| Register
Jojo Gabinete: Cabinet Files

Sari-saring files

Filed under: Features — admin at 4:59 pm on Thursday, July 23, 2009

Early favorite sa 2009 America’s Got Talent ang 14-year old Filipino-American singer na si Thia Megia.

Nakatira si Thia at ang kanyang pamilya sa Tracy, California, at pumunta pa siya sa Chicago para mag-audition sa America’s Got Talent.

Ang “I Am Changing” ni Jennifer Holiday ang kinanta ni Thia sa audition at nakuha niya ang paghanga ng audience at ng tatlong judge ng sikat na talent sa show sa U.S., sina David Hasselhoff, Piers Morgan at Sharon Osbourne.

In fact, standing ovation ang ibinigay ni Sharon kay Thia dahil sa effortless performance nito.

*******

Available na sa mga video store ang Jay, ang award-winning movie ni Francis Xavier Pasion.

Umani ng papuri mula sa mga film critic ang Jay nang ipalabas ito noong nakaraang taon sa 4th Cinemalaya Independent Film Festival.

Humakot ng karangalan ang Jay sa mga international film festival, at ang pelikula ang naging instrumento para mapansin ang husay sa pag-arte ni Baron Geisler.

Noong Lunes lang namin napanood ang Jay dahil bumili kami ng DVD copy nito sa isang video shop sa Trinoma.

Pinagpuyatan namin na panoorin ang Jay. Entertaining ang pelikula. Hindi namin binitawan ang panonood hanggang hindi natatapos.

Perfect na sana ang Jay pero may isang maling detalye ang pelikula. Sinabi ng karakter ni Flor Salanga na 1990 nang magkaroon ng ash falls sa Bacolor, Pampanga, dahil sa pagputok ng Mount Pinatubo. Si Flor ang gumanap bilang ina ni Jay.

Si Francis ang writer, producer at director ng pelikula. Nagkulang si Francis sa research dahil June 1991 nang pumutok ang Mount Pinatubo. July 16 ,1990, naman nang magkaroon ng malakas na lindol sa Luzon at ito ang sinasabing dahilan ng pagkagising ng matagal nang natutulog na bulkan ng Pinatubo.

*******

August 2007 nang una kaming magkakilala ni Dr. Hayden Kho, Jr. sa isang dinner sa Circles Event Cafe ng Makati Shangri-La.

Kahit bago pa lang kami magkakilala, nagkuwento na kaagad si Hayden tungkol sa mga tao na nakakasalamuha niya sa showbiz.

Ikinuwento niya ang pagiging oportunista ng isang singer-actress at ang pagkairita niya sa isang actor/media personality na humihingi raw ng kanyang sexy picture.

Sinabi ni Hayden na nainsulto siya sa ginawa ng actor/media personality dahil hindi iginalang ang kanyang pagkatao.

Kumalat noong May 2009 ang mga sex video ni Hayden. Napanood ng actor/media personality ang mga sex video. Higit pa sa sexy picture ni Hayden ang kanyang nakita.

*******

Kinunan namin ng litrato ang isang fastfood store na aming nakita sa recent trip namin sa Singapore.

jollibean.jpg

Jollibean ang pangalan ng fastfood store na takaw-pansin dahil kopyang-kopya nito ang logo ng isang sikat na fastfood chain sa Pilipinas. Sino ngayon ang magsasabi na mga

Pilipino lamang ang mahilig manggaya?

*******
Naglalakad kami sa Orchard Road nang mapansin namin ang isang construction site at ang nakasulat sa malaking billboard sign sa harap ng itinatayong building.

Self-explanatory kung bakit kahit nag-iisa, napangiti kami nang makita namin ang billboard sign.

orchard-road-sign.jpg

Dalawa ang billboard at nakalagay ito sa magkabilang gilid ng construction area. Parehong-pareho ang English sentence construction kaya sigurado kami na confident ang gumawa ng billboard na tama ang kanyang “composition.”

FHM sidelights

Filed under: Features — admin at 12:45 am on Monday, July 13, 2009


Tumagal ng tatlong oras at kalahati ang FHM Victory Party sa World Trade Center noong Huwebes ng gabi.

Gaya ng past events ng FHM,  napuno ng male audience ang malawak na lugar ng World Trade Center dahil sa kagustuhan nila na makita ang pagparada ng ilan sa 100 Sexiest Women in the Philippines ng sikat na men’s magazine.

Seven p.m. nang magbukas ang gate ng World Trade Center at 9:26 pm nang mag-umpisa ang show.

Nakarinig kami ng mga reklamo mula sa naiinip na audience pero hanggang reklamo lamang ang kanilang ginawa dahil hindi sila umalis. Hinintay nila ang pagsisimula ng show na natapos ng past 1:00 am.

*******

Sina Aubrey Miles, Carlene Aguilar, Iwa Moto, Pauleen Luna, Cristine Reyes, Gwen Garci, Andrea del Rosario, Jenny Miller, EB Babes, Sheena Halili at Sheree ang ilan sa mga sexy actress na natandaan namin na pumarada sa mahabang stage ramp.

Kasama ni Iwa Moto ang kanyang boyfriend na si Mickey Ablan. Suportado ng kanyang boyfriend ang pagpunta ni Iwa sa FHM party. Proud daw si Mickey dahil kasali siya sa listahan ng Sexiest Women ng FHM. Wala raw kaso kung titigan ng male audience ang kanyang kaseksihan dahil hindi seloso ang  kanyang boyfriend.

“Saan ako puwedeng umupo? Kay Carlene Aguilar ako, ” ang narinig namin na tanong ni Yo Ocampo sa usher na lumapit at nagpaalis sa kanya sa reserved seats na inupuan nila ng mga kasama niya.

Si Yo ang boyfriend ni Carlene. Siya ang ipinalit ni Carlene kay Dennis Trillo. Nalaman ang pagkakaroon ni Yo ng anak sa pagkabinata dahil sa isang PEPster na naglagay ng impormasyon sa comment section ng Cabinet Files.

Si Aubrey Miles ang cover girl ng July 2009 issue ng FHM. Habang nasa backstage si Aubrey at naghihintay ng cue para sa kanyang dance number, tutok na tutok ang atensiyon ni Troy Montero sa scantily-clad female models na rumarampa sa stage.

Si Sheree ang kausap ni Aubrey sa backstage kaya naalala namin ang nakaraan. Ang mga kuwento sa amin ni Sheree tungkol sa itinatagong anak ni Aubrey.

Nakilala ni Sheree ang anak ni Aubrey dahil kay JP Obligacion. Si JP ang ama ng bata at ex-boyfriend ni Sheree.

Marami ang nagkumbinsi noon kay Sheree na magsalita tungkol sa inililihim na anak ni Aubrey pero pinili niya na manahimik.

*******

Malapit kay Jenny Miller ang nagkuwento sa amin na malapit nang magpakasal ang sexy star.

Nang tanungin namin si Jenny tungkol sa balita na ipinarating sa amin, nag-deny siya. Hindi pa raw siya ikakasal.

May additional information ang nagkuwento sa amin, ikakasal na si Jenny pero hindi pa nito alam kung kailan.

*******
Malungkot si Gwen Garci nang magkita kami sa backstage. Sinabihan daw siya na school girl ang theme ng FHM party kaya naghagilap siya ng school uniform.

Nang dumating siya sa venue, nagulat si Gwen dahil hindi school uniform ang suot ng mga kapwa niya sexy star.

Naghihimutok si Gwen. Naging unfair daw sa kanya ang FHM staff dahil balot na balot siya.

Hinanap namin ang stylist ng FHM party at pinakiusapan na pahiramin si Gwen ng sexy clothes.

Nang tawagin sa stage si Gwen, hanggang tenga ang ngiti niya dahil seksing-seksi siya sa damit na ipinahiram sa kanya.

*******

Nakita sa backstage ang nanay ni Dennis Trillo. Si Cristine Reyes ang nagkuwento sa media na naroroon ang ina ni Dennis para suportahan siya. Si Cristine ang number one sa Sexiest Women in the Philippines ng FHM.

Napaisip ang mga reporter na kausap ni Cristine. Kung sinusuportahan siya ng nanay ni Dennis, malaki ang posibilidad na boto sa kanya ang ina ng ex-boyfriend niya.

*******

Si Jaymee Joaquin ang host ng FHM Victory Party. Big revelation si Jaymee. Kung may mga na-bore man sa kanyang kilometric spiels na lalong nagpahaba sa show, pinabilib ni Jaymee ang audience dahil sa pagpapakita niya ng kaseksihan.

Si Janice Dickinson ang aming naaalala habang pinapanood at pinakikinggan ang mga naughty lines ni Jaymee.