| Register
Jojo Gabinete: Cabinet Files

Biktima

Filed under: Uncategorized — CabsM0d at 8:01 pm on Wednesday, February 22, 2012

Biktima ng piracy sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid dahil ilang oras pagkatapos ng Mr. & Mrs. A concert nila sa Smart Araneta Coliseum, uploaded kaagad sa YouTube ang mga video ng kanilang Valentine show dahil sa audience na gumamit ng mga cellphone camera para makunan ang mga eksena sa stage.

Co-producer ng concert ang mag-asawa at media partner ang GMA 7.

Ipalalabas sa Kapuso network ang Mr.& Mrs. A bilang television special pero preempted ito ng mga video na mapapanood sa YouTube.

Special guests sa concert nina Regine at Ogie sina Vice Ganda, Angeline Quinto, Eric Santos, at David Archuleta.

CLICK HERE to view gallery

May mga exclusive contract sa ibang mga TV network ang mga nabanggit na performer kaya hindi kasali sa telecast ng GMA 7 ang participation nila sa Mr. & Mrs. A.

But then, unedited na mapapanood sa YouTube ang mga production number nina Vice Ganda, Angeline, Eric, at David kaya walang mami-miss ang televiewers.

*******

Biktima ng puyat ang mga nag-abang sa live coverage ng funeral service para kay Whitney Houston na mapanood sa CNN at ibang mga cable chanel.

Kasama kami sa mga tumutok sa halos limang oras na live telecast ng funeral service na tinawag na “home going” para sa sikat na American singer na sumakabilang buhay noong February 11, 2012.

Si Pastor Marvin Winans ang nag-deliver ng eulogy dahil kaibigan siya ni Whitney.

Nasira ang funeral service dahil ginamit ito ni Pastor Marvin para i-showcase ang singing talent ng mga miyembro ng kanyang pamilya na isa-isa niyang tinawag at pinaakyat sa stage para kumanta.

Kabilang kami sa libo-libong tao sa buong mundo na nairita sa ginawa ng pastor dahil “showbiz na showbiz” siya.

Ginamit ni Pastor Marvin  ang sitwasyon sa promotion ng sarili at singing talent ng kanyang pamilya dahil alam niya na pinanonood sa buong mundo ang live coverage ng funeral service para kay Whitney.

*******

Biktima ng sobrang obsession kay David Archuleta ang kanyang Filipino  fans na nagpunta sa activitiy center ng TriNoma nang i-launch siya bilang endorser at image model ng Bench Fix Professionals, ang hair products ng Bench.

Mula sa aming kinauupuan, kitang-kita namin ang isang babae na humahagulgol ng iyak habang pinapanood ang pagkanta ni David.

Nang lumabas sa stage si David, napansin namin agad ang babae dahil halos mapatid ang vocal chords niya sa pagtili pero nang tumagal, napalitan ng paghagulgol ng iyak ang kanyang paghiyaw.

Kung naging teenager ang babae, baka sakaling naintindihan namin ang kanyang drama pero walang age na pinipili ang pagiging obsessed fan. Sana lang, umarte ang babae nang naaayon sa edad nito dahil daig pa niya ang namatayan habang pinagmamasdan namin ang kanyang hindi nakontrol na pag-iyak.

CLICK HERE to view gallery

*******

Courtesy of Hayden Kho Jr., biktima ng malicious gossip ang yoga instructor na si Al Galang.

Biktima si Al dahil nasangkot siya sa controversial breakup nina Hayden at Dra. Vicki Belo.

Pero sa lahat ng biktima, si Al ang nakinabang dahil natikman niya ang 15-minute fame.

Nagkaroon ng interes ang mga tao na malaman ang itsura at background ni Al dahil sa pagkakaugnay ng kanyang pangalan sa paghihiwalay nina Hayden at Dra. Belo.

CLICK HERE to view article

Binawi ni Hayden ang mga paratang at nagpahayag ng pagsisisi sa ginawa dahil walang katotohanan ang kanyang mga paratang na inilabas niya sa Twitter.

May dahilan para magsisi si Hayden dahil bukod sa free publicity na ibinigay nito kay Al, binigyan niya ng pagkakataon ang publiko na ikumpara siya sa isang totally unknown personality sa showbiz.

Ano ba talaga?

Filed under: Uncategorized — CabsM0d at 6:06 pm on Friday, November 11, 2011

Mula nang patayIn si Ramgen Revilla noong October 28, nakatutok na kami sa lahat ng mga news program para sa mga update sa kaso.

Nakita namin ang madalas na pagkakamali ng mga newscaster sa paggamit ng wikang Filipino.

Imbes na pinatay, napatay ang palaging sinasabi ng mga tagapag-balita. Hindi yata nila alam ang pagkakaiba ng salitang pinatay sa napatay. Kapag sinabing napatay, hindi sinasadya ang pagpatay sa biktima, at ang pinatay ang tumpak na salita sa isang biktima na sinadyang paslangin.

Binaril ang basketball player na si Ali Peek noong Lunes ng gabi at “nabaril” ang mga headline ng mga news program noong isang araw. Sinadya ang pagbaril kay Ali kaya binaril ang salita na dapat na sinabi ng mga newscaster. Ginagamit ang salitang nabaril kapag hindi sinasadya ang pananakit sa biktima.

*******

Hindi rin wasto ang paggamit ni Rose Eclarinal ng ABS-CBN sa ating sariling wika.

Sa kanyang TV report tungkol kay Gwendoline Ruais, sinabi ni Rose na, “Pagkatapos ng bakasyon sa Paris, sasabakin ni Gwen ang mga obligasyon niya bilang Miss World runner up.”

Havingstead of “sasabakin,” ang dapat na ginamit ay “sasabak.”

*******

Ipinakita kagabi sa TV Patrol ng ABS-CBN ang exclusive photo ni Ali Peek habang naka-confine sa Medical City.

May exclusive photo rin ang 24 Oras ng GMA-7—ang litrato ni Janelle Manahan na naka-confine naman sa Asian Hospital and Medical Center.

Si Janelle ang girlfriend ni Ramgen na itinuturing na star witness sa murder case ng aktor.

Napaluha si Janelle nang malaman nito na suspect sa pagpatay sa kanyang boyfriend ang mga kapatid nito na sina Ramona “Mara” at Ramon Joseph “RJ” Bautista.

Magkakaiba ang tatlong bersiyon ng kuwento ni Ramona tungkol sa tragic incident kaya lalong pinagdudahan na may kinalaman siya sa krimen.

Gaya ng iba nating mga kababayan, nakatutok kami sa imbestigasyon sa pagpatay kay Ramgen. May mga pagkakataon na halos maduling na kami sa maghapon na panonood sa mga news program at pagtutok sa mga online news para malaman ang mga bagong update sa kaso.

Hindi rin namin pinatawad ang mga video na napapanood sa iba’t-ibang websites kaya malinaw na malinaw sa amin ang mga loophole sa mga statement ni Ramona.

Nakakabahala ang magkaibang pahayag ni Ramona sa mga naganap na eksena, ilang minuto matapos barilin at saksakin sina Ramgen at Janelle.

Sa recorded statement nito sa video na ipinadala niya sa ABS-CBN, klaro ang kanyang kuwento tungkol sa pag-uusap nila ni Janelle: “Janelle you’re bleeding. Tatakluban kita. Tinakluban ko po siya ‘tapos sabi niya sa akin, ‘Mara, Mara huwag huwag hindi ako makahinga.’”

Iba ang earlier statement ni Ramona sa phone patch interview sa kanya ng ANC.

Aniya, “Iniwan ko lang po sila doon na namatay. Hindi ko naman alam po na buhay pa sila. Ang alam ko po, wala na po sila. Ang gusto ko lang po, iligtas ang sarili ko.”

Nagkamali ng desisyon si Ramona na magsalita dahil magkakaiba ang kanyang mga pahayag at parang siya na rin ang nag-implicate sa sarili sa krimen. Nagkaroon tuloy ng pagdududa na sinadya niya na “takluban” si Janelle para hindi ito makahinga dahil klaro ang kanyang sinabi sa ANC interview na, “Ang alam ko po, wala na sila. Ang gusto ko lang po, iligtas ang sarili ko.”

Bad Times in showbiz

Filed under: Uncategorized — CabsM0d at 8:00 pm on Friday, May 6, 2011

“Kidnap” ang isa sa mga anggulo na pinag-aaralan ng mga pulis sa kaso ng tangka na pagpatay kay Pilar Pilapil noong April 14, 2011.

At press time, pinaghahanap pa rin ng mga pulis si Rosel Jacosalem Penas, ang kasama ni Pilar nang maganap ang insidente.

Itinuturing na suspect si Penas dahil sa mga ebidensya na nakalap ng mga imbestigador na magdidiin sa kanya sa kaso.

Ayon sa isang source na malapit kay Pilar, may report na ang original plan ay kikidnapin ang aktres at ipatutubos ito ni Penas sa halagang sampung milyong piso, pero iba ang nangyari.

*******

Natabunan ng untimely demise ng young actor na si AJ Perez ang balita tungkol sa near-death experience ni Pilar Pilapil. Matagal na pinaglamayan ang labi ni AJ dahil nataon sa Holy Week ang pagpanaw niya noong April 17, 2011.

Naging matatag ang naulilang pamilya sa pagtanggap sa malungkot na katotohanan.

As a matter of fact, mas matindi ang reaksyon ng isang fan ni AJ na ayaw maniwala na namatay ang kanyang idolo hangga’t hindi raw niya nakikita na nakahimlay sa loob ng ataul ang batang aktor.

Nakangiti ang fan habang nagsasalita ito sa harap ng TV camera kaya madaling unawain na marahil, isa lamang siya sa maraming tao na nakikiusyoso.

*******

May mga nadurog ang puso nang sabihin ng tatay ni AJ ang mga salitang, “I will see you soon.”

Naka-relate sila sa sinabi ni Gerry Perez, ang ama ni AJ, dahil mahal na mahal niya ang panganay na anak at kasama siya nang maganap ang tragic accident.

Pero kung si Gabriel Valenciano ang magsasabi ng “I will see you soon,” iba ang interpretation ng mga tao. Instead of “Till we meet again,” ” I will see you soon” ang naging pahayag ng anak ni Gary Valenciano sa interview sa kanya tungkol sa pagkamatay ni AJ.

Hindi natapos kay Gabriel ang mga boo-boo dahil sa radio program nila ni Ambet Nabus sa dzMM noong April 24, walang kakurap-kurap ang mga mata ni Gretchen Fullido nang ibalita nito na, “Sa Martes po ang INTERMENT at LIBING ni AJ…”

Sa episode naman ng The Buzz noong May 1, AJ Perez 1993-2001 ang malinaw na malinaw na nakalagay sa huling report nila tungkol kay AJ. Year 2011 nang pumanaw si AJ, hindi 2001.

*******

Ang pagdedemanda ng libel ni Bulacan Mayor Patrick Meneses laban sa kanyang ex-girfriend na si Aiko Melendez ang showbiz news na tumabon sa mga balita tungkol sa pagkamatay ni AJ.

Short-lived lamang ang Meneses-Melendez controversy dahil pagkatapos magsalita ni Aiko, natabunan ito ng news tungkol sa mga problema na pinagdaraanan ng relasyon nina DJ Mo Twister at Rhian Ramos.

Hindi na kailangan ng mga reporter na interbyuhin si Mo dahil sa mga rebelasyon nito sa kanyang Twitter account.

Hindi nagsalita sina Mo at Rhian noong maayos pa ang kanilang pagsasama pero ngayong hiwalay na sila, detalyado ang kuwento ni Mo sa good times nila ni Rhian.

At press time, nahinto na ang mga Twitter post ni Rhian, pero hindi si Mo. At ipinag-aalala ito ng mga nagmamalasakit sa aktres dahil baka makaapekto sa kanyang career ang mga susunod na rebelasyon ni Mo sa Twitter.

Kung may good times, tiyak na may bad times sa isang taon na itinagal ng kanilang relasyon.

Ex men

Filed under: Uncategorized — CabsM0d at 8:40 pm on Monday, December 13, 2010

Engaged na ang Survivor Philippines Palau castaway at Tweetbiz reporter na si Justine Ferrer sa kanyang American boyfriend na si Richard Lyle.

Retired military man si Richard at nagkakilala sila ni Justine sa isang social networking site. Ayon kay Justine, hindi kaagad nalaman ni Richard ang tunay na pagkatao niya  dahil “female” ang gender na naka-post sa kanyang Facebook account. Naging “babae” ang 26-year-old Survivor castaway nang sumailalim siya sa sex change operation noong 2006.

“Hindi pa niya nalaman ang pagkatao ko kasi nakalagay sa FB status ko, female. Nakalimutan ko na palitan. Diniretso ko siya. Sinabi ko sa kanya na hindi ako totoong babae. Nag-pause siya nang konti. ‘Tapos sabi niya, “Talaga? Hindi halata ha?

“Ipinagtapat ko lahat na nag-undergo na ako ng surgeries pero noong late part na ‘yon kasi ayokong gustuhin niya ako kung ano ang meron na ako. Gusto ko, magustuhan niya ako bilang ako na operada man ako o hindi. Mahalin niya ako kasi kahit pagbali-baligtarin man natin ang mundo, hindi pa rin ako totoong babae.Yun ang gusto ko na malaman niya at mahalin niya ako…sa katotohanan.”

******

January 7, 1981, nang maging “babae” ang noon ay 35-year-old registered nurse na si Celedonio Ganzon, na kilala ngayon bilang Donita Ganzon Gold, ang Filipino na kinasuhan ang US Citizenship and Immigration Services noong 2004.


Idinemanda ni Donita ang USIS dahil hindi nito binigyan ng green card ang kanyang “Filipino husband” na si Jiffy Javellana. Tumanggi ang USIS na bigyan ng green card si Jiffy dahil naging honest si Donita nang sabihin nito sa immigrationion officer na nag-interbyu sa kanya na dati siyang lalake.

Big news sa buong mundo noong 2004 ang kaso dahil si Donita ang kauna-unahang transsexual na lumaban sa desisyon ng USIS.

*******

Worth two hundred thousand pesos ang halaga ng engagement ring na natanggap ni Justine mula sa kanyang American boyfriend at plano na nilang magpakasal sa Massachusets, USA, dahil pinapayagan dito ang same-sex marriage.

Hindi makapaniwala si Justine na may isang straight na lalake na mag-aalok sa kanya ng kasal dahil na-trauma na siya noon sa pakikipagrelasyon sa isang Japanese. Limang taon ang itinagal ng relasyon ni Justine at ng Hapon pero nagkahiwalay rin sila.

“Ang sabi nga ni Richard, hindi ko naisip na magkakagusto sa katulad ko dahil lalake ako, may asawa ako, may mga anak ako, at ito nga first time ko ito (na magmahal ng transsexual) pero iba raw yung nararamdaman niya para sa akin.

“Hindi ako magpapakasal as female or male siya. Same sex marriage naman. Hindi naman ako magpapanggap na babae dahil legal doon ang same-sex marriage.

“Tumatanda na rin kasi ako. Iniisip ko kung maghihintay pa ako, maghahanap pa ako, magiging mapili pa ako, e, okey naman siya. Mabait naman siya, responsible. Kung maghihintay pa ako, baka mauwi sa wala. Nangangarap din ako na maging housewife.

“Ang sa akin lang, e, at least, nakahanap ako ng tao na minahal ako kung anuman ako at alam ko na hindi ako iiwan, hindi ako paglalaruan. Alam ko na mahal talaga ako.

“Kahit gawin pa niya ako na tagapag-alaga, kung alam ko na mahal niya ako, okey lang ‘yon sa akin..”

*******

Retired nurse na si Donita at umuwi siya ng Pilipinas noong nakaraang buwan, matapos ang maraming taon na paninirahan sa California.

Nangangarap si Donita na kumandidato sa susunod na eleksyon para makapaglingkod siya sa bayan. Gusto rin niyang matupad ang pangarap na maging artista at makahanap ng lalake na magmamahal sa kanya.

Si Donita ang author ng kanyang biography book na may pamagat na Overnight Woman.

Dahil maganda at talagang mukhang babae, maraming lalake na naging karelasyon si Donita. May mga nag-alok ng kasal pero sa kanyang biography book, ipinagtapat niya ang nararamdamang emptiness.

Aniya, “I now knew that time had expired for me to find a man that I could be married to. Between fame and fortune versus having a happy married life, I would choose the latter anytime. I think having a husband and a happy family would be the ‘acme.’ I am not giving up in finding the right person…”

*******

Natupad ang pangarap ni Justine na maging babae dahil sa modern science pero may kapalit ito, ang pagkawala ng kanyang kakayahan na lumigaya sa sex at ang psychological effect na dulot ng operasyon.



“Heto ang nakakaloka…hindi pa kami kasal, di ba? Wala pa talagang penetration na nangyayari. Nakakalokang salita pero walang sex…wala pa…Mahirap talaga sa part ko. Aaminin ko, mahal ko siya pero sa sex part, hindi ko na hinahanap. Nakasanayan ko kasi na wala ‘yon sa buhay ko. Parang it takes a lot of effort..Kailangan siguro uminom pa ako, malasing ako, manood ako ng kung ano-ano na hindi ko gawain…na mahirap para sa akin.

“Sinasabi ko kay Richard, can you wait? Sabi naman niya oo. Kapag nagpa-sex change, hindi na normal, sinabi ko sa kanya noon pa na hindi na ako normal. Madali akong mabagot, uminit ang ulo pero sa panahon ngayon, nakokontrol na. Dati, hindi…Dati parang ang bigat-bigat ng mga problema ko. Bigla na lang akong iiyak.

“Sinabi ko kay Richard na i-focus namin ang relasyon sa companionship, hindi dahil sa sex. Usually kasi, ang mga Pilipino, kapag Afam ang dyowa, akala nila sex lang ang habol.”

*******

Tulad ni Justine, dumanas ng maraming kabiguan sa pag-ibig si Donita. At nangyayari ito kapag nalalaman ng kanyang mga nakakarelasyon na dating lalake rin siya.

“All my life, I seemed to be always alone and having difficulty to belong…My being different was probably a curse or a blessing…I plan on capitalizing on it…showbusiness or politics…”

Face to Face

Filed under: Uncategorized — CabsM0d at 12:14 am on Friday, May 21, 2010

Hindi kami nagkamali ng desisyon na pumunta sa malayong studio ng TV5 sa Novaliches para panoorin ang taping ng Face To Face.

Napatunayan naming totoo at hindi scripted ang pisikal na pagsasakitan ng mga ordinaryong tao na bisita ni Amy Perez. Mga tao na pinaghaharap ni Amy sa kanyang talakserye para maayos ang kanilang mga problema.

Nakita rin namin na ang kakulangan sa edukasyon ang isa sa mga problema ng ating bansa na dapat pagtuunan ng pansin ng pamahalaan natin.

Dahil sa kahirapan, marami sa ating mga kababayan ang hindi nabibigyan ng pagkakataon na makatapos ng pag-aaral.

*******

Tungkol sa panis na maha ang pinag-ugatan ng problema nina Vilma Peralta at Rosie Garsilaso.

Ikinuwento ni Vilma na ipinagkakalat ni Rosie na panis ang maha na kanyang itinitinda. Wala raw katotohanan ang bintang ni Rosie dahil likas ang pagiging tsismosa nito. Kinaiinggitan at sinisiraan daw siya ni Rosie dahil tatlo na ang kanyang nagiging asawa samantalang dalawa pa lang nakakarelasyon ni Rosie.

Si Jaimelyn Fabros ang saksi ni Rosie. Pinatotohanan ni Jaimelyn na panis talaga ang maha na binili nila mula kay Vilma.

Lumantad naman si Jessica Fabros.  Ayon kay Jessica, hindi totoo na panis ang maha na itinitinda ni Vilma.

Para sa atin, napakababaw na dahilan para pag-awayan ng magkabilang-panig ang panis na maha pero may mas malalim na dahilan ang problema.

Lumabas ang katotohanan na pamangkin ni Rosie ang asawa ni Jessica at pinsan ni Jaimelyn ang lalake.

To make the very long story short, matindi ang kinikimkim na galit nina Jessica, Rosie at Jaimelyn sa isa’t-isa. Nasangkot lamang ang tindera ng maha na si Vilma sa away-pamilya.

*******

Makapigil-hininga ang mga sumunod na eksena na live naming napanood. Nagsabunutan, nagsipaan at nagsapakan ang apat na babae. Nahirapan ang mga bouncer na sina B1 at B2 sa pag-awat. Napaatras naman sa isang sulok si Amy, at bumaba mula sa puwesto si Dr. Camille Garcia (isa sa tatlong miyembro ng Trio Tagapayo ) para tignan kung may nasaktan.

Malamang, hindi na mapapanood ng viewers ng TV5 ang bayolenteng eksena dahil hindi ito papayagan ng MTRCB (Movie and Television Review Classification Board).

Hindi nalutas ang problema dahil hindi pumayag si Rosie na makipag-ayos, kahit pa nagsalita sina Vilma at Jessica na handa sila na magpatawad.

*******

Sa research ng TV5, nalaman nila na hindi lamang ang masa ang audience ng Face To Face.

Pinapanood din ng AB crowd ang programa ni Amy. Amused na amused daw ang AB crowd sa mga mabababaw na problema na tinatalakay sa show ni Amy. Halimbawa ay yung reklamo ng isang kapit-bahay na biktima ng theft. Ang ninakaw? Ang kanyang ulam na tortang talong. Yung isa pang reklamo ay tungkolnaman sa isang lalake na iniwan ang buntis na girlfriend dahil pinili nitong sumama sa kanyang gay lover.

*******

Ang mga kaso na nilulutas ng Face To Face ang nagpamulat kay Amy sa katotohanan na malaki ang obligasyon ng ating gobyerno para mapabuti ang kabuhayan ng mga mahihirap na Pilipino.

Nagpapasalamat si Amy sa TV5 dahil sa malaking oportunidad na ibinigay sa kanya. Dahil sa Face To Face, nagkaroon ng bagong sigla ang kanyang television career.

Subalit sa balitang tatapatan ng Channel 2 ang Face To Face ng isang show na papamagatang Fist To Fist, hindi nito mapigilang sabihin ang tunay na saloobin.

“Very thankful ako sa management ng TV5.  Thankful ako talaga sa opportunity na ibinigay nila sa akin at yung importansya. Sad lang, kasi it had to take something like this para lang…Nasabi ko nga sa mga kaibigan ko, kung nasa ABS pa kaya ako, will they think of me?

“I have kept quiet about it kasi, but for them to do it to me the second time around, siyempre masakit na.”

“Kasi after MTB, parang feeling ko, napakinabangan naman nila kami ng ilang taon. Nag-akyat din naman kami ng pera kahit paano sa station. Pero sana, nabigyan man lang kami ng a pat on the shoulder. Pagpapahalaga.

“Ako kasi, naniniwala na eveything works hand in hand. Ako, I’im just being honest I don’t want to burn any bridges pero siguro it’s high time na malaman din naman nila na may mga bagay na nagagawa sila na nakakasama ng loob.

“Kung sa mga kasambahay mo, nagbibigay ka ng appreciation, konting pabuya. konting incentives na alam mo na they deserve something good, bigyan mo lang ng kahit singkwenta pesos na pang-load, malaking bagay na ‘yon.

“I mean, utang na loob ko ang lahat sa ABS-CBN because my career started in ABS. Pero noong tumatagal na, nagmumukha na kaming basahan na itinatapon. Na para bang wala na…

“Nakakasama lang ng loob, parang kahit papaano naman din, may naitulong din kami. Ako naniniwala ako, hindi tatayo nang ganito ka-successful ang show na ito kung hindi ako biniyayaan ng magagaling na staff na [sa] kakalabas at paghahanap ng magagandang istorya, ng magagandang isyu na sumasalamin sa tunay na pangyayari sa buhay ng bawat tao.

“Hindi namin ito magagawa kung walang suporta ng TV5. Kumbaga, kailangan nila ako, kailangan ko sila, kailangan natin ang isa’t isa.”

Were you shocked?

Filed under: Uncategorized — CabsM0d at 3:00 pm on Tuesday, April 6, 2010

Memorable sa amin ang panonood ng concert ni Ricky Martin sa Hong Kong Coliseum noong October 9, 2000, dahil habang nasa Hong Kong kami, ang akusasyon ni Ilocos Sur Governor Chavit Singson na tumatanggap ng jueteng money si President Joseph Estrada ang pinakamaingay at pinakamainit na balita sa Pilipinas.

May Internet na noon kaya tuwing umaga, bumababa kami sa Internet cafe sa hotel na aming tinutuluyan para basahin ang mga latest development sa “falling-out “ nina Erap at Chavit.

Araw ng Lunes ang concert ni Ricky sa huge coliseum ng Hong Kong pero kahit weekday, dumagsa ang manonood para panoorin ang kanyang Livin La Vida Loca tour.

Hindi lamang ang mga Chinese ang nanood ng concert ng dating member ng Menudo. Dumayo rin sa Hong Kong ang mga turista mula sa ibang Asian countries dahil sa kagustuhan nila na makita nang personal ang sikat na sikat noon na Latin pop superstar.

Puno ng tao ang Hong Kong Coliseum. Complimentary ticket ang aming ginamit na bigay ng isang kaibigan. Kami pa ang nagulat nang malaman namin na mismong sa harap ng stage ang aming upuan. Bukod sa kanyang mga kanta, ang magagandang damit na ginamit ni Ricky ang aming napansin. Later on, nalaman namin na ang popular designer na si Giorgio Armani ang designer ng wardrobe ni Ricky.

Magaling si Ricky sa paggiling ng katawan habang sumasayaw. Umalingawngaw sa loob ng Hong Kong Coliseum ang malakas na sigaw at tilian ng mga babae sa tuwing kumekembot si Ricky. Nakaalerto ang mga security guard sa fans na biglang tumatakbo papalapit sa stage para makalapit sa Latin singer na kanilang kinababaliwan.

Last week, inamin ni Ricky sa kanyang Internet website ang tunay na sexual orientation niya.

“I am a fortunate homosexual,” ang statement ni Ricky na parang wala lang dahil hindi nasorpresa ang mga tao sa kanyang rebelasyon.

*******

Clueless si Toffee Calma sa “ho-hum revelation” ni Ricky. Initially, walang reaksiyon ang former model/sexy actor sa pag-amin ni Ricky na gay ito.
Bago pa man umamin si Ricky, nauna nang umamin si Toffee. August 2009 nang aminin ng ex-boyfriend ni Regine Tolentino sa Showbiz Central ang kanyang pagiging bisexual.

Pareho ng kalagayan sina Toffee at Ricky. Hindi big deal sa mga Pilipino ang pag-amin ni Toffee dahil matagal na nilang pinagdudahan ang kasarian ng model/actor.

“Nabigla lang ako,” ang sabi ni Toffee nang tanungin namin ito tungkol sa kanyang pag-amin pero mukhang hindi siya affected. May tono ng pagmamalaki ang text message ni Toffee nang ibalita nito na dumami ang request sa kanyang Facebook at Friendster account para maging kaibigan siya.

“I still live a normal life pero sa Facebook and Friendster, marami akong positive response ng mga tao. Puno na ang inbox ko ng mga message. Ang daming nagpi-flirt sa akin…”

Pero may downside ang ginawang pag-amin ni Toffee.Nawalan daw siya ng mga project dahil sa gender issue, pero nang ipaalaala namin ang sinabi niya noon na dumami ang kanyang admirers, ito ang sagot ni Toffee: “Yeah pero di naman importante sa akin ‘yon.Mapapakain ba ako noon? Mas importante sa akin ang mabuhay…To have a life..I mean…a career.”

On May 9, 2010, lalaban si Toffee sa Mr. Seaworld International Contest sa Peru. Nagpadala raw ang mga agent ng mga litrato ng mga artista at model sa organizer ng contest at siya ang mapalad na napili.

Si Toffee ang representative ng ating bansa sa male pageant na ngayon lang natin narinig. Kabilang siya sa 25 contestants na lalaban para sa title na Mister Seaworld International 2010.

Nakalagay sa profile ni Toffee sa website ng Mister Seaworld (http://www.misterseaworld.blogspot.com/ ) na 26 years old siya.

Naka-post sa kanyang Facebook account na ipinanganak siya noong April 5, 1984. How could this be?

February 1997 nang makasama namin si Toffee sa isang out-of-the country trip. Mahirap paniwalaan na 13 years old lamang si Toffee noong 1997 dahil gumawa na ito ng sexy movies at ex-boyfriend na siya ni Regine.

Kung nagkataon na babae si Toffee, sumali at nanalo siya sa Bb. Pilipinas Contest, siguradong babawiin ang korona at title niya dahil sa false information tungkol sa kanyang year of birth.

*******
Ilalaban ni Maria Venus Raj (pronounced as Rah) ang karapatan niya sa Bb. Pilipinas-Universe crown na binawi sa kanya ng Bb. Pilipinas Charities Inc.

Dadalhin ni Venus sa korte ang problema dahil ‘yon ang proper forum.

Ngayong umaga, lumabas ang balita na tutulungan ni Senator Loren Legarda si Venus dahil lumapit sa kanya si Francis Papica, ang founder ng foundation na nagpaaral sa dethroned beauty queen. Ito ang report ni Ricky Lo sa column niya sa Philippine Star:

“Being a champion of women’s rights (besides the environment), Sen./Vice Presidentiable Loren Legarda deplores the decision of the Binibining Pilipinas Charities, Inc. (BPCI) to dethrone 2010 Bb. Pilipinas-Universe Maria Venus Raj on a mere technicality barely a month after she won.

“’I’m shocked!’ said Loren. ‘Why didn’t (the BPCI) thoroughly check her application form and, for that mattrer, those of the other candidates before they were given the go-signal to compete? It’s unfair to Venus, or any winner, to be exposed to national embarrassment and ridicule after she is declared winner.’

“Funfare learned that the matter was brought to Loren’s attention by Francis Padua Papica, whose foundation sponsored Venus’ scholarship at the Bicol University, where she graduated cum laude with a bachelor’s degree [major in Journalism].”

Asahan natin na magkakaroon o bibigyan ng kulay pulitika ang pagtulong na gagawin ni Senator Legarda kay Venus.

Si Senator Legarda ang mahigpit na kalaban ni Senator Mar Roxas sa vice-presidential race.

Si Stella Marquez de Araneta ang founder ng BPCI at asawa siya ni Jorge Araneta, ang nag-iisa at nakababatang kapatid ni Judy Araneta-Roxas, ang ina ni Mar.

Beauty contest controversy + politics = ENTERTAINMENT! BIG ENTERTAINMENT!

Willie’s 150-million-peso house

Filed under: Uncategorized — admin at 6:28 pm on Thursday, March 11, 2010

Magkaroon ng buhay na komportable ang tanging pangarap ni Willie Revillame, pero sobra-sobrang suwerte ang dumating sa kanya kaya hindi siya nakakalimot na magpasalamat sa Diyos.

Isang Bible at rosaryo ang nasa tabi ng kama ni Willie sa bahay nito sa isang exclusive subdivision sa Quezon City. Ayon kay Willie, wala na siyang mahihiling pa dahil naging mabait sa kanya ang Diyos.

Ang National Artist na si Alejandro Locsin ang nag-design ng bahay ni Willie at meron itong apat na kuwarto.

Maikukumpara sa mga five-star hotel rooms ang mga kuwarto, na nagagamit lang kapag may mga bisita ang host ng Wowowee.

Kahit labimpito ang bilang ng kanyang mga kasambahay, masasabi na solo pa ring namumuhay si Willie sa malaking bahay.

“Oo” ang mabilis na sagot ni Willie nang itanong namin kung masaya siya sa kabila ng kanyang pag-iisa.

“Baka magtampo na sa akin ang Diyos kung sasabihin ko na malungkot ako dahil napakabait Niya sa akin, ” ani Willie.

*******

Nang ipakita sa amin ni Willie ang isa sa mga guest room, limang malalaking kahon na punumpuno ng mga damit ang bumungad sa amin.

Bukod sa limang kahon, daan-daang t-shirt at polo shirt ang maayos na nakatiklop sa ibabaw ng kama.

Ang mga branded polo at T-shirt ang ipinamimigay ni Willie sa mga residente ng Payatas. Kung makikita ninyo na nakasuot ng Calvin Klein at Ralph Lauren shirts ang mga kababayan natin sa Payatas, siguradong nanggaling kay Willie ang kanilang mga damit.

Hindi na bago kay Willie ang pamimigay ng mga gamit. Noong struggling comedian pa siya (mid-’90s), naging ugali na ni Willie na ipamigay sa mga kaibigan at mga reporter ang mga damit na hindi na isinusuot at hindi pa niya naisusuot. Noon pa man, mahilig na si Willie sa mga labeled shirts.

*******

Si Willie ang proud owner ng Will Tower, ang residential at mall na kasalukuyang itinatayo sa harap ng ABS-CBN.

Nabili na rin ni Willie ang malaking lote na katabi ng pinagtatayuan ng Will Tower. Isang condominium building din ang balak na ipatayo ni Willie sa nasabing lote.

Just recently, sakay ng kanyang sariling helicopter, nagpunta si Willie sa Boracay Island para tingnan ang lote na plano niyang patayuan ng isang resort hotel.

Para kay Willie, ang mga condo building at resort hotel ang magandang investment. Ayaw raw niya na mag-invest sa stock market sa abroad dahil may mga kaibigan siya na nalugi at nawalan ng malaking halaga nang magdeklara ng bankruptcy ang isang giant global investment company.

Simple lang ang katuwiran ni Willie, “Nandito tayo sa Pilipinas, bakit sa ibang bansa tayo mag-i-invest?”

*******

Isa-isang natupad ang mga pangarap ni Willie kaya hindi malabo na magkaroon ng katuparan ang kanyang vision na magkaroon ng sariling TV network.

Hinahangaan ni Willie ang American TV host na si Oprah Winfrey, na nagmamay-ari ng sariling television network. Sa mga magandang nangyayari ngayon sa buhay ni Willie, hindi malayo na matupad ang kanyang pangarap na maging Filipino counterpart ni Oprah.

*******

Mula nang sumikat at lumipat siya sa kanyang bagong bahay, bihira nang lumabas si Willie.

“ABS-CBN studio at bahay na lang ako para iwas-gulo,” ang sabi ni Willie dahil alam nito na malapit sa mga kontrobersiya ang mga popular celebrity na tulad niya.

Kahit sino ang nasa katayuan ngayon ni Willie, tiyak na tatamarin sila na iwanan ang isang bahay na may sariling gym, theater at music room.

Hindi na kailangan ni Willie na pumunta sa mga island resort dahil maikukumpara sa isang resort hotel ang kanyang malawak na property at bahay na nagkakahalaga ng 150 million pesos.

*******

P.S. Hindi newcomer si Willie sa village na tinitirhan niya sa kasalukuyan dahil dito rin nakatayo ang bahay nila noon ng kanyan g ex-wife na si Liz Almoro.

Tila naniniwala si Willie sa mga pamahiin o feng shui dahil nakatira sila noon ni Liz sa Luna St. na “ANUL ” daw kapag binasa nang pabaligtad. Nauwi sa annulment ang church wedding nina Liz at Willie dahil sa irreconcilable differences.

Nakatira ngayon si Willie sa Biak-Na-Bato St. kaya siguro, wala pa siyang kabiyak.