| Register
Jojo Gabinete: Cabinet Files

Gabi ng Parangal…at Musikal!

Filed under: Features — admin at 1:21 pm on Monday, December 29, 2008

 Dati-rati, kinukuwestiyon ko ang choice of winners ng mga hurado ng Metro Manila Film Festival, pero nang tumagal, tinanggap ko na ang katotohanan na sila pa rin ang mga juror at  kung sino ang mga ibinoto nila, hindi na mababago.

Walang ipinagkaiba ang katatapos na awards night sa mga nakaraang gabi ng parangal ng MMFF.

May mga surprising at predictable winner. Kung may nakaka-miss man, ito ay ang presence ng maingay ng mga tagahanga na panay ang pa-picture, kasama ang mga artista na present sa event.

Nasaan ang fans? Bakit missing in action sila? Ang sagot, ang P10,000 per dinner plate. Naging mahigpit sa pagpapasok ang mga bantay ng Harbor Garden Tent ng Philippine Plaza. Pinairal nila ang no ticket, no entry policy dahil mahal ang bayad sa dinner.

Expensive ang tickets dahil  pagkatapos ng awards night, ang pagtatanghal ng Katy, The Musical ang mapapanood ng audience.

Ka-table ko ang 9-year old child actor na si Robert Villar. Pagdating ko pa lang, sinabi ko na agad kay Robert at sa kanyang ina na siya ang mananalo ng best child performer trophy.

True enough, si Robert ang nagwagi. Kasali si Robert sa dalawang pelikula, ang Iskul Bukol…20 Years After ng Octoarts-MZet Films at ang Shake, Rattle & Roll X ng Regal Entertainment Inc. Nanalo si Robert dahil sa performance niya sa Shake, Rattle & Roll X pero para sa akin, mas mahusay siya sa Iskul Bukol.

Tuwang-tuwa si Robert nang tawagin ni Boy Abunda ang kanyang pangalan. Nagmamadali siyang tumakbo paakyat sa stage para kunin ang trophy niya. Nang bumalik si Robert sa table namin, medyo disappointed ang bata. Naghanda yata si Robert ng acceptance speech pero hindi siya nabigyan ng chance na magsalita.

All-white ang  tuxedo outfit ni Ai-Ai Delas Alas. Nang makita ko sa wide-screen monitor ang pagdating niya, nag-text agad ako sa kanya. Ang sabi ko, “Ate Guy na Ate Guy ang itsura niya!”

Mabilis ang reply ni Ai-Ai. Britney Spears-inspired ang kanyang outfit, hindi Ate Guy. Kahit saang anggulo ko tignan si Ai-Ai, si Ate Guy ang nakikita ko sa katauhan niya.

Si Phillip Salvador ng best supporting actor winner. Natuwa ako sa tagumpay ni Phillip dahil baka sakaling makatulong ang acting award niya para magtuloy-tuloy na ang pagsigla ng kanyang showbiz career. Si Jesus Christ ang unang pinasalamatan ni Phillip nang tanggapin nito ang kanyang best supporting actor trophy. Nang mapansin niya na walang masyadong pumalakpak. Nagsalita siya ng, “Wala ba kayong palakpak kay Jesus? Kung may palakpak kayo kay Jesus, may bonus kayo!”

No-show si Manilyn Reynes sa awards night. Si Manilyn ang best supporting actress ng 2008 MMFF para sa One Night Only. May balita na hindi tumulong si Manilyn sa promo, hindi sumama sa parada, at hindi niya sinipot ang awards night dahil hindi siya masaya sa below-the-title billing ng kanyang pangalan sa mga poster at billboard ng One Night Only. Siguro naman, naging masaya si Manilyn, even for one night only, dahil sa award na napanalunan niya.

Katabi namin ang table ng Viva  Films at ang co-producer ng Baler. Ang table nila ang pinakamasaya dahil humakot ng awards ang kanilang pelikula.

Ang Baler ang tumanggap ng best festival picture, best festival director para kay Mark Meily, best festival actress (Anne Curtis), Gatpuno Antonio Villegas Cultural Award, Best Gender Sensitive Film, Best Festival Screenplay, Best Festival Editor (Danny Anonuevo), Best Festival Production Design ( Abet Santos ) at Best Festival Cinematography ( Lee Meily).

Nadaragdagan ang bilang ng mga nanonood ng mga pelikula na hinihirang na best MMFF picture. Sa kaso ng Baler, given na pipilahan na ito sa box-office ng moviegoers na matino at magandang pelikula ang gustong panoorin.

Sa speech ni MMDA Secretary Bayani Fernando, ibinalita nito sa audience na palabas sa 658 theaters sa buong bansa ang mga pelikula na kalahok sa MMFF at tumaas ng 37% ang box-office gross. Umaasa si Chairman Fernando na mahihigitan ng current filmfest ang almost halos 500 billion pesos na kinita ng 2007 Metro Manila Film Festival. Ang MMDA at ang mga mayor ng Metro Manila ang organizer ng MMFF.

One Night Only?

Filed under: Features — admin at 2:39 pm on Thursday, December 25, 2008

Merry Christmas to everyone!

Naging busy ako mula nang pumunta ako sa Amerika noong November 24 kaya  pansamantalang hindi nabuksan ang files ng aking cabinet.

Pinilit ko na magsulat ngayon kahit napagod ako sa pagsama sa Parade of Stars—na ginanap kahapon, ika-24 ng Disyembre—na nag-umpisa sa Luneta Park at nagwakas sa harap ng SMX Hall sa Mall of Asia.

Habang hinihintay ko na mag-umpisa ang parade, isang babaeng hindi ko kilala ang lumapit sa akin at nag-dialogue ng, “Direk, congrats…Ang ganda ng pagkakagawa mo sa pelikula…”

“Hindi po ako direktor,” ang mabilis na sagot ko sa babae pero napangiti ako at nag-isip—sino kaya ako sa kanyang paningin, si Joey Reyes o si Joel Lamangan?

*******

Sumakay ako sa float ng One Night Only dahil sinamahan ko si Diana Zubiri, na kasama sa cast ng pelikula.     

Sina Diana, Katrina Halili, Alessandra De Rossi, Valerie Concepcion at Jennylyn Mercado ang mga bidang babae sa One Night Only. 

one-night-only-cast.jpg

Sa kanilang lima , sina Diana at Katrina lang ang sumali sa parade. Nagpunta sa Italy si Alessandra, masama raw ang pakiramdam ni Jennylyn at may hosting job pa si Valerie. Humabol si Valerie. Sumakay siya sa float pero nasa tapat na ito ng Mall of Asia. Better late than never.

Si Chokoleit ang nagbigay-buhay sa unfinished float ng One Night Only. Dumadagundong ang kanyang boses habang iniimbitahan niya ang mga tao na panoorin ang pelikula. Ang hindi manood, magiging kamukha niya.

Nang makita ni Chokoleit  ang float ng Shake, Rattle & Roll  X, nagsalita siya na mas bagay sa kanya na sumakay doon dahil pang-horror movie ang itsura niya. Nakakatawa si Chokoleit. Ang husay-husay niya sa One Night Only na highly-recommended namin sa lahat dahil isa ito sa pinakamagandang pelikula na kasali sa 2008 Metro Manila Film Festival.

Nagmumuni-muni kami habang nakasakay sa float ng One Night Only dahil si Katrina ang nasa POV namin.

fdsf1.jpg

Sinayang namin ang pagkakataon na kausapin at tanungin si Katrina  tungkol sa pag-amin ni Dr. Hayden Kho na nagkaroon sila ng relasyon habang nasa kainitan ang love affair ng huli kay Dra. Vicki Belo. Pang-one night only lang kaya ang kanilang naging relasyon noon?

Alam namin na hindi magiging komportable si Katrina. Kahit sinasabi niya na hindi siya apektado ng kontrobersiya, halata sa kanyang mukha na nasasaktan siya sa mga lumalabas na isyu. Tao lamang si Katrina. Hindi kasalanan ang masaktan.

In fairness to Katrina, hindi siya nag-deny at wala rin siyang inamin. Consistent ang kanyang mga sagot. Nag-usap na sila ni Dra. Belo at okey na sila.

Nabalitaan namin na nabawasan na ang tampo ni Dra. Belo kay Katrina dahil  naging honest ito sa kanya at nag-sorry pa.

*******

Naipit kami sa matinding trapik noong Martes, ika-23 ng Disyembre, kaya  hindi na kami umabot sa interview kay Hayden sa bahay nito sa Quezon City. Ang nasabing interview ay nangyari ilang oras pagkatapos ng paglabas niya mula sa basement ng Makati Medical Center.

Si Mrs. Irene Kho, ina ni Hayden, ang gustong-gustong lumabas sa TV si Hayden para pabulaanan ang balita na nawala sa katinuan ang kanyang anak.

Ipinagtapat ni Hayden na tatlong araw siyang walang malay dahil daw sa kanyang “suicide attempt. Dagdag pa niya, “But I rose after three days.”

Isa lamang ito sa mga classic statements ni Hayden, ang lalake na nag-spell out sa TV ng L-O-V-E para i-prove ang pagmamahal niya kay L-O-V-icki.

haydenbelo1.jpg

Medyo bayolente ang reaksiyon ng mga tao sa pahayag ni Hayden dahil parang ikinukumpara niya ang sarili kay Jesus Christ.Ang original plan ay kunan lamang ng VTR footage si Hayden, pero nabago ito dahil nakumbinsi siya na magsalita sa harap ng mga TV camera.

Hindi na kami nagulat nang i-deny ni Hayden ang kumakalat na balita na may video siya na kasama ang ibang mga babae. Parang siya na ang sumira sa sarili kung aamin siya dahil ikasisira ito ng kanyang propesyon bilang doktor.

Pero kung talagang walang video, ano ang sinasabing matibay na ebidensya na pinanghahawakan ni Dra. Belo? Bakit nagsalita si Hayden na nagkasala siya sa kanyang “amore” at “my princess”?

Na-appreciate namin ang honesty ni Hayden nang aminin nito na totoong nagtangka siyang magpakamatay dahil sa sobrang pagmamahal kay Dra. Belo.

Pero nakakaalarma ang kanyang statement dahil posibleng makaaapekto ito sa medical profession niya. Puwedeng mabawasan o mawala ang tiwala ng mga pasyente kay Hayden dahil sa pagpapakita nito na hindi siya emotionally-stable.

Si Hayden ang kauna-unahang doktor na napanood namin sa TV na umaminng nag-suicide attempt at nagdetalye pa ng kanyang mga ginawa.

Nalaman namin na pagkatapos ng interview kay Hayden, umupo ito sa harap ng piano, tumugtog at kumanta.

Nang dumating  naman sa bahay nila ang staff ng Showbiz Central, nag-beg off si Hayden. Nag-apologize siya. Sinabi niya sa staff ng Showbiz Central na hiramin na lang ang VTR interview sa kanya ng 24 Oras.

*******

Naging ugali na ni Hayden na mag-surf sa Internet at i-Google nito ang pangalan tuwing umaga  para malaman niya ang mga bagong balita tungkol sa kanya.

Kung sakaling nagbabasa ngayon si Hayden, gusto naming iparating sa kanya na  maraming katanungan ang naghihintay ng mga kasagutan. Like, nag-umpisa ba ang relasyon nila ni Katrina nang mag-pose sila ng nude sa pictorial para sa website ng Belo Medical Group?  Interesado ang mga tao na malaman ang katotohanan at ang “cabinet files” ni Hayden.