| Register
Jojo Gabinete: Cabinet Files

Warning before you watch and share Paolo Bediones sex video

Filed under: Uncategorized — admin at 12:22 am on Monday, July 28, 2014

Luma na ang alleged sex videos ni Paolo Bediones na kumakalat sa Internet at pinagpipistahan ng mga tao na mahihilig sa mga iskandalo.

Walang bago sa alleged sex videos ni Paolo dahil normal na ginagawa ito ng mga  babae at lalake na may relasyon, ng mga mag-asawa, at maging ng mga prostitute.

Maingay ang alleged sex videos ni Paolo dahil celebrity siya na nagkamali na i-record ang intimate moments nila ng kanyang mga partner.

Minalas lang siya dahil nag-leak o napasakamay ng ibang mga tao ang kanyang private video.

*******

Another Hayden Kho Jr. ang tawag kay Paolo dahil sa alleged sex videos na parang bomba na sumabog kahapon, July 26, sa social media.

Hindi tama na ikumpara si Paolo kay Hayden dahil may mga pagkakaiba sa sitwasyon nila.

Sa sex videos ni Hayden na kumalat noong 2009, hindi alam ng mga sex partner niya na may hidden camera na nakatutok sa kanila.

Sa alleged sex videos ni Paolo, may consent ang kanyang mga partner dahil alam nila na naka-on ang video camera.

*******

Bago pa lumitaw ang mga sex video ni Hayden Kho, nauna nang natsismis na may sex video scandal si Paolo pero walang kopya na kumalat.

Ang TV host na si Boy Abunda ang isa sa mga nakaalam tungkol sa balitang may sex video scandal si Paolo.

Kahit may mga materyal na puwedeng gamitin, hindi gumawa ng report si Boy tungkol sa sex video na ibinibintang kay Paolo bilang respeto sa kasamahan niya sa television industry.

*******

Naglabas ang TV5 ng official statement bilang suporta kay Paolo.

Hinihintay ng mga sumusubaybay sa kaso ang paliwanag o official statement mula kay Paolo.

Para sa amin, wala nang dahilan para magpaliwanag si Paolo.

Hindi naman niya ginusto na kumalat ang alleged sex videos dahil walang taong matino na ilalagay sa kahihiyan ang sarili.

At kung siya man talaga ang tao na mapapanood sa mahigit sa tatlo na sex videos, naging careless lang si Paolo at tiyak na pinagsisisihan na niya ang kanyang ginawa.

At the end of the day, mas mahalaga pa rin ang aral na kanyang natutunan.

*******

Naisakatuparan noong February 15, 2010 ang Republic Act 9995 o Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009 dahil sa sex videos ni Hayden Kho.

Luma na ang mga alleged sex video ni Paolo na kumalat at patuloy na kumakalat pero protektado siya ng R.A. 9995.

Marami pa rin ang mangmang sa batas dahil pinaiiral nila ang curiosity na mapanood ang mga sex video scandal na kinasasangkutan ng mga popular personality.

Nakakalimutan nila na may mga pananagutan sila sa batas kaya ipinapaalaala namin sa kanila ang mga nakasaad sa R.A. 9995.

Section 4. Prohibited Acts. It is hereby prohibited and declared unlawful for any person:

(a) To take photo or video coverage of a person or group of persons performing sexual act or any similar activity or to capture an image of the private area of a person/s such as the naked or undergarment clad genitals, public area, buttocks or female breast without the consent of the person/s involved and under circumstances in which the person/s has/have a reasonable expectation of privacy;

(b) To copy or reproduce, or to cause to be copied or reproduced, such photo or video or recording of sexual act or any similar activity with or without consideration;

(c) To sell or distribute, or cause to be sold or distributed, such photo or video or recording of sexual act, whether it be the original copy or reproduction thereof; or

(d) To publish or broadcast, or cause to be published or broadcast, whether in print or broadcast media, or show or exhibit the photo or video coverage or recordings of such sexual act or any similar activity through VCD/DVD, internet, cellular phones and other similar means or device.

The prohibition under paragraphs (b), (c) and (d) shall apply notwithstanding that consent to record or take photo or video coverage of the same was given by such person/s. Any person who violates this provision shall be liable for photo or video voyeurism as defined herein.

Section 5. Penalties. The penalty of imprisonment of not less that three (3) years but not more than seven (7) years and a fine of not less than One hundred thousand pesos (P100,000.00) but not more than Five hundred thousand pesos (P500,000.00), or both, at the discretion of the court shall be imposed upon any person found guilty of violating Section 4 of this Act.

If the violator is a juridical person, its license or franchise shall be automatically be deemed revoked and the persons liable shall be the officers thereof including the editor and reporter in the case of print media, and the station manager, editor and broadcaster in the case of a broadcast media.

If the offender is a public officer or employee, or a professional, he/she shall be administratively liable.

If the offender is an alien, he/she shall be subject to deportation proceedings after serving his/her sentence and payment of fines.

Section 6. Exemption. Nothing contained in this Act, however, shall render it unlawful or punishable for any peace officer, who is authorized by a written order of the court, to use the record or any copy thereof as evidence in any civil, criminal investigation or trial of the crime of photo or video voyeurism: Provided, That such written order shall only be issued or granted upon written application and the examination under oath or affirmation of the applicant and the witnesses he/she may produce, and upon showing that there are reasonable grounds to believe that photo or video voyeurism has been committed or is about to be committed, and that the evidence to be obtained is essential to the conviction of any person for, or to the solution or prevention of such, crime.

One on one with Vhong Navarro

Filed under: Uncategorized — admin at 1:02 am on Friday, January 31, 2014

Mahigpit ang security sa ospital na kinaroroonan ni Vhong Navarro.

Kahit mga kilalang tao ang mga dumadalaw kay Vhong, tinitignan talaga ng security guards ang mga bag na dala nila.

Humihingi rin ng clearance mula kay Vhong ang mga bantay kung dapat papasukin ang mga nagnanais na bumisita sa kanya.

 *******

Maaari nang lumabas si Vhong ng ospital kapag natanggal na ang tahi sa kanyang ilong na resulta ng limang oras na reconstructive surgery noong Lunes, January 27.

Unti-unti nang nawawala ang pamamaga ng mukha ni Vhong pero maitim na maitim pa rin ang paligid ng kanyang mga mata.

Nagkaroon din ng pamumula ang right eye ni Vhong na hirap sa pagsasalita dahil humihinga siya sa pamamagitan ng kanyang bibig.

 

*******      

Napanood na ni Vhong ang CCTV footage ng mga pangyayari sa Forbeswood Heights Condominium noong January 22.

Nadagdagan daw ang lungkot ni Vhong sa footage ng pagpasok ni Deniece Cornejo sa elevator, ang pag-aayos ng dalaga ng buhok at pagngiti, isang minuto matapos umakyat ng TV host/comedian sa second floor ng condominium unit.

*******      

Hindi raw alam ni Vhong kung sino ang mga bumugbog sa kanya dahil piniringan ang mga mata niya.

Nang alisin ang piring sa mga mata ni Vhong, si Cedric Lee umano ang unang bumulaga sa kanya.

Nagpakilala raw si Cedric at nagsabi ng, “Sabihin mo kay Vina Morales ang ginawa ko sa ’yo pero huwag mong sabihin na ako ang nagsabi.”

Nabilang ni Vhong ang bilang ng mga kasama ni Cedric nang tanggalin ang piring sa kanyang mga mata at habang naglalakad sila patungo sa elevator.

*******      

Matinding takot ang naramdaman daw ni Vhong dahil sa mga banta na papatayin ang kanyang mga anak.

Hindi na naramdaman ni Vhong ang sakit ng mga suntok at sipa sa kanya dahil namanhid na ang buong katawan niya at mas umiral ang takot at pag-aalala para sa pamilya niya.

*******      

Mula sa police station, umuwi si Vhong sa bahay niya sa Quezon City, at sinabi sa kanyang girlfriend ang nangyari.

Tumanggi raw si Vhong na dalhin siya sa ospital dahil ayaw niya na malaman ng publiko ang nangyari sa kanya. Takot si Vhong na buweltahan  ng kanyang mga attacker dahil hindi niya tinupad ang usapan na mananahimik siya.

Hindi pumayag ang girlfriend ni Vhong na hindi ito madala sa ospital, kahit  iginiit ng TV host/comedian na mawawala ang pamamaga ng kanyang mukha kapag nilagyan ito ng yelo.

Hindi na nakasipot si Vhong sa shooting ng pelikula niya sa Star Cinema noong Huwebes, January 23, dahil sa nangyari.

*******       

Napilitan si Vhong na magsalita dahil sa pangungulit sa kanya ng pamilya at mga kaibigan niya.

Gabi ng Miyerkules, January 22, nang maganap ang pananakit kay Vhong at nagsalita lamang siya noong Linggo, January 26, kay Boy Abunda ng Buzz Ng Bayan.

Nakumbinsi si Vhong na sabihin sa publiko ang buong pangyayari para hindi na ito maulit sa kanya at sa ibang tao.

Ayaw rin daw ni Vhong na habampanahon siya na mabuhay na may takot na baka may mangyaring masama sa kanya at sa pamilya niya.       

*******     

Maliban sa pamamaga ng mukha at sinulid sa kanyang ilong, dahan-dahan nang bumabalik ang normal na itsura ni Vhong.

Hindi tumangos ang ilong ni Vhong na nabasag ang buto, resulta ng pambubugbog.

Hindi siya pumayag na baguhin ang hugis o patangusin ng mga doktor ang kanyang ilong dahil masisira ang continuity ng mga eksena sa pelikula na ginagawa niya sa Star Cinema.

Wala rin daw katotohanan ang tsismis na inoperahan din ang private part ni Vhong na ayon sa kanya ay binaboy ng grupo ni Cedric.

*******

ED’S NOTE: Sa pamamagitan ng text messaging kagabi, January 30, at 11:03 PM, kinontak ng PEP si Cedric Lee para tanungin ang reaksiyon nito sa dalawang bagay:

1) pahayag ng NBI tungkol sa CCTV

2) kuwento ni Vhong sa blogger na ito na binanggit ni Cedric ang pangalan ng ex-girlfriend na si Vina Morales nang tanggalin ang piring ng host/comedian.

Hindi sinagot ng businessman ang unang tanong, pero may maikling sagot ito tungkol sa pangalawang tanong.

Heto ang pahayag ni Cedric: “No. Never. Vina and I are not in good terms now. Why would I involve her?”

Samantala, kinontak din ng PEP si Deniece, subalit wala pa itong sagot.

Bukas ang website na ito sa mga pahayag ng taong sangkot sa isyu.

Megan Young: everybody loves a winner

Filed under: Uncategorized — admin at 8:28 pm on Sunday, September 29, 2013
Everbody loves a winner.
 
Ilang minuto pagkatapos kumalat sa social media ang tagumpay ni Megan Young sa Miss World 2013, nadagdagan ang followers niya sa Twitter at Instagram.
 
Bago siya nanalo kagabi, September 28, 260,000 ang followers ni Megan sa kanyang Instagram account.
 
At press time, 312,000 na ang subscribers ng Instagram account ni Megan at patuloy ito na nadaragdagan.
 
Suddenly, lumitaw sa Facebook ang mga litrato ni Megan, kasama ang mga tao na sumusumpa na karapat-dapat siya bilang Miss World.
 
Kuha ang mga litrato noong nagsisimula pa lamang si Megan sa showbiz, mula sa kanyang mga TV guesting, at nang mapanalunan niya ang Miss World Philippines 2013 crown and title.
 
Kung natalo si Megan, it would be an entirely different story.
 
*******
 
Hindi nagpahuli ang mga major television network.
 
Kapatid star Megan Young, nanalong Miss World ang headline ng breaking news ng TV5 at Aksyon TV5.
 
Kapamilya Star Wins Miss World ang balita  ng ABS-CBN, at Starstruck Alumna, Megan Young, Wagi sa Miss World ang claim ng GMA-7.
 
Everybody loves a winner.
 
*******
 
Lahat ng mga kakilala ni Megan, close man o simpleng acquaintance, may mga kuwento tungkol sa kanyang kagandahan at pagkakaroon ng ginintuang kalooban.
 
Hindi nagpahuli ang isang kandidata na nakilala lang ni Megan noong sumali ito sa Miss World Philippines.
 
Sa isang interbyu, ikinuwento niya ang closeness nila ni Megan na parang the best of friends sila.
 
Everybody loves a winner.
                                                  
******
      
Hindi lamang ang mga kababayan natin ang naniwala na si Megan ang dapat na manalo ng Miss World 2013 title and crown.
 
Naka-monitor kami sa timeline ng Twitter habang nagaganap sa Bali, Indonesia, ang finale night ng Miss World 2013.
 
Pati ang mga taga-ibang bansa, si Megan ang bet nila na manalo, hindi ang kanilang mga kababayan na delegate din sa nabanggit na beauty pageant.
 
*******
 
Naka-relate kay Megan ang Miss World 2013 host na si Myleene Klass, lalo na nang mapanood nito ang interview sa ina ng Filipina beauty queen.
 
English ang tatay ni Myleene pero Pilipina ang kanyang ina.
 
Onstage, habang iniinterbyu niya si Megan, hindi napigilan ni Mylene ang sarili.
 
Sa harap ng milyun-milyong televiewers sa buong mundo, sinabi ni Mylene na, “My mom’s a Filipina. I know she’s crazy right now.”
 
*******
 
Malaki ang naitulong ng pagiging artista ni Megan kaya triple ang pagbubunyi ng mga Pilipino sa kanyang tagumpay sa Miss World.
 
Dahil sa showbiz, sanay na si Megan na inuusisa ng media ang kanyang personal na buhay.
 
Ngayong may international beauty title na siya, hindi lamang ang local media ang magtatanong tungkol sa kanyang lovelife.
 
May ready answer na si Megan dahil sa interbyu sa isang news program, sinabi niya na wala siyang karelasyon at ang Miss World Organization ang kanyang boyfriend ngayon.

Claudia Zobel’s corpse remains almost the same 29 years after death

Filed under: Uncategorized — admin at 7:00 pm on Friday, August 30, 2013
Trending topic ngayon sa social media ang pagkakatuklas sa well-preserved corpse ni Claudia Zobel, ang sexy symbol na pumanaw noong February 10, 1984, dahil sa isang car accident na nangyari sa tapat ng Mantrade (near Pasong Tamo ), EDSA.
 
Nawalan ng kontrol ang Mitsubishi Colt (plate number PDS 119) na minamaneho ni Claudia at tumama sa island gutter na naging dahilan para tumaob at bumangga sa paparating na sasakyan, na papunta sa Pasay City mula sa Cubao.
 
Baguhan si Claudia sa pagmamaneho nang maganap ang aksidente na nadaanan ng aktor na si Al Tantay.
 
Kabilang si Al sa mga tumulong at nagsugod kay Claudia sa Makati Medical Center pero binawian pa rin ng buhay ang sexy star sa edad na 18.
 
Nalaman na lang ni Al na si Claudia ang babae na kanyang tinulungan habang nasa ospital sila.
 
Ibinurol ang labi ni Claudia sa Loyola Memorial Chapels sa Guadalupe, Makati City.
 
At dahil tubong Mambaling, Cebu, inilibing siya sa Queen City Memorial Garden sa Cebu City.
 
Nadiskubre ang hindi nabubulok na bangkay ni Claudia nang buksan ang  libingan niya dahil dito rin sana ilalagak kahapon, August 29, ang labi ng kanyang 75-year-old father na namatay, bunga ng atake sa puso.
 
Sa report ng Freeman Cebu, buong-buo pa ang mukha at katawan ni Claudia nang buksan ang kanyang kabaong, makalipas ang 29 years mula nang pumanaw siya.
 
Para sa mga naniniwala sa milagro, isang himala ang nangyari at ang pilit na inuugnay ito sa pamagat ng huling pelikula ni Claudia, ang Sinner or Saint.
 
Hiningi ng Freeman at Philippine Star reporters na sina Nina Sumacot at Ria Mae Booc ang opinyon ni Dr. Nestor Sator, ang medico-legal officer ng Region 7 police crime laboratory na nagpahayag na nagiging mummified ang bangkay ng isang tao dahil sa heat exposure, uri ng lupa na pinaglibingan, at sa klase ng kabaong na ginamit.
 
Ayon kay Sator, nagiging mummified ang bangkay kapag inilibing ito sa isang sandy oil dahil sa kawalan ng hamog na papasok sa ataol.
 
Malaki raw ang kinalaman ng hamog para magkaroon ng bacteria na nagreresulta sa pagkabulok.
 
Thelma Maloloy-on ang tunay na pangalan ni Claudia Zobel at Joy ang kanyang palayaw.
 
Si Lily Monteverde ng Regal Films ang nagbigay sa kanya ng malaking break, ang lead role sa Shame, isang blockbuster movie na tumalo noong 1983 sa To Love Again, ang pelikula ni Sharon Cuneta.
 
Ang kapwa sexy star na si Stella Strada ang karibal noon ni Claudia sa paggawa ng sexy films.
 
Nang mamatay si Claudia, kabilang si Stella sa mga nagpunta at nakiramay sa Loyola Memorial Chapels sa Guadalupe, Makati City.
 
Ten months later, si Stella naman ang nakaburol sa chapel na pinagburulan sa labi ni Claudia dahil nagpakamatay ito sa pamamagitan ng pagbibigti sa sarili noong December 28, 1984.

Cinemalaya 2013: hit and miss!

Filed under: Uncategorized — admin at 2:12 pm on Friday, August 2, 2013

At press time, labing-isa na ang bilang ng aming napanood na  independent movie na official entries sa Cinemalaya Philippine Independent Film Festival— ang Babagwa, Purok 7, Nuwebe, Rekorder, David F., Debosyon, Quick Change, Amor Y Muerte, Ekstra, Sana Dati, at Instant Mommy.

Movie marathon ang aming panonood, apat na pelikula noong Sabado, July 27, apat na pelikula noong Linggo, isa noong Lunes, at dalawa noong Martes, kaya napansin namin ang pagkakapareho ng mga eksena.

Naumpisahan sa masturbation scene ni Alex Medina sa Babagwa na sinundan ng masturbation scene ni Jake Cuenca sa Nuwebe, at ang pinakahuli, ang masturbation scene ng isang extra sa Rekorder.

Uso ang pangalan na Arlene at Daisy sa mga indie movie dahil ito ang pangalan ng ilan sa mga karakter.

Uso rin ang pagpatay ng mga hayop tulad ng baboy at manok sa mga indie na pinanood namin.

Kasali si Anita Linda sa cast ng Nuwebe at David F.

Pinakamarami ang participation ni Nico Antonio dahil may role ito sa Babagwa, Instant Mommy, at Ekstra na hindi nakapagtataka dahil ang nanay, si Atty. Joji Alonso, ang producer ng mga nasabing pelikula.

Kasama rin si Nico sa cast ng Sana Dati at dito siya binigyan ng mahabang exposure at challenging role.

*******     

Naging legal din sa mga Cinemalaya movie ang pagpapakita ng mga hubad na katawan.

May mga nudity at sex scenes sina Alex Medina at Chanel Latorre sa Babagwa, si Jake Cuenca sa Nuwebe, sina Jun-Jun Quintana, Mimi Juareza, at Francine Garcia sa Quick Change, sina Althea Vega, Markki Stroem, at Adrian Sebastian sa Amor Y Muerte, sina Mara Lopez at Paulo Avelino sa Debosyon,   at si Eugene Domingo na nagpakita ng kanyang right boob sa Instant Mommy.

*******    

Nanghinayang kami sa materyal ng Nuwebe, David F., at Rekorder

Hindi kami nakisimpatiya sa mga karakter nina Jake Cuenca, Nadine Samonte, at ng child actress na si Barbara Miguel sa Nuwebe.

Imbes na kaawaan, kinainisan ang karakter ni Barbara na hindi dapat, dahil biktima siya ng rape ng sariling ama at nagbuntis siya sa edad na nuwebe.

Pinagtawanan ng audience ang monologue ni Barbara dahil pinagamit siya ng mga salita na hindi akma o sinasabi ng isang bata.  

Maganda ang umpisa ng David F., mahusay si Mitch Valdes bilang ina ni David F., na ginampanan ni Dax Martin pero lumaylay sa kalagitnaan ng pelikula ang kuwento.

Hindi kami film critic, ordinary movie watcher lamang kami, pero alam namin kapag may problema sa mga eksena at paglalahad ng kuwento.

*******    

Inirekomenda namin sa aming mga kakilala at kabigan ang Purok 7 at ang Quick Change dahil maayos ang pagkakagawa nito.

Kung gusto ninyo na may matutunan habang nanonood, ang Quick Change ang inyong dapat panoorin.

Ipinakita ng direktor na si Eduardo Roy Jr. sa Quick Change ang buhay at mga ikinabubuhay ng mga transsexual at transgender.

Hindi kilala ang mga artista ng Quick Change pero mahihiya sa husay nila ang mga seasoned actor at ang mga artista na nanalo ng mga acting award dahil lamang sa kanilang popularidad.

Pinahanga kami ng child actor na si Miggs Cuaderno, isa sa mga bida sa Quick Change at Purok 7.

Heartwarming ang kuwento at endearing ang mga karakter ng Purok 7. Pinatunayan ng direktor na si Carlo Obispo na hindi kailangan ang mga eksena ng hubaran at bayolente para maging maganda ang isang pelikula.

Anjanette Abayari, Daiana Menezes, Mahal on social media!

Filed under: Uncategorized — admin at 1:37 am on Tuesday, June 25, 2013

Gusto ng dating sexy actress na si Anjanette Abayari na bumalik sa Pilipinas at i-resume ang kanyang showbiz career.

Nanggaling ang balita mula sa aming common friend na nakita at nakausap si Anjanette sa Glendale, California.

Dalawa na ang anak ni Anjanette pero walang masyadong impormasyon tungkol sa kanyang personal na buhay.

Matatandaang hindi pa uso ang social media nang masangkot si Anjanette sa isang malaking eskandalo sa Guam noong 1999.

Dahil American citizen, hindi na pinayagan si Anjanette na makabalik sa Pilipinas at idineklara siya na persona non grata ni dating Pangulo Joseph Estrada.

Marami ang interesado na makita ang itsura ni Anjanette, labing-apat na taon makalipas ang eskandalo na nagpabago sa takbo ng kanyang buhay.

Bukod sa recent picture ni Anjanette na kuha sa California at ibinigay ng aming kaibigan, nakatulong ang Facebook para malaman ng mga tao ang itsura ngayon ng former beauty queen/actress.

Inilagay ni Chris Ad Castillo sa kanyang Facebook account ang litrato nila ni Anjanette.

Si Chris ang dating aktor na sinusundan ang yapak bilang direktor ng kanyang namayapang ama, ang award-winning filmmaker na si Celso Ad Castillo.

*******

Ang social media at ang kanyang mga cryptic message tungkol sa rape at domestic violence ang ginamit ni Daiana Menezes para iparating sa publiko ang kanyang mga pinagdaraanan.

Marami ang nag-alok ng tulong kay Daiana pero nagbago ang kanilang isip dahil sa inconsistent statements ng Brazilian model tungkol sa relasyon nila ng kanyang asawa, si Congressman Benjo Benaldo.

Kahit ang mga netizens na sa una ay kumampi kay Daiana, sila rin ang unang bumawi sa kanilang suporta.

Mahirap tulungan at kampihan si Daiana dahil sa kanyang mga pabago-bagong pahayag.

*******

Malabo ang mga statement ni Daiana.

Daig pa siya ni Mahal na straight to the point at honest sa mga naging sagot niya sa aming mga tanong.

Ang Facebook ang ginamit namin para magkaroon kami ng communication kay Mahal na mabilis na nagpaunlak.

Unang itinanong namin kay Mahal ang kanyang cellphone number. Ibinigay niya ang contact number pero nagbilin siya na magpaalam muna kami sa kanyang manager.

Hindi na kami nakahingi ng permiso mula sa manager ni Mahal dahil sinagot din nito ang aming mga katanungan at ito ang naging takbo ng aming pag-uusap.

Jojo Gabinete (JG): Itatanong ko lang naman kung bakit sexy na ang image mo?

Mahal: Ganun po talaga, nag-iiba ng image para lalong mapansin.

JG: Effective nga e dahil napansin kita. Yung Gigolo ba, sexy movie? Ano ang role mo?

Mahal : What? K lang po. Coming soon, June.

JG: Ano nga ang papel mo sa Gigolo? Sexy ba ang movie? Nagpaseksi ka ba sa Gigolo?

Mahal: Opo. Basta nood ka na lang.

JG: May itatanong din pala ako tungkol kay Jed Salang. Nakita ko kasi na follower ka niya sa Facebook. Bakit mo naisip na i-follow siya? Nag-hi ka pa sa kanya. Gusto mo ba siya ma-meet sa personal?

Mahal: Hindi sa ganoon. Hindi ko sadya.

JG: May message ka ba para kina Jed at Ai-Ai delas Alas tungkol sa paghihiwalay nila?

Mahal : Wala po

JG: Teka, bakit ka nga pala nagpalagay ng tattoo?

Mahal: Hindi po, hina po yun.

JG: Ah, henna lang… Kumusta naman ang lovelife mo ngayon?

Mahal: Mabuti naman.

JG: Bakit nga pala inamin mo sa TV na 38 years old ka na?
Mahal : 38 po para malaman nila yun.

JG: May boyfriend ka na ba?

Mahal: Secret. Hindi puwedeng sabihin. Uunahin ko muna ang career.

Charice: OK ba o OA na?

Filed under: Uncategorized — admin at 4:26 pm on Monday, June 10, 2013

Nagpasasalamat si Charice dahil tinanggap ng publiko ang kanyang tunay na pagkatao.

Pero hindi pa dapat magsalita nang tapos si Charice dahil hindi pa siya nakakasiguro.

Malalaman niya ang tunay na kasagutan  at katotohanan kung sold out ang kanyang future concerts at albums.

Sa ngayon, mataas ang rating ng mga TV guesting ni Charice dahil curious pa ang mga tao sa kanyang bagong itsura, sa kuwento ng lovelife niya, at sa away nila ng kanyang nanay na si Raquel Pempengco.

Pero hindi pa dapat magsalita nang tapos si Charice dahil unti-unti nang napapalitan ng pagkainis ang paghanga sa katapangan niya, ilang araw pagkatapos ng kanyang pag-amin na tomboy siya.

Naging negative ang positive comments dahil sa pag-iikot ni Charice sa lahat ng mga TV show (Celebrity Bluff, Gandang Gabi Vice, It’s Showtime, Unang Hirit, Headstart, Startalk, Follow That Stars, mga news program, etc.).

Obviously, na-inspire nang husto si Charice sa mga papuri na narinig niya mula nang magladlad siya sa national television sa exclusive interview  ni Boy Abunda sa The Buzz  kaya naging busy siya sa pagpo-promote sa media ng kanyang bagong katauhan.

Napalitan ng pagkainis kay Charice ang paghanga ng mga tao sa kanyang pagpapakatotoo. Siya rin ang dapat sisihin dahil sinagad niya ang sarili.

Suddenly, kinukuwestyon na  ang kanyang mga inconsistent statement.

Nagsalita si Charice na hindi nito inilalantad sa publiko si Alyssa Quijano bilang proteksiyon sa kanyang girlfriend.
    

And yet, panay ang declaration ni Charice  sa national TV na mahal na mahal niya si Alyssa at ito ang kanyang inspirasyon.
  

Tila naalibadbaran na rin ang mga tao sa trying hard na pagpapakalalake ni Charice sa kilos at salita na nagiging poor impersonation niya sa mag-tiyo na Robin at Daniel Padilla.

Nakadagdag sa nagiging negative image ni Charice ang mga kuwento ng kanyang  ina na tanggap ang pagkatomboy ng anak pero hindi ang girlfriend nito.

Sinabi ni Raquel sa exclusive interview sa kanya ni Korina Sanchez sa Rated K na inawat niya si Charice na huwag muna nitong aminin sa publiko ang pagiging tomboy dahil makakaapekto ito sa career ng anak.

“Sa aking palagay din, marami [ang deals na hindi matutuloy]. Marami din ang uurong dahil iba yung nakita nila noon, iba yung hahanapin nila ngayon. Sa Amerika kasi, marami silang ganyang image, bakit pa sila kukuha ng tomboy kung puwede naman silang kumuha ng lalake?”

*******

May mga bumabatikos naman kay Raquel dahil sa pahayag nito na dati siyang tomboy pero pinilit niya na magpakababae bilang pagsunod sa kagustuhan ng kanyang ina. Pinagtawanan ng detractors ang statement ng ina ni Charice dahil sa kanilang paniniwala na “once a tomboy, always a tomboy.”

Dating bakla ang former TV host na si Anselle Beluso na aminado na naranasan niya ang lahat ng klase ng gay activities.

Ngayon, happily-married si Anselle sa piling ng kanyang misis at dalawang anak dahil pinili niya na talikuran ang dating sexual orientation, mula nang magbalik-loob siya sa Diyos.

Sa kasalukuyan, aktibo si Anselle sa pagpapalaganap sa mga salita ng Diyos at hindi niya ikinahihiya na ibahagi sa mga tao ang kanyang nakaraan.  

Hula, hula, hoy!

Filed under: Opinion — CabsM0d at 5:20 pm on Thursday, January 3, 2013

Pinatulan ng isang television news program ang hula ng isang lalake na tatagal pa ng 20-years ang pamamayagpag ni Willie Revillame sa telebisyon.

Sa darating na January 27, 52 years old na si Willie. Twenty years from now, 72 years old na ito.

Siguro naman, mahihiya na siya na sumayaw ng “Boom Tarat Tarat” sa ganoong edad.

May prediction din ang manghuhula na magkakaroon ng anak sina Mariel Rodriguez at Robin Padilla in two or three years.

Natural na magbuntis si Mariel dahil mag-asawa sila ni Robin. Mas nakakagulantang ang hula kung matitiyak ng manghuhula ang eksaktong araw at taon ng pagbubuntis ni Mariel.

Higit sa lahat, nakakabobo ang isang hula ng uso ngayong 2013 ang ahasan dahil Year of the Snake. Gawin bang literal? Ano ba?!!!!
*******

Hindi mortal na kasalanan ang magpahula o maniwala sa mga hula. Kung positive ang mga hula, gamitin natin ito na inspirasyon para matupad. Pero kung negative, huwag seryosohin para hindi makaapekto sa ating pamumuhay at pagkatao.

Naging cycle at recycle na ang mga hula dahil kahit sino, puwedeng manghula base sa mga paulit-ulit na mga balita at pangyayari sa ating bansa.

Hindi na bago ang hula na makararanas ng matinding kalamidad ang Pilipinas dahil taon-taon, dinadalaw ng malalakas na bagyo ang bayan natin.

Lahat tayo ay may katangian na manghula dahil nasasabi natin kung papatak ang ulan o magiging matindi ang sikat ng araw.

Nahuhulaan natin na magkakaroon ng dayaan sa 2013 elections. Na malaki ang tsansa ni Joseph Estrada na manalo sa mayoralty race sa Maynila dahil kung hindi kumandidatong Presidente si PNoy noong 2010, si Erap uli ang pangulo ng ating bansa.

Hindi natin kailangan na magkaroon ng third eye para masabi natin na hindi matutuloy sa 2013 ang balak na concert ni Nora Aunor dahil hindi pa sumasailalim sa operasyon ang kanyang lalamunan.

Hindi na mawawalan ng mga pelikula na kasali sa Metro Manila Film Festival si Kris Aquino dahil mula pa noong 2010, napatunayan niya na pinipilahan at kumikita sa box office ang kanyang mga entry.

Malabo nang balikan ni Dennis Trillo si Bianca King dahil sa kanyang track record: walang binabalikan na ex-girlfriend ang aktor.

Mabubuhay ang rivalry ng Eat Bulaga! at ni Willie Revillame dahil ilalagay sa noontime slot ang game show ng huli sa TV5.

May mabubuntis na young actress dahil hindi siya gumamit ng contraceptives.

Aat lalong iigting ang network war sa pagitan ng GMA-7 at ABS-CBN.
*******

Nakaw-eksena na naman ang mga manghuhula sa pagpasok ng 2013. Kanya-kanya sila ng mga hula na hindi kapani-paniwala at kung magkatotoo man, tsambahan lang.

Tumigil na kami sa pagtatanong sa mga manghuhula tungkol sa kanilang mga prediction sa showbiz dahil taun-taon, pare-pareho ang mga sinasabi nila.

May mabubuntis na young actress na normal na nangyayari sa mga artista at ordinaryong tao.

May veteran actor daw na mamamatay. Kaya nga veteran, di ba?

Dati-rati, tumatawag sa amin si Madam Auring para i-publish namin ang kanyang mga hula. Huminto na kami sa pakikipag-usap kay Madam Auring dahil sa tuwing tatawag siya sa aming cellphone, magtatanong siya ng, ” Si Jojo ba ito?”

Imagine, hindi niya mahulaan kung sino ang kanyang tinatawagan? Maniniwala kami sa mga hula ni Madam Auring para sa 2013 kung mahuhulaan niya ang aming bagong contact number.

*******

Muling pumasok sa aming kamalayan si Madam Auring dahil napanood namin ang interview sa kanya sa isang news program.

Without batting an eyelash, sinabi ni Madam Auring na magkakahiwalay sa 2013 sina Dingdong Dantes… at Meriam Rivera.

Malabo na magkatotoo ang hula ni Madam Auring dahil Marian ang pangalan ng girlfriend ni Dingdong, hindi Meriam.

In Shock

Filed under: Features — CabsM0d at 12:01 am on Tuesday, December 11, 2012

Sold out ang tickets at all seats taken ang mga sinehan sa Gateway Mall at Ali Mall na nagtanghal ng laban nina Congressman Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez noong Linggo, December 9.

Humingi sa amin ng dispensa ang ticket seller dahil wala na siyang maibigay na upuan kaya napilitan kaming magpunta sa TriNoMa Cinema.

Luckily, may tatlong vacant seats sa Cinema 6 na punumpuno rin ng manonood.
*******

Mabilis na kumalat sa buong mundo ang balita tungkol sa resulta ng ika-apat na paghaharap nina Pacquiao at Marquez.

Natulala ang lahat ng tao sa Cinema 6 dahil hindi sila makapaniwala na napatulog ni Marquez ang Pambansang Kamao.

Nang makita namin na nahimasmasan si Pacquiao, lumabas na kami ng sinehan at nangako sa sarili na hindi panonoorin ang replays o mga television news tungkol sa laban nila ni Marquez na nakapagpalungkot sa amin. Iniwasan din namin na tingnan ang mga litrato niya na nakadapa siya sa boxing ring.

Katulad ng milyon-milyong mga Pilipino, naapektuhan kami sa nangyari kay Pacquiao.

Tanggap natin na may mga nananalo at natatalo sa lahat ng laban, maging sa pakikibaka sa buhay, pero para sa amin, hindi ‘yon ang paraan ng pagkatalo ng isang Pilipino na pinagkalooban ng title na Pound for Pound King at nagbigay ng mga karangalan sa ating bansa.

*******

Naging superhero si Pacquiao sa paningin ng milyon-milyong tao sa buong mundo dahil sa husay niya sa boxing kaya nahihirapan sila na tanggapin ang pagkatalo ng isang “superhero.”

Dahil sa kanyang superhero image, natulala ang buong bayan sa pagkatalo ni Pacquiao.

Pero maling-mali ito para sa aming pamangkin na nagkomento ng, “Sending an entire nation into shock,” referring to one guy knocked out cold and not the hundreds of dead/missing down south. “So. Many. Things. Wrong.”

Ang mga kababayan natin sa Mindanao na namatay dahil sa pananalanta ni typhoon Pablo ang tinutukoy ng aming pamangkin na environmentalist.

*******

Pinilit namin na kalimutan ang nangyari pero nang magsimba kami noong Linggo ng gabi, tungkol pa rin sa mga kaganapan sa Pacquiao-Marquez fight ang homily ng pari.

Iniwasan muna namin na basahin ang mga post sa Facebook at Twitter dahil tulad nang dati, naging boxing analysts ang lahat.

Umiral ang pagiging insensitive ng ilan sa ating mga kababayan dahil nagawa pa nila na paglaruan ang naging kapalaran ni Pacquiao.

*******

Babalik si Manny sa Pilipinas sa Miyerkules, December 12, para sa farewell episode ng kanyang game show sa GMA-7, ang Manny Many Prizes.

Si Manny ang humiling sa GMA-7 na magkaroon ng farewell show ang kanyang programa para mapasalamatan niya nang personal ang lahat ng mga tumangkilik sa Manny Many Prizes.

Live na mapapanood sa GMA-7 mula sa Mall of Asia ang farewell episode ng show. Isang public service program ang diumano’y next television project ni Manny sa Kapuso Network.

Abuso

Filed under: Opinion — CabsM0d at 3:31 pm on Wednesday, October 10, 2012

Nalaman namin na biktima ng hacking ang Twitter account ng www.pep.ph nang mag-check kami ng PEP Alerts kahapon, October 8, ng umaga.

Isang popular entertainment website ang www.pep.ph kaya hindi nakakagulat na maging biktima ito ng hacking.

Kung nagawa ng mga hacker na hindi pabor sa Cybercrime Preventive Law na i-hack ang mga government website, bakit hindi ang PEP.

Last week, inilabas namin sa Abante ang aming opinyon tungkol sa pagpapatupad ng gobyerno sa Cybercrime Preventive Law at gusto namign itong ibahagi sa mga PEPster.

Bayolente ang reaksiyon ng karamihan sa Netizens sa Cybercrime Preventive Law na nilagdaan ni President Noynoy Aquino at sinimulan na ipinatupad noong October 3.

Social media user din kami pero hindi kami nagpaapekto sa sentimiyento ng mga tao na bumabatikos sa Cybercrime Preventive Law dahil alam namin ang limitasyon ng paggamit sa social media. Hindi rin namin inaabuso ang gasgas na gasgas na paggamit sa freedom of speech.

Naiintindihan at iniintindi namin ang posisyon ng mga social media user na halos abot langit ang protesta laban sa Cybercrime Law pero hindi makatarungan na i-hack nila ang mga goverment website para ipakita at iparamdam ang kanilang galit at kapangyarihan.

Dahil sa kanilang ginawa, ang mga website hacker ang nagbigay ng rason sa pamahalaan para lalong ipatupad ang Cybercrime Preventive Law.

Gamit na gamit ng ibang tao ang salita na freedom of speech pero ang karamihan sa kanila ang umaabuso sa kalayaan sa pamamahayag. Maraming tao ang nasira ang kinabukasan at nagbuwis ng buhay dahil mga biktima sila ng iresponisble Netizens na ginamit ang social media sa paninira.

May kasalanan ang Netizens (hindi lahat) kaya isinilang ang Cybercrime Preventive Law. Kung hindi inabuso ang “freedom of speech,” hindi magkakaroon ng batas para maprotektahan ang karapatan ng mga inosenteng biktima ng iresponsableng paggamit ng social media. Kung responsible social media user tayo, walang dapat ikatakot sa Cybercrime Preventive Law ang sinuman sa atin.

*******

Isa sa mga natabunan ng kontrobersiya ng Cybercrime Preventive Law ang kaso ng pangongotong ni Quezon City Senior Police Officer 4 Jose dela Pena.

Natanggal sa trabaho si dela Pena dahil sa mga reklamo ng pangongotong at kabilang sa biktima niya ang anak ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Supt. Leonardo Espina.

Nangyari ang insidente noong nakaraang buwan sa Dona Hemady Street, New Manila, Quezon City. Nakaparada ang sasakyan ng anak ni General Espina sa nabanggit na kalye dahil may kausap siya sa cellphone.

Hinuli ni dela Pena at ng kasama nito ang anak ni General Espina na inakusahan nila ng pakikipag-phone sex sa loob ng sasakyan.

Hiningan nila ng 20,000 ang anak ni Espina para hindi ito masampahan ng kaso. Sinamahan nila ang biktima sa Metrobank para mag-withdraw sa ATM booth. Hindi nagtagumpay ang pangongotong ng dalawang pulis dahil tinawagan ng biktima ang kanyang ama.

Walang kinalaman sa showbiz ang mga karakter sa well-publicized case pero may similar incident na nangyari sa Morato area noong 2000 na kinasangkutan ng isang aktres.

Parehong-pareho ang modus operandi ng humuli sa aktres at sa lalake na kasama niya sa loob ng kanyang sasakyan na nakaparada sa Morato area.

Tinakot ng mga pulis ang aktres na malalaman ng media ang pag-aresto sa kanya, kapag hindi siya nagbigay ng P20,000.00.

Nang sabihin ng aktres na wala itong cash na dala, tinanong ng mga pulis kung may ATM card siya.

Nang sumagot ng “oo” ang aktres, sinamahan pa siya ng mga pulis sa ATM booth ng Metrobank sa Timog Avenue para mag-withdraw.

Bukod sa pangongotong sa aktres, nilait-lait ng mga pulis ang itsura ng lalake na kasama niya.

Hindi sigurado kung iisang tao si dela Pena at ang pulis na nanakot at nangotong sa aktres pero base sa kanilang modus operandi noong 2000 hanggang sa kasalukuyan, malinaw na matagal nang umiiral ang katiwalian sa hanay ng mga pulis na sumisira sa organisasyon ng Philippine National Police.

*******

Umani ng mga batikos at panglalait sa social media si dela Pena dahil sa mga kaso na kinasasangkutan niya.

Para sa mga sympathizer ni dela Pena, biktima ito ng cyberbullying pero hindi nila inisip na kung hindi niya inabuso ang kanyang tungkulin, hindi siya huhusgahan ng mga tao.

Next Page »