| Register
Jojo Gabinete: Cabinet Files

Mikey says…

Filed under: Features — admin at 2:13 pm on Wednesday, September 16, 2009

Itinanggi ng presidential son at congressman na si Mikey Arroyo ang balita na may relasyon sila ni Rufa Mae Quinto. Amused si Mikey sa Twitter entry ni Mohan Gumatay a.k.a. DJ Mo na naniniwala ito na engaged si Rufa Mae sa kanya. Idinenay rin ni Mikey ang tsismis na siya ang nagbigay kay Rufa Mae ng bahay nito sa San Francisco, California, na nagkakahalaga ng 30 million pesos.

“Sa kuripot kong ito, sa palagay mo, magbibigay ako ng bahay kay Rufa Mae na 30 million pesos ang halaga. Matagal mo na akong kilala. Alam mo kung gaano ako kakuripot. Nagbibigay ako ng mga gift certificate pero galing sa ex-deal.

Hindi ko kilala si DJ Mo. Hindi kami magkakilala. Paano ako magiging engaged kay Rufa Mae? I am married to my wife! Alam ng lahat na I am married!!!

*******

Nagkita kami ni Mikey kahapon at ang pagkikita namin ang nagtuldok sa walong taon na hindi namin pakikipag-usap sa kanya.

Hindi pa rin nagbabago si Mikey. Madali pa rin siyang maapektuhan ng mga intriga at kontrobersiya laban sa kanya.

Mabilis ang sagot ni Mikey nang sabihin namin sa kanya na mali ang ginawa niyang pagpapa-interbyu nang live sa Unang Hirit noong September 1, dahil nagisa siya nang husto ni Winnie Monsod na sunud-sunod ang tanong tungkol sa kanyang pinagdududahan na SAL o Statement of Assets and Liabilities.

Sinabi namin kay MIkey na isinama sana niya ang kanyang lawyer para natulungan siya nito sa pagpapaliwanag.

“In good faith ang pagpunta ko sa Unang Hirit. Ang akala ko, si Igan ( Arnold Clavio ) lang ang mag-iinterbyu sa akin. Wala na akong nagawa nang malaman ko na sila ni Winnie ang mag-iinterbyu sa akin.

“Pumayag ako na mag-guest sa Unang Hirit dahil wala akong itinatago,” ani Mikey. Bilang pruweba, ipinakita ni Mikey sa amin ang mga dokumento ng kanyang SAL na palagi raw niyang dala-dala para sa kapakanan ng mga nagtatanong.

Inamin ni Mikey na naapektuhan siya ng isyu tungkol sa kanyang SAL dahil mga kasinungalingan daw ang sinasabi ng detractors niya.

Natutuwa raw siya dahil kinasuhan na siya sa korte ng isang militant group para lumabas na ang katotohanan. Na totoo ang kanyang mga pahayag tungkol sa kanyang SAL.

*******

“I don’t think so…” ang sagot ni JC nang itanong namin kung magiging witness pa rin siya sa grave slander case na muling isasampa ng kanyang manager na si Annabelle Rama laban kay GMA-7 senior vice president for entertainment TV na si Wilma Galvante.

Nag-ugat ang demandahan nina Annabelle at Ma’am Wilma dahil kay JC. Dismissed ang kaso for lack of probable cause pero tiniyak ni Annabelle na aapela siya sa korte.

Habang iniinterbyu namin si JC, nakita namin ang malaking pagbabago sa ugali niya. Matapang at maaanghang na ang kanyang mga pahayag. Napansin din namin na wala siyang bukambibig kundi ang pagkakaroon ng trabaho at ang pera na kikitain niya.

Nang sabihin ni JC na hindi nito alam kung lilipat siya sa ibang TV network. hindi namin napigilan ang sarili na magsalita. “Lilipat ka? Baka sa TV5 0 NBN 4…”

Ang sagot ni JC? “Okey lang, walang problema sa akin. Basta  may trabaho…”

Napaisip ako sa sinabi ni JC dahil importante para sa ating lahat ang magkaroon ng trabaho at pagkukunan ng kabuhayan. But then, we should never forget that money isn’t everything.

When politics becomes showbiz (and vice versa)…

Filed under: Opinion — admin at 3:08 pm on Sunday, September 6, 2009

Ang pet tiger ni National Security Adviser Luis “Chavit” Singson ang sumalubong sa amin nang pumunta kami sa bahay niya sa Corinthian Gardens para interbyuhin siya tungkol sa controversial case nila ng kanyang common law-wife na si Rachel “Che ” Tiongson.

Nakahiga ang tigre sa harap ng main door entrance ng bahay ni Chavit. Kahit sinabi ng security guard na mabait ang tiger, naging maingat kami sa paglalakad para hindi siya magulat at mangagat.

Nang matapos ang 18-minute interview namin kay Chavit, inihatid niya kami papalabas sa kanyang bahay. Hinimas-himas ni Chavit ang tigre nang madaanan namin ito, sabay sabi na dapat magpasalamat sina Che at Cogie Domingo dahil hindi niya ipinalapa sa kanyang alaga. Nagbibiro lang si Chavit pero napa-ouch pa rin kami sa sinabi niya.

*******

Nang interbyuhin namin si Chavit, tumanggi siya na ipasulat ang pangalan ng boyfriend ni Che. Ipina-off the record niya ang pangalan ng lalake na dating empelyado ng ABS-CBN Foundation.

Kinagabihan, pinangalanan sa Bandila ng ABS-CBN si Richard Catral at ipinakita pa sa TV ang mga litrato niya na kinuha mula sa kanyang Friendster account.

Deleted na ang Friendster account ni Richard mula nang pangalanan siya at ipakita sa Bandila ang kanyang mga litrato.

Bago na-delete ang kanyang account, nakita pa namin ang litrato nila ng kanyang ama. Base sa mga larawan, isang loving father si Richard.

Hinihintay namin ang paglantad at pagsasalita ni Richard dahil nahihirapan kaming paniwalaan ang claim ni Che na hindi nito alam na may asawa at anak ang kanyang boyfriend.

May duda kami na posibleng walang idea si Richard na si Chavit ang karelasyon ni Che dahil kung alam niya, tiyak na matatakot o iiwas siya, dahil powerful ang kanyang babanggain. Ang tanong, magkaroon kaya si Richard ng lakas ng loob na magpakita sa publiko at sabihin ang nangyari sa kanya?

*******

Mabilis ang sagot ni Chavit nang itanong namin sa kanya ang kinaroroonan ni Richard.

“Nagtatago pa. Siguro, nahihiyang lumabas dahil siya ang pinakamaliit na…Malas niya dahil siya ang pinakamaliit na nakita ko. Nahiya siguro dahil nabanggit ko na yata na first time ko na makakita nang ganoon kaliit na pag-aari ng lalake. Eh nung makita ko, natawa kaming lahat.”

Baka po nanliit dahil sa sobrang takot sa inyo?

“Hindi…maliit talaga! Wala pang dalawang inches…parang mas maliit pa sa bagong panganak pero mayabang magsalita.”

Para patunayan na totoo ang kanyang mga sinasabi, kinuha ni Chavit mula sa isang paper bag ang hubo’t-hubad na litrato ni Richard at ipinakita sa amin.

*******

Maaaring mahiya si Richard na lumantad sa publiko, lalo pa’t nasa pag-iingat ni Chavit ang kanyang mga hubo’t-hubad na larawan na nakita ng mga miyembro ng media.

Hindi naman siguro katulad si Richard ni Dr. Hayden Kho, Jr. na kulang sa delikadeza dahil sumipot ito sa press launch ng project ng United Nations Development Fund for Women, ang White Ribbon Campaign—Men Saying No to Violence Against Women.

Hindi namin masikmura ang sinabi ni Hayden na dumalo siya sa press launch dahil sinusuportahan niya ang kampanya laban sa pang-aabuso sa mga kababaihan. The nerveeeee!

Wala pang isang taon ang nakalilipas mula nang ideklara ni Hayden na iiwanan na niya ang showbiz kapalit ang tahimik na pamumuhay, pero may balita na ipinarating niya sa staff ng Celebrity Duets na willing siya na mag-guest sa programa na pinag-umpisahan ng kanyang showbiz career.

*******

Nasaksihan natin sa TV nitong nagdaang linggo ang pagtalikod ni Senator Mar Roxas sa kanyang presidential bid bilang pagbibigay-daan sa balak na pagkandidato ni Senator Noynoy Aquino, ang pagdalaw niya sa puntod ng kanyang lolo, ama at kapatid para magdasal at humingi ng payo.

Pinupuri ang supreme sacrifice ni Mar dahil matagal niyang pinaghandaan ang pagkandidato bilang pangulo ng Pilipinas.

Two years ago, inimbitahan kami ni Mar sa kanyang bahay para tanungin ang aming opinyon tungkol sa kanyang political plans.

Naging honest kami kay Mar nang sabihin nito na gusto niyang kumandidato sa pagkapangulo. Sinabi namin sa kanya na mas makabubuti na tumakbo muna siya na Vice-President. Huwag siyang magmadali.

Na-bother kami nang mapanood namin sa TV ang pagdalaw nina Korina Sanchez at Mar sa puntod ng mga kamag-anak nito. Nakaka-bother dahil may mga TV camera na nakatutok.

Nailang kami  habang pinapanood sina Mar at Korina na magkahawak-kamay na umuusal ng panalangin. Kailangan ba talaga na may mga TV camera na nakatutok? Hindi ba sila na-conscious sa TV camera na nag-record ng kanilang bawat kilos?

Ang eksena na napanood ng milyun-milyong Pilipino ang naging ugat para pagdudahan ang sinseridad ni Mar.

Pagkailang din ang aming naramdaman nang mapanood  namin sa mga news program ang pagpunta ni Noynoy sa isang retreat house sa Zamboanga City para magdasal at makapagdesisyon kung tatanggapin niya ang hamon na kumandidatong pangulo sa 2010 elections.

Nakatutok kay Noynoy ang mga TV camera nang pumunta siya sa domestic airport para sumakay sa eroplano patungo sa Mindanao. Well-documented ng mga TV camera ang pagpasok at paglabas niya sa retreat house na kanyang pinuntahan.

Noong kapanahunan ni former President Cory Aquino, pumupunta rin siya sa mga retreat house para sa spiritual enlightenment pero nalalaman ito ng media kapag tapos na. Walang TV coverage ang pagpunta at paglabas ni Mrs. Aquino sa retreat house.

Ang mga eksena ng mga pulitiko na napapanood natin sa TV ang pagpapatunay na kadalasan, mas showbiz na showbiz ang mundo ng pulitika at ang mga pulitiko.

Pictorial Series (Part 1)

Filed under: Features — admin at 2:49 pm on Tuesday, September 1, 2009

Iniipon ko ang mga litrato na ibinibigay sa mga hindi na mabilang na presscon na aking pinuntahan mula nang mag-umpisa ako bilang entertainment columnist.

Dati-rati, black and white ang mga litrato na ipinamimigay dahil black and white pa noon ang mga diyaryo at magazine, hanggang nauso ang mga colored newspaper and magazines kaya colored na rin ang mga publicity photo ng mga artista para sa kanilang mga pelikula at TV show.

May mga publicity picture na pinag-isipan ang concept, merong maganda, nakakatawa at so-so lamang ang execution.

Isang bagay ang siguradong-sigurado kami. Tulad ng mga showbiz issue na paulit-ulit pero iba’t-ibang artista ang sangkot, pare-pareho rin ang posing ng mga artista sa kanilang mga  publicity photo, noon at ngayon.

Ang “wrap around” ang pinaka-classic na posing ng mga artista sa mga publicity photo. Ito ang klase ng posing na nakasampay ang mga kamay ng artista sa balikat ng kanyang kapareha gaya ng mga sumusunod na litrato:

6.jpg

7.jpg

juday.jpg

missing.jpg

nadine.jpg

 *******

Gumagamit  ng props ang mga artista sa mga pictorial nila. Magkakaibang panahon at pagkakataon ang mga pictorial pero hindi nagkakalayo ang kanilang mga idea at props, gaya ng “sumbrero.”

cap.jpg

madamauring.jpg