| Register
Jojo Gabinete: Cabinet Files

The scene at Natalie Cole’s concert

Filed under: Features — admin at 1:25 pm on Thursday, March 19, 2009

Pinanood namin ang concert ni Natalie Cole sa Araneta Coliseum noong March 11, 2009.
Pinabilib ni Natalie ang audience dahil hindi nagbabago ang timbre ng kanyang boses.

Kinanta ni Natalie ang mga hit song niya at well-applauded ang duet nila ng kanyang namayapang ama, si Nat King Cole.

Sinabayan ni Natalie ang pagkanta ni Nat ng “Unforgettable” habang ipinapakita sa wide screen ang lumang music video ng tatay niya.

Napansin namin na madaling mairita si Natalie. Sinisita niya ang mga tao na nagre-record ng kanyang performance sa pamamagitan ng mga cellphone camera. Tatlong beses na “nagtaray “ si Natalie kaya nagkaroon kami ng impression na hindi siya friendly.

Limitado rin ang kanyang spiels, pati na ang pag-inom niya ng tubig habang nasa stage. May isang insidente pa na sumubo siya ng pagkain pagkatapos ng isang kanta.

Bago dumating sa Pilipinas si Natalie, napanood namin ang report ng Entertainment Tonight at ng Insider tungkol sa kalagayan ng kanyang kalusugan.

Ibinalita ng mga nabanggit na US entertainment TV shows na kailangang sumailalim si Natalie sa kidney transplant at probable donor ang kanyang anak.

Bukod sa kidney ailment, open secret ang pagkakaroon ni Natalie ng Hepatitis C.

In fact, nakasakay siya sa wheelchair nang dumating siya sa Pilipinas noong March 10, 2009.

Inisip na may kinalaman sa mga sakit ni Natalie ang pagiging irritable nito.

Si Ricky Lo ang aming kasama sa panonood ng concert ni Natalie. Habang nasa kalagitnaan ang show, lumapit kay Ricky ang concert producer at nag-imbita ito ng “meet and greet” kay Natalie.

Nagdalawang-isip kami ni Ricky na pumunta sa backstage dahil hindi nga namin nagustuhan ang pagiging irritable ni Natalie.

Nagbago ang aming desisyon nang muling lumapit ang concert producer at sabihin nito na mismong si Natalie ang nag-request na makilala si Ricky nang personal dahil ito ang nag-interbyu (via phone call ) sa kanya para sa publicity ng concert niya sa Pilipinas.

Backstage, isang warm at very accommodating na Natalie ang nakilala namin.

Nagbibiro siya habang nagpapakuha ng litrato, kasama ang mga piling bisita na inimbita sa meet and greet.

Pinahanga kami ni Natalie nang ipatawag nito ang kanyang mga Filipino security escort para makunan sila ng litrato na magkakasama. Memoryado ni Natalie ang pangalan at apelyido ng mga Pinoy security escort.

Nakuha ni Natalie ang aming respeto nang malaman namin mula sa isang production staff member na apat na oras siyang na-confine sa Medical City, pitong oras bago nagsimula ang kanyang concert sa Big Dome.

Ang confinement niya sa ospital ang dahilan kaya may malaking medical plaster sa kanang bahagi ng kanyang dibdib.

Masama ang pakiramdam ni Natalie nang araw na ‘yon. May enough reason siya para i-cancel ang show pero hindi niya ito ginawa.

In fact, bumalik pa si Natalie sa stage nang sumigaw ng “encore” ang audience.

Hindi siya katulad ni Connie Francis na basta na lang bumaba ng stage at hindi na bumalik kahit malakas ang sigaw na “encore” ng mga tao. Simple lang ang katwiran ni Connie, pagod na siya!

Nagkaroon si Connie ng concert sa Araneta Coliseum noong nakaraang taon.

Malaking-malaki ang pagkakaiba nila ni Natalie. Memoryado ni Natalie ang lyrics ng mga kanta at hindi siya kinakapos ng boses kapag bumibirit.

Iba si Connie. Ilang beses na tumigil sa pagkanta si Connie dahil hindi na niya maalaala ang lyrics ng kanyang mga hit song.

*******

Napanood namin sa Araneta Coliseum noong 2008 ang mga concert nina Connie, Neil Sedaka at Petula Clark.

Madalas naming nakakasabay sa panonood si MMDA Secretary Bayani Fernando.

Maraming beses naming nainterbyu si Secretary Fernando noong sumali siya sa season 2 ng Celebrity Duets kaya alam namin na libangan niya ang manood ng mga concert.

Masyadong hectic ang schedule ni Secretary Fernando kaya gingawan niya talaga ng paraan na maisingit dito ang panonood sa mga show ng mga oldies na international singer.
Nakatabi namin sa upuan si Secretary Fernando sa recent concert ni Natalie.

Dahil katabing-katabi namin siya, hindi maiwasan na mapatingin kami kay Secretary Fernando.

Nang kantahin ni Natalie ang “Miss You Like Crazy,” nakita namin ang pagpikit ng mata ni Secretary Fernando na sinabayan niya ng paggalaw-galaw ng kanyang ulo.

Wow, na-realize namin ang passion for music ni Secretary Fernando dahil parang ninanamnam niya ang bawat lyrics ng kanta ni Natalie.

Isinunod ni Natalie sa “Miss You Like Crazy” ang kanyang mga hit song na “I Live For Your Love” at “Starting Over Again.”

Sumabay kami sa pagkanta ni Natalie. At the same time, tumitingin kami sa puwesto ni Secretary Fernando dahil nakapikit pa rin siya at tila nilalasap ang meaningful words ng mga awit ni Natalie.

Wow, hopeless romantic talaga si Chairman!!! Wait…

Mali ang aming akala dahil tapos na ang pagkanta ni Natalie, nagpalakpakan na ang mga tao, pero nakapikit pa rin si Chairman at walang reaksyon…Natutulog na pala siya!

*******

Still about music, makapanindig-balahibo ang performances nina Jal Joshua at Chelsea Castillo sa Australia ’s Got Talent.

Maipagmamalaki natin si Jal dahil hindi nito nakalimutan na sabihin na nagmula siya sa Pilipinas bago nag-migrate sa Austalia ang kanyang pamilya noong 2008.

Heartwarming ang rendition ni Jal sa “Somewhere Over The Rainbow.” Standing ovation ang natanggap niya mula sa live audience ng show at mga papuri mula sa tatlong judge ng Australia’s Got Talent, sina Dannii Minogue, Tom Burlinson at Red Symons.

Standing ovation at praises din ang ibinigay ng audience at judges kay Chelsea.

Bagong Charice Pempengco ang tawag kay Chelsea dahil powerful ang pagkanta niya sa “I Am Telling You, I’m not Going.”

Ang pagkakaiba lang, six years younger si Chelsea kesa kay Charice at kulang pa sa emosyon ang kanyang pagkanta. Nonetheless, naniniwala ang judges ng Australia ’s Got Talent na malayo ang mararating ni Chelsea.

Parehong kasama nina Jal at Chelsea ang kanilang mga Filipina mother sa Australian reality TV show na sinalihan nila.

Bb. Pilipinas Beauty Pageant

Filed under: Features — admin at 2:52 pm on Tuesday, March 10, 2009

Isinama ako ni Ricky Lo sa panonood ng coronation night ng 2009 Bb. Pilipinas Beauty Pageant sa Araneta Coliseum noong Sabado, March 7.

Nagkaroon ako ng interes na manood dahil gusto kong malaman ang magiging kapalaran sa beauty contest ni Richel Angalot a.k.a. Rich Asuncion, isa mga contract star ng GMA Artist Center.

rich-forblog.jpg

Maganda si Rich at pampelikula ang kuwento ng kanyang buhay. Mula si Rich sa Bohol, mangingisda ang kanyang ama kaya nangarap siya na maging artista. Nagkatotoo ang kanyang ambisyon nang sumali siya sa Starstuck, ang talent show ng GMA-7.

Madalas kong makita si Rich sa opening ng mga branch ng Flawless. Malaki ang naitulong ng Flawless para lalong kuminis at pumuti ang balat ni Rich.

Natuwa ako nang tawagin ang pangalan ni Rich bilang isa sa sampung finalist pero alam ko na hindi niya makukuha ang isa sa tatlong major beauty title dahil sa isinagot niya sa tanong ng isang judge: What is your lucky number and what is its significant to you?

Ito ang eksaktong sagot ng halatang kinakabahan na si Rich: “My lucky number is 11 beacuse…it’s a memorable time… In the month of 11th…ah…because I have my first boyfriend and 11th of the month…and… I first fall in love…and I understood love… and… I knew what love is…and I’m happy, it makes me a better person….”

Hindi naging lucky para kay Rich ang number 11 nang gabing ‘yon dahil hindi siya nakasungkit ng major title. Pagkatapos ng coronation night, nalaman ko ang kuwento na sising-sisi si Rich dahil hindi siya satisfied sa kanyang sagot. Hindi nag-iisa si Rich. Hindi rin ako satisfied sa isinagot niya.

Hindi natapos sa Araneta Coliseum ang kuwento tungkol kay Rich dahil sa news item na inilagay at 2:35 a.m. sa website ng GMANews.TV tungkol sa resulta ng pageant night:

“Shortly before Umali’s award, [Richel] Angalot was named as Miss Talent, for a dance that she performed a week earlier on Talent Night on Saturday. She was also won the awards for Miss Natasha Beauty and Araneta Center Shoppers’ Choice—both coming from pageant sponsors. Angalot, a native of Tagbilaran City , graduated with a Tourism degree from the University of the Philippines in Diliman, Quezon City . Under the stage name JEWEL MISCHE, she is one of the talents of GMA Network.”

Si Rich, naging si Jewel? Natawa ako pero inisip ko na inaantok na siguro ang nag-post ng news sa website ng GMA dahil madaling-araw na nang matapos ang pageant night.

Or puwede rin nag-conclude ang news writer na iisang tao sina Rich at Jewel dahil parehong pang-mayaman ang tunog ng kanilang mga pangalan.

Ang latest development, na-reedit na ang news item dahil ang screen name na ni Rich ang nakasulat, hindi na ang pangalan ni Jewel.

*******

Malapit sa stage ang kinauupuan namin ni Ricky Lo kaya nakikita namin ang lahat ng nangyayari, katulad ng pagpaparoo’t-parito ng dating beauty queen na si Aurora Pijuan.

Nakaka-distract ng atensiyon ang paglalakad ni Aurora dahil hindi siya mapirmi sa isang lugar.

Finally, umakyat sa stage sina Aurora, Gloria Diaz, at Margie Moran para pagkalooban ng special award dahil sa mga karangalan na ibinigay nila sa ating bansa. Si Aurora bilang Miss International noong 1970 at sina Gloria at Margie, Miss Universe 1969 and 1973, respectively.

Nakatutok ang atensiyon ko kay Aurora kaya kitang-kita ko nang mapa-aray siya. Muntik nang mawalan ng balanse sa pagkakatayo ang dating beauty queen dahil natapakan ni Danielle Castano ang kanyang paa. Si Danielle ang 2008 Bb. Pilipinas-World title winner na nag-abot kay Aurora ng award.

Kitang-kita sa mukha ni Danielle ang guilt dahil alam niya na nasaktan si Aurora. Sigurado ako na masakit na masakit ang paa ni Aurora dahil iika-ika siya nang bumaba mula sa stage. Pagkatapos ng insidente, napirmi na si Aurora sa kanyang upuan.

*******

Edited ang mga eksena na napanood ng televiewers sa kanilang mga TV set. Kabilang sa mga honoree si Melanie Marquez (1979 Miss International) pero dahil hindi siya sumipot, hindi na ipinakita sa TV ang special AVP na ginawa sa kanya.

Itsa-pwera sa binigyan ng parangal si Precious Lara Quigaman, ang 2005 Miss International winner. Hindi raw kasama sa mga pinarangalan si Lara dahil hindi ikinatuwa ni Stella Marquez de Araneta ( Bb. Pilipinas Charities Inc. founder ) ang pagtatayo niya ng sariling beauty contest, ang less prestigious na Turismo Pilipina.

*******

Kabilang sa mga naging judge sa 2009 Bb. Pilipinas Contest ang aking fellow PEP blogger na si Richard Gomez.

May digital camera na dala si Richard. Most likely, ilalagay niya sa kanyang PEP blog ang mga litratong kuha mula sa kanyang digital camera.

*******

PS. Nanood ng 2009 Bb. Pilpinas Coronation night ang male singer na dati nang pinagdududahan ang gender. Napangiti kami sa ibinulong ng kanyang kasama, ang male singer na raw ang next BB Gandanghari!