| Register
Jojo Gabinete: Cabinet Files

My talent is not a fish!

Filed under: Features — admin at 3:14 pm on Tuesday, October 28, 2008

Si Purita Alvior ay isang manghuhula. Paborito ko siya kasi kapani-paniwala ang kanyang mga sinasabi, lalo na kung positive ang mga ito. Sa katunayan, maraming beses nang nagkatotoo ang mga hula niya sa akin.

Noong February 11, 2002, isang araw bago ganapin ang selebrasyon para sa Chinese New Year, pinuntahan ko si Ate Purita sa kanyang puwesto sa ground floor ng Pan Pacific Hotel.

Tinandaan pero hindi ko pinaniwalaan ang hula ni Ate Purita. Ang sabi niya, “Magkakaroon ka ng alaga at magiging kilalang artista siya.”

Hindi ako naniwala dahil wala sa naman plano ko ang maging talent manager. Kuntento na ako sa pagiging entertainment columnist.

*******
June 2002 nang makatanggap ako ng tawag mula sa kaibiganng si Eric Ramos, ang dating editor in chief ng FHM magazine. Tinanong ako ni Eric kung puwede kong tulungan ang isang baguhan na sexy star, si Diana Zubiri.

Kakalas na raw si  Diana sa kanyang manager na si Jimmy Mercado dahil gusto nito na pagsayawin siya sa isang beerhouse.

Pumayag naman akong makipagkita kina Eric at Diana sa Mangan Restaurant sa second floor ng Robinsons Galleria.

Ang bungad na tanong sa dalaga, “Paano ka naging artista?”

Ang akala ni Diana, tinatanong ang tungkol history kung paano siya na-discover.

Ang hindi niya alam, naitanong ito dahil hindi siya mukhang artista, at least sa aking paningin, sa kanyang suot na T-shirt, denim jeans at denim jacket.

Ikinuwento ni Diana ang pag-uumpisa ng kanyang showbiz career. Si Ate Purita ang nasa isip ko habang kausap si Diana.

Ang sabi ko noon kay Diana ay tutulungan ko siya, perso huwag siyang mag-expect dahil reporter ako, hindi talent manager.

*******
September 15, 2002. Nagpunta kami sa Tagbilaran, Bohol, para sa pictorial ng 2003 FHM Calendar nina Diana, Maui Taylor at Aubrey Miles.

aubrey.jpgMay pictorial si Aubrey na hitch-hiker siya pero bikini ang suot. Nagustuhan namin ang pictorial pero ni-reject ito ni Dondon Monteverde, ang manager ni  Aubrey. Masyadong sexy ang pictorial dahil thong ang suot ng kanyang alaga.

At that time, pinaplano na ni Eric ang December 2002 issue ng FHM. Si Diana ang kanyang iniisip na ilagay sa nabanggit na issue.

******

October 23, 2002. Nag-meeting kami ni Eric sa Aprodisia Restaurant sa Annapolis, Greenhills, kung saan pinag-usapan ang magiging concept ng cover pictorial ni Diana para sa FHM.

Naalaala ko ang hitch-hiker pictorial ni Aubrey na ni-reject ni Dondon. Binanggit ko kay na gusto namin ang hitch-hiker concept para kay Diana. Ang sabi ng dating editor, kulang na sa oras ang FHM staff. Hindi na puwede ang out-of-town shoot dahil sa October 29 na ang araw ng pictorial.

Pinairal namin ang pagiging makulit. “Eh, di gawin natin dito sa Metro Manila?”

“Saan?” ang tanong  ni Eric.

“Hmmm, sa SM Megamall! Sa Julia Vargas St.,” ang aming ayaw na paawat na sagot.

“Kailangan ng mayor’s permit,” ani Eric.

“Hindi problema. Nasa Mandaluyong City ang SM Megamall. Sakop ‘yon ni Mayor Abalos. Kaibigan ko ang press secretary niya, si Odette Galino. Puwede akong humingi ng tulong sa kanya.”

Right there and then, tinawagan namin si Odette sa cellphone nito. Pinayuhan kami ni Odette na personal na pumunta sa opisina ni Mayor Abalos para sa permit na hinihingi namin.

Katabi namin si Diana habang nag-uusap kami ni Eric. Nang tanungin namin si Diana kung payag siya sa concept na aming pinaplano, isa lang ang sagot niya, “Tito, basta ibili mo ako ng Nokia 7650 cellphone!”

*******

October 28, 2002. Sa tulong ni Odette, nakausap namin si Mayor Abalos. At that time, iba na ang plano. Imbes na Dona Julia Vargas St., ang fly-over sa harap ng Shangri-la Mall ang bagong location ng pictorial.

Tinapat kami ni Mayor Abalos. Hindi niya kami mabibigyan ng permit dahil area of jurisdiction ng MMDA ang Mandaluyong fly-over. Sa MMDA daw kami dapat humingi ng permit.

May tinawagan kami na may kakilala sa opisina ni MMDA Chairman Bayani Fernando. Pumayag naman ang opisina ni Chairman Fernando at magbigay ng permit to shoot. Mula sa opisina ni Mayor Abalos, dumiretso kami sa MMDA office para kunin ang permit.

It was a long day for us. Mula sa MMDA office, bumalik kami sa opisina ni Mayor Abalos para sabihin na meron nang permit. May bilin si Mayor, bawal ang sexy outfit at huwag mag-pictorial sa malapit sa Archbishop Palace dahil baka maiskandalo ang namayapa nang si Jamie Cardinal Sin.

*******

October 29, 2002. Tutal wala namang malisya sa pictorial, nag-imbita pa kami ng mga TV crew para i-cover ang fly-over pictorial ni Diana.

diana-blog.jpgRed shorts at red bikini top ang suot ni Diana. Nagdesisyon si Eric na ipahubad kay Diana ang red shorts at dito namin naalala ang mahigpit na bilin ni Mayor Abalos. Nagkaroon kami ng kutob na magkakaroon ng problema.

Si Diana? Hala, pose dito, pose doon ang ginawa niya. Iba talaga ang motivation ng Nokia 7650…

Walang trapik sa right lane (papuntang Manila) nang kunan ng litrato si Diana. May traffic sa left lane (Pasig bound), pero iba ang lumabas sa mga news programs. Nagkaroon daw ng matinding trapik dahil sa sexy pictorial ni Diana.

That same night, nakatanggap kami ng tawag sa cellphone mula kay Odette. Galit si Mayor. Ipinatatawag kami sa kanyang opisina.

*******

Kinabukasan, maaga kami sa opisina ni Mayor Abalos. Malumanay ang kanyang pagsasalita.

Bakit daw namin sinuway ang kanyang mga bilin? Nakatanggap daw siya ng maraming reklamo mula sa concerned citizens ng Mandaluyong. Kailangang may  managot sa nangyari.

Ang sabi ni Mayor Abalos, ayaw niyang masira ang tiwala sa kanya ng mga residente ng Mandaluyong. Mabigat man sa kanyang kalooban, kakasuhan niya si Diana.

Hindi na kami nangatwiran kay Mayor, kahit gustung-gusto naming ipaalaala ang kanya ang sinabi na under sa jurisdiction ng MMDA ang Mandaluyong fly-over.

Sinabi namin kay Diana ang desisyon ni Mayor Abalos na idemanda siya.

Ang sagot niya? “Ok po!” As in parang wala lang…

May twist ang kuwento. Hindi lamang si Diana ang kinasuhan ni Mayor Abalos. Kaming dalawa ni Eric, idinemanda rin.

Na-dismiss ang kaso dahil makalipas ang ilang buwan, pinatawad kami ni Mayor Abalos. Up to this day, hindi pa nagkikita nang personal sina Diana at Mayor Abalos. Hindi pa rin sila magkakilala pero nagpapasalamat si Diana kay Mayor dahil sa kontribusyon nito para magkaroon niya ng pangalan sa showbiz.

*******

Marami kaming amusing experiences sa pagiging manager ni Diana. Sa isang  pictorial ni Diana para sa isang produkto, required siya na magsuot ng two-piece swimsuit. Pumayag kami dahil hindi malaswa ang concept.

Ang pagkakamali namin, umalis kami sa studio dahil may binili kami sa labas. Sandaling-sandali lang ang aming pagkawala. Pagbalik namin sa studio,  hindi na two-piece ang suot ni Diana. Lambat na lang!

Pinairal namin ang diplomasya kahit gusto naming isigaw sa photographer ang, “My talent is not a fish! My talent is not a fish! Tao siya! Taooooooo!”

Pero pinigil namin ang sarili. Wala kaming balak na higitan ang performance ni Nora Aunor sa Minsa’y Isang Gamu-Gamo.

“Kuya, hindi po siya puwedeng magsuot ng lambat. Wala ‘yan sa usapan natin. Baka makasuhan tayo,” ang very diplomatic na sabi namin sa photographer.

Mula noon, tiniyak namin na nakabantay kami sa lahat ng mga pictorial ni Diana. Sinabi rin namin sa kanya ang mga karapatan niya, na puwede siyang tumangging gawin ang isang bagay na alam niyang labag sa pinag-usapan. Tao siya. Hindi isda na basta na lang inilalagay sa lambat!

*******

Malapit na uli ang October 29. Six years na ang nakalilipas mula nang maganap ang controversial pictorial ni Diana. Sa tuwing dumaraan kami sa exact spot ng pictorial ni Diana sa fly-over, ang image niya na nakiki-hitch hike sa mga dumaraan na sasakyan ang aming nakikita.

Sold-out ang December 2002 issue ng FHM magazine dahil sa fly-over pictorial controversy. At hanggang ngayon, ito ang best-selling issue ng FHM.

Gabby-nete

Filed under: Features — admin at 9:58 pm on Monday, October 20, 2008

May mga tao na nagkaroon ng koneksyon sa ating buhay pero hindi natin sila personal na kilala. Sila ang mga naging instrumento para makilala natin at maging kaibigan ang mga tao na naging bahagi naman ng kanilang buhay.

Nakilala at naging kaibigan  namin si Lolit Solis dahil kay Gabby Concepcion. Naging kaibigan namin si Dindi Gallardo dahil kay Gabby. May communication kami kay Jenny Syquia dahil kay Gabby. Pero hanggang ngayon, hindi kami kilala ni Gabby.

*******

Year 1993 nang mag-umpisa kami sa pagsusulat sa entertainment section ng People’s Tonight.

Para makahanap ng balita, bumibisita kami sa mga TV studio at sa mga event na alam namin na pupuntahan ng mga artista.

Masarap ang maging baguhan. Wala kaming pinangingilagan. Hindi kami kilala ng mga artista. Kapag pumupunta kami sa mga TV studio, lumalapit kami sa mga artista na nagkukuwentuhan at palihim na nakikinig sa kanilang usapan. Kinabukasan, nagugulat sila dahil nasa diyaryo na ang mga pinag-usapan nila.

Year 1993 nang sumali si Dindi Gallardo sa Bb. Pilipinas Contest. Si Lolit ang manager ni Gabby at si Dindi ang karelasyon noon ni Gabby.

Laman noon ng mga gossip column ang mga batikos ni Lolit laban kay Dindi.

Hindi niya gusto si Dindi para kay Gabby.

Reporters’ delight si Lolit. Kampi sa kanya ang showbiz press dahil dati rin siyang reporter.

Pumunta kami sa rehearsal ng Bb. Pilipinas sa Araneta Coliseum para interbyuhin si Dindi tungkol sa mga banat sa kanya ni Lolit. Bukod-tanging kami ang nagtatanggol kay Dindi. Hindi namin kilala si Lolit. Hindi kami natatakot sa kanya. Ni hindi namin alam na powerful siya.

Nagkakilala kami ni Lolit nang magpunta kami sa burol ng tatay ni Alfie Lorenzo sa Porac, Pampanga.

“Aha, ikaw pala!” ang sabi ni Lolit nang ipakilala kami sa kanya ni Alfie. “Galit po kayo sa akin?” ang tanong ko kay Lolit. “Hindi,” ang sagot niya, sabay hingi sa aking contact number.

Nagpunta si Dindi sa Mexico para lumaban sa Miss Universe Contest. Sa  TV interview kay Dindi, bago ito sumakay ng eroplano papunta sa Mexico, nagbitaw siya ng salita para kay Lolit: “Sa akin ang huling halakhak!”

Natalo si Dindi sa Miss Universe Contest. Si Dayanara Torres ang nanalo. Ang halakhak ni Lolit ang pinakamalakas.

Binigyan kami ng assignment na interbyuhin si Charo Santos-Concio ng ABS-CBN. Nalaman ni Charo na may contact kami kay Dindi. Ipinasabi niya kay Dindi na interesado ang ABS-CBN na gawin siyang artista.

August 1993 nang bumalik sa Pilipinas si Dindi. Kinausap kami ni Lolit sa telepono. Sabihin daw namin kay Dindi na ima-manage niya ang showbiz career ng ex-girlfriend ni Gabby. Ex-girlfriend dahil habang nasa Mexico si Dindi, nagpakasal si Gabby kay Jenny.

Nabulabog ang showbiz dahil sa desisyon ni Lolit na i-manage ang career ni Dindi. Walang nagawa si Gabby.

Kinuha kami ni Lolit para maging official publicist ni Dindi pero sa sampung buwan ng kanilang pagsasama, bihira silang mag-usap. Kami ang kinakausap ni Lolit kapag may gusto siyang ipasabi kay Dindi.

*******

Fast forward to June 1994. Sa Manila Midtown Ramada Hotel ang venue ng awards night ng Manila Film Festival.
(Read more… )

Patani

Filed under: Features — admin at 5:44 pm on Friday, October 17, 2008

Halos araw-araw nang napapanood sa TV si Jervy “Patani” Dano mula nang mapansin siya sa Survivor Philippines.

Regular na napapanood si Patani sa Eat Bulaga at Unang Hirit ng GMA, pero hindi pa nagkakaroon ang entertainment press ng pagkakataon na makausap siya. Kaya naman, walang masyadong alam ang mga tao tungkol sa buhay ng babae na kilala ngayon bilang Pambansang Yaya.

Restricted to her friends ang Friendster account ni Patani pero kanina, tinanggap niya ang aming request na magkaroon ng access sa kanyang account.

Dahil sa busy schedule niya, naintindihan namin ang matagal na pagsagot ni Patani sa aming request.

Malinaw ang “Shout” post sa kanyang Friendster account (published as is):

“Sinsya nah…4 those people requesting me to,ayos may friendster daw…to response sa mga comment nila…and for the request,na halos hindi ko ma accept accept…sinsya na poh…coz,this year…I’m too much busy….”

Sino nga ba si Patani?

patani-blog.jpg

Walang higit na nakakakilala kay Patani kundi ang sarili niya, kaya minabuti naming i-share sa mga PEPster ang mga unedited information na galing sa kanya.

Ladies and gentlemen, ito pa ang nilalaman ng Cabinet Files tungkol kay Patani:

Name: Jervy Dano
Schools : University of Cebu
Occupation: RESIGN
Affiliations: Modern Image, Youth Organization
Hobbies and Interests: Dancing, acting, writing, modelling, advertising, hosting, news casting, singing, shopping, dating, going disco…and lots.
Favorite Books: Fairy tales & Top Secrets books
Favorite Movies: The Touch of Magic & Fruits Basket
Favorite Music: Pop, Jaz, Rock…Hip Hap

About Me: I’m just a simple woman, having a dippest dream. I’m just a simple Pilipina woman.

My beauty for me and my family is belong in middle class standard.

I’m not intelligent,but not totally brainless/bird brain In short, I’m not perfect but no ones in this super duper complicated world perfect!

But whatever I’m proud to say that Ive lot of talent and I’m loving and speaking of “loving” for me, it’s complete because if you love you can do everything,you can do anything.

But I’ll never believe the word”love is blind”. No one is blind,just bec.of love, you blind, because you afraid the real the true and because you loved, you’re pretend that you’re blind because you afraid to accept the truth. Anyway, I love to travel.I love to shopping. I love to go out of town w/ my family. But just emagine, we can’t afford that. I have a big and simple family.

M hometown is Camotes Island, it’s province of Cebu Region 7. But now, I’m here in city, which Cebu. Then, I’m just staying w/ my sistah, helping to take good care in my niece. I’m just a high school graduate.

Then,if I’m lonely, I’m spend my time in writing poem, script, advertisement in Tagalog version and English.

Who I Want to Meet: I want to meet a male or female with age from 18 to 80  and I want to meet for friendship. Want to meet a totally human being. And speaking of human,.important they have heart,mind,soul and spirit. Why ? Because if they don’t have this thing, mostly of us,crying,sacrificing. Why? Because lots of person, having a body but not totally a human. They have heart but no feeling.Why? Because no soul,no spirit. They have mind but still stupid! Because they didn’t use it. That’s why I want to meet a true, a fully, a totally human…

Siya si Patani. Walang pretensiyon sa buhay. Walang ere. Walang kiyeme.

Memorable

Filed under: Features — admin at 4:35 pm on Monday, October 13, 2008

Memorable ang interview namin kay Mrs. Rose Flaminiano a.k.a. Mommy Rose. Memorable, dahil sa lahat ng news items na isinulat dito sa PEP, tanging ang interview namin sa The Mommy ang walang positive comment mula sa mga PEPsters.

Kung tatanggalin ang mga negative comment tungkol kay Mommy Rose, walang matitira. Mabubura ang lahat ng mga maaanghang na komento.

Memorable ang interview namin kay Mommy Rose dahil, habang sinasabi niya na “porky-porky” si Nadia Montenegro at pang-backyard piggery ito, sunud-sunod ang pagnguya ni Mommy Rose ng malutong na chicharon baboy!

******************************

Memorable sa amin ang presscon ng Family Feud, ang game show ni Richard Gomez, noong October 7. Mag-uumpisa na ito mamayang gabi.

Suplado, antipatiko at mayabang ang image ni Richard sa ibang tao, pero sa aming mga reporters, isa siya sa mga mabubuti at down-to-earth actor na aming nakilala. Hindi kailangan na makasama nang matagal si Richard para makita ang kanyang kabutihan.

Memorable ang presscon ng Family Feud dahil naglaro ang mga miyembro ng entertainment press. Napili sila bilang mga player dahil sa palabunutan. Nanalo ang grupo ng Churva. Tinalo nila ang grupo ng Eklavu. Sina Shirley Pizzaro, Jerry Olea, Bot Glorioso at Lolit Solis ang mga miyembro ng Churva.

Sa final round, hindi nakuha ng Churva ang required 200 points pero naging generous ang Family Feud. Natalo man sila, ibinigay pa rin sa kanila ang P50,000 cash prize.

Nature ni Lolit ang mag-share ng blessings. Pinilit niya sina Jerry, Shirley at Bot na magbigay ng P2,500 each para pambalato sa ibang mga reporters.

Si Lolit ang namudmod ng pera. Binigyan niya ng P500 each ang mga reporter. Sa bilang namin, pitong reporter ang binigyan ni Lolit ng balato. The rest of the money, isinilid niya sa kanyang bitbit na sobre.

Memorable sa amin ang reaksiyon ni Jerry. Tulala siya. Habang papalabas ng studio, naririnig namin si Jerry na tinatanong ang sarili. “Bakit ganoon? Paano nangyari ‘yon?”

Hindi namin napigilan ang mapahalakhak nang malakas. Umiral ang kapilyahan ni Lolit. Kumita pa siya mula sa kanyang mga kasama!

******************************

Memorable sa amin ang denial noon ni Daisy Reyes na buntis siya. Memorable dahil hanggang ngayon, hindi pa namin binubura ang mga text message ng panunumbat na ipinadala niya sa amin.

Dinamdam ni Daisy ang aming isinulat na nalaglag ang kanyang mga susi at credit card sa chance encounter namin sa Robinsons Galleria nang tanungin namin siya kung totoo ang balita na buntis siya. Nag-deny ang dating beauty queen. Nang lumabas ang aming column, matinding mga panunumbat at masakit na salita ang natanggap namin mula kay Daisy.

Hindi tuloy namin maibenta ang cell phone dahil paulit-ulit naming binabasa ang text message ni Daisy kapag umiiral ang aming pagiging masokista.

Nasaktan kami sa mga panunumbat ni Daisy dahil pagkatapos niyang i-deny na buntis siya, nagsilang siya ng baby girl, nine months later.

Ang aming memorable experience kay Daisy ang isa sa mga dahilan kaya piling-pili ang mga kaibigan namin na artista. Ayaw namin sa mga artista na walang tiwala sa mga entertainment journalists. Ang kalakalan lang naman dito ay magpakatotoo ka. Kung naging honest siya at hindi itinanggi ang kanyang pagbubuntis, tiyak na kaibigan pa rin namin si Daisy.

Si Daisy ang naalaala namin nang i-deny at biglang aminin ni Dennis Trillo na siya ang ama ng ipinagbubuntis noon ni Carlene Aguilar.

******************************

Fifteen years na kami sa showbiz. Hindi na namin mabilang ang mga kolum at article na aming naisulat. Nasangkot na rin kami sa mga eskandalo at kontrobersiya.

Marami kaming natutunan tungkol sa showbiz. Halimbawa, namamatay ang malaking showbiz issue kapag natatabunan ito ng mas matindi na showbiz scandal.

Hindi nagtatagal ang hidwaan ng mga artista. Sa showbiz, nagkakabati ang mga magkakaaway at nagiging magkaaway ang mga magkakaibigan.

Normal ang plastikan. May mga artista na makikitid ang isip pero mas marami ang malawak ang pang-unawa.

May mga artista na sinungaling, kaya well-appreciated namin ang mga artista na nagsasabi ng totoo pero nakikiusap na huwag nang isulat ang mga scandal tungkol sa kanila para hindi na humaba ang isyu at huwag nang madamay ang ibang tao. Kadalasan, sila ang mga artista na nagiging kaibigan namin.

Maraming memorable sa showbiz, at simula pa lang ito ng paglalahad. Buksan ko muna ang aking Cabinet Files para mas marami pa akong maalala.