Jojo Gabinete: Cabinet Files

Michael Jackson’s Filipino Connection

Filed under: Features — admin at 11:04 am on Monday, June 29, 2009

Ikinalungkot ng mga mamamayan sa buong mundo ang biglaang pagpanaw ni Michael Jackson dahil sa cardiac arrest noong Huwebes, June 25, 2009.

Sa Pilipinas, nagkaroon ng clamor sa mga record album ng kinikilalang King of Pop. Sa mga record bar na pinuntahan namin, ikinuwento ng mga sales clerks na naging in-demand ang mga record album ni Michael mula nang pumanaw siya.

Sa iTunes, nagtala ng phenomenal record si Michael dahil mahigit sa 50 ng mga kanta niya ang nasa Top 100 downloads.

Sa tuwing makikinig kami ng radyo, mga kanta ni Michael ang pinapatugtog sa FM at AM stations.

Kapag nanonood kami ng TV, tungkol kay Michael ang mga balita. Noong Biyernes, June 26, naging Michael Jackson TV station ang CNN at BBC dahil maghapon at magdamag na puro tungkol kay Michael ang kanilang mga feature story.

*******

December 1996 nang makita namin ng personal si Michael sa kanyang HIStory concert sa Asia World open grounds sa Parañaque City.

Si Michael ang nagpauso sa Pilipinas ng pagkakaroon ng concert sa open grounds para ma-accommodate ang daan-daang libong Pilipino na gustong mapanood ang kanyang performance. Wala pa nang mga panahon na ‘yon ang Mall of Asia Grounds at ang The Fort Open Field na madalas na venue ngayon ng mga concert ng mga sikat na foreign artist.

Year 1993 nang masangkot si Michael sa child molestation case. Nang magkaroon ng concert si Michael sa Paranaque City, nabuhay ang tsismis tungkol sa pagiging mahilig niya sa bata dahil mga batang Pilipino ang kasama sa kanyang “Heal The World” production number. Kasali si IC Mendoza at ang mga anak nina Joey Marquez at Alma Moreno sa nasabing production number. Si Joey pa ang mayor noon ng Paranaque City.

*******

Dahil kay Michael Jackson, nakilala sa buong mundo ang 1,500 dancing inmates ng Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center (CPDRC ).

Naging YouTube hit ang “Thriller” dance number ng mga preso ng CPDRC. Lalong tumaas ang bilang ng page views mula nang mamatay si Michael dahil malaking tulong ang madalas na pagpapakita sa CNN at BBC sa “Thriller” video ng CPDRC.

Unforgettable ang sobrang pagkaaliw ni Anderson Cooper habang pinanonood ang video ng Cebu Prison inmates.

Hindi nakuntento ang CNN sa YouTube video na kanilang ipinapakita dahil pinapunta pa nila sa Cebu City ang kanilang reporter na si Anna Coren para mainterbyu ang mga preso at si Byron F. Garcia, ang CPDRC supervisor na nag-upload sa YouTube ng “Thriller” video.

Nag-perform kahapon (Sabado) para sa CNN ang mga Cebu inmates bilang tribute nila sa King of Pop.

*******

Hindi lamang ang mga preso ng Cebu City Jail ang Filipino connection ni Michael dahil ang mag-asawang Mark at Faye Quindoy ang mga kababayan natin na nagkaroon ng pinakamalapit na koneksyon sa kanya.

Ang Quindoy couple ang nag-manage ng Neverland Estate ni Michael bago ito nasangkot sa child molestation case.

Sa 12-page article ni Maureen Orth sa Vanity Fair noong January 1994, ikinuwento niya ang pagkakasangkot ng Quindoy couple sa kaso na naging dahilan ng paglamlam ng music career ni Michael:

“In Manila, Mark and Faye Quindoy, a Filipino couple who had managed the Neverland estate, popped up. They were questioned by California police and promised to testify against Michael Jackson.

“The Quindoys, who say they are suing Jackson for back pay [the amount varies in their statements] and Pellicano for slander [he called them 'cockroaches and failed extortionists'], called two press conferences.

“They also alleged sexual abuse of children on Jackson’s part; they said they had quit on moral grounds, but they, too, it turned out, wanted money for their story.

“Mark Quindoy, a lawyer, held a diary up before the cameras. He said he had made detailed notations of what he saw every day at Neverland. Stars on the pages, he said, meant instances of abuse.

“I managed to obtain the Quindoys’ Manila phone number without going through their U.S. representative, a woman who works as a private investigator, a tabloid reporter, and their agent on the side.

“Mark Quindoy and his wife supported many of the things the Lemarques alleged: that Jackson chose one boy at a time, that kids were assaulted with sounds and lights, and that lewd things went on right under the parents’ noses.

“They did not go to the police, they said, because ‘we were just witnesses—we were not victims.’ They knew the boy whose father had called me in despair. They remembered that his mother would leave the boy with Jackson for three or four weeks at a time, and claimed she would cry, ‘My son has been kidnapped.’

“Geraldo Rivera confirmed through a member of his staff that the Quindoys had disclosed to him these same allegations about Jackson at the time they appeared on his show Now It Can Be Told a year and a half ago. But on-camera they gave no hint of any of this. The reason was that they wanted to be paid $25,000.”

Noong kainitan ng eskandalo, nainterbyu ni Jessica Sojo ang mga Quindoy. Hindi namin alam kung naririto pa rin sa Pilipinas sina Mark at Faye pero ngayong patay na si Michael, asahan natin na may mga maghahanap sa kinaroroonan ng Quindoy couple para makuha ang pahayag nila tungkol sa pagpanaw ng kanilang dating pinaglilingkuran.

Haydison

Filed under: Opinion — admin at 3:23 pm on Monday, June 8, 2009

Ikinukumpara ang nangyayari ngayon kay Dr. Hayden Kho, Jr. sa naging karanasan noong 2008 ng Hong Kong actor/singer na si Edison pero, may malaking pagkakaiba sa kanilang mga ginawa at personalidad.

Pagkalipas ng isang taon at apat na buwan, muling bumalik sa Hong Kong si Edison para i-resume ang showbiz career na pansamantalang iniwan dahil sa matinding kahihiyan at pagsisisi nang kumalat sa cyberspace ang kanyang  sexually explicit photos, kasama ang mga sikat na Chinese actress na nakarelasyon niya noon.

Pumayag si Edison na magpainterbyu kay Anjali Rao ng CNN Talk Asia dahil tapos na ang trial sa kaso na isinampa niya laban kay Sze Ho-chun. Si Sze ang computer technician na nagkumpuni sa defective laptop ni Edison at siya ang kumopya sa 1,300 sexually explicit photos na nakalagay sa hard drive memory ng computer ng aktor.

edisonchen1.jpg

Ang interbyu sa CNN Talk Asia ang unang pagkakataon na nagsalita si Edison para mabigyan  ng linaw ang mga walang katotohanang balita at sari-saring opinyon dahil pinili niya na manahimik noong kainitan ng eskandalo.

Ipinagtapat ni Edison na binura nito ang malalaswang litrato sa kanyang laptop pero hindi niya alam na kahit na-delete sa trash bin ang mga larawan, nananatili itong nakalagay sa hard drive ng computer. Ito ang mga larawan na nakita, kinopya at  inalagay sa ciyberspace ng computer technician na hinatulan ng walong buwan na pagkakakulong ng HK court.

Nilinaw ni Edison na consensual o may permiso ng kanyang mga sex partner ang pagkuha ng litrato dahil nakatingin pa sa kamera ang mga babae. Sinabi ng HK actor na kuha ang mga litrato noong 2004 at nagawa niya ang pagkakamali dahil na rin sa kanyang kabataan at pagiging celebrity.

Nang bumalik si Edison sa HK, may nagpadala sa isang TV network ng bala para sa kanya, kalakip ang babala na huwag na siyang bumalik sa limelight. Hindi ito ang unang pagkakataon na nakatanggap si Edison ng death threat dahil may nagbanta na rin sa kanyang buhay nang kumalat sa Internet ang mga malalaswang larawan.

“The first one [death threat], I was afraid…afraid to go anywhere. I was travelling around, when I was still in HK, in trunks of taxis, like literally, just to get to places because I was going to get booed. I was going to meet my lawyers, my management company…

“It wasn’ t fun like I’d be in the turnk for 15 minutes. I didn’t even know if I have enough oxygen. Even when I  had left Asia and I had went to Canada and America, it took me three months to really get out of this shell that I had put myself in.

“I was in darkness for five days. I had my drapes closed and I didn’t wanna go anywhere else. I was really afraid of just people and some car movement. I was afraid of motorbikers when I was driving. I was afraid of everything.

“It was like a nightmare that never ended. It never ended. I would go to bed, and I would pray, please God, please today be the last day. I pray, I will do anything. I’m not the person to ever commit suicide. That was never an option. Never.”

*******

Halos pareho ng karanasan sina Edison at Hayden pero may mga pagkakaiba. Consensual man ang pakikipagtalik ni Hayden sa mga babae sa kanyang sex video, walang kamalay-malay ang mga biktima na may kamera na lihim na nakatutok sa kanila.

Hindi naisip ni Edison na magpatiwakal kahit dumanas siya ng kahihiyan. Nauna ang pagtatangkang pagpapakamatay ni Hayden noong December 2008 nang hiwalayan siya ni Dra. Vicki Belo dahil natuklasan nito ang mga sex video ng kanyang boyfriend.

Kumpara sa breakup nila noon ni Dra. Belo, mas matindi ang problema, malaking kahihiyan at maraming kaso ang kinakaharap ngayon ni Hayden pero hindi na niya inulit ang tangka na wakasan ang sariling buhay.

Unlike Edison, hindi natakot sa tao si Hayden. Mas naging visible pa nga siya. Pumayag si Hayden na magpainterbyu sa TV at radyo para pag-usapan ang kanyang mga sex video at nasundan ng mga TV camera ang pagpunta niya sa Senate, Philippine Medical Association, Philippine Drug Enforcement Agency at Optical Media Bureau offices.

haydenkhopic.jpg

Inako ni Edison ang kanyang kasalanan. Inamin niya na mali ang kanyang ginawa. Bago nagpakita ng pagsisisi si Hayden, sinisi muna nito ang mga babae na nakipagrelasyon sa kanya dahil siya raw ang inakit at tinuruan na gumamit ng ipinagbabawal na gamot.

Kitang-kita sa mukha ni Edison na naapektuhan ito ng eskandalo na kinasangkutan niya. Pumayat siya at nagkaedad ang kanyang itsura.

Wala (pa) sa mukha ni Hayden na apektado ito ng kontrobersya dahil relaxed na relaxed ang itsura niya.

May death threats si Edison at may death threats din si Hayden. Hindi makapaniwala ang HK Police na walang involved na pera sa pagkalat ng sexually explicit photos ni Edison sa Internet at lalong hindi siya biktima ng blackmail.

Four million pesos ang hinihingi kay Hayden ng isang caller na nagpakilala sa pangalan na Chris para hindi kumalat ang kanyang mga sex video.

Hanggang sa mga oras na ito, hindi pa tinutukoy ni Hayden ang identity ng caller pero kung totoo man ang kanyang kuwento, dapat na niyang sabihin sa mga awtoridad ang kinaroroonan at tunay na pagkatao ni Chris dahil ito ang susi para malaman ang mastermind sa Internet uploading ng mga sex video

*******

Uploaded na sa YouTube ang three part exclusive interview kay Edison ng CNN TalkAsia. Hinihintay at hihintayin namin ang future exclusive TV interview kay Hayden. Pagkukumparahin namin ang mga sasabihin niya sa mga sinabi ni Edison sa Talk Asia.

Mahusay na aktor si Hayden. Magaling siya sa drama at comedy, base sa mga past TV guestings niya. Para siyang sponge na mabilis maka-absorb sa lahat ng mga nakikita at itinuturo sa kanya. Hindi malayo o malabo na makakuha si Hayden ng ideas at pointers mula sa interbyu kay Edison ng CNN Talk Asia.

Isinilang si Edison noong October 7, 1980 at ipinanganak si Hayden noong May 20, 1980. Kapwa sila 29 years old.

*******

PS

Sa paghahanap namin ng litrato ni Hayden sa Internet, isang larawan niya ang aming nakita, ang pictorial niya habang binubuhusan siya ng tubig. Sanay pala si Hayden na binubuhusan ng tubig. No wonder, hindi nakitaan ng pagkagulat si Hayden nang buhusan siya ng tubig ni Abner Afuang sa senate inquiry tungkol sa kanyang mga sex video.

haydenwet3.jpg

haydenwetlook.jpg