kanyang Facebook at Friendster account para maging kaibigan siya.

“I still live a normal life pero sa Facebook and Friendster, marami akong positive response ng mga tao. Puno na ang inbox ko ng mga message. Ang daming nagpi-flirt sa akin…”

Pero may downside ang ginawang pag-amin ni Toffee.Nawalan daw siya ng mga project dahil sa gender issue, pero nang ipaalaala namin ang sinabi niya noon na dumami ang kanyang admirers, ito ang sagot ni Toffee: “Yeah pero di naman importante sa akin ‘yon.Mapapakain ba ako noon? Mas importante sa akin ang mabuhay…To have a life..I mean…a career.”

On May 9, 2010, lalaban si Toffee sa Mr. Seaworld International Contest sa Peru. Nagpadala raw ang mga agent ng mga litrato ng mga artista at model sa organizer ng contest at siya ang mapalad na napili.

Si Toffee ang representative ng ating bansa sa male pageant na ngayon lang natin narinig. Kabilang siya sa 25 contestants na lalaban para sa title na Mister Seaworld International 2010.

Nakalagay sa profile ni Toffee sa website ng Mister Seaworld (http://www.misterseaworld.blogspot.com/ ) na 26 years old siya.

Naka-post sa kanyang Facebook account na ipinanganak siya noong April 5, 1984. How could this be?

February 1997 nang makasama namin si Toffee sa isang out-of-the country trip. Mahirap paniwalaan na 13 years old lamang si Toffee noong 1997 dahil gumawa na ito ng sexy movies at ex-boyfriend na siya ni Regine.

Kung nagkataon na babae si Toffee, sumali at nanalo siya sa Bb. Pilipinas Contest, siguradong babawiin ang korona at title niya dahil sa false information tungkol sa kanyang year of birth.

*******
Ilalaban ni Maria Venus Raj (pronounced as Rah) ang karapatan niya sa Bb. Pilipinas-Universe crown na binawi sa kanya ng Bb. Pilipinas Charities Inc.

Dadalhin ni Venus sa korte ang problema dahil ‘yon ang proper forum.

Ngayong umaga, lumabas ang balita na tutulungan ni Senator Loren Legarda si Venus dahil lumapit sa kanya si Francis Papica, ang founder ng foundation na nagpaaral sa dethroned beauty queen. Ito ang report ni Ricky Lo sa column niya sa Philippine Star:

“Being a champion of women’s rights (besides the environment), Sen./Vice Presidentiable Loren Legarda deplores the decision of the Binibining Pilipinas Charities, Inc. (BPCI) to dethrone 2010 Bb. Pilipinas-Universe Maria Venus Raj on a mere technicality barely a month after she won.

“’I’m shocked!’ said Loren. ‘Why didn’t (the BPCI) thoroughly check her application form and, for that mattrer, those of the other candidates before they were given the go-signal to compete? It’s unfair to Venus, or any winner, to be exposed to national embarrassment and ridicule after she is declared winner.’

“Funfare learned that the matter was brought to Loren’s attention by Francis Padua Papica, whose foundation sponsored Venus’ scholarship at the Bicol University, where she graduated cum laude with a bachelor’s degree [major in Journalism].”

Asahan natin na magkakaroon o bibigyan ng kulay pulitika ang pagtulong na gagawin ni Senator Legarda kay Venus.

Si Senator Legarda ang mahigpit na kalaban ni Senator Mar Roxas sa vice-presidential race.

Si Stella Marquez de Araneta ang founder ng BPCI at asawa siya ni Jorge Araneta, ang nag-iisa at nakababatang kapatid ni Judy Araneta-Roxas, ang ina ni Mar.

Beauty contest controversy + politics = ENTERTAINMENT! BIG ENTERTAINMENT!