| Register
Jojo Gabinete: Cabinet Files

BB and the overnight woman

Filed under: Features — admin at 12:34 pm on Thursday, January 29, 2009

Photos courtesy of Donita Ganzon and Oliver Carnay

Hindi ko ikinagulat ang pag-amin ni Rustom Padilla sa kanyang sexual orientation noong March 2006 sa loob ng Pinoy Big Brother House.

Nasa Hong Kong kami nina Mario Bautista, Dondon Sermino at Salve Asis nang malaman namin ang balita mula sa Pilipinas tungkol sa “big revelation” ni Rustom.

Bago pa umamin si Rustom, alam ko na ang kanyang ipagtatapat na lihim dahil isang kaibigan na US-based ang nagkuwento sa akin sa plano ng ex-husband ni Carmina Villarroel.

Kabilang ang mag-asawang Bennie at Julius Espina ng California sa mga unang nakaalam sa lihim ni Rustom. Ang mag-asawa ang naging “adoptive parents” ni Rustom nang mag-migrate ito sa Amerika.

rustom2.jpg

Sila rin ang naging business partner ni Rustom sa Rusbloom Skin Care Products business na hindi nagtagal dahil nagkaroon sila ng falling out.

rustom1.jpg

Itinuring na tunay na anak nina Bennie at Julius si Rustom. May balita pa noon na gusto ni Rustom na maging legal ang pag-ampon sa kanya ng mag-asawa.

Sina Bennie at Julius ang mga saksi sa mga pagdurusa na pinagdaanan ni Rustom dahil hirap na hirap na ito sa pagpapanggap.

*******

Maraming kuwento tungkol kay Rustom noong nag-uumpisa pa lamang siya sa showbiz.

Ang tsismis na sumali siya noon sa isang gay contest sa Baguio City, na mariin niyang pinabulaanan.

rustom07.jpg  rustom8.jpg

Ang hindi inililihim na “crush” sa kanya ng isang award-winning director, na siya ang pinaka-responsible sa Padilla brothers at ang well-publicized love affair nila ni Carmina na pansamantalang pumatay sa malicious rumors na gay siya.

Nakasama namin ni Ai-Ai Delas Alas si Rustom sa maraming lakad. Umuuwi pa noon si Rustom sa bahay nila ni Carmina sa Parañaque City. Madalas na magkasabay kami sa pag-uwi dahil nakatira pa ako noon sa Laguna.

Noon pa man, napansin ko na ang pagiging matipid at masinop ni Rustom sa pera.

Kapag lumalabas kami noon, madalas na tinatarayan ni Ai-Ai si Rustom dahil siya ang palaging nagbabayad ng bill. Hindi nagdadala ng cash si Rustom.

Sa tuwing sinasabi ni Ai-Ai kay Rustom na ito ang magbayad, “tseke ang dala ko,” ang palaging sagot ng aktor.

Conscious din si Rustom sa kanyang edad. Nang itanong ko ang kanyang tunay na edad, naging honest siya pero nakiusap na huwag nang isulat ang real age niya.

Kapitbahay noon ni Rustom sa Parañaque si Ryan Agoncillo, na nag-uumpisa pa lamang noon bilang TV host sa morning show ng GMA-7. Nagkakilala kami ni Ryan dahil ako ang casting director noon ng Star Olympics at sila ang kinuha ko para maging anchors.

Si Ryan ang unang nagsabi sa akin na gay ang kanyang kapitbahay na aktor.

Pinaniniwalaan ko ang revelation ni Ryan kahit “namatay” na noon ang gay issue tungkol kay Rustom.

Nang aminin ni Rustom ang pagiging gay, si Ryan ang naalaala ko dahil napatunayan niya na totoo ang kanyang ikinuwento sa akin.

*******

Nakilala ko si Donita Ganzon a.k.a. Celedonio Ganzon nang interbyuhin ko siya noong 2004.

rustom3.jpg

Registered nurse si Donita sa California at siya ang kauna-unahang Asian-American transgender woman na nagsampa ng kaso laban sa US Citizen and Immigration.

Kinasuhan ni Donita ng discrimination ang nabanggit na U.S. government agency dahil sa desisyon nito na huwag bigyan ng legal residency ang kanyang asawang si Jiffy Javellana dahil sa pag-amin nito na dati siyang lalake na sumailalim sa sex reassignment operation.

rustom06.jpg

Si Donita ang author ng Overnight Woman, ang libro tungkol sa kanyang mga karanasan noong namumuhay pa siya bilang lalake at ang mga struggle para matupad ang pangarap niya na maging ganap na babae.

rustom05.jpg

Nanggaling sa kanyang pet dog ang pangalan na Donita. Noong lalake pa siya, may dalawang alagang aso si Celedonio, sina Dona at Donita. Pinili ni Celedonio na maging pangalan niya ang Donita dahil dainty yet fiery ang kanyang pet dog na si Donita.

Makulay ang buhay ni Donita. Nakatikim siya ng mga panglalait dahil sa kanyang kasarian na hindi masyadong tanggap ng lipunan noong kabataan niya.

Magandang babae si Donita. Babaeng-babae ang kanyang itsura, pati na ang kanyang pananamit at pagsasalita kaya maraming lalake ang nabaliw sa kanya.

rustom4.jpg

Walang-wala sa physical appearance at boses ni Donita na dati siyang lalake. Maraming lalake ang nakarelasyon niya pero hindi nila natuklasan ang kanyang tunay na pagkatao.

Sixty-two years old na si Donita pero nananatiling bata ang kanyang itsura.

Nakakaramdam siya ng emptiness at loneliness pero hindi ito naging sagabal para hindi niya ipagpatuloy ang kanyang pangarap na maging TV host at aktres sa Hollywood.

At 62, maraming pangarap at plano si Donita. Gusto niya na maglingkod sa kapwa at tumulong sa mga nangangailangan.

*******
Big news ang pagbabalik ni BB Gandang Hari sa Pilipinas mula sa New York noong January 16, 2009.

Walang kagatol-gatol na sinabi ni BB na patay na si Rustom Padilla at mula ngayon, si BB na ang makikita at makikilala ng mga tao.

May mga na-shock sa “drama” ni BB, pero hindi ako kabilang sa kanila. Nang mapanood ko si Rustom na nakabihis-babae sa Gawad Urian noong nakaraang taon, may kutob ako na tuloy—tuloy na ang pamumuhay niya bilang ganap na babae.

*******

Napanood ni Donita ang mga TV guesting ni BB Gandang Hari. Ikinatuwa ni Donita ang desisyon ni BB na panindigan ang pagiging babae, pero may mga payo siya na gustong iparating sa “controversial actress.”

Hindi itinanggi at lalong hindi kinumpirma ni BB na may plano siya na magkaroon ng sex reassignment operation. Nonetheless, nagbigay si Donita ng unsolicited advice para kay BB..

“She needs hormonal therapy, psychiatric consultation and sessions. BB really needs professional guidance.

“I met her once in Van Nuys but we didn’t get the chance to talk. Lalake pa siya noon. She’s doing the right thing. Kailangan din niya na kumunsulta sa isang endocrinologist para lalo siyang gumanda at magkaroon ng feminine voice.

“I admire BB. For her to come out, she’s really brave. She’s a courageous woman, but she needs the support of her family,” ani Donita.

Naging malungkot ang boses ni Donita nang mapadako ang usapan tungkol sa pagkakaroon ng partner ng isang transsexual at ang pahayag ni BB na ayaw nitong tumanda na nag-iisa.

“There is no guarantee that she will find a lifetime partner. The saddest part of my life was when I was dumped by my boyfriend. Kung gusto ni BB na magkaroon ng sex reassignment surgery, kailangang mag-behave siya bilang isang tunay na babae. Do not be promiscuous. Iwasan ang mga one-night stand.

“In my case, lima lang ang tunay na minahal ko. More than a hundred ang nakarelasyon ko pero isang lalake lang ang hindi ko sinabihan tungkol sa aking tunay na pagkatao at mababasa ‘yon sa Chapter 14 ng Overnight Woman.

“Kung may sasabihin man ako sa Diyos, hihingi ako ng tawad sa kanya. I will tell Him I’m sorry for my sins. Alam ko na maiintindihan Niya ako dahil naglilingkod ako sa Kanya at sa aking kapwa. Naintindihan ko rin ang tunay na kahulugan ng salitang sacrifice.

“Given the chance, I would like to meet BB, be her mentor, friend and guide…”

(Updated) “Skittles” Star: Jonjon Briones

Filed under: Features — admin at 11:57 am on Monday, January 19, 2009

Dahil sa aming kaibigan na si Miguel Vera, madali naming nahanap ang contact number ni Jonjon Briones, ang Filipino stage actor na bida sa hilarious TV ad ng Skittles.

Si Jonjon ang gumanap na mirror image ng American guy customer sa Skittles TVC na kasalukuyang ipinalalabas sa buong Amerika.

Ginamit ni Jonjon sa kanyang eksena ang ating sariling wika kaya nalaman kaagad ng mga kababayan natin na Pilipino siya.

Matagal nang naninirahan sa Amerika si Jonjon, sa piling ng kanyang American wife na si Megan Johnson at ng kanilang dalawang anak, sina Isa at Teo.(Photos courtesy of www.brionestalent.com)

jonjonbriones.jpg  meganbriones.jpg

briones.jpg

Parehong mga artist sina Jonjon at Megan kaya hindi nakapagtataka na namana ng kanilang anak na si Isa ang hilig nila sa pag-arte. Si Isa ang gumanap na anak ni Matt Dillon sa pelikulang Bone Deep na ipapalabas sa mga sinehan sa 2010.

Co-stars nina Matt at Isa sa Bone Deep sina Hayden Christensen at Paul Walker.

*******

Member ng MET Chorus si Jonjon. Ang kanyang impressive talent sa pagkanta at pag-arte ang naging daan para makapasa siya sa audition ng Miss Saigon.

Kasama si Jonjon sa original cast ng Miss Saigon na itinanghal sa London noong 1989 at pinagbidahan ni Lea Salonga.

Si Jonjon ang gumanap na The Engineer sa pagtatanghal ng Miss Saigon sa Asia at Germany. Lumabas din siya sa ilang TV shows sa U.S. gaya ng Las Vegas, Monk, Moonlight, General Hospital, among others.

Tenor/Baritone singer si Jonjon. Dahil na rin sa kanyang madalas na pagbibiyahe at mga role na ginampanan, natuto siya na magsalita ng German language. Na-master na rin niya ang Spanish, Latin at Italian diction.

*******

Hating-gabi na sa California nang magkausap kami ni Jonjon sa telepono. Matatas pa rin ang pagsasalita niya ng wikang Filipino sa kabila ng matagal na paninirahan niya sa Amerika.

Hindi makapaniwala si Jonjon nang sabihin namin na unang napanood sa 66th Annual Golden Globe Awards ang wacky TV ad ng Skittles na may pamagat na Reflect The Rainbow.

May dahilan para matuwa si Jonjon, milyun-milyon ang nakapanood sa kanyang TV commercial dahil milyun-milyon ang nag-abang at nanood ng live telecast sa U.S. ng Golden Globe Awards.

Isang taon na ang nakalilipas mula nang gawin ni Jonjon ang Skittles commercial. Natagalan ang airing ng TV ad dahil madugo ang editing nito, gawa na rin ng mirror image technique.

Ipinadala si Jonjon ng talent agency sa audition. Maraming Filipino-American ang sumali sa audition pero tanging si Jonjon ang nakapagsalita ng malinaw at diretsong Tagalog. Nagustuhan din ng casting director ang kanyang Pilipinong-Pilipino na itsura.

Thai national ang gumanap na tailor sa TV ad. Ayon kay Jonjon, in real life, talagang nakakatawa ang Thai na nakasama niya sa Skittles TV ad.

Dumaan si Jonjon sa apat na call back, pero sa pangatlong call back, sinabi sa kanya ng casting director na malaki ang tsansa na mapili siya.

*******

“Ah, talaga?” ang natatawang sagot ni Jonjon nang sabihin namin na rinig na rinig sa TV ad ng Skittles ang pagmumura niya. Ikinuwento ni Jonjon na binigyan siya ng direktor ng TV ad, ng freedom para sabihin sa sarilling wika ang kanyang mga gustong sabihin. Ang classic line na, “Nagugutom nga ako, eh…Sabing nagugutom na ako, eh…P****i*** mo!

Inabot ng five takes ang eksena ni Jonjon, and out of five, ang part na nagmura siya ang napili at ipinalabas sa Amerika

Imposibleng hindi alam ng advertiser na equivalent ng katagang “Your mother is a whore” ang P****i** mo,” na linya ni Jonjon, dahil sa dami ng feedback na natatanggap nila mula sa American at Fil-American televiewers.

Aliw na aliw ang mga Amerikano sa TV ad kahit hindi nila naiintindihan ang salita ni Jonjon at ng Thai na kasama sa eksena.

Walang souvenir photo si Jonjon mula sa commercial shoot dahil hindi niya ugali ang magdala ng camera.

*******

May plano si Jonjon na bumalik at magbakasyon sa Pilipinas pero baka matagalan pa ito dahil marami siyang ginagawa sa Amerika.

Nasa malayong lugar man sila ng kanyang pamilya, natatanggap ni Jonjon ang mga feedback sa TV commercial na naging susi para mapansin siya ng ating mga kababayan sa iba’t-ibang bahagi ng mundo.

Kuwelang-kuwela at mabentang-mabenta sa mga Pilipino ang pagmumura at pagbasag ni Jonjon sa life-size mirror.

Ang message ng TV ad? Masama at hindi dapat gutumin ang mga Pinoy!


P.S.

Nabasa na ni Jonjon ang aking entry tungkol sa kanyang pinag-uusapan na TV commercial. Medyo nalito ako sa pahayag ni Jonjon, lalo na sa parte kung saan sinabi niya na hindi siya nagmura. Pero naiintindihan ko ang kanyang situwasyon.

Mura man o hindi ang kanyang sinabi, ipinagmamalaki namin ang participation ni Jonjon sa Skittles TV commercial.

Ito ang panig ni Jonjon:

“Hey Jojo. Thanks for the article. Although I’m very disappointed that I’m misrepresented. I told you I didn’t say the bad words that you thought I said. When we spoke I did not understand what your article was all about until I saw the reactions on you tube. I was very aware of what I wanted to say during the commercial shoot.  

“(1) Because my scene partner did not speak my language so we talked about what we should say so the reactions match;

“(2)  I know I’m representing the Filipino people with this commercial. Tagalog on mainstream American TV! That’s a big deal to me and I take that seriously because I want people to know that we belong in the big league.

“So I would never do anything to cheapen this commercial by saying something crass like a mura. It’s too cheap and does not serve a purpose. I have children and they watch this commercial. I hope you understand my reaction. I did this commercial with pride because I have the opportunity to present Filipinos on primetime TV and for people to just want to talk about whether I said ‘T…I..’ (I said ‘parati kang ganyan, parati mo na lang akong pinagsasabihan’ because he was telling me not to eat while working) or not is very disappointing.

“The commercial was well made and funny…that’s all. If you want to dig deeper into it…Reflect the Rainbow actors of different color reflecting each other in the commercial…Two Asian guys speaking different languages but understanding each other…That’s what I think anyway.

“Anyway, thanks again Jojo and more power to you.” 

Blind items madness!!!

Filed under: Features — admin at 11:55 pm on Thursday, January 15, 2009

May kakaibang kiliti na inihahatid sa readers ang mga blind item tungkol sa mga celebrity.

May satisfaction sila na narararamdaman kapag nahuhulaan nila ang mga artista na tinutukoy ng blind item.

Nagsusulat kami ng mga blind item pero kadalasan, hindi kami nagbibigay ng clue. At isang bagay ang sigurado at aming maipapangako, hindi imbento ang mga blind item na aming isinusulat.

Pero minsan…Actually, kadalasan, may mga artista na nagke-claim na sila ang subject ng blind items kahit hindi.

May mga artista rin na nagpiprisinta sa mga entertainment writer na i-blind item ang kanilang mga karanasan.

May mga artista na source ng mga blind item tungkol sa kanilang mga kaibigan.

May mga reporter na binabali ang kuwento para hindi ma-identify ang mga karakter sa kanilang blind item at para iwas-libel case din.

Kanya-kanya ng diskarte pero kesa palitan ang kuwento at iligaw ang readers, mas mabuti na huwag na lang magbigay ng clue.

Narito ang mga first-hand blind items mula sa “Cabinet Files”:

Hindi ako magbibigay ng idea sa identity ng controversial celebrity na nadismaya nang malaman niya mula sa kanyang doktor na hindi pa all over the papers ang self-inflicted scandal na  kanyang ginawa.

Tikom na tikom ang bibig ng aktres tungkol sa kanyang “same sex experience.” Nilayuan ng aktres ang kaibigang aktres dahil ito ang may-hawak ng kanyang lihim. Ang kaibigang aktres ang naghanap ng babae para sa aktres na gustong makaranas makipagtalik sa kapwa-babae. Dahil parehong sikat, foreign girl ang “inarkila “ ng kaibigang aktres para hindi sila makilala. Lumabas ang dark secret ng aktres dahil ang kaibigang aktres din ang nagkuwento.

Malakas na suspetsa ng aktres na pedophile ang lalake na pinakasalan niya. Ipinagtapat ng aktres na maraming beses na niyang nahuli ang kanyang asawa habang nasa harap ng computer at pinagmamasdan ang mga litrato ng mga hubad na batang babae. Sleeping with the enemy ang aktres?

Galit na galit ang respected at sikat na aktres sa asawa ng kanyang kaibigang aktres. Nagsumbong sa respected actress ang anak ng kaibigan niya: Inaabuso ang bata ng kanyang ama-amahan. Ayaw namang paniwalaan ng aktres ang kuwento ng kanyang kawawang anak.

Nagkaroon ng relasyon ang sikat na aktor at sikat na aktres habang gumagawa sila ng pelikula. Masyadong passionate ang kanilang love affair Wala silang pinapatawad na lugar kapag gusto nilang pakawalan ang init ng mga nagbabagang katawan. Nang matapos ang showing ng pelikula, natapos din ang kanilang relasyon.

Mahilig sa “backdoor entrance “ ang aktor. Ang  mga naging girlfriend ang nagkukuwento tungkol sa kakaibang “sex trip “ ng aktor. Out of curiosity, tinanong namin ang aktor kung totoo ang balita na narinig naming tungkol sa kanya. Hindi umamin at hindi nag-deny ang aktor. Basta ang sabi niya, “Masarap ‘yon! “ Confirmed ang balita. Hindi na kami nag-follow up question.

Kiss-and-tell ang young actor. Kahit hindi tinatanong, nagkukuwento siya tungkol sa foursome experience nila ng kapwa young actor na wala ring respeto sa babae.

Kung may kiss-and-tell actors, meron ding mga kiss-and-tell actresses. Na-turn off ang isang actor-politician sa kanyang other woman na aktres dahil sa harap ng kanilang mga kaibigan, ikinuwento ng kiss-and-tell actress ang sexcapades nila.

Ipinamalita ng singer-actress na hindi well-endowed ang kanyang actor boyfriend. Pinagsabihan namin ang singer-actress na huwag siraan ang dating karelasyon. Paano kung sabihin ng aktor na hindi maliit ang kanya, malaki lang ang _____ ng singer-actress? Mula noon, nanahimik na ang singer-actress.

Hinuli ng mga pulis sa isang drug buy-bust operation ang asawa ng aktres. Big news ang nangyari pero hindi ito lumabas sa media. Nagkaroon ng news black-out. Sino ang magsasabi na walang himala…?

Mahilig sa role-playing ang ex-boyfriend ng dating aktres. Naranasan ng aktres na gumanap na “teacher“  at estudyante ang kanyang former boyfriend.

Pumayag ang dating aktres na i-video ng ex-boyfriend ang mainit na eksena. Worried ngayon ang aktres na baka mapunta sa ibang kamay ang video na puwedeng ikasira ng “career “ ng  kanyang dating boyfriend.

May isang celebrity na may daring image na daring din sa tunay na buhay dahil pinalitan niya ang mga tag price ng mga item na kanyang binili nang mag-shopping siya sa isang mall abroad. Ginawa ng “daring” celebrity ang krimen sa loob ng fitting room. Pinagpalit niya ang tag price ng mga sale item sa tag price ng mga regular item. Hindi nahalata ng sales clerk ang krimen ng “daring” celebrity, na ipinagmalaki pa sa shopping companion ang kanyang ginawa. Hindi na nagtataka ang shopping companion kung bakit mailap ang suwerte sa daring celebrity.

Blind items, anyone?

Predictions…”just for fun”

Filed under: Features — admin at 5:38 pm on Tuesday, January 6, 2009

Goodbye 2008! Welcome 2009!

Isang  kaibigan ang nagtanong ng aking animal sign sa Chinese astrology dahil  gusto niyang malaman ang magiging kapalaran ko sa 2009.

“God has been good to me, and every year has been a good year for me,” ang isinagot ko sa kanya dahil naniniwala ako na nagpapalit lang ng numero ang mga taon, at nakasalalay ang kapalaran ng bawat isa sa  faith natin sa Diyos, sa magandang pakikisama natin sa  kapwa, at pagmamahal sa pamilya at trabaho.

Pinaniniwalaan ko ang mga hula kung positive ito at ginagawang warning kung hindi ito pabor sa akin.

Isang kaibigan na aktres ang nagrekomenda sa akin sa Astrology Zone ni Susan Miller dahil tumpak ang karamihan sa mga sinasabi ng American astrologer.

Naniniwala ang aktres kay Susan dahil libre ang kanyang mga forecast at nangyari sa kanya ang mga prediction nito.

Sa tuwing matatapos ang taon, sari-saring mga hula ang nababasa at naririnig natin mula sa mga manghuhula.

Kadalasan, mga showbiz personality ang hinuhulaan ng mga manghuhula at kung ating mapapansin, paulit-ulit lamang ang sinasabi nila, like may mabubuntis na artistang babae, na talagang mangyayari dahil walang artistang lalake na nagbubuntis. May veteran star na papanaw na expected dahil may edad na nga siya. Patuloy na bubulusok ang career ni so-and-so na artista. Hindi ako naniniwala sa mga manghuhula na gumagamit sa salitang “bulusok” dahil papaimbulog o papailanlang ang wastong salita. Ang salitang “bulusok” ay equivalent ng English word na “dive,” na ang ibig sabihin, babagsak ang career ng artista na hinulaan na bubulusok ang career.

Weird at amusing ang karamihan sa mga hula. At kung kaya nila na mag-predict, aba, kaya ko rin, but to quote Dr. Hayden Kho, Jr., “just for fun” nga lang:

During the ninth month of her pregnancy, manganganak ang PEP Celebrity blogger na si Giselle Sanchez. Ganoon din sina Lucy Torres-Gomez, Mylene Dizon at iba pang mga aktres na buntis.

Aaminin nina Marian Rivera at Dingdong Dantes ang kanilang relasyon, pero magkakaproblema sila dahil may masasangkot na third party. Ang pangalan ng third party? Christmas!

Babalik sa Pilipinas si Nora Aunor. Kung kailan? Tanging siya ang nakakaalam.

May makikita si Lolit Solis sa poolside ng isang five-star hotel pero hindi niya sasabihin kung sino. Pero kapag siya’y pinilit, sasabihin niya rin.

Magkakabalikan sina Dra. Vicki Belo at Hayden pero magkakahiwalay uli. Magkakabalikan…magkakahiwalay.

Hindi makakatiis si Hayden. Babalik siya sa showbiz para ipagpatuloy ang kanyang naudlot na acting career. Magiging contestant uli siya sa game portion ng Eat Bulaga! na papalitan ang pamagat, from “Kontra Pelo” to “Kontra Belo.”

Magkikita sina Hayden at Katrina Halili sa isang event pero hindi sila magpapansinan, even if it’s  just for fun.

Hindi tatakbo si Batangas Governor Vilma Santos sa 2010 elections dahil mas gusto niyang maglakad.

Magkakabalikan sina Jolina Magdangal at Bebong Muñoz. Magkakabalikan sila sa…panaginip.

Magiging 12 ang 11 sports car ni Willie Revillame.

Isang direktor ang mamamaalam…pupunta siya sa ibang bansa.

Magkukuwento ang Kapuso stars na nakita nila sa studio ng GMA 7 si Marky…si Marky Lopez.

Ire-reformat ang game show ni Gretchen Barretto para mag-rate na ito, from You  & Me Against The World to I’m Against The World.

Magkakasundo sina Gabby Concepcion at Mrs. Rose Flaminiano.
Magkakasundo sila na huwag nang magkasundo.

Ipagpapatuloy ng ABS-CBN ang claim na sila ang number one network, pero patuloy itong kokontrahin ng GMA-7.

Magkikita si Ruffa Gutierrez at ang kanyang ex-husband na si Yilmaz Bektas dahil uuwi ito ng Pilipinas para dalawin ang kanilang mga anak.

Magpapakasal sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo. Basta, magpapakasal sila!

Gagawa uli ng pelikula ang Regal Films para sa 2009 Metro Manila Film Festival, Shake, Rattle & Roll Xl at Desperadas 3.

Magku-quit sa showbiz ang mga artista na wala nang movie at TV offers.

And lastly, mangunguna ang PEP sa paghahatid ng mga breaking news sa showbiz  at magiging source ng mga  importanteng impormasyon ang mga PEPsters.