| Register
Jojo Gabinete: Cabinet Files

Ted and Trina

Filed under: Features — admin at 5:41 pm on Saturday, April 18, 2009

Nagkaroon ako ng privilege na makapasok sa kuwarto na kinalalagyan ng labi ni Trinidad “Trina” Etong sa unang araw ng burol nito noong Biyernes, April 17, sa Arlington Funeral Homes, Araneta Avenue, Quezon City.

Si Trina ang asawa ni Ted Failon, ang popular broadcast journalist ng ABS-CBN na itinuturing na isa sa mga “suspect” ng Quezon City Police Department sa insidente na nangyari sa kanilang tahanan sa Tierra Pura Homes, Quezon City noong Miyerkoles, April 15.

Nagsalita na si Pamela “Pam”  Arteche na walang kinalaman sa nangyari si Ted dahil talagang nagtangka raw na magpakamatay si Trina sa pamamagitan ng pagbaril sa ulo, pero ayon kay  Police Superintendent Frank Mabanag, ang chief ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit, patuloy ang kanilang imbestigasyon dahil hindi magkakatugma ang mga testimonya ni Ted at ng mga kasambahay nito.

Si Pam ang nakababatang kapatid ni Trina at siya ang susi sa tunay na pangyayari noong Miyerkoles dahil naroroon siya sa bahay ng mag-asawa nang maganap ang insidente.

Kasama si Pam sa mga dinakip ng Quezon City Police sa New Era General Hospital noong Huwebes ng gabi. Obstruction of justice ang kaso ni Pam dahil sa bintang ng mga pulis na ayaw niyang maki-cooperate sa imbestigasyon.

Ang New Era General Hospital ang ospital na pinagdalhan kay Trina, matapos matagpuan ang kanyang duguan na katawan sa banyo ng isa sa mga kuwarto sa tahanan nila ni Ted.

*******

Bandang alas-kuwatro ng hapon nang pumunta kami sa burol ng labi ni Trina sa Arlington Funeral Homes.

May area para sa mga miyembro ng media sa lobby ng Arlington at dito nila matiyagang hinihintay ang mga bisita na makikiramay sa pamilya ni Ted. Hindi pa available ang malalaking chapel ng Arlington Funeral Homes kaya pansamantalang inilagay sa isang maliit na kuwarto ang labi ng nasawi.

May kahabaan ang pasilyo na lalakarin para makarating sa dulong kuwarto. Nakalinya sa pasilyo ang mga naglalakihang korona ng bulaklak mula sa mga nakikisimpatiya sa mga naulila ni Trina. Ang ABS CBN big boss na Gabby Lopez, sina Rosa Rosal at Lolit Solis ang ilan sa mga kilalang personalidad na unang nakiramay kay Ted.

“Is this holocaust? Nightmare?” ang tanong ni Rosa Rosal sa kanyang anak na si Toni Rose Gayda nang mapanood niya ang video ng pagdakip ng mga pulis sa mga kapatid at kasambahay ni Trina.

Sinabi ni Rosa na uminom siya ng tranquilizer dahil sa mga nakakabahalang eksena na napanood niya sa TV.

*******

Very solemn ang atmosphere sa kuwarto na kinalalagyan ng white and pink coffin ni Trina.

Naabutan namin sa kuwarto ang kapatid na babae ni Ted at ang asawa nito, ang legal counsel ni Ted na si Atty. Mark Anthony De Leon. Labas-masok naman sa kuwarto si Ted at ang kanyang mga anak na sina Kaye at Karishma na panay ang sulyap sa labi ng kanilang yumaong ina.

Ipinakita ni Atty. De Leon ang galos sa kanyang braso na resulta ng kaguluhan na nangyari sa ospital ng New Era nang puwersahang dinakip ng mga pulis ang magkapatid na Pam at Maximo Arteche.

Hinuli at nilagyan ng posas si Max dahil pinigilan niya ang mga pulis na dakpin si Pam habang nasa hospital room sila ni Trina.

*******

“Teddy” ang tawag kay Ted ng kanyang mga kapatid. Ang kapatid na babae ni Ted ang nagkuwento na labing-anim na magkakapatid sina Trina at ulila na sila sa mga magulang. Contrary to reports, 43 years old at hindi 45 years old si Trina. Isinilang siya noong May 12, 1965.

Financial problems daw ang totoong dahilan ng pagpapatiwakal ni Trina at noon pa man, palagi raw sinasabi ni Trina sa kanyang mga kaibigan ang plano na pagpapakamatay.

Nakatakdang i-cremate ang labi ni Trina sa Arlington Crematorium sa Martes, April 21.

Napapailing ang kapatid ni Ted habang sinasabi nito na ang araw ng cremation sa labi ni Trina ang araw na schedule ng preliminary investigation kay Ted sa Justice Hall ng Quezon City.

Breaking news: Nagkaroon ng pagbabago sa araw ng cremation ng labi ni Trina. Inilipat sa April 22 ang cremation dahil may conflict sa preliminary investigation kay Ted sa Quezon City Justice Hall sa Martes, April 21.

*******

Mahigpit na niyakap ni Ted si Lolit Solis nang pumasok siya sa kuwarto. Magkaibigan sina Ted at Lolit kahit naglilingkod sila sa magkalaban na TV network. Hindi nga lang well-publicized ang kanilang friendship.

Itim na T-shirt, denim jeans at rubber shoes ang suot ni Ted. Hindi man niya inalis ang kanyang shades, bakas sa mukha ni Ted ang pinaghalong kalungkutan at pagod dahil sa trahedya na dumating sa pamilya niya.

Labas-masok si Ted sa kuwarto dahil lumalabas siya kapag nakakatanggap ng tawag sa kanyang cellphone. Hindi siya nawawalan ng mga tawag sa telepono.

Malungkot na ikinuwento ni Ted na kumpleto ang buong pamilya ng gabing sumugod ang mga pulis ng QC sa hospital room ni Trina sa New Era General Hospital. Kumpleto sila dahil ‘yon ang unang pagkakataon na makikita ni Karishma ang ina, pagkatapos mangyari ang insidente.

Nang isugod niya sa ospital si Trina, sinabi kaagad kay Ted ng attending physician na kritikal ang mga susunod na 24 oras para sa kanyang asawa. Ayon kay Ted, naging matapat ang doktor pero kinabukasan, nagpahayag ng pagkagulat ang manggagamot dahil naging normal ang blood pressure ni Trina at ito ang nagbigay ng pag-asa sa kanyang pamilya na makakaligtas siya.

Halata sa boses ni Ted ang sama ng loob nang sabihin niya na nang nagkakagulo sa loob ng kuwarto ni Trina dahil sa pagdating ng mga pulis na darakip sa hipag niya, biglang nag-flat line ang monitor na nakakabit sa katawan ng kanyang asawa.

Ang conclusion ng kapatid ni Ted, naririnig ni Trina ang kaguluhang nangyayari kahit idineklara na brain-dead siya dahil sa paniniwala na ang sense of hearing ang huling nawawala sa isang tao na nag-aagaw-buhay.

*******

Patuloy ang imbestigasyon ng Quezon City Police Department sa kaso ng pagkamatay ni Trina. Matinding pagsubok ang pinagdadaanan ngayon ng pamilya ni Ted, ang tagapaghatid ng balita na laman ngayon ng mga balita.

Kalooban Mo

Filed under: Features — admin at 2:38 am on Tuesday, April 7, 2009

Akmang-akma sa Holy Week ang tema ng kalalabas na CD album ni Lorna Tolentino sa Star Records, ang Wings of the Soul, H.O.P.E. Volume 2.

H.O.P.E. stands for Healing of Pain  and Enlightenment. Ang CD ay katuparan ng pangarap ni Lorna na makatulong sa mga tao na nakaranas na mawalan ng mahal sa buhay sa pamamagitan ng mga inspirational song. Gusto ni Lorna na maging source ng strength at inspiration ang kanyang album.

lornatolentino.jpg

Nang magpunta kami sa album launch ng Wings of the Soul, isang original composition ni Junji Marcelo na inawit ni Lorna ang aming naging paborito, kahit first time namin na napakinggan, ang title ay “Kalooban Mo.”

Inspired ng isang linya sa “The Lord’s Prayer” ang lyrics ng “Kalooban Mo,” ang “Thy will be done.”

Maganda ang pagkakaawit ni Lorna. May kakaibang haplos sa puso ang lyrics at melody ng naturang single. Meron itong healing at calming effect kapag pinakikinggan. To listen is to believe.

Dahil sa sobrang nagustuhan namin ang kanta ni Lorna, ito na ang ring tone ng aming cellphone.

Hindi kami magugulat kung isang araw, maging kanta sa misa sa mga simbahan ang “Kalooban Mo.” Puwede itong kantahin ng mga Katoliko, Born-Again, Muslim at lahat ng klase ng relihiyon.

Gustung-gusto naming i-post sa Cabinet Files ang “Kalooban Mo” para mapakinggan ito ng mga PEPster na nasa iba’t-ibang panig ng buong mundo pero ayokong makasuhan ng piracy ng Star Records.

Ito ang lyrics ng brilliant composition ni Junji:

Matagal na rin akong nagtatanong

Hinaing ng puso ko’y binubulong

Pinangarap kong makuha

Ang aking hinihiling

Sa kabila nitong pagluha

Ay umaasa pa rin

Kalooban Mo  pa rin kaya ito

Na ako’y dumanas ng ilang bagyo

Parang di na ba titigil

Ang pagbuhos ng ulan

Sino ang makapipigil

Kung hindi  Ikaw lamang

Kahit ano ang mangyari

Sa bukas at ngayon

Tanging Sa’yo ang dalangin

Sa habang panahon

Kahit anong pagsubok man ang dumating

Kalooban Mo ay aking Susundin.

*******

Mabigat ang pinagdaraanan ngayon ng direktor na si Cathy Molina dahil sa biglang pagpanaw ng kanyang asawang si Philip Molina noong March 29, 2009.

Kung pakikinggan ni Cathy ang “Kalooban Mo,” maaaring makatulong ito para gumaan ang bigat ng kalooban na kanyang nararamdaman.

Nagpaunlak na magpainterbyu si Cathy sa Umagang Kay Ganda noong March 30, 2009.

Sina Rica Peralejo at Edu Manzano ang nag-interbyu kay Cathy, via phonepatch.

Mahirap para sa mga TV host na mag-interbyu ng isang tao na nawalan ng mahal sa buhay kaya naintindihan namin ang “kalituhan” nina  Edu at Rica nang makausap nila si Cathy.

Edu: Kung bakit, eh, nagkaganyan at naaksidente at TILA pumanaw ang ‘yong mahal sa buhay na si POPOY.

Cathy: Epoy…

Rica: Pepoy…

*******

May mga pagkakataon na parang nananadya ang tadhana dahil may mga insidente na nakapagpapangiti sa atin sa gitna ng malulungkot na sitwasyon.

April 2007 nang sumakabilang-buhay ang ama ni Redgie Magno-Acuna, ang senior program unit manager ng GMA 7.

Ibinurol ang labi ng ama ni Redgie sa chapel ng Loyola Memorial Park sa Marikina City at sa unang gabi pa lamang ng lamay, dagsa ang nakiramay sa naulilang pamilya.

Kabilang ako sa mga nagpunta sa unang gabi. May ugali ako na tinitingnan ko ang mga bulaklak at binabasa ang mga sulat ng pakikiramay.

Isang korona ng bulaklak ang biglang nakapagpahalakak sa  akin. Hiyang-hiya ako dahil hindi ko napigilan ang matawa at alam ko na mali ang aking inasal. Naging unethical ako dahil sa aking nabasa: “Condolence to Redgie Magno from the staff of Who’s Your Daddy Now?”

Ang Who’s Your Daddy Now ang dating sitcom ng GMA-7 at si Redgie ang manager ng programa.

May kuwento rin tungkol sa isang empleyado ng GMA-7 na namatayan ng kamag-anak. Bilang pakikiramay, nagpadala ng bulaklak ang mga kasamahan niya sa isang TV show ng Kapuso network, ang nakasulat sa bulaklak, “Condolence from Beh Bote Nga staff…”

Ang Beh Bote Nga ang dating comedy show ng GMA 7 na nag-umpisa noong 1998 at nagpaalam sa telebisyon noong 2002.

*******

Hindi naman siguro kalabisan kung ibabahagi namin sa Cabinet Files readers ang kuwento tungkol sa aktor na namatayan ng ama.

Nagpaimbita ang aktor ng mga reporter sa burol ng kanyang ama at nang magpaalam na ang mga manunulat, nakatanggap sila ng sobre mula sa aktor.

May image na mahilig ang aktor sa publicity pero hinahangaan siya dahil talagang ginagawa niya ang lahat, alang-alang sa ikagaganda ng takbo ng kanyang showbiz  career.

*******

Lastly, pinag-uusapan ang mainit na isyu tungkol sa PEP article tungkol kina Richard Gutierrez at Michael Flores.

Nag-apologize na si PEP editor-in-chief Jo-Ann Maglipon dahil sa inadvertent uploading ng PEP article pero hindi ito nagustuhan ng Gutierrez family, particularly, si Annabelle Rama.

Hindi tinanggap ng mga Gutierrez ang paumanhin ng PEP dahil hindi raw binawi at nilinaw ni Jo-Ann na hindi totoo na nangyari ang insidente na nagkaroon ng altercation sina Richard at Michael sa birthday party ng direktor na si Mark Reyes. Lalong hindi raw totoo na nagkaroon ng tutukan ng baril.

[Subalit hindi nabanggit sa orihinal na artikulo, walang sinabi ang PEP na "tutukan."]

Sinabi ni Annabelle na idedemanda niya ang PEP para lumabas ang katotohanan. Sa interbyu kay Richard, nagsalita rin ito na gagawa siya ng hakbang laban sa PEP para malinis ang kanyang pangalan.

Noong April 1, 2009, April Fools Day, ginulat ang showbiz ng balita na pitong milyong piso (seven million pesos) ang halaga ng lawsuit for damages ni GMA-7 senior vice president for entertainment TV na si Wilma Galvante laban kay Annabelle.

Pagod na pagod kami noong nakaraang linggo dahil sa pagsulat ng mga follow-up report at interviews tungkol sa kaso nina Galvante at Rama.

Ilang beses kami na nagpabalik-balik sa Regional Trial Court ng Quezon City para makakuha ng kopya ng mga affidavit ng magkabilang-panig at para mainterbyu si Annabelle dahil sa korte lamang siya puwedeng maabutan ng media.

Palaban si Annabelle sa mga statement nito laban sa PEP at sa lady executive ng GMA 7. Reporters’ delight si Annabelle dahil lahat ng tanong, sinasagot niya. Hindi uso sa kanya ang mga off-the-record statement.

April 2 ng gabi nang makatanggap kami ng telephone call mula kay Annabelle. Itinanong niya sa akin kung saan ko isusulat ang mga interview ko sa kanya. Nang sumagot kami ng “Sa PEP, ” napangiti kami sa aming sarili sa isinagot ni Annabelle. “Ah, sa PEP? Sige dong, maganda ‘yan. Maraming nagbabasa sa PEP!”